Chapter 6: Sober

2104 Words
*Trystan's POV* Habang papasok ako sa aking bar, napalingon ako sa flower shop ni Daisy. Sarado pa ito kaya pinag walang bahala ko na at pumasok na ako sa aking bar. Pumasok ako sa loob ng stock room to make sure na napapanatiling malinis ang lood nito. Malinis naman ang loob kaya lumabas din ako. I don't really need to do that dahil may pinagkatiwalaan ako na gumawa noon, but to make sure na ginagawa nila ang trabaho nila ng tama, hindi nawawala sa akin ang icheck ito kahit paminsan-minsan. Habang papalabas na ako ng bar ay biglang nag ring ang aking phone. 'My dude Bailey is calling' "What's up, dude? It's been long since we talked." "Hey, man! I'm glad you picked up. It has been a while, indeed. I've been meaning to catch up with you. How have you been?" pagtatanong nito sa akin, "Everything's doing great! The bar is on fire dude. Kelan mo ba balak makita yung tinayo kong bar dito sa Madrid? Sabi ko naman sayo, pumunta ka lang dito at sagot ko na ang lahat. Pati babae." pagbibiro kong ani sa kaniya, "Ayun na nga! I'm engaged and gusto sana namin magpakasal diyan sa Madrid and I want to rent your bar for our reception!" "Oh my god, dude! I'm really happy for you. Exciting naman na sa Madrid niyo balak gawin ang reception. Sure, I'd be honored to have your reception at my bar. Just let me know the details and I'll make sure everything is set for your special day. We'll make it an unforgettable celebration, bro." "Wala pang date e, I just want to let you know ng mas maaga para hindi ka naman mabigla." wika nito sa akin, "Anong hindi mabigla? Nabigla na nga ako na ikakasal ka na pala! Parang naalala ko pa dati uhugin ka pa. Ngayon may fiancee ka na!" pagbibiro ko sa kaniya, "Wag kang maingay, you're on speaker, binubuking mo naman ako sa fiancee ko." natatawa tawa niyang turan sa akin, "Hi to you, soon-to-be Mrs. Bracken. Anong pinakain sayo ni Bailey at pumayag kang maging fiancee niyan?" pagbibiro ko sa kanila, "What do you mean dude? Ako nga ang ginayuma niyan e," narinig ko ang paghampas ng kaniyang fiacee sa kaniya, "Siguro yung mga binibigay mong drinks sakin nung nagtatrabaho pa ako sa Le Miranda, nilalagyan mo siguro ng gayuma yun noh?" Pabirong turan ng fiancee ni Bailey na ikinatawa naman naming tatlo, "Oh sige na bro, late na rin dito e, pagusapan na lang natin sa susunod na araw yung mga details." Nagpaalam na kami sa isat isa at ibinaba na namin ang tawag. Tuluyan na akong lumabas ng bar at sumakay sa aking sasakyan. Sa sobra kong excite sa magaganap na reception sa aking bar ay agad akong nag hanap ng pwedeng mag organized ng party. Marami akong nahanap ngunit lahat sila ay nagtatanong ng date spagkat kailangan nilang malaman kung available pa ang araw na iyun. Hay naku! Wala pa nga daw na date. bakit ba ang kukulit n'yo! Sa sobrang badtrip ko ay itinigil ko na muna ang paghahanap. Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho ko at habang umaandar ako ay may isang babaeng tumawid. Buti ay napahinto ako bago ko siya tuluyang mabundol. "You almost f*cking hit me!" galit na turan ni Daisy sa driver ng sasakyan. "Bakit ka ba kasi tawid ka ng tawid ng hindi ka tumitingin sa magkabilang gilid mo? Hindi ka ba tinuruan ng tama ng mga magulang mo?" galit na sagot ko naman kay Daisy, "Ahh! Ikaw nanaman pala! Malas ka talaga sa buhay ko e! Alam mo bang dahil sa pangungulit mo kagabi at sa sobrang pagkainis ko sayo kahapon, bininat ako? Bwisit!" Patuloy nang naglakad si Daisy patawid sa kabilang kalsada at pinagsawalang bahala na lamang ang nangyari sa sobrang pagkainis nito. "Ikaw pa talaga ang may ganang magalit. Eh ikaw tong tatanga-tangang tawid ng tawid. Ano bang akala mo dito? Pagmamay-ari mo yung daan?" Pinaandar ko na ang aking sasakyan sa sobrang inis. Siya pa talaga ang may ganang magalit ah! Hay naku! Buti na lang talaga at babae ka. At anong sinasabi niya na pangungulit ko sa kaniya kagabi? Wait lang! Iginilid ko ang aking sasakyan at kinuha ang aking phone. Ano bang sinasabi nang babaeng yun? Wala naman akong nakitang kahit anong text o tawag sa kaniya. Hindi pa ako nakakalayo kung saan ko siya muntik mabangga. Tinignan ko siya sa pamamagitan ng pagtingin ko sa sideview mirror. Naglalakad ito patungo sa isang drug store. Kaya pala sarado ang kaniyang shop sapagkat may sakit siya. Muli ko ng pinaandar ang makina ng aking sasakyan at nagdungo sa restaurant ng aking business partner na si Adrian upang ipaalam sa kaniya ang magaganap na reception sa akin bar. Gusto ko sana na siya ang mag handle ng mga pagkain na nanaisin ng aking kaibigan na si Bailey. Nang makarating ako sa restaurant ni Adrian, napansin ko na may kasama itong babae kaya naman ay hindi ko na siya nilapitan at hinayaan na lang muna. Wala pa namang details about sa reception kaya ayos lang na hindi ko muna maipaalam agad kay Adrian at mamayang hapon ko na lamang siya babalikan. Makaraan ang maraming oras ay bumalik akong muli sa restaurant ni Adrian ngunit wala na ito duon. "Is your boss around?" pagtatanong ko sa isang lalaking nagtatrabaho duon, "I'm sorry sir, but our boss isn't here," sagot naman nito sa akin. God dangit! Inis akong bumalik sa aking sasakyan. *Daisy's POV* Sa sobrang buryo ko sa loob ng aking apartment, napag-desisyunan ko na bisitahin ang aking shop. Sumakay ako sa aking sasakyan at nagmaneho papuntang shop. Nang mabuksan ko ito ay agad din akong pumasok. Inilagay ko ang placard na may nakasulat na 'closed' at isinabit ito sa pinto ng aking tienda. Kumuha ako ng tubig at ininom ang gamot na aking binili. Umupo ako sa upuan na nakapwesto sa likod ng aking front desk. Kumuha ako ng isang Daisy flower na nakalagay sa aking vase na nakapatong sa maliit na lamesa na nasa aking gilid. Tinitigan ko ito habang pinapaikot sa aking mga daliri at mayamaya ay sinimulan ko ng pumitas dito. 'Reminiscing' "Anak, may sakit ka!" ani ng aking ina ng mahipo niya ang aking noo, "Hon! Can you give me a bucket with cold water and a face towel." sigaw ng aking ina sa aking ama. "Anak! Huwag ka munang pumasok ngayon ah! Baka lalo kang magkasakit. Hayaan mo at tatawagan ko na lamang ang iyong guro para ipaalam sa kaniya na may sakit ka." ani nito sa akin. Mayamaya ay dumating na si papa na may dalang maliit na batya na may lamang malamig na tubig at bimpo. Iniabot ni papa kay mama ang bitbit nito pagkatapos ay umupo ito sa aking gilid. "How are you feeling, mi amore!"pagtatanong sa akin ni papa habang hawak hawak ang aking kamay. "Estoy bien papá. Solo me siento un poco mareado." (I'm okay dad. Just feeling a little dizzy.) sagot ko naman sa kaniya. "That's good to know! Stay here for a bit! I'll cook your favorite food." Umalis na si papa at dumiretso na sa kusina upang magluto, "Anak, kukuha lang ako ng gamot mo para makainom ka na at mapawi kahit papano ang sakit mo." "Sige po mama, salamat po." Hinawakan nito ng panandalian ang aking kamay at umalis din ng dala-dala ang planggana na may lamang tubig. Nakatulog ako sa sama ng aking pakiramdam at nagising ako sa pag gising sa akin nila mama na may daladala nang pagkain at gamot. "Go eat, mi amore. You'll need this to gain your strength back." ani sa akin ni papa habang ibinababa ang pagkain sa aking side table. Habang si mama naman ay tinutulungan akong bumangon. "Gracias mamá, gracias papá." Nagsimula na akong kumain at nang matapos kong kainin ang masarap na niluto ng aking papa ay ininom ko na rin ang gamot na dinala naman sa akin ng aking mama. 'end of reminiscing' Hindi ko maiwasan ang maiyak sa tuwing naaalala ko ang mga araw na buo pa ang aming pamilya. Namimiss ko na ang pag-aaruga sa akin nila mama at papa sa tuwing ako ay nagkakasakit. Sobra ang lungkot na nararamdaman ko ngayon at tila ba ay hindi ko mapigilan ang aking pag iyak. Sobrang namimiss ko na si papa. Bakit kailangan mong lumisan ng maaga? Bakit mo kami iniwan? Sobra akong nangungulila sa pagmamahal mo papa. Lalo ngayon na tila ba kinalimutan na tayo ni mama. Simula ng bumalik kami dito sa Madrid at nang makahanap si mama ng bago niyang makakasama ay tila ba kinalimutan na rin niya ako. Ngayong may sakit ako, wala man lang akong malapitan. Sa mga araw na sobrang lungkot ko, wala akong ibang masabihan ng nararamdaman ko. Mahal na mahal kita papa. Kinalimutan ka man ni mama, pinapangako ko sayo na hinding hindi ako gagaya sa kaniya. Hinding hindi kita makakalimutan. I miss you papa. Sa sobrang pag iyak ko, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako ng madaling araw na. Pinulot ko ang nalaglag kong daisy flower at ibinalik sa vase. Malamang at hinahanap na ako ni Adrian. Nasabi niya nga pala sa akin na bibisitahin niya ako. Tumayo na ako at lumabas ng aking shop. Ikinandado ko na ito at ng sasakay na sana ako sa aking sasakyan ay biglang may tumawag sa akin. "Daisy, hold on!" Tumayo sa pagkakahiga si Adrian sa bench na kinahihigaan niya. "Hala! Anong ginagawa mo diyan. Jusko po!" Tinulungan ko siyang tumayo. Nanginginig siya sa sobrang lamig. "How long have you been here?" pagtatanong ko sa kaniya, "Don't worry about that! Why are you here? Aren't you supposed to be resting? You should be at your apartment." Ang dami namang tanong nito e. Ipinasok ko siya sa aking sasakyan at binuksan ang heater. "You're hot!" May sasakyan naman kasi pero sa labas pa nag stay. Nakakaloka naman 'tong kaibigan ko na 'to! Sinabayan pa talaga ako. Dinala ko na muna si Adrian sa kaniyang bahay. Sigurado ako na may mga gamot siya duon. Inihiga ko siya sa kaniyang kama at pinainom ng gamot. Pinunasan ko na rin ang kaniyang katawan gamit ang basang bimpo. Nang makatulog na siya ay umalis na rin ako upang bumalik sa aking apartment. Habang nagmamaneho ako, may nakita akong isang pamilyar na lalaki sa gitna ng daan. Nakahandusay ito sa kalsada kaya hinintuan ko ito. "Ano bang ginagawa mo sa gitna ng daan?" Pagtatanong ko kay Trystan na tila ba ay nakatulog na sa sobrang kalasingan. Jusko anong gagawin ko sayo? Nakakaloka naman ang gabing 'to! Una si Adrian ngayon naman si Trystan. Napapakamot na lang ako sa ulo ko. Sumakay na ako ng sasakyan ko at pinaandar ang sasakyan. Tumingin ako sa side-view mirror ng aking sasakyan. Nakahandusay pa rin si Trystan sa gitna ng daan. Napilitan akong mag preno at iatras ang sasakyan. Bumaba ako at inakay si Trystan papasok sa aking sasakyan. Jusko! Saan naman kita dadalhin? Ni hindi ko nga alam kung saan yung bahay mo e. "Alam ko na kung saan kita dadalhin!" ani ko habang nagmamaneho. "Please don't. Take me anywhere just not at the bar!" mahina nitong turan habang nakasandal sa upuan ng aking sasakyan. "E saan kita dadalhin?" pagtatanong ko sa kaniya, "Anywhere but the bar! Please, Daisy!" ani nito sa akin. Hay naku naman talaga! Dapat iniwan na lang kita sa gitna ng daan e. Ngayon namomroblema pa ako kung saan kita dadalhin. Huminto ako sa tapat ng aking apartment. Jusko lord, help me! Wala na talaga akong choice. It's either iiwanan ko ulit siya sa labas or isasama ko siya sa loob ng apartment ko. Inalalayan ko siya papasok ng aking apartment at inihiga ko siya sa aking sopa. Binuhay ko ang ilaw at dumiretso agad ako sa kusina upang kumuha ng container at nilagyan ito ng tubig. Kumuha na rin ako ng bimpo upang maipampunas sa kaniya. "Pupunasan muna kita ah!" Nang makalapit ako sa kaniya, duon ko nakita ang isang malaking pasa sa gilid ng kaniyang labi. Hindi ko napansin kanina yung pasa niya dahil madilim sa labas. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Kaya siguro ayaw niyang pumunta sa bar dahil napaaway siya dun!? Well I don't really care! Pinunasan ko lang siya ng mabilisan at dumiretso na ako sa kwarto upang matulog. "Bibinatin pa ako sa inyong dalawa ni Adrian e." Nagising ako sa isang mabangong amoy. Nakakagutom naman. Tinanggal ko ang kumot ko at laking gulat ko ng naka underwear lang ako. Mabilis kong ibinalik ang kumot sa aking katawan. WHAT THE HELL? What happened?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD