FOR THE first time in her life, excited si Ace sa pagsapit ng araw na iyon. Ni hindi nga siya na-eexcite sa tuwing darating ang pasko o kahit birthday niya. Isang reminder kasi iyon na kailangan niyang makipagplastikan sa mga tao sa paligid. She was never friendly and prefers to be alone. Kaya naman hanggang ngayon, wala pa siyang matatawag na tunay na mga kaibigan. Kaya naman kahit anong special occasion pa ang dumating, wala siyang pakialam.
Ngunit iba ang araw na ito. Ito ang araw na maaring maging dahilan ng pagsaya ng buhay niya for the rest of the life. The day that will maybe be the start of Alex and Miguel’s relationship. Kapag nangyari iyon, siguradong siya na ang pinakamasayang tao sa mundo.
Balak niya talagang pagselosin si Alex. Iyon ang first goal niya. Kapag tinablan ito ng drama niya, she will then push her to Miguel. Madali na iyon. She’ll just give them a single room or lock them together in a closet. Ewan pa nga lang niya kung hindi pa magsimula ang relationship ng mga ito. Siyempre pa, kailangan niyang itsismis ang mga mangyayari para naman mapabilis ang kasal ng mga ito.
Wala pang alas kwarto, andun na siya sa meeting point nila. Mangilan-ngilan pa lang ang mga katulad niyang excited na naroon na. Hindi na niya inintay si Alex sa pag-alis ng bahay. Doon na rin niya ito iintayin pati na rin si Miguel.
Pumasok na siya sa loob ng bus at naghanap ng magandang puwesto. Napili niyang umupo sa may unahan para kapag humilig siya mamaya sa balikat ni Miguel, siguradong makikita iyon ni Alex. That will be her stage today.
Perfect!
Ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang mga kasama ngunit wala pa rin kahit mga anino ng dalawang tao na pinakahihintay niya. Inindian na kaya siya ng mga ito? Huwag naman sana. Gusto na niyang tawagan si Miguel para alamin kung nasaang parte na ba ito ng Pilipinas. O hindi kaya natutulog pa ito hanggang ngayon?
Inilalabas na niya ang cellphone niya nang maalala na hindi nga pala niya alam ang cellphone number nito o kahit ang phone number nito sa bahay. Sa opisina lang ang alam niyang number nito. At imposibleng nasa opisina ito sa mga oras na ito.
May ilang beses na siyang nakakahuli ng panaka-nakang pagsulyap sa kanya ng mga kasamahan. Ang iba ay nagbubulungan pa. Si Ms Mendez naman ay kaiba ang ngiting ibinibigay sa kanya. Iyong tipo bang nang-aasar at pinipigilan lang ang matawa. Pinagtatawanan ba siya ng mga ito?
Bwisit talaga ang Miguel na iyon! Kapag hindi ito dumating, matitikman nito ang lupit niya. Hindi siya makakapayag na maging clown ng mga tao doon.
Handa na niyang kunin ang kanyang backpack at nagbalak na magwalk out na lang nang pumasok sa bus ang walang kangiti ngiting si Miguel, Halatang puyat at pagod ito ngunit magkaganoon man, hindi pa rin iyon nakabawas sa kagwapuhan nito.
Natahimik ang lahat sa pagdating nito. Lahat ng mga mata ay nakatuon dito habang may ilang kababaihan ang napasinghap sa pagkakita dito. Pero ang mga mata ni Miguel ay nakatuon lang sa kanya habang papalapit sa kinauupuan niya. Bigla tuloy siyang parang hindi makahinga.
“This will be the last.” Bulong nito sa kanya nang makaupo sa tabi niya. Kinalong na lang nito ang dala nitong backpack saka inayos ang upo.
Natigilan siya ngunit tumango bilang pagsang-ayon. Bakit parang mabigat sa loob niya na marinig na huli na iyon? Hindi ba’t iyon naman talaga ang plano niya? Pilit niyang kinalma ang sarili at nagconcentrate na maigi para bumalik sa normal ang pintig ng puso niya.
Hindi rin nagtagal ay in-inform na ni Ms Mendez na magsisimula na ang kanilang paglalakbay.
“Teka lang...” singit niya. “Wala pa si Alex.”
“Tumawag po si Ms Alex kagabi. Nagsorry siya na hindi makakasama dahil may biglaan siyang shooting mamaya. Hindi po ba niya nasabi sa inyo?”
Si Ms Mendez ang sumagot sa kanya.Kung kanina lang na wala si Miguel ay ngiting-ngiti ito, nang dumating si Miguel ay hindi na ito makangiti pa.
Nagkatinginan sila ni Miguel. Sa pangatlong pagkakataon, sumablay na naman ang plano niya. Bigla naman ang naging pagngiti ni Miguel. A sign of his relief. Hawak ang backpack, akmang tatayo na ito ngunit naging maagap siya. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang kaliwang braso nito para mapigilan ito.
“Please, don’t leave me here.” Alam niyang desperate move na ang ginawa niya at ikinahihiya niya iyon. Halos anas na lang ang pagkakasabi niya noon at ni hindi siya makatingin dito kaya tumungo na lang siya.
Mas gusto niyang mapahiya siya dito kaysa sa buong tao sa bus kung iiwanan siya nito doon. Higit pa sa clown ang magiging katayuan niya sa mga mata ng mga ito kapag nagkataon. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata niya. Alam naman kasi niya na mangyayari ang kinakatakutan niya.
Miguel isn’t her friend. Galit pa nga ito sa kanya kaya bakit naman siya tutulungan nito? Ngayon pa lang yata siya mapapahiya ng ganoong kagrabe. But thenn, she ready herself. Unti-unti nang pumatak ang luha niya kaya lalo siyang nagtungo.Dahan-dahan niyang niluwagan ang kapit sa braso ni Miguel. Sige na nga, talo na siya ngayon.
Naramdaman niya ang isang kamay nito sa kanya na bagamat maluwag na ang pagkakakapit ay nakapatong pa rin sa braso nito. Napapikit siya ng mariin. Is he going to take her hands off him? Si Alex lang naman kasi ang dahilan ng pagsama nito kaya bakit pa ito sasama kung wala rin lang si Alex? Sa mga oras na ito niya kailangan ng earthquake para bumuka ang lupa at kainin siya ng buhay.
Sa kanyang isip ay nakababa na si Miguel sa bus at pinagbubulungan na siya ng iba. Nagulat tuloy siya nang marahang tinapik nito ang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin at buti na lang nakapikit na ito habang inaayos muli ang pagkakaupo. She knew her face was a mess kaya daglian niyang tinuyo ng kamay ang mga luhang naglalaro doon kanina lang.
Pinakiramdaman niya ito pero hindi na ito gumawa pa ng kahit anong kilos. Marahil dahil puyat nga ito kaya naisip niya ng nagpipilit itong makatulog sa pagkakaupo. Noon din ay umandar na ang sinasakyan nila.
Hindi pa sila nakakalayo ay nasigurado na niyang natutulog na ito. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hindi na ito cute sa tingin niya. Gwapo ito. Yung tipong kahit maghapon mo titigan ay hindi nakakasawang tingnan. Mas lalo itong gumagwapo habang tumatagal. She smiled looking at him. It’s a relief that he was sleeping.
Sa totoo lang, hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama niya. Hindi naman kasi niya talaga inaasahan na bibigyan siya nito ng napakalaking pabor ngayon. God knows how much she’s thankful to him. Ipinangako niya tuloy sa sarili na hindi na niya ito kailanman iistorbohin at hindi na magiging pabigat dito sa lahat ng pagkakataon lalo na sa trip nilang ito. Ito ang kapalit ng pabor na ginawa nito.