“HEY!”
Laking pasalamat ni Ace nang marinig ang malakas na sigaw na iyon ng kung sino. Akala niya, katapusan na niya. Mabuti na lang at mayroong naligaw na tao doon. Agad siyang lumingon sa direksiyon ng tagapagligtas niyang iyon para lang madismaya nang makitang si Miguel ang ngayo'y papalapit sa direksiyon nila.
'Oh no! No! No! ' she wanted to shout. Isa ito sa mga huling tao na gusto niyang makita ngayon. Ano ba ang ginagawa nito doon? Dapat inihatid nito si Alex sa kanila. O kasunod ba nito si Alex? That would be worst.
Sinenyasan niya ito na umalis na at iwan siya. Kahit na nangangatog ang tuhod niya sa takot, mas gugustuhin pa rin niyang makipag-deal sa mga goons kesa mabisto ang plano niya. Ngunit sa halip na sundin nito ang senyas niya, kumunot lang ang noo nito at ipinagpatuloy ang paglapit sa kanila.
Naramdaman niya ang unti-unting pagbitiw ng goon leader sa braso niya. Mukhang natakot ito sa pagbalik ni Miguel. Kahit ang dalawang kasama nito ay hindi na rin nakakibo. Mga lampa talaga.
“Hindi pa ba kayo titigil? Gusto ninyo yatang sa morgue na pulutin?” His voice was full of confidence. At sa naabutan niya kaninang action moves nito kanina, alam niyang may paghuhugutan iyon. Pati nga siya medyo natakot.
Isang hakbang pa papalapit sa kanila at nagkaripasan na ng takbo ang mga goons na inupahan niya. Naiwan siyang nakatanga na nanonood sa mga ito. Makakahinga na sana siya ng maluwag nang biglang tumigil sa pagtakbo ang isa sa mga ito, lumingon sa kanila at sumigaw. “Nagkakamali ka ng pinagtatanggol. Ang babaeng iyan ang may pakana ng lahat. Siya ang nag-utos sa amin na gawin ‘yon!”
Awtomatikong nabaling ang tingin niya kay Miguel. Tinakasan na rin ata siya ng kulay sa mukha. Kunot ang noo at lalo pang naningkit ang mata nito habang mabilis na lumalapit sa kanya. Her instinct told her to run pero mukhang mabagal ang pagsunod ng katawan sa utak niya o hindi naman kaya ay may naglagay ng glue sa sapatos niya kaya dumikit na sa lupa.
Bago pa siya tuluyang nakahakbang palayo, nahuli na siya nito. Hinawakan siya nito sa pulsuhan. Nagpumiglas siya ngunit totoo nga sigurong black belter ito. Imposibleng makawala siya dito.
“Let me go!” mariin niyang utos dito.
“Sorry, woman but you’re busted.”
This is the end of the world!
Hinila-hila siya nito. Nagpipilit pa rin siyang makawala kahit walang saysay ang ginagawa niya. Wala na siyang nagawa nang pasalya siya nitong isinakay sa passenger seat ng kotse nito. Mabilis din itong nakaligoy sa driver’s seat kaya hindi na siya nakakuha ng pagkakataong makatakas.
Hinawakan agad nito ang dalawang braso niya pagkasakay nito. “I’m going to take you to the police station.” Gumagala ang mata nito sa loob ng kotse na animo’y may hinahanap. Siguro ay kung anumang pwedeng itali sa kamay niya.
“What?” natakot siya sa sinabi nito pero hindi pa rin siya nagpahalata. Siyempre, natatakot siyang makulong. Just thinking of the idea of her in a prison kills her. Hindi iyon maaari. Kailangang malaman nito malinis ang hangarin niya sa ginawa niyang iyon. “Can you just let me explain why I’m doing these?”
“Why would I? It’s obvious na kailangan mo ng pera.”
“What? Seryoso ka ba?” eksaherado niyang pinalaki ang mga mata niya. “F.Y.I. I already have all the money I could ask for.”
“Really?” sarkastiko ang pagkakatanong nito. Pinalaki din nito ang mata. She finds it cute. Wait. No. That's not what she think. “Then, tell me. Why would an evil princess kidnap her own cousin?”
Ngumiti siya dito ng nang-aasar bago inalabas ang nasa isip. “To get her out of my way of course.”
Huli na para mapigilan pa ang sarili niyang magsalita. Natigilan din siya at napalis ang ngiti sa mga labi nang marealize niya ang kamalian niya at ang katabilan ng dila niya. Babalewalain na lang sana niya ang nasabi habang nagdarasal na wag sana nitong mapansin ang nasabi niya. Ngunit hindi pinakinggan ng Diyos ang dasal niya dahil bakas sa mukha ng kaharap ang pagkagulat sa sinabi niya. Lumuwag tuloy ang pagkakapit nito sa braso niya.
“So, you’re going to kill her? That's attempted murder.”
“Ha? Sira ka ba?” Nalito rin siya sa tanong nito. That would never be in her plan! She’s not the type who would kill a person in her way. Not even in her dreams. Ano ba ‘yan! Baliw nga yata ang lalaking ito. “Bakit ko naman gagawin iyon?"
“Then why would you kidnap her?”
Napabuntong hininga siya. Siguro nga dapat ipaalam niya rito ang lahat. With a serious face, she faced him. “Look... I’m just trying to help you, okay?”
Kumunot ang noo nito. “Excuse me?”
No. He's not cute. He's handsome.
Darn it! Why won't her mind stop complimenting his appearance?
“Ang sabi ko, tinutulungan kita.”
“Tulong? Ako?” Mukhang nalilito ito. At kita rin sa mukha nito na hindi ito naniniwala sa kanya.
“I’m hooking you two up.” There. She said it.
“What? Why?”
“To get rid of her.”
Kumunot lalo ang noo nito. Cute. Cute. Cute. Kinagat niya ang sariling labi para patinuin ang sarili. Itinuloy na lang niya ang pagpapaliwanag. “If you marry her, then you’ll take her sa bahay mo. Then, she’ll be out of my life.”
Tumahimik ito at tuluyan nang binitawan ang kamay niya. Bakit parang disappointed siya na binitawan nito ang kamay niya. Itinuon nito ang mata sa harapan. Kung pwede lang, wag na niya itong tingnan para di na niya maisip kung cute ba ito o gwapo. Hindi na rin siya umimik at hinayaan na lang itong mag-isip. Hindi niya alam kung naniniwala na ba ito sa kanya o hindi. Bahala na.
“Bakit hindi ka na lang matuwa na tinutulungan kita?” After a minute ay hindi niya napigilang itanong. Medyo naiilang na rin kasi siya sa katahimikan.
“And why should I be happy?” Hindi siya nakatingin pero sigurado siyang nakakunot na naman ang noo nito.
Cute...
'Stop it! ' saway niya sa utak
“Eh hindi ba crush mo si Alex high school pa lang?” pangbubuko niya rito.
Naging immobilize ang mukha nito pero sigurado siyang pinilit lang nitong huwag magreact. “Kanino mo naman narinig ang kwentong ‘yan?”
“Hello?! Alam kaya ng lahat ng girls noong high school no!”
“Ha?” halatang ngayon lang nito nalaman ang katotohanang iyon. Hindi nito alam na naging topic ito ng mga tsismoso at tsismosa noong nasa high school pa lang sila.
Isang kaibigan nito ang nag-abot sa kanya ng love letter nito para kay Alex noon. Wala raw kasing lakas ng loob ito na ibigay ng harapan kay Alex kaya naman sa kanya iyon ipinakiusap na ipadaan. Mukha ba siyang kartero?
And because she hated Alex, she never gave that letter nor even mention it to her. Instead, she curved the words ‘Nerdy Miggy loves Alexis Joyce’ in one of the wooden cubicle door of the girl’s bathroom.
Ngunit ang Miguel noon at Miguel ngayon ay sa pangalan na lang nagkapareho. Ang patpatin na may makapal na salamin noon ay isa ng kagalang-galang na General Manager na sa hinagap ay hindi mo maiimagine kung anong itsura noon.
Yeah. She knows him. Siyempre, ni-research pa niya kung sino ito nang ibigay sa kanya yung love letter para kay Alex. At siyempre pa, palihim na pinagtawanan niya ito noon nang makita niya ito. But still, she didn't gave that letter to Alex.
“I know you’re bluffing,” anito na hindi niya sigurado kung ang sarili ba ang pilit na pinaniniwala nito na nagsisinungaling lang siya.
“Fine, then. Eh di ‘wag kang maniwala!” Tinalikuran niya ito at inalis ang pagkalock ng pinto.
“I’ll talk to your grandfather about this incident.”
Napabigla ang paglingos niya dito. Hindi na niya naituloy ang pagbubukas ng pinto para makalabas na sa kotse nito. Gusto na niyang hambalusin ito ng kahit na anong mahahawakan niya pero mas mahalaga ngayon na hindi malaman ng lolo niya ang mga plano niya. “Look... Ikaw na nga itong tinutulungan ko...”
“And what makes you think na kailangan ko ang tulong mo?”
Antipatiko! Talaga namang mukhang kailangan nito ng tulong! Binabawi na niya ang papuri dito. Hindi ito cute at lalong hindi gwapo. Tinaasan niya ito ng kilay. “May dalawa ka lang namang choices dito. Papayag ka na tulungan kita or I’ll make you bad in my cousin’s eyes.”
“Do you think I’ll fall for that? Who do think you are to threaten me?” kahit galit ito, kalmado pa rin ang pagkakasabi nito. Kaya naman hindi siya gaanong nasindak dito.
Nginitian niya ito ng pang-aasar. She knew this could happen kaya naman may back up plan na siya “We’ll I happen to have your love letter for Alex from your high school days. At siguro naman, alam mo na ang gusto kong iparating?”
Nawala lahat ang ekspresyon nito sa mukha. Mahirap basahin kung ano man ang nasa isip nito ngayon. Alam niyang tinatantya nito ang sitwasyon kaya naman halos hindi na siya huminga sa paghihintay kung anong sunod na mangyayari. Hindi pa niya nababasa ang sulat kaya hindi rin siya sigurado kung nasa kanya ba ang huling halakhak.
“If I agree to your stupidity, will you give my letter back?”
Nag-isip siya. Hindi na niya kakailanganin pa iyon. So she smiles and say “You have my word. It’s a deal.” Itinaas niya ang kamay para makipagkamay dito to end their business deal ngunit tiningnan lang nito iyon.
“Now, you can get out of my car,” matabang na sabi nito.
“Okay.” Kahit naiinis siya dito sa paraan ng pagpapalayas sa kanya, bumaba na rin siya sa sasakyan nito. Mabuti na lang, hindi ito cute.