Ang Babaeng Tsismosa

784 Words
“ANO kayang problema ni Miss Ace? Palagi na lang siyang wala sa sarili nitong mga nakaraang araw.” Boses iyon ni Ruth. Wala siguro itong alam na nasa loob si Ace sa isa sa cubicle ng comfort room na iyon. Kung sabagay, may sarili namang CR sa opisina niya kaya walang makakaisip na nandoon siya. Hindi niya rin naman alam kung anong ginagawa niya sa CR na iyon. Hindi naman siya naiihi or nadudumi pero bakit doon siya dinala ng kanyang mga paa. Tama nga siguro ang obserbasyon ni Ruth na nawawala na siya sa sarili. Siguro nga, kailangan na niyang magpatingin sa psychiatrist. “Baka iniwan ng boyfriend. Nauntog na siguro at natauhan sa kasamaan ng ugali niya.” Hindi niya kilala ang boses ng kausap ni Ruth. Siguro, isa rin ito sa mga secretary doon.  “Hindi, ano? Tawag nga ng tawag si Sir Miguel pero lagi siyang pinagtataguan ni Miss Ace. Pumunta na nga rin siya dito pero wala pa rin. Siguro may LQ lang sila. Araw-araw na nga ang pagpapadala ni sir ng bulaklak, eh. Kaya lang, ang haba naman ng LQ nila.” So, ang akala pala ni Ruth, may relasyon talaga sila ni Miguel. Nakakatawa. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalamang si Alex ang totoong gusto ni Miguel? Siguradong magugulat ito.  Isang linggo na simula nang maghiwalay sila sa parking lot pero hanggang ngayon hindi pa rin niya kinakausap ito. Hindi naman siya galit dito dahil sa nangyari. She was just afraid to face him. After he left that night, she accepted in herself that she was indeed inlove with him. Wala nang saysay kung hindi pa niya iyon aminin. Sasakit lang ang ulo at puso niya. At kaya niya ito iniiwasan ay dahil sa ayaw niyang makahalata ito sa nararamdaman niya.  She knew he wasn’t meant for her. Magiging panggulo siya sa eksena kapag pumasok siya. Alam na niya kung saan siya dapat lumugar dahil alam niya kung ano ang papel niya sa buhay ng mga ito. Kontrabida. Even heavens are against her. Bahagya pa siyang napatawa noong pagpasok niya sa sariling kotse pagkaalis ni Miguel because when she checked her clock, it’s only eleven forty five. Sayang! Kung nagkataon lang na naging 12 o’clock kiss iyon, baka sinugod na niya ito at pinaghahalikan pa. Sa tingin niya kasi, totoo ang legend na iyon. Kaya lang, hindi nga ganoon ang nangyari kaya, sorry na lang sa kanya. “Bakit mo ba pinapakialaman ang buhay ng witch na iyon? Magsaya ka na lang dahil wala siyang gana ngayon na magmura.” “Kawawa naman kasi si Miss Ace. Mabait din naman siya kung tutuusin.” Pagtatanggol ni Ruth sa kanya. Hindi niya kasi ineexpect na ang sekretarya niyang ito na palagi niyang tineterrorize ang siya pang magdedefend sa kanya laban sa mga kaaway niya. “’Day, hindi bagay pagsamahin sa isang sentence ang ‘mabait’ at ‘Ace’ na walang ‘hindi’.” “Hay naku, basta para sa akin, mabait pa rin si Miss Ace.” Ayaw pa rin patalo si Ruth. “Tingnan mo nga, sa lahat ng mga secretary sa buong opisina, ako yata ang may pinakamalaking sweldo. Mas malaki pa ang sweldo ko sa malditang si Cristina.” Tukoy nito kay Ms Mendez. Mabuti naman pala at alam ng mga ito na maldita si Ms Mendez. Kung hindi nga lang may pagkaproficient ito sa trabaho nito, ipinatanggal na niya ito.  “Kaya malaki ang sweldo mo, kasi, gusto nung witch na siya ang superior kaya pati mga underlings niya, gusto nakakataas din. Mabuti na lang at hindi lumalaki ang ulo mo.” “Naku, hindi no. Pinataasan lang naman niya ang sweldo ko noong malaman niyang may diabetes ang nanay ko at mahal ang maintenance na gamot. Kaya nga, nagpapasalamat talaga ako at siya ang bossing ko eh. Sana nga magkabalikan na sila ni Sir Miguel. Mas naging mabait si Miss Ace simula nung maging sila eh.” Kelan naman ‘yon? Eh, hindi naman naging kami, ano! “Sige na, hindi na ako manalo sa iyo. Oo na, mabait na siyang witch. Ipapalit na natin siya kay Jose Rizal na national hero at ipagpapatayo ng rebulto.” Unti unti nang humina ang mga boses ng mga ito.  Lumabas siya ng cubicle nang masiguradong wala na ang mga ito. Kailangang tapusin na ang drama niya once and for all. Siguro dapat madaliin na niya ang plano para hindi na mas lumalim ang nararamdaman niya kay Miguel. Kailangang maipakasal na niya ang dalawa. Although, it hurts seeing the man she loved married to her only cousin, she has to endure it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD