Ang Kasabwat

711 Words
    ”PARDON?” Ito ang unang narinig ni Ace na sagot sa ibinigay niyang information kay Miguel.     Pagkadating na pagkadating niya sa sariling opisina, nagmamadali niya itong kinontak para ibalita dito ang nangyari. Ngunit sa halip na matuwa, sa tono ng pagsasalita nito, parang iniisip nito na nababaliw na siya. Kung sabagay, hindi pa man kasi niya naeexplain ng maayos ang sinasabi niya, nagreact na kaagad ito.     “I said, kailangan mong sumama sa outreach program namin sa Quezon province this Sunday.” Balewala niyang ulit sa sinabi niya kanina. Sa linaw na iyon ng pagkakasabi niya, kapag ipinaulit pa nito, susugurin na niya ito kung saan man lupalop ito naroon para makutusan.     “Why would I join you? It’s your company, not mine.”     Eh kung sapakin kita diyan nang matahimik ka? Ngunit naunahan siya nitong magsalita.     “Hindi ba company project ninyo iyon? Bakit kailangan kong sumama?”     “You’ll be my date there.”     “Why? Prom ba iyon at kailangan mo ng date?”     Bruho! Isa pa…Tatamaan ka na talaga sa akin.     “I’m sorry but I’m busy.”     “Ikaw na nga ang tinutulungan, ang dami mo pang sinasabi. Tumahimik ka muna, pwede?.”      Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga para maibsan ng konti ang pagkaasar niya. Kung ganitong tao ang kakausapin niya araw-araw, siguradong matututyuan siya ng dugo.     “Ano namang magiging benefit ng pagsama ko sa inyo?” halata pa rin ang pagkairita sa boses nito. Hindi na nito hinintay ang isasagot niya. “I’m sorry but I’m really busy this weekend.”     “Look… I have a plan, okay? Bakit hindi ka na lang sumunod sa sinasabi ko para hindi na humaba pa ang ating diskusyon?”     “I don’t trust your plans. I don’t even trust you,” walang babalang sabi nito. “Is it even legal?”     “O-of course!” Siguro nga kung nasa harapan niya ito ngayon, nasapak na niya. Kailangan pa ba nitong ipaalala ang kapalpakan ng unang plano niya?     “Well, even if it is, I can’t make it. I have a meeting this weekend.” May pinalidad na sabi nito.     Mukhang kailangan na niyang ilabas ang kahuli-hulihang baraha niya. This will be her final move to push Alex and Miguel’s marriage earlier. Kapag pumalpak ang plano niya, sa bagal kumilos nitong si Miguel, baka after five years bago maganap ang kasalan. She can’t wait that long now that she have seen the light. Kaya kailangan talaga, perfect na ang plano niya this time.     “Kapag hindi ka sumama, ipapascan ko ‘yung love letter mo at ipopost ko iyon sa internet. O kaya     ipapadala sa mga magazines. Mamili ka.”      Well, she can be a b***h sometimes. Wait a minute, she’s always a b***h.     She would not take a ‘no’ for an answer. Pride niya ang nakataya dito. Ang yabang pa naman niya kanina sa harapan ni Ms Mendez sa pagsasabing kasama niya ito. Maibabalita sigurado sa buong kumpanya ang pagkasinungaling niya kung hindi niya ito mahihila. That would be the end of her.     “Okay...” napabuntong hininga siya. Kailangang makumbinsi niya itong sumama. “In this trip, I planned to make Alex jealous. Siyempre, kasama din siya sa Quezon. Kapag hindi nagwork out ang plano, I pinky swear na hindi na kita guguluhin ever again.”     “Pinky swear?”     Drat! Masyado bang pambata ba ‘yun? “I promise pala.” Hindi ito nagsalita. “Okay, ibabalik ko na rin ang sulat mo.”     Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. Gusto niya tuloy makita kung ano ang itsura nito. Marahil nakakunot noo ito sa mga oras na iyon o kaya naman ay namumula na ang mukha sa sobrang inis sa kanya.     She felt bad. Parang ayaw niyang isipin na galit ito sa kanya. Kaya lang, sa ngayon, wala naman talaga siyang ginagawa kundi ang galitin ito. Baliw na ito kung matutuwa pa ito sa kanya.     “Do you keep your promises?” mayamaya ay tanong nito.     “O-of course! I swear to God.”     “Then it’s a deal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD