Gusto nang magpapadyak ng paa ni Ace habang bumababa ng hagdanan. Kung bakit naman kasi kailangan pa siyang isali siya sa dinner ng lolo niya kasama ang bisita nito samantalang hindi naman siya kailangan doon. Naiinis talaga siya at wala siya sa mood na sabayan ang mga ito sa pagkain.
Kanina lang, narinig pa niyang pinagtsitsismisan siya ng mga buwisit na mga katulong nila. Ang higit na ikinagalit niya ay ang muntikang pagkadulas ng matabil na si Rowena sa harapan mismo ni Alex. Ano na lang ang mangyayari kung tuluyang napabulalas si Rowena? Magiging awkward pang lalo ang relasyon nila ni Alex. Or worst, baka mapalayas pa siya nito. Naku, malilintikan talaga sa kaniya si Rowena. Lintik lang ang walang ganti.
But she had a feeling that Alex already knew. Marahil nasabi na dito iyon ni Don Alejandro. Siguro mabait lang talaga ito at nagkukunwaring walang alam kaya hanggang ngayon ay sa mansiyon pa rin siya nakatira. Damn her! Hindi niya kailangan ang kabaitan nito!
Isa pang kinaiinisan niya ay yung lalaking nahuli niyang nakikinig sa usapan ng may usapan. Inatake siya ng migraine kanina lang kaya naisipan niyang bumaba sa kusina para kumain ng ice cream. Nabasa niya kasi somewhere na nakakatulong ang ice cream na makaalis ng migraine. Masama rin daw kasi na palagi siyang iinom ng gamot.
Kung hindi ba naman napakatsismosong matatawag ng lalaking ito at pati pagtsitsismisan ng mga katulong ay pinag-iinteresan. Hindi niya alam na siya pala ang topic ng mga letseng katulong nila na mga walang magawa. Kakastiguhin na sana niya ang lalaki nang marinig niya ang pangalan niya. Ang mga walanghiyang iyon! Anong karapatan ng mga ito na pag-usapan siya? At marami na naman ang napahanga sa kagalingan ng santa niyang pinsan na si Alex. Nakakaasar talaga.
She already knew why he’s here. Their grandfather needed a man to handle their company. Isa pa, she and Alex are not getting any younger. Pareho na silang 27 at ilang taon na lang, wala na sa kalendaryo ang edad nila. Kaya naman ngayon pa lang gumagawa na ng move ang lolo nila para mapalagay na ang isip nito sa magiging future nila.
Although Alex is a model, she rarely goes out to have some fun. Ewan niya kung ano bang nasa isip nito at palagi na lang itong nasa bahay. Mas marami naman itong kaibigan kesa sa kanya pero mas pinipili pa nitong magkulong sa bahay. Wala siyang ideya kung anong ginagawa nito dahil siya naman ay palaging nasa sariling silid kapag nasa bahay siya. Ni hindi pa rin nga ito nagkaroon ng boyfriend tulad niya. Kaya naman siguro naalerto na ang lolo nila at ito na ang naghanap ng perfect man para kay Alex. A man who would take care of the company and the family.
So she is one hundred percent sure that this guy is the one her grandfather is eyeing for Alex. Hindi yata marunong pumili ang lolo niya at tsismosong lalaki ang nabingwit nito. Pero ang kinaiinis niya sa sitwasyong iyon, bakit kailangan pa niyang present sa dinner na iyon? Pakialam ba niya kung sinong Poncio Pilato ang pakakasalan ni Alex. She could marry Leonardo de Caprio and she wouldn’t even care.
She smiled sweetly as she entered the dining room. Kahit medyo rebelde siya, may konting takot pa rin siyang sumuway sa lolo niya. Ayaw niyang tuluyang magalit ito sa kanya. Nakaupo na roon at masayang nagkukwentuhan ang mga ito kasama ang lalaking tsismoso.
“Good evening.” Siya ang unang bumati sa mga ito. Mukha kasing sa kasayahan ng kwentuhan, hindi na napansin na naroon na siya sa harapan ng mga ito.
“Mabuti naman at naisipan mo pang sabayan kami dito.” Malamig na sabi ng lolo niya. She noticed that they are now eating their dessert. Ngumiti lang siya at umupo sa silyang katabi ng kay Alex.
“Nainip na kaming mag-antay sa ‘yo. Akala namin hindi ka na bababa. Umuna na tuloy kaming kumain.” Paliwanag ni Alex na nakatingin sa kanya. Sa mukha nito, mukhang nag-eenjoy ito sa company ni Mr. Tsismoso.
“It’s alright. Dessert lang naman talaga ang habol ko eh.” Nais niyang idagdag na hindi naman niya talaga gustong makasama ang mga ito sa pagkain pero pinigilan niya ang sarili. Binalingan naman niya si Mr. Tsismoso. She gave him her sweetest smile. “Well, hello.”
Nginitian din siya nito. She noticed that her grandfather had a good taste. Kahit naman pala tsismoso ito, gwapo ito at mukhang kagalang galang. Hindi niya alam kung sa anong parte sa mukha pero ang Hollywood actor na si Ryan Reynolds ang naaalala niya dito. Minus na nga lang ang matangos na ilong ng aktor at plus singkit na mata. He might have a Chinese blood in him. Over all, gwapo pa rin ito.
“This is Miguel Salcedo” her grandfather introduced her. “And this, Miguel, is my other granddaughter, Alexis Grace Martinez.” Baling naman nito kay Miguel. “Magkasing edad lang sila ni Alex. Parehong school din, magkaiba lang ng section.”
“Hi.” Pormal na bati nito.
“Miguel Salcedo…” napaisip siya. “Why does your name sound familiar?”
“His family runs a hotel and he’s the General Manager.” Sabat naman ni Alex. “Schoolmate natin siya nung high school. Two years ahead lang siya sa atin.”
Miguel Salcedo... Hmmm... Narinig ko na iyon somewhere. Then it hits her. She tested him. “Nerdy Miggy loves Princess Joyce.” Nakita niya ang bahagyang pagpula ng mukha nito bago namutla. Gusto niya tuloy bumunghalit ng tawa sa reaksyon nitong iyon. Wala namang nakapansin dito dahil nakafocus sa kanya ang tingin ng lolo niya at ni Alex. She smiled triumphantly. Hawak na rin niya ito sa palad niya.
“Ano bang sinasabi mo?” nagtatakang tanong ni Alex sa kanya. Nakangiti siyang umiling. Binalingan naman nito si Miguel. “May pagkaweird lang talaga itong si Ace kung minsan. But you’ll get used to her later on.”
Natigil ang lahat nang pumasok si Rowena. Narinig siguro nitong andun na siya. May dala itong pinggan at kubyertos at nilapag sa harapan niya. Pagkatapos ay kinuha nito ang pitsel at pinuno ang baso ni Miguel.
“Thanks.” Nginitian ito ni Miguel at buong tamis na sinuklian ang ngiting iyon ng lalaki. Sigurado siyang kinikilig ang bruha. She noticed that she was wearing light make up. Nakakatawa! Di yata’t nagpapacharming ito kay Miguel. Sorry na lang kay Rowena, pero itinakda na ng lolo niya na kay Alex na ito. Pero napangiti uli siya sa ideyang pumasok sa isip niya.
Tumingin siya isa- isa sa mga ito. Nang masiguradong wala ni isa man ang nakatingin sa kanya, sinadya niyang ihulog ang kanyang tinidor sa ilalim ng mesa. Saka lang nabaling ang pansin sa kanya ng lahat nang marinig ang pagpatak ng kobyertos.
“Oops, sorry” hinging paumanhin niya bago balingan si Rowena na nakatayo pa rin sa may likuran ni Miguel. Hindi na ito nakangiti ngayon. Lalo pa at nginitian niya ito ng makahulugan. “Pwedeng pakikuha?”
Natigilan ito. Marahil iniisip kung susundin ba ang utos niya o babalewalain ito. Lalo pa niya itong nginitian at tinaas ang dalawang kilay. And by that gesture, she was trying to say : ‘Hello?! Are you there? I’m waiting.’
Tumalima naman ito at marahil naintindihan nga ang gesture na ginawa niya. Lumipat ito sa tabi niya bago sumuot sa ilalim ng mesa para kunin ang nahulog na kubyertos. She smiled. Rowena had fallen into her trap. Ang susunod niyang ginawa ay kunwariang hindi sinasadya na pagtapon ng malamig na tubig sa likod nito.
Hindi kasamang nahulog ang baso dahil hawak niya iyon. Nagulat naman si Rowena sa pagpatak ng malamig na tubig sa katawan nito. Bigla itong napatayo ngunit nasa ilalim pa ito kaya nauntog ito sa lamesa. Umuga pa ang lamesa dahil sa impact ng ulo nito at nagtumbahan pa ang ilang gamit sa ibabaw. Lahat halos ng baso ay nawalan ng laman. Napatayo na tuloy ang lahat.
“Sorry.” Kunwa’y hingi niya ng paumanhin pero nakangiti pa rin siya. Lumabas naman si Rowena mula sa ilalim ng lamesa hawak ang tinidor na kinuha nito. Nakatungo ito na wari’y nahihiya bago lumabas ng dining room.
Hinabol naman ito ni Alex. Narinig pa niyang tinanong nito si Rowena kung okay lang ito. Napataas tuloy ang kilay niya. Ang epal talaga! Napatingin siya sa lolo niya at kay Miguel. Mukhang shocked ang mga ito at hindi pa alam kung ano ang dapat gagawin at sasabihin.
“I’ m sorry for ruining the mood.” Her voice doesn’t sounded that sorry and she didn’t mean that sorry too.. “Di ko alam kung bakit ang clumsy ko ngayon eh.”
Nanatiling speechless ang mga ito. Si Miguel, alam niyang nabigla ito sa pinakita niyang kagaspangan ng ugali. Ito rin ang first time na magpakita ng ganung ugali sa harap ng lolo niya kaya siguro ito medyo natulala. Nagpalipat-lipat lang ang tingin nito sa kanya at sa nilabasang pinto ng dalawa.
“Sa kwarto na lang siguro ako.”
Tumango na lang sa kanya ang lolo niya. Iniwan na niya ang mga ito. Bago pa siya tuluyang makalayo ay narinig pa niya ang boses ni Alex. Binalikan na nito ang bisita at ang lolo nila.
“She’s okay. Pasensya na, Miguel”
Hindi niya narinig kung ano ang sinagot ni Miguel. Pakialam ba niya kung hindi na ito bumalik sa bahay nila after this incident. Hmp! Kung talagang gusto nitong mapakasal kay Alex, kailangan alam din nito ang ugali niya. Ipapaalam na rin niya na hindi siya dapat banggain nito.
Dumiretso siya sa computer niya pagpasok sa kwarto. She had to gather information about Miguel. Kailangan muna niya itong iresearch. If he will be married to Alex, she needs to know the kind of person he is. Will he be a friend or a foe? Ginoogle niya ang pangalan nito at nagulat siya na hindi lang sa f*******: account ang lumabas na results.
Hindi niya alam na may kasikatan din pala ito sa business world. Kabilang pa nga ito sa top 10 youngest successful business man sa Pilipinas at top board passer din ito. But a certain article had caught her eye: An Interview with Some Hottest Bachelors in Town na nafeature sa isang magazine.
Well, siguro nga bagay ito kay Alex. They were both hottest single in their world. She read the article and she kept smiling while reading some part of it.
It is true that he’s a GM in a hotel. But she didn’t realize that the hotel which his family owns is the most popular five star hotel in the country. And not only that, meron din itong sariling book store at gymn. He’s a hardworking, independent man. Nag-iisang anak din ito.
Sa haba ng interview dito at sa dami ng nakuha niyang inpormasyon, nagningning ang mga mata niya nang mabasa ang isang paragraph na iyon. Kung mag-aasawa raw ito, he will make sure na sa bahay lang yung wife niya at magfocus sa mga gawain ng isang housewife at mag-alaga ng anak nila.
If he and Alex will get married, titigil na ito sa modeling career nito. She won’t see her face on billboards, television and magazines too. And to be a perfect housewife, kailangang nasa bahay lang ito at sigurado namang may sarili ng bahay si Miguel. Meaning, bihira na lang ang pagpunta ni Alex sa mansiyon ng mga Martinez. And in short, Alex will be out of her way. Napangiti siya sa sarili niya. She should plan this carefully.