Ang Prince Charming na si Miguel

2014 Words
    “HAVE A seat, hijo.” magiliw na sabi ni Don Alejandro kay Miguel. “Feel at home. Maiwan lang muna kita sandali at magbibihis muna ako. Hindi talaga ako komportable sa mga ganitong damit.”     Tumingin si Miguel sa Don. Halata nga na hindi talaga ito komportable sa suot na business suit. Maluwag na ang neck tie na suot nito sa leeg. Hawak na rin ng assistant nito ang jacket nito at suot na lang ang puting collared shirt na ipinang-ilalim nito. Tanggal na rin ang dalawang unang butones niyon.     Kung sa bagay, siya rin ay naiilang sa tuwing magsusuot siya ng coat and tie. Pero wala siyang ibang choice kundi magsuot din ng ganoon tuwing pumapasok sa kanyang opisina. It’s all for the business. Kailangang maging professional siya. Pero madalas talaga na gusto na niyang umuwi nang maaga para makapagpalit ng kanyang usual clothes. Pero hindi ngayong araw. Ayaw pa yata niyang umuwi ngayon.      “Thank you, Sir.” aniya na bahagya pang yumukod ang ulo tanda ng paggalang sa matanda bago umupo sa pang-isahang sofa na siyang malapit sa kanya.       Today must be one of the happiest day in his life. Alam na niya ang rason kung bakit siya naroon ngayon sa mansiyon ng mga Martinez ngunit wala siyang reklamo. Actually, he’s much honored. Kanina pa nga niya pinipigilan ang ngiting tagumpay na kanina pa gustong lumabas. Who wouldn’t be happy when every guy would even kill just to be in his position?      Well, he’s just exaggerating. But it really is a great prize.     “Lorenz,” baling nito sa personal assistant nito na kasama din nilang dumating. “tawagin mo na muna si Flor para madulutan naman ng maiinom si Miguel.” Luminga-linga ito sa paligid. “Saan ba naman nagsuot ang mga iyon at wala man lang sumalubong sa atin?”     “It’s okay, Sir. Hintayin ko na lang po kayo dito.” Saglit lang naman siguro itong mawawala.     Ngumiti ito at tumango. “Okay, maiwan muna kita.” anito bago umalis kasunod si Lorenz. Doon lang niya nailabas ang pinipigilang ngiti. He was so excited. At kailangang ipakita niya na hindi ito nagkamali sa pagpili sa kanya.     Hindi pa man nagtatagal ang Don ay nakaramdam na siya ng pagkatuyo ng lalamunan. Tiningnan niya ang paligid ngunit wala siyang nakita ni isang tao doon. Nakapagtataka dahil sa laki ng mansiyon na iyon ng mga Martinez, siguradong hindi bababa sa lima ang kawaksi ng mga ito doon.      Actually, kanina pa siya nauuhaw. Pero nakalimutan na niya ang pagkauhaw dahil sa excitement niya. Isinabay siya ng Don sa kotse nito kaya nang maramdaman uli kanina sa daan ang pangangailangan ng tubig sa lalamunan ay nahiya na siyang magpadaan sa convenience store.      Lumipas pa ang limang minuto ngunit nanatili lang siyang mag-isa doon. Napagpasyahan niyang magkusa na sa pagkuha ng maiinom. This is his first time in Martinez’s residence ngunit hindi naman siguro mahirap hanapin ang kumidor ng mga ito. Malakas din naman ang instinct niya pag dating sa paghahanap. And as Don Alejandro took the right way sa pagpunta sa silid nito, the kitchen should be on the left way.     Hindi naman siya nagkamali sa pagbagtas ng daan dahil ilang minuto lang ay nakarating din siya sa hinahanap na kusina. Nasa dining room siya ngayon at sigurado siyang ang archway na nasa kanan ang daan patungo sa tubig na inaasam niya.          “Masakit pa ba?”      Napaigtad siya sa pagkagulat nang makarinig ng boses. Mabuti na lang hindi siya nagsasalita kapag nagugulat.     It was coming from the room the archway was leading. Maingat na lumapit siya doon at sumilip para makita kung ano ba ang nangyayari sa loob. Inside, around fifteen people gathered in a circle  that looks like they were watching a performance or something. Unipormado ang mga ito ng pangkatulong. But his eyes were captured by an angel inside that circle who was tending a wounded foot of one of the maids. No, she wasn’t one of them. He was sure it is Alexis Joyce Martinez.     “Pagpasensiyahan mo na lang si Ace.”      Narinig niyang sabi ni Alex habang binabalutan ng gasa ang paa ng katulong na nakaupo sa monoblock chair. Ang dalaga naman ay walang kyemeng nakalupagi sa sahig at pinapanood naman ito ng iba pa. Mabuti na lang at walang nakakapansin sa presensiya niya.      “Ganyan lang naman si Ace sa simula. Makakasundo mo rin siya.”     Nakakamesmerize talaga ang ganda nito. Kahit ang boses nito ay nakakaenganyong pakinggan. Siguro, papasa din itong recording artist kung gugustuhin nito.     “Naku, hindi po Miss Alex.” Kontra ng isa sa mga katulong na siyang may hawak ng first aid kit na katabi nito. “Wala naman po siyang kasundo sa amin ni isa man dito. Simula’t sapul pa, ganun po talaga ang ugali niya. Noong isang araw nga po, itinapon niya lahat ng damit ko sa swimming pool eh. Nasira po kasi yung tatak ng damit niya nung namalantsa ako. Tatak lang iyon ha? Ano pa kaya ang gagawin niya kung naiwala ko yung damit na iyon o kung nasunog nang tuluyan? Mabubuhay pa kaya ako?”     Silly. Napailing siya. Exaggeration lang naman siguro iyon. Sino ba naman kasi ang gagawa ng ganoon? Mas masahol pa siguro sa mga antagonist ng drama at pelikula kung mangyayari nga iyon. Masyado kasing mababaw ang rason. Nagulat na lang siya nang may sumang-ayon pang isa.     “Oo nga po, Miss Alex.” Ang katulong naman na nasa likod ang nagsalita. “Dapat nga po pinapalitan na ang pangalan niya eh. Grace? Hindi naman siya grasya. Sumpa pa nga yata eh.”     “Grasya siya ng impyerno.”     “Korek ka diyan, sis!” umapir pa ito sa huling nagsalita.     “Hey, pinsan ko pa rin ang pinag-uusapan natin dito,” saway naman ni Alex sa mga ito. Natahimik tuloy ang lahat.     “Ang layu-layo po pala ng ugali ninyo kay Miss Ace,” basag sa katahimikan ng sugatang katulong.     “Natural!” sabat ulit ng katulong na may hawak ng first aid kit. “Eh hindi naman siya talaga –“     “Rowena!” saway ng isa na siyang pinakamatanda sa lahat ng katulong. May babala ang tingin nito kay Rowena. Sa tingin niya, ito ang pinakamayordoma doon dahil iba ang uniform na suot nito.     “Ay, sorry po!” Mukha namang naunawan nito ang tinging ipinupukol sa kanya at agad na tinampal ang sariling noo. Kagat- kagat na nito ang sariling labi at parang nagi-guilty ito sa muntikan nang paglabas ng kung anumang sasabihin sa bibig nito.           “Magsibalik na nga kayo sa trabaho at mayamaya lang ay nandito na si Don Alejandro. Magsilakad na kayo.” Utos uli ng mayordoma.     Nagsipagtalima naman ang lahat maliban sa sugatang katulong at kay Alex na hindi pa tapos sa p*******i ng benda. Doon naman siya naalarma. Nakalimutan na naman niyang nauuhaw nga pala siya. Kailangan niya nang bumalik sa sala. Hindi niya yata gustong mahuli doon na nag-eespiya at nakikitsismis sa mga ito. Masisira ang image niya. He would lose some points in Alex’s eyes.     Pabalik na siya nang mapahinto dahil may isa pang babae ang ngayon ay nasa harapan niya. Hindi rin ito nakauniform. Maganda ito. Mahaba ang buhok at maamo ang mukha. Manipis ang mga kilay nito na natural ang pagkaarko. Malamlam ang mga mata nito at mababakas ang lungkot, sakit at pagkapahiya. Ngunit sa isang iglap ay nawala iyon. She pouted her red lips and raised an eyebrow at him. She looks really angry with a balled fist. It looks as though she was going to hit him. Siguro dahil nahuli siya nitong nakikinig sa usapan ng may usapan.     Mas lumakas pa ang mga yabag ng mga taong palabas sa kusina. Siguradong papalapit na ang mga ito sa kanila. Wala na siyang kawala ngayon. Hindi naman siya pwedeng umiwas sa babaeng kaharap at magtatakbos pabalik sa salas. At mas lalong nakakahiyang makita siya ng mga tao sa loob ng kusina at isiping nag-eespiya siya. Either way, she would lose some pogi points. Mas pinili na lang niyang magpasuntok sa babaeng nasa harap. So, he just closed his eyes and prayed that she wasn’t learning boxing.  But the hard blow he was expecting didn’t come. Pagmulat niya, wala na ang babaeng nakita niya.     Tumingin siya sa likod para tingnan kung nilampasan siya nito ngunit isang malakas na tili ang sumalubong sa kanya. Napapikit siya sa sobrang tinis ng boses nito. He could not blame her. Siguradong nabigla ito sa pagkakita ng tao sa loob ng bahay na hindi kakilala.      “Ang gwapooooh!!!!” pasigaw pa ring komento ni Rowena na siyang tumitili. Nagmamadali tuloy na naglabasan ang mga tao sa loob upang tingnan kung ano bang nangyari. Hindi niya tuloy alam kung anong gagawin niya.     “Ahm, pasensiya na kung nakaistorbo ako.” He was really embarassed to be in that situation.     “Matanong ko lang hijo, ano bang ginagawa mo rito sa kusina?” tanong ng mayordoma sa kanya. Hinawi nito sa daan ang mga katulong na nasa unahan para malapitan siya.     “Kukuha lang po sana ako ng maiinom. Pasensiya na kung nangahas na po akong pumunta dito. Wala kasi akong makitang tao sa loob.” Napansin niyang hindi pa rin lumalabas si Alex at yung sugatang katulong. Pero sigurado siyang aware ito na may intruder sa kusina.     “Naku, okay lang... Gwapo ka naman eh.” Singit ni Rowena na siniko naman ng katabi kaya tumahimik na.       “Ikaw siguro ang kasamang bisita ni Don Alejandro, tama ba?”      Sa pagkakaalam niya, siya lang ang inimbitahan ngayon ng Don sa bahay nito kaya tumango siya. Ang kanyang papa ang siyang kausap ng don at inutusan lang siya nitong sumama ngayon. Nagbigay na rin ng hint ang kanyang papa kung ano ang purpose ng pagbisita niya at hindi naman siya nadisappoint dahil isang magandang pagkakataon na rin ang nangyayaring iyon. Tumango na lang siya.       “Sinasabi ko na nga ba.” Binalingan nito ang mga nanonood na katulong at hinudyatan ang mga ito na magsikilos na.     Pinanood lang niya ang mga ito na sunod-sunod na umalis na akala mo’y robot na de susi. Si Rowena lamang ang naiba dahil nakangiti pa itong kumaway sa kanya bago umalis.     “Pasensiya ka na uli, hijo.” Siya naman ang binalingan ng mayordoma na kasing edad din halos ni Don Alejandro matapos mawala sa kanyang paningin ng mga katulong. “Sandali lang at ikukuha kita ng maiinom.”     Iniwan na rin siya nito sa may pinto. Napatingin naman siya sa labas habang binabalikan sa isip ang mga nangyari kanina lang. The expression in the face of that girl who mysteriously banished lingers in his mind. Ito kaya yung pinag-uusapan kanina ng mga katulong? Gaano na kaya ito katagal na nasa likuran niya? Narinig kaya nito ang mga napag-usapan kaya ganoon na lang ang galit nito? Pero bakit nigla na lang itong nawala na parang bula? Hindi naman kaya isang multo ang babaeng iyon? Kinilabutan siya sa naisip kaya naman pinilit niyang ignorahin ang huling ideya.     Nabalik sa huwisyo ang utak niya nang makarinig ng pagtikim mula sa likod niya. Hinarap niya ito and his heart almost stopped from its beating as she walked closer to him. She really looks like a goddess.     “Ano raw gusto mong inumin sabi ni Manang Flor? Hindi mo yata narinig.” Hawak pa rin nito ang gasang ginamit.     “Ahm, ah… Tubig na lang, please.” God naman! Bakit ngayon pa siya tinamaan ng hiya?      “Manang, tubig daw po.” Nginitian siya nito. “Maiwan muna kita. If lolo’s already here, kailangan ko nang magbihis. Ciao!” Kumaway pa ito bago tuluyang iwan siya.     He looked at her as she leaves. Napakaganda pa rin nito kahit simpleng damit pambahay lang ang suot nito. He smiled at himself. He is really lucky that Don Alejandro had given him this chance to meet and get closer to her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD