Thank You Gift

1623 Words
“SO... WHAT brings you here?” Simangot ang naging sagot ni Ace sa tanong na iyon ni Miguel. Sinugod niya ito ngayon sa opisina nito para personal na magpasalamat ngunit ganito pa ang naging bungad nito?  Nakakainis! Kung hindi lang ako may utang sa iyo! Naku! Grrr…  Looking at how she reacts, he smiled. And that completely erased her bad mood. He looked dashing in his business suit as always that she had conclude he’s more handsome than his greatest crush, Ryan Reynolds. Nakakamesmerize kasi ang kagwapuhan nito. “I brought you a thank you gift for yesterday.” Iniabot niya dito ang isang nakabalot na regalo. Necktie ang laman noon na binili niya sa isang boutique on the way to see him. Hindi niya naman kasi alam kung ano ba ang magugustuhan nito. Mula sa bag ay kinuha niya ang sulat na matagal nang naging bahagi ng kwarto niya kung saan nakatago iyon. It was still sealed. Iniabot niya rin ito dito. “I’m still keeping my promise. Pasensiya na kung hindi ko naibigay kahapon.” “Although I appreciate your efforts of bringing it to me, this was not the gift that I’m expecting of you.” Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging pagtrato nito sa kanya after nung nangyari kahapon. She thought that after taking good care of her while she was sick will count as they were already friends. Nagpadala pa nga ito noong umaga sa bahay nila ng basket of fruits with ‘get well soon’ note kaya hindi niya inaasahan na ganito ang matitikman niya ngayon. At ano bang inaasahan nito na maging kapalit ng pagtulong nito sa kanya? Ready na siyang sagutin din ito ng pabalang nang itaas nito ang kamay para patahimikin siya. “Hindi naman siguro masama na maghangad ako ng free lunch, hindi ba?” he again flashed his gorgeous smile. It’s a mystery how his smile affects the beating of her heart. Para bang may kaugnayan ang labi nito sa dibdib niya. Napatitig tuloy siya sa labi nitong mapupula. Sa tingin niya, napakasarap noong kagatin na para bang matamis na mansanas. Masarap din sigurong halikan ito. “Is it too much for me to ask that?” untag nito sa kanya na siyang nakapagpagising sa kanya.  “A-ah, okay. Lunch. Right.” Ngunit hindi naman niya naintindihan ang kanyang pinagsasasabi. “So… Shall we go?” Tumayo na ito at nagpatiuna na sa pinto. Sumunod naman siya dito habang unti-unting nagsisink in sa kanya ang sinabi nito. Binulabog kasi ng mga labi nito ang pag-iisip niya. Sa katapat lang ng building na restaurant sila humantong. Kokonti lang ang taong nadoon kaya madali lang silang nakahanap ng puwesto. “Nakakapagtaka.” Simula nito nang makaalis ang waiter na kumuha ng order nila. Napatingin siya dito. Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi nito. “Andito ka para magpasalamat. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong naririnig.” This man! Hindi pa ba sapat na binigyan ko siya ng thank you gift? Kainis ha? “Well?”  Sige, panalo ka na naman. “Salamat.” Mas ngumiti na ito ng maluwang. “Yan. Hindi ka naman pala mahirap turuan eh.” She crinkled her nose and he chuckled. “You’re cuter when you do that.” Hearing that compliment, nag-init ang mukha niya. “And even cuter when you blush.” Niloloko ba siya nito? Pinaglalaruan? Kung ano man ang ginagawa nito, mukhang nagtatagumpay ito because she was affected in every words that he says. Buti na lang at dumating na ang waiter para i-serve ang inorder nilang drinks. Saglit itong natahimik. “Alam mo,” simula niya nang makaalis ang waiter. Hindi niya kasi maatim na hindi siya ang last na nagsalita. “thank you and sorry were my least favorite words. Hindi rin ako showy na tao. Kaya naman, I’m telling you, although hindi masyadong halata, I am really grateful for all you did.” And she was telling the truth. Abot langit siguro ang dapat niyang ipagpasalamat dito. First of all, sumama ito sa Quezon kahit wala si Alex na naging reason para hindi siya mapahiya. Secondly, ito lang ang kind enough na tumulong sa kanya laban sa tatlong monster na nakalaban niya. Thirdly, though sa kanyang isip lang iyon at hindi niya alam kung ganoon nga ba ang meaning noon kay Miguel, he gave her strength and courage to deal with those two-faced bitches in their company. At ang pang-apat nga ay ang pag-aalaga nito sa kanya habang may sakit siya.  “Yeah, I’ve realized that.” “Can we just forget the past and start all over again?” “That’s more like it.” Ngumiti ito at inilahad ang kamay sa harapan niya. “Miguel Salcedo. Let’s be friends from now on” Friends? Sige, okay na rin iyon. “Alexis Grace Martinez. It was nice meeting you.” Tinanggap niya ang kamay nito ngunit agad ding binitiwan dahil para siyang kinuryente nang mahawakan ang kamay nito. “If you don’t mind, I just want to ask something. But it’s alright if you don’t want to answer.” “Ano naman iyon?” “If it isn’t for money, why are you pushing Alex away? Hindi ba magpinsan naman kayo?” Nakatutok lang sa mukha niya ang mga mata ni Miguel. Maybe he really cares about Alex and  just want to protect her. She sipped the juice she ordered before answering. Hindi na siya tumingin dito at ibinaling na lang ang tingin sa hawak na baso. “Hindi mo pa ba nafigure out?” Napangiti siya ng mapakla. “Hindi ba nakikinig ka sa usapan ng mga katulong namin sa kusina.” Natigilan ito. Marahil nag-isip muna bago sumagot. “I’m sorry. I wasn’t evesdropping on purpose. Pero wala naman akong naintindihan sa sinasabi nila.” “I’m not a real Martinez.” Hindi niya alam kung bakit madali niyang nasabi ito doon. Siguro dahil sinabi nito kanina na magkaibigan na sila ngayon. She haven’t got one kaya nga siguro nang makahanap ng makikinig sa kanya, nakapag-open up na agad siya dito. “N-not? Pero… Er… Wala naman akong nababalitang ganoon ah.” Halatang nalito ito sa sinabi niya. Totoo nga sigurong hindi nito naintindihan ang tsismisan sa kusina.  “Just because hindi inilalabas ni Lolo ang baho ng pamilya,” she paused. Pinag-isipan niya kung itutuloy ba ang sinasabi. But looking at his face while looking at her attentively, she had no reason not to. It felt as though everything is okay.  “Anak ako ni Mama sa ibang lalaki. At kaya inatake sa puso si Papa Drei ay dahil nalaman niya iyon.” Pinigil niya ang namumuong luha sa mata. Masakit din pala na aminin iyon sa sarili niya. Pero at the same time, masarap sa pakiramdam na naihinga na niya iyon. Para bang may nabunot na tinik sa puso niya. “Pero… Kung ganoon, bakit sa mga Martinez ka pa rin nakatira?” “Hindi ka ba nakikinig? Mapapahiya ang buong angkan ng Martinez kapag pinalayas nila ako.” She was making sure na matatag ang boses niya. Hindi na siya magpapakitang umiiyak sa harap nito. She had to be strong. She needs to be strong. “Si Don Alejandro ba ang nagsabi ng mga ‘yon?”  “Hindi.” Tipid niyang sagot pero nanatiling nakatingin ito sa kanya, naghihintay na ituloy niya ang kwento. Napilitan na rin niyang sabihin. “Narinig ko ‘yong pinagkwekwentuhan ng mga katulong a year nang sumulpot si Alex sa bahay. Lahat din ng bagong pasok na katulong, kwinekwentuhan nila ng istorya ng buhay ko.” “So, did you do a DNA test?” “Bakit pa? Para may makita silang proof na hindi nga ako Martinez? No way! Ayaw nila ng eskandalo kaya magtiis sila!” Tumahimik na naman ito. Nakahalumbaba na pinagmamasdan siya kaya naman nailang siya and at the same time, nagparamdam na naman ang mga daga sa dibdib niya. “Have you seen the movie of Jackie Chan? Yung spy next door?” Jackie Chan? Buhay niya ang pinag-uusapan, napapunta ngayon sa movies? Ito ba ang way nito para ilihis na ang usapan nila na malapit nang maging awkward? What a weird person! Umiling siya. Hindi pa naman talaga niya iyon napapanood dahil hindi siya mahilig sa mga kung fu-kungfu. “Alam mo ba na sinabi niya doon: Family is not about whose blood do you carry. It’s about who you loves and loves you. Sa tingin ko, tama siya doon.” Tumawa siya ng pagak. Tumingin ulit ito sa kanya. “What? Do you think I love them? You gotta be kidding me.” “Looking back kung paano mo ipinagtanggol si Alex doon sa Quezon, I know you do love her.” Siya ngayon ang natigilan. Tama nga ba ito? Mahal din ba talaga niya si Alex? Pero, hindi! She hates her. She hates everything about her.  “Hindi ko siya pinagtanggol,” kaila pa rin niya. “Wala lang akong magawa and I just wanted a fight.” “Sige. Sabi mo eh.” Patay malisyang sabi nito. But she doubted that he believes her. “Can we just drop this topic. I don’t want to talk about it anymore.”  “Okay.”  Dumating na ulit ang waiter na nagsilbi ng inorder nila. She swore she wouldn’t let this conversation happen between them again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD