Second Plan

927 Words
    ‘THE NEXT step is to make her jealous.’ Napapangiti si Ace naglalaro sa kanyang isip ang kanyang sunod na plano. She must be a genius thinking of this plan. This time hindi na talaga siya papalpak. Plantsado na ang lahat at nasisigurado niya ngayon na wala na siyang sasagasaing batas.           Nalalapit na ang annual charity event ng kanilang kumpanya sa isang orphanage sa Quezon. Fifteen years na rin nilang sinusuportahan ang orphanage na iyon. At bukod pa nga sa financial support, minsan sa isang taon ay nagdadaos nga ng charity event kung saan nagiging one day volunteer ang mga empleyado nila. Pero joke lang naman na volunteer iyon dahil bayad pa rin ang mga ito. Triple pay pa nga. Posible iyon dahil ang lolo niya ang may ari ng AM Group of Companies, which also means, nabibilang ito sa mayayaman na nilalang sa Pilipinas.     Palaging itinataon tuwing Sunday ang charity event nila. Medyo malayo yung pinupuntahan nilang  orphanage, according to her assistant, Ruth. At pagdating doon, nagsasagawa rin sila ng feeding para sa mga bata, mga games at gift giving. Kalimitan daw, inaabot na ng gabi. Doon na rin sila natutulog at kinabukasan na umuuwi. May ipinatayo na ring holiday cottage ang lolo niya sa nabili nitong lote sa  tabi ng orphanage.       Sa totoo lang hindi niya alam kung anong nakain ng lolo niya at masyado nitong ginagastusan ang mga ulila doon. Siguro bilang pasasalamat na rin sa pagbabalik ni Alex sa kanila.     Hay! Si Alex na naman! Kailan ba hindi iikot ang mundo ng lahat kay Alex?       Speaking of the devil… Alex is here!      Teka lang… Nakalimutan niyang siya yung devil dito.      Nakita niyang nakaupo si Alex sa isang waiting couch sa labas ng opisina ng lolo nila. Hindi ito tumingin sa gawi niya kahit pa nga malalakas ang iniwan niyang mga yabag. Mukhang busy ito sa binabasang magazine.     Nilapitan niya si Ms. Mendez na siyang sekretarya ng lolo niya. Sa likod niya, nakasunod si Ruth na pinagbitbit niya ng makakapal na folders bilang parusa sa pagsunod nito ng tingin kay Alex at sa kapalpakan nito sa mga goons na kinuha. Pinasusunod niya ito kahit saan siya magpunta habang bitbit ang siguro’y may limang kilong folders.     “Good morning, Ms. Martinez. May kailangan po ba kayo?” nakangiting bati nito sa kanya. Although napakasweet ng pagkakangiti nito, alam niyang kaplastikan lang ang ngiting iyon. Wala rin kasi siyang kasundo sa opisina katulad sa bahay kaya naman alam na niya na kapag nakatalikod siya, iba na ang mga salita ng mga ito tungkol sa kanya.Isa pam hindi niya talaga ito gusto.      “Wala naman.” Hindi niya ginantihan ang pagkakangiti nito. “Magpapalista lang ako sa confirmation list sa mga kasama sa Quezon this Sunday. Nasa iyo daw ‘yon eh. And I’ll also have a company with me.”     She took a glance at Alex pero hindi pa rin ito tumitingin sa kanya at mukhang walang pakialam sa sinasabi niya. Patuloy pa rin ito sa pagbuklat at pagbabasa ng hawak na magazine. Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. Baka naman magreact na ito kapag narinig nito ang pangalan ng kasama niya. “His name is Miguel Salcedo, by the way.”  Namilog ang mga mata ni Ms. Mendez. Sa reaksiyon nitong iyon, marahil ay nakaharap na rin nito si Miguel. “S-sure na po ba na kasama si Mr. Salcedo, ma’am?”     Nairita siya sa tanong nito. “Icoconfirm ko ba siya kung hindi sure na makakasama siya? Mukha ba akong sinungaling sa tingin mo? Isa pa, bayad ko na ang serbisyo niya. At kung hindi pa siya satisfied sa bayad ko, pwede ko pa rin iyong dagdagan.”     Natameme naman ito at nag yes ma’am na lang. Tumingin ito kay Ruth sa likod niya at mukhang nag-usap ang mga mata ng mga ito.     “Four o’clock po ang alis sa Sunday. Sa bus po kami sasakay pero pwede po kayong magdala ng sarili ninyong sasakyan.”     Sandali iyang nag-isip bago sumagot. “We’ll take the bus too.”      Masyadong malayo ang Quezon kaya siguradong mapapagod siya sa pagdadrive kapag nagdala siya ng sariling sasakyan. Isa pa, siguradong dahil ‘makikisama’ si Alex, sa bus din ito sasakay. She could ride in their private chopper pero mas mapapagselos niya si Alex kung silang tatlo ang nasa bus. She smiled at her accomplishment.      Napasulyap ulit siya kay Alex. Hindi man lang talaga ito nagreact sa mga nangyari. She had purposely said that ‘serbisyo’ thing to make her jealous pero nanatili lang itong unaffected. Mali ba ang nabasa niya sa ekspresyon nito noong party na attracted  ito kay Miguel?      Sinundan niya ang bawat galaw nito hanggang sa mag-angat ito ng kamay upang isukbit sa likod ng tenga ang nakaladlad nitong buhok na nakatabing sa gilid ng mukha. Doon lang niya nakita ang airbud nito na nakapalsak sa mga tenga nito. Natural na hindi ito magreact dahil wala naman itong naririnig sa mga pinagsasasabi niya.     Holy crap! The second plan failed. Ilang oras din siyang nag-isip ng perfect lines! Tapos… Kapag minamalas ka nga naman, nakakabad trip.      Ngunit hindi pa naman tapos ang lahat. May back up plan yata siya. Itinuro niya si Alex kay Ms Mendez. “Sasama raw ba si Alex?”     “Ah, yes Ms Martinez. Nagpaconfirm din po siya kanina. Makikijoin rin daw po siya sa bus para masaya.”     “Right. This will be fun.” She turned and left, Ruth closely following her. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD