*Trystan's POV* Bukas na magaganap ang kasal. Kailangan na naming mag umpisang ayusin ang loob ng simbahan. Kasama ko ngayon ang mga tumutulong sa amin sa pag aayos. Isa na duon si Daisy. Tumulong na ako sa paglalagay ng mga babasagin na upuan sa malawak na magkabilang gilid ng ballroom.Tumulong na rin ako sa paglalagay ng mga dekorasyon sa upuan. Habang naglalagay ako ng mga pasabit na tela sa upuan ng mga guest, si Daisy naman ay busy sa pag aayos ng magaganda at makukulay na bulaklak. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang pagtulong niya sa akin nung gabing lasing na lasing ako. She's the least I expect to help me, especially in that kind of situation. Napansin ko na may napalibot sa kaniyang paa na isang tela. Nilapit