Her Last Plan

757 Words
    HALATANG nagulat si Miguel nang makita nito si Alex na papalapit sa mesang pinareserve ni Ace. Hindi iyon nakatakas sa paningin niya. Ganoon pa man, agad din itong nakabawi at maluwang ang ngiting binati si Alex.     Kitang-kita ni Ace ang bawat galaw ng mga ito ngunit hindi niya naririnig ang anumang sinasabi ng mga ito. She was outside the restaurant, stalking Alex and Miguel as they went to their date. She was confident na hindi siya makikita ng mga ito dahil nakatago siya sa isang malaking flower pot na may tanim ring magarbong halaman.     Nakita siya ng dalawang guard ng restaurant na iyon kanina nang magtago siya ngunit dahil kilala na siya ng mga ito at regular customer sila ni Miguel doon, hindi na siya kwinestiyon at sinaway. Binigyan na lang niya ito ng dalawandaang piso na pangkape.      Actually, hindi alam ni Miguel na si Alex ang makakasama nito ngayon. Nagpadala lang siya dito ng note saying to be in the restaurant at seven. Pagkatapos, itinext niya kay Alex at sinabi na gusto itong makausap ni Miguel. This will be the last time she will be helping Miguel. Kapag hindi pa talaga nagtapat ngayon ang lalaki ng damdamin nito sa pinsan niya, hindi na niya ito tutulungan. Ito na ang huling araw ng pagiging martir niya.   Lumapit na ang waiter at kinuha ang order ng mga ito. Nang makaalis ang waiter, bigla na lang naging seryoso ang mukha ni Miguel. Pati tuloy puso niya, dumagundong sa kaba at nauubos sa selos. Ngayon siya nagsisi kung bakit hindi siya sa loob ng restaurant nagtago. Sana man lang narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Huli na para pasimple siyang pumasok dahil siguradong mapapansin siya ng mga ito. Medyo malapit naman kasi sa pinto ang table na inokupa ng mga ito.     Hindi siya mapalagay sa pinagtataguan niya. Ilang minuto pa ang lumipas pero wala namang kakaibang nangyayari. Patuloy lang sa pagsasalita si Miguel. Alam niya iyon dahil panay ang buka ng bibig nito. If she only knew how to read lips, hindi na siya masyadong mahihirapan. Hindi niya rin makita ang reaksiyon ni Alex doon dahil nakatalikod ito sa kanya. Masaya kaya ito sa ginagawang pagtatapat ni Miguel? Tango lang naman kasi ang nakikita niyang sagot mula nito.     Nahigit niya ang hininga nang makitang tumayo si Alex. Lumapit ito kay Miguel at niyakap nito ang lalaki. She even gave him a light peck on his cheeks. Doon niya lang nakita ang mukha ni Alex. And she was smiling from ear to ear.      Success! Her plan is a big success. Pero bakit hindi niya maigalaw ang sariling labi para  ngumiti? She felt her lips quivering. Inilagay niya ang kamay sa bibig para pigilin iyon ngunit ang naramdaman niya ay ang basang parte ng mukha niya. Umiiyak na pala siya.      Tinalikuran na niya ang mga ito. Napaupo siya sa sementong tinutuntungan niya kanina at pilit na pinakalma ang sarili. She shouldn’t be like this. Dapat magsaya siya dahil sa tagumpay niya at sa tagumpay na rin ni Miguel. Nakuha na nito ang babaeng pinapangarap nito.     Pinilit niyang pigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at bumilang ng sampu sa isip. Ganoon pala ang mabroken hearted. Parang mamamatay ang pakiramdam. Ang tanga tanga kasi ng puso niya. Bakit pa kay Miguel nainlove samantalang alam na niya sa simula pa lang na masasaktan lang siya.     “Ma’am, okay lang po ba kayo?” napamulagat siya nang marinig ang tanong na iyon. Isa sa dalawang guard na binigyan niya ng dalawangdaan kanina ang ngayo’y tinitingala niya. “Gusto n’yo po bang bugbugin natin sa loob ang boyfriend ninyo?”     Napangiti siya ng mapait sa tinanong nito. Sinasabi na nga ba na napagkamalan din sila nitong magnobyo ni Miguel. Umiling siya saka tumayo. “Huwag ka nang mag-abala. Hindi ko naman boyfriend iyon eh.” Iniwan na niya ang guard na nagtataka.      Mabuti na lang at natuto nang sumunod sa kanya ang kanyang mata. Tumigil na iyon sa pagluha. Pero she doubt kung makakaya niyang hindi umiyak hanggang mamaya. Ilang minuto lang siguro ang itatagal, babagsak na ulit iyon. Nararamdaman niya kasing may namumuo na naman sa mga mata niya at nanakit ang ilong niya.     Binilisan niya ang paglalakad patungo sa kotse niya na hindi naman sa kalayuan sa restaurant naipark. Pwede sigurong doon na lang niya ituloy ang pag-iyak. At least doon, walang makakakita sa kanya. Gusto niya kasing ilabas na lang ang lahat ng luha niya para maubos na iyon at nang matapos na ang paghihirap niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD