“BAKIT hindi mo inexplain sa parents mo na si Alex naman ang magiging fiancé mo at hindi ako?” tanong ni Ace kay Miguel habang inihatid nila ng tanaw ang papaalis na sasakyan ng magulang nito.
Naging maayos naman ang mga sumunod na usapan nila ng pamilya nito maliban sa paminsan-minsang panunukso ng mag-asawa. At ang masarap sa dinner na iyon, she felt like she belonged in that family. Hindi siya hinayaan ng mga ito na ma-out of place sa bawat usapan.
Why can’t she have a family like this? Kung siguro may ganito siyang kasaya na pamilya, wala na siyang magiging pakialam kay Alex. Hindi na niya kailangang itaboy ito. If only she had a family that would love her the way Miguel was loved by his.
“Hayaan mo na ang mga iyon. Mahirap paliwanagan ang mga iyon. Ako na ang bahala sa kanila. Halika na.” Tinungo na nila ang daan kung saan magkatabing nakaparada ang mga kotse nila.
“Kailangan iexplain mo kaagad sa kanila iyon. Dapat kasi iniexplain mo na noong una pa lang.” hindi pa rin siya tumigil sa pangungulit dito. Sigurado kasing magugulat ang mga ito kapag dumating ang engagement at hindi naman siya ang magiging partner nito.
“I told you ako na ang bahala doon. Don’t worry, okay?” Tumigil ito sa paglakad nang makarating sa tapat ng kotse nito at humarap sa kanya. Napahinto din siya at napatingin lang sa mukha nito.
Napangiti siya nang maalala ang ikinuwento ng mommy nito na minsan itong nagdamit ng pangbabae noong nasa elementary pa ito para lang mapangiti ang ina. Isang linggo daw kasi nagbusiness trip ang asawa sa ibang bansa kaya nadepress ito. Kung anu-ano daw ang ginawa ni Miguel para mapasaya siya. At ang huli nga ay ang pagbibihis nito ng pangbabae na kuntodo make up pa. Hindi niya talaga maimagine kung anong itsura nito kaya nangingiti siya.
“What?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“Nothing.” Agad na sagot niya. “Oo nga pala. Bakit sabi ng mommy mo, nung high school ka lang naman at college naging nerdy.”
“Hindi ako nerd no.” pagtatanggol naman nito. “I’m just pretending para hindi ako mapariwara at hind maging malapitin sa mga babae.”
Natawa siya sa sagot nito. “Hindi ka rin mayabang, ano? Pero, wala naman pala yang style mo dahil nahulog ka din naman sa alindog ni Alex noon.” Natigilan silang pareho sa sinabi niya. Hindi rin umimik si Miguel.
Her own words had hurt her somewhere. And his silence made her feel hurt more. Nagseselos ba siya? Bakit naman? Totoo nga kaya ang sinabi ng ama nito na may gusto siya kay Miguel? Parang hindi niya iyon matatanggap.
“About that midnight kiss of yours…” mayamaya ay untag nito. He was somewhat being hesitant.
“Okay lang kung ayaw mo. Wala ka naman talagang sinusunod sa mga payo ko, eh.”
“I think, I’ll consider it.”
Nakapagtataka dahil sa halip na maging masaya, parang nalungkot pa siya sa narinig. Pero pinilit niyang ngitian ito. “Eh, di okay.”
“I’m just curious about something…” Hinila siya nito palapit saka siya hinalikan sa mga labi. His kiss was intense and she was dumbstrucked. Parang naglaho ang mundo sa paligid niya and nothing matters except Miguel and his kiss. His soft lips tastes so heavenly at wala siyang maitutulad sa pagdescribe kung gaano iyon kasarap.
Kumibot-kibot ang labi niya. It was her first kiss at hindi niya alam kung paano tutugunin ito as his kisses are turning deeper. Pero hindi ba ang tama niyang gawin ay itigil ito? Hindi siya dapat ang hinahalikan nito kung hindi si Alex. She gathered all her strength to push him away ngunit bago pa niya iyon nagawa, natapos na ang paghalik nito.
Kapwa sila humihingal nang naghiwalay. Though she wanted to push him away kani-kanina lang, hindi naman niya mapigilan ang manghinayang na natapos na iyon. Nanghihina pa rin ang mga tuhod niya at hindi niya magawang maihakbang ang mga paa. She looked at him waiting for an explanation.
“ Hindi ka rin naman pala marunong humalik.” Nakangiting sabi nito. Then, he kissed her again in the cheek, waved and turned to leave. “Good night, Ace.”
Pumasok na ito sa kotse at pinaandar na iyon. Naiwan siyang nakatanga lang dito. Damn! Hindi niya maintindihan kung bakit mukhang tuwang-tuwa pa rin ito sa nangyari. Masaya ba ito at naisahan siya nito?
Well she’s the crazy one dahil hindi man lang niya ito sinampal. She just stood there looking stupid. At hindi niya matanggap sa sarili niya na she did enjoyed his kiss. And why does her heart keeps fluttering like this?