Ang Care Giver ;p

1075 Words
“Miss Ace, may bisita po kayo.” Tatlong mahihinang katok pa ang narinig ni Ace na kasunod noon. Hindi niya sana papansinin ang pagtawag kanina ni Rowena kung hindi nga lang siya nabibingi sa paulit–ulit na boses nito. Pinatitindi rin ng pagkatok nito ang pagpintig ng kirot sa ulo niya.  Madaling araw pa niya naramdaman ang init sa katawan niya habang lamig na lamig naman ang pakiramdam niya. Pinatay na niya ang aircon sa kwarto niya ngunit hindi pa rin naibsan nito ang pagkaginaw niya. Nagbalungot na rin siya ng kumot ngunit hindi din iyon nakasapat. Aware siya na may lagnat siya ngunit hindi siya makatayo para makakuha man lang ng gamot na maiinom. Nahihilo siya sa pagtayo at bukod doon, sobrang sakit ng ulo niya na hindi na siya pinatulog. No one knows na may sakit siya. Wala naman kasing may pakialam mamatay man siya sa loob ng kwarto niya. Simula pagkabata, nasanay na siyang ‘pagalingin’ ang sarili at huwag umasa sa iba. Hindi niya gusto na mayroong tao ang kinaawaan siya o itinuturing siyang mahina. She doesn’t like the idea that someone will see her in her worst state.  “Miss Ace…” Sunod-sunod na ang naging pagkatok. Kung hindi ba naman walang utak itong si Rowena, alam naman nito siguro na kaya hindi siya sumasagot ay dahil wala siya sa mood para tumanggap ng bisita. And speaking of bisita, sino naman ang sira ulong dadalaw sa kanya? Ni wala nga siyang matatawag na kaibigan eh. Ang lakas naman ng loob ng kung sino mang iyon at nagawa pa siyang bisitahin sa bahay. She gathered all her strength to speak up. Hindi na kasi tumitigil ng pagkatok. “Sabihin mo, wala ako dito!” Nagulat siya nang bigla na lang bumukas ang pinto sa kwarto niya. “Sir, bawal po diyan…” boses iyon ni Rowena ngunit hindi ito pinakinggan ni kung sino man at tuloy-tuloy itong pumasok sa kwarto niya. It was Miguel. Napilitan tuloy siyang umupo at sumandal sa head board ng kanyang kama. She checked her alarm clock in her bedside table. Ten o’clock na pala. “Sorry, but I won’t buy that kind of alibi.” Natigilan ito nang makita siya. Nag-alala tuloy siya kung ano ngayon ang itsura niya. Mukha na ba siyang monster na hindi nagsusuklay? Pasimple tuloy na inayos niya ang magulong buhok. “Sorry po, Miss Ace.” Nakatungo na si Rowena nang sumunod kay Miguel, takot na mabulyawan niya. “Sir…” “Sige na, Rowena. Iwan mo na kami.” Tumitig ito sa kanya na halatang nagulat sa kanya. Then, she  nodded and closed the door as she went out. Saka lang niya naalala ang dahilan ng pagdalaw nito sa kanya. Nakalimutan niya ang ipinangako na ibabalik ngayon din ang sulat nito. He had probably called in her office at nang marahil hindi siya natagpuan doon, inisip siguro nito na pinagtataguan niya ito. Fine! Even if she felt sad thinking that the one thing that will be an excuse to call him will be gone, ibibigay na niya rito ang pinakaasam nitong mapasakamay. Ito na rin kaya ang huling pagkikikita nila? She suddenly felt sad and hoped that it is not.  “Kunin mo na lang doon sa second drawer. Then you can go out.” She pointed at her cabinet. “Are you alright?” Sa halip na sa cabinet ito nagtungo ay lumapit ito sa kanya.  Hinarangan niya ang kamay nito nang ilapit nito iyon sa kanya para salatin ang kanyang noo. Walang kahirap hirap naman na ginapos nito ang dalawang kamay niya sa isang kamay at idinampi ang isa sa kanyang noo. Nanghihina na siya kaya hindi na nanlaban pa. “My, you have a high fever.”  “Oo na. Now get your damn letters and get out!” “Nakainom ka na ba ng gamot?” Napatitig siya dito. It’s the first time that someone had asked her a question like that. A question that felt like he was concern. A question that warmed her heart that she wanted to cry. She closed her eyes and silently did. Nakakahiya man umiyak ng oras na iyon pero hindi niya mapigilan. How long had she longed for someone who truly care for her? Someone who would make her feel like she belongs to a family? Someone who’ll be there and will make her feel that sometimes it’s okay or even fun to be sick? Someone who would take care of her. Sa mga nobela niya lang iyon nababasa at ngayong naramdaman niya iyon, masarap pala. She felt a finger wiping her tears. She prayed that when she opens her eyes, he would still be there. She hoped that it’s not a dream. Wished that there really is someone who was corcerned and cares for her. She slowly opens her eyes. Her prayers were answered. He is still there, looking at her. Medyo  natataranta na nga. She smiled at him. He sighed and felt quite relieved. “Are you okay? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” Umiling siya. Lagnat lang naman iyon. Hindi pa naman siguro siya mamamatay. “Then, tell me where your medicine cabinet is” Itinuro niya ang pinto sa bathroom niya. Nagtungo ito roon. Mayamaya lang ay bumalik ito sa kwarto, kumuha ng tubig mula sa personal refrigerator niya saka siya pinainom ng gamot. “Matulog ka na muna ulit.” Tinulungan siya nitong makahiga sa kama pagkatapos ay nilagyan siya nito ng cold compress sa noo. “Bakit kasi hindi ka muna nagbihis bago tayo bumalik dito. ‘Yan sigurado ang dahilan kaya ka nilalagnat ngayon.” And he’s right. Nang dumating nga sila kanina rin na madaling araw ay medyo nilalamig na siya. Natuyo na ang basang damit sa katawan niya at iyon na nga marahil ang dahilan ng pagkakasakit niya. “Close your eyes now and try to sleep.” Utos nito sa kanya. Though she doesn’t want to close her eyes right now in fear that this was all a dream, hindi niya alam kung bakit napasunod siya nito. Maybe it was the effect of the d**g she just took o siguro dahil sa boses nito na nakakapag-anyaya. Because hearing him say that words sounded to her that he will protect her from anything now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD