“WAKE up, sleepy head.” Bahagya pang naramdaman ni Ace na may kung sinong umaalog sa balikat niya. Ang ganda pa naman ng panaginip niya. Alex is out of the country for good kaya nagpifeeling reyna siya. Kaya naman gusto niyang ipapako sa krus ang kung sino man ang walang pakundangang iyon na nang-istorbo sa pagtulog niya.
Bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag nang magmulat siya ng mata. Itinakip niya saglit sa mga mata ang kaliwang braso bago tiningnan sa suot na relo kung anong oras na.Ten forty. Malapit na palang magtanghali.
Iginala niya ang mata sa kinaroroonan niya. Hindi iyon ang kwarto niya. Saka niya lang naalala na nasa loob nga pala siya ng bus na magdadala sa kanya sa Quezon. Pinakiramdaman niya ang bus. Nakahimpil na iyon. Marahil nakarating na sila sa kanilang destinasyon.
Napasarap pala ang tulog niya. Napahikab pa siya. Parang ngayon lang uli siya nakatulog ng komportable. Nakakapagtaka dahil wala naman ang mga stuffed toys niya na kinasanayan na niyang katabi. Teka lang. Nasa loob pa rin siya ng bus… Kung ganoon pala, ano itong medyo malambot na bagay na nagsisilbing unan niya?
Napabigla ang pag-ayos niya ng pagkakaupo nang maalala kung sino ang katabi niya sa upuan. Tumingin siya sa gawi nito at ang nakangiting gwapong mukha nito ang nasilayan niya. Mas lalo pala itong gwapo sa malapitan. Mas lamang ang pagkagwapo nito kesa pagkacute. Palihim na kinurot niya ang sarili dahil sa kabaliwan na naiisip niya.
She wanted to avoid his eyes but she don’t know why she was so drawn to him. There was something in it… Hindi niya alam kung ano pero parang may kakaiba. At hindi niya mapigilan ang malakas na pagtibok ng puso niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit siya kinakanahan. Lalo na sa paraan ng pagngiti nito. It looks like he did something funny to her and she didn’t know about it.
Doon naman siya natauhan.
‘Did he drew something on my face?’
Pasimple niyang pinahid ng kamay amg pisngi niya. Wala naman siyang naramdaman doon na kakaiba. Wala ring lumalin sa kamay niya. Ipinalangin na lang niya na hindi pentel pen ang ginamit nito sa kanya. Titingnan na lang niya sa salamin mamaya.
Napadako ang kanyang mata sa malapad nitong balikat. Iyon pala ang napagkamalan niyang unan. s**t! Agad siyang lumayo dito at tumayo. Iginala niya ang mga mata sa loob ng bus ngunit sila lang ang tao doon. “W-where are they? Bakit tayo lang ang nandito?”
“Pumasok na sila kaninang pagdating natin dito.” This time wala na ang pagkakangiti nito na ikinadismaya niya. Kahit kasi may kakaiba sa paraan ng pagngiti nito kanina, nakakaadik pa rin na tingnan ang nakangiti nitong mukha.
“Kanina? E, bakit ngayon mo lang ako ginising?” Naggalit-galitang tanong niya.
“Mukha kasing masarap ang tulog mo kaya nag-intay pa ako ng fifteen minutes bago kita gisingin. Tulo laway ka pa nga e.”
Awtomatiko ang naging pagtalikod niya dito at ang paglanding ng kanang kamay niya sa gilid ng mga labi niya upang pahirin ang likidong lumabas doon. s**t! Nakakahiya ka talaga Alexis Grace! Narinig niya ang mahinang pagtawa nito ngunit hindi niya ito nilingon.
“Joke lang.” Tumatawa pa rin ito nang humarap siya dito. Kung hindi lang pangit ang tayo niya ngayon, nasapak na niya ito. How dare him joke at her like that! Kaya naman binigyan niya ito ng nakamamatay na irap.
Pasalamat ito at nakapagdecide na siya kanina na magiging mabait siya dito this whole trip. Takot na lang niyang iwanan siya nito ngayon. Thinking of that, tinalikuran na lang niya ito at kinuha ang bag niya sa compartment.
Nilampasan niya ang pangiti-ngiti pa ring damuho ngunit nang maramdamang hindi ito sumusunod sa kanya, binalingan niya ito at tinawag. “Halika na!” saka lang ito lumapit sa kanya.