Ace's Downfall

1722 Words
KATATAPOS lang ng hapunan sa bahay ampunan. Tapos na rin lahat ng programa na ginawa para  sa mga bata kaya naman ngayon ay meron na silang libreng oras para gawin ang gusto nilang gawin.  Hindi alam ni Ace kung anong meron sa mga pagkain na inihayin sa kanila at kung bakit ang dami niyang nakain samantalang mga simpleng gulay lang naman ang ulam nila. Kailangan tuloy niyang maglakad-lakad para naman mabawasan ng konti ng calories na nadagdag sa kanya. Kailangan tunawin muna ng tiyan niya ang mga kinain niya bago siya matulog mamaya. It was also a big surprise to her that she enjoyed this trip. She enjoyed watching the kids smile and laugh. Their smile were genuine. Kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito. Malayo ito sa mga ngiti ng mga taong nakakahalubilo niya. Kaya nga ipinangako niya sa sarili na hindi iyon ang huling araw na pupunta siya sa bahay ampunan na iyon. Kasalukuyang nagkakasayahan ang lahat ng empleyado sa harap ng bonfire na ginawa ng mga ito. Hindi siya nakikisaya sa mga ito dahil wala rin naman siyang makakajamming doon. Wala naman kasi siyang kaclose doon. Isa pa naaasar siya sa mga lukaret na mga empleyado nila na halata namang nang-aakit sa mga kasamahang kalalakihan. Hindi na nangahiya ang mga ito samantalang ang ilan sa mga ito ay may mga asawa na at anak. Hindi niya alam kung bakit pati kay Miguel ay naaasar siya dahil lang sa ang karamihan ng mga kasama ay nang-aakit dito. At pinangungunahan pa iyon ni Ms Mendez. Siguro dahil feel na feel lang ng lalaki na masyado itong gwapo sa dami ng babaeng nakapila para mapansin nito kaya siya naiinis. Ngayon siya nakaramdam ng pagsisi sa pagsama niya dito. Nababahala din siya sa isipin na baka may patulan si Miguel na isa sa mga iyon. Lahat ng plano niya ay mauuwi lang sa wala kung mangyayari ang kinatatakutan niya. Hindi siya makapag-isip ng matino kung ano ang nararapat niyang gawin kaya naman mas gusto niya ang hindi makita ang mga ito. Mas makakapagplano siya habang naglalakad ng mag-isa. “Bakit kaya wala si Alex Martinez, ano? Sayang at hindi natin siya nakita.” Nakarating na siya sa may likod ng bahay ampunan nang marinig iyon. Palihim siyang lumapit sa pinanggalingan ng tinig at nakita niya ang tatlong babae na naghuhugas ng pinggan sa may poso. Tatlo ring malalaking batiya na hugasan ang nasa harapan ng mga ito. Nakilala niya ang mga ito na mga helper doon.  “Bakit naman gugustuhin mo pang makiya ang isang iyon?” Hindi nagustuhan ni Ace ang tono ng pagsasalita ng babaeng iyon pero ang puso niya ay nagpupunyagi. “Siguro, sa tanang buhay mo, wala ka pang nakitang artista, ano?” Tumawa ito at ang isa pang kasamahan. “Wala lang. Titingnan ko lang kung totoo na hindi naman maganda si Alex, maputi lang. Kapag ibinabad sa toyo, pwede na siyang gumanap na aswang sa Shake Rattle and Roll.” Napataas ang kilay niya. Hindi niya alam kung matatawa siya o papalakpakan ang mga ito sa komentong iyon. Hindi yata’t may mahihikayat siyang sumali sa bubuuin pa niyang Anti Fan Club ni Alex. But a tiny part inside her finds their words disturbing. “Feeling ko, siya yung nasa blind item minsan, yung ‘bad breath’. Baka nga, pati paa noon, may amoy rin.” Nagtawanan ang mga ito na lalo pang nagpataas sa kilay niya. “Kaya naman hindi siya bagay kay Derick natin!” “Korek ka diyan, sis.” Nag-apiran pa ang mga ito. “At alam ba ninyo, nabasa ko sa diyaryo na napipilitan lang naman si Derick na gawin yung commercial kasama siya. Alam niyo naman na apo siya ng may-ari nung alahasan.” “Naku, sana lang huwag niyang gagayumahin si Papa Derick gaya ng ginagawa niya sa iba.” Hindi niya maiwasang mainis sa mga ito. Alex won’t do such stupid things as ‘gayuma’. At parang below the belt na yata ang mga pinagsasasabi ng mga ito ah! Kahit tuloy kay Derick na isang kilalang artista ay naasar siya dahil sa mga mababaw nitong mga fans. She noted in her mind na irequest sa lolo niya na iyon na ang last commercial ni Derick with their products. “Oo nga. Magwewelga talaga ako kung siya ang magugustuhan ni Papa Derick. Ni wala ngang isang salita ang Alex na iyon. Ang sabi niya, pupunta siya dito, drawing lang naman pala siya.” “Sus, nagpapaimportante lang iyon. Sikat nga naman siya eh.” “Bakit? Feeling ninyo naman, pagkagaganda ninyo?” hindi na niya napigilang magsalita. Wala ang mga itong karapatan na pagsalitaan ng masama ang pinsan niya. Ni hindi ng mga ito kilala si Alex para i-judge ito. Siya lang ang may karapatan na mang-api dito. Nabaling  ang pansin ng mga ito sa kanya. Nagsitayuan ang mga ito at sinamaan siya ng tingin ngunit hindi siya natakot. Nakipagsamaan siya ng tingin sa mga ito at itinuloy ang pagpapangaral sa mga ito.  “Tumingin na ba kayo sa salamin, lately? O baka naman bawal ang mga salamin sa bahay ninyo?” “Sino ka ba? Ang yabang mo a!” “Wala ka nang pakialam kung sino ako!” Tuluyan na siyang nakalapit sa mga ito.  Ang kakapal din naman ng mukha ng mga ito. Ang kompanya pa naman nila ang major supporter ng bahay ampunan na iyon tapos ganito pa ang pinakitang gratitude sa kanila. Ano kayang masasabi ng lolo niya kapag narinig nito ang sinabi ng mga ito? “Matapang ka Miss a! Wala naman dito ngayon ang amo mo kaya di ka kailangang sumipsip. At saka, talaga naming hindi bagay si Alex kay Papa Derick na tall, dark and handsome! Itanong mo pa kahit kanino.” Umabot na nga siguro sa ulo ang dugo niya at nagsisikip na ang dibdib niya sa sobrang galit. “Talagang hindi sila bagay! Ang Derick na iyon ang mukhang aswang at halimaw sa banga! Tutong na nga, bakla pa! Mga bobo lang ang –“ Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil isang batyang tubig na may sabon ang sumalubong sa kanya. Humapdi agad ang mga mata niya kaya hindi niya iyon maimulat. Gumanti siya at pinaghahampas ang mga ito ngunit dahil nakapikit, wala naman siyang natamaan. Hindi pa doon natapos ang kalbaryo niya. Hinawakan siya ng mga ito at hinila bago inilublob ang ulo niya sa batyang puno ng tubig na mabuti na lang, this time, wala ng sabon. Paulit-ulit ang ginawa ng mga ito na paglublob. Ito na yata ang katapusan niya. “What the hell are you doing?!” Narinig niya ang pagsigaw mula sa kung saan ng isang boses na pamilyar na sa kanya. Agad siyang binitiwan ng mga ito. Sa boses pa lang kasi, nakakatakot na ang galit na nakaloob doon. Basang-basa na ang buo niyang katawan. Uubo-ubo niyang niyakap ang sarili sa putikan. Pinunasan niya ng kamay ang mukha para mapalis ang ilang buhok niya na nakatabing na sa mukha niya. Nakita niya si Miguel na papalapit na sa gawi niya. Hindi nga siya nagkamali na ito ang may ari ng boses na iyon. Nagmamadali siyang tumayo at iniwasan ang kamay nito nang tangkain nitong alalayan siya. Nagdiretso siya sa pinanggalinggan niya kanina. Ngunit pagkarating malapit sa may bonfire ay naririnig niyang nagtatawanan ang mga kasamahan. “Kung nakita sana ninyo ang itsura habang inilulublob siya, nakakatawa.” Si Ms Mendez ang nagiging bangka sa usapang iyon. Nagtawanan ang lahat. “Nawala ang poise niya bigla. Hay naku, mabuti nga sa kanya. Sama pa kasi e! Pampasira lang naman siya sa lakad natin.” Napaurong siya bigla. Alam niya na pinagsasalitaan talaga siya sa likod niya ng mga ito pero hindi niya gustong makarinig ng ganoon ngayon. Napakadown na nga ng feeling niya ngayon, dinagdagan pa ng mga ito. Naghalakhakan uli ang mga ito. Handa na siyang mag-about face at palihim na umalis na lang doon nang marinig ang malakas na pagtikhim ni Miguel mula sa kanyang likuran. Hinarap niya ito para tingnan ng masama pero tinanguan lang siya nito na sa palagay niya, ipinararating nito na kaya niya iyon.  Hinarap niya ulit ang mga empleyado. Natahimik ang mga ito simula nang marinig ang tikhim ni Miguel. “And to totally ruin this vacation of yours, lahat ng hindi sasakay sa bus ngayon, maiiwan.” Tinungo na niya ang direksiyon ng bus. Sumunod na rin si Miguel sa kanya. She wanted to thank him pero paano na lang kung iba pala ang ipinahihiwatig nito sa pagtango nito. Hay! Bahala na! Natatawa pa siya nang marinig niyang magpulasan na rin ang mga tao roon nang makalampas siya.  Hindi na siya nag-abalang kunin pa ang kanyang bag na nasa loob na ng kwartong tutuluyan niya. Kahit ang iba pang mga kasamahan ay hindi na rin nakuha ang kani-kanilang mga gamit. Alam naman kasi ng mga ito na tototohanin niya ang kanyang banta kapag hindi siya sinunod ng mga ito. Walang nagsasalita ni isa man hanggang sa makarating sila sa bus. Sa likuran siya pumuwesto at tumabi sa kanya si Miguel. Medyo giniginaw na siya pero hindi na siya bumalik pa sa kwarto para magpalit ng damit. Magpapanggap na lang sana siyang hindi narinig kanina ang pinag-uusapan ng mga ito kung wala lang si Miguel na nakakita sa kanya. Bakit ba kasi, isinama pa niya doon si Miguel? In the first place pala, si Alex ang dahilan kung bakit andoon si Miguel. Si Alex talaga ang pahirap sa buhay niya. Napapitlag siya nang may maramdamang kung ano sa balikat niya. Nagbigay ng kaunting init ang jacket na ipinatong sa kanya ni Miguel.Tiningnan niya ito para magtanong at ibalik sana dito ang jacket ngunit sa unahan na ito ng saskyan nakatingin. Ilang saglit pa ay nagsimula na ring umandar ang bus. Wala pa rin ni isang nagsasalita sa kanila. Kahit may jacket, ginaw na ginaw na siya ngayon. Nanunuot ang lamig ng aircon sa katawan niya na mas lalo pang lumamig dahil sa basa niyang suot. Sinadya pa yata ng lokong driver na lakasan ang aircon.  Gusto man niyang kastiguhin ang driver, ayaw naman niyang magsalita sa ngayon. Hindi niya gustong may makausap kahit sino man. Mabuti na lang at hindi rin siya kinausap ng mga sandaling iyon ni Miguel. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD