Another Tactics

963 Words
“TWELVE o’clock kiss? Is that a joke?” Ace knew that this will be the first reacion of Miguel when she told him about it. Hindi nga siya nagkamali. She read the stuff about the twelve o’clock kiss in the net. Kwento iyon ng limang magkakaibigan na ginawang sign ang halik na iyon upang malaman na ang hahalik sa kanila ng alas dose ng gabi ang siyang makakauluyan nila. It was a true story kaya naman natuwa siyang ishare iyon kay Miguel. “Wala naming masama di ba?” naiinis na tanong niya. He laughed at what she said. “That’s nonsense! Para kang bata. Naniniwala ka pa diyan?” “Tumawa ka pa, batukan kita diyan eh!” It’s not that she’s annoyed at him for laughing at her. It’s just that… hindi na naman niya makontrol ang puso niya sa pagwawala.  Nasa isang sikat na restaurant sila noon at kasalukuyang nagdidinner. Mag-iisang buwan na simula nang una silang lumabas na magkasama. Pagkatapos ng Thank You lunch gift niya dito ay nagtuloy-tuloy ang pagiging magkaibigan nila at halos araw-araw na nga silang palaging magkasama. They will have a dinner or lunch out and discuss the best way to move Alex’s heart. Although noong una ay ayaw pa rin ni Miguel pumayag na makialam siya sa relasyon nito at ni Alex, napilit pa rin niya ito kahit maging informant lang ng likes and dislikes ni Alex. Hindi rin naman masyadong useful ang information na ibinibigay niya dahil lahat naman na iyon ay kuha lang din naman sa internet. Ang purpose talaga ng kanilang mga ‘dates’ ay para mag-isip ng mga strategies para kay Alex. Kaya nga lang, kapag nagkikita sila, siguro one-sixth lang ng oras nila ang naigugugol kay Alex. Most of the time kasi, inaasar lang siya nito at nagkukulitan lang sila. Kaya naman medyo nasasanay na siya sa ugali nito. Ngunit kahit yata masanay, hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang reaksiyon niya sa mga ngiti nito. Palagi pa ring lumalakas ang pintig ng puso niya makita lang ang nagniningning na mga mata nito sa tuwing ngingiti ito. He was like those children on the orphanage. Ramdam niyang hindi siya pinaplastik nito. Mabuti na lang, mas naitatago na niya ngayon ang epekto nito sa kanya. “Okay, hindi na ako tatawa.” He was just suppressing his laughter at pinagtiisan na rin niya itong kausapin kahit medyo naiinis pa siya. “I will tell Alex that story. Siguradong matutuwa iyon kasi mahilig iyon sa mga cheesy stuffs. Tamang-tama pa kasi ikaw ang magiging first kiss niya.” This time, serious ito ng magsalita. “Really?” Nakatitig ito sa kanya. Nailang tuloy siya sa paraan ng pagtingin nito. Para kasing binabasa nito ang nasa isip niya. “Oo, ano! Swerte mo ngayon. Hindi pumapayag si Alex kahit sa on screen kiss kasi magagalit si Lolo. At wala pa rin siyang nagiging boyfriend. Baka nga hindi pa rin iyon marunong humalik eh.”  Tuloy tuloy ang pagsasalita niya na parang wala ng tuldok sa pagitan ng mga sentences na binitawan. Iba kasi ang pakiramdam niya sa pagtingin nito sa kanya. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom doon para mag-iwas ng tingin. “How about you? Marunong ka bang humalik?”anito na mas seryoso pa ngayon ang mukha. Muntik na niyang maibuga ang lamang tubig ng bibig niya. Although nasanay na siya sa how about you questions nito na palagi na rin niyang naririnig kapag kwinekwentuhan niya ito about Alex, nabigla pa rin siya sa tanong na iyon. Medyo personal na kasi iyon. “O-oo naman!” Mabilis niyang sagot pagkatapos lunukin ang tubig na muntikan ng ilabas. And she was lying. Hindi niya alam kung marunong nga siyang humalik dahil she was never been kissed. Dramang ala Drew Barrymore. Nakita niya ang saglit na pagdilim ng anyo nito na akala mo’y galit. Pero in just a second, wala na iyon at tumango tango na lang. “Can we change the topic? Kung ayaw mo ng suggestion ko, wag na lang. Wala ka rin namang sinunod sa mga sinasabi ko eh.” That was true. Sang katerba na ang naibigay niya ditong tips para maakit si Alex pero wala naman itong ginagawa. Hindi niya tuloy alam kung torpe lang ba talaga ito o ano. But she was quite sure that he is not a gay. “May itatanong ako sa ‘yo.” “Ano naman iyon?” Hindi naman ito ang unang beses  na nagtanong ito ng kung ano-ano kaya, fire away! “Tell me, ano ba ang nakukuha mo sa pagbubutas mo sa tenga?” Awtomatikong nalipat ang kamay niya sa kaliwang tenga niyang higit sa tatlo na ang hikaw. Pati ang kabila noon ay meron na din. “Wala lang. It’s just a remembrance of my failure and thropies in life.” She looked straight to his eyes pero ibinaba niya ulit iyon. Hindi pa niya kayang makipagtitigan dito. “What do you mean?” She smiled painfully. “If you’re aching inside, it hurts like hell. So, I pierce myself so my mind will move aside the emotional pain and focus only on the physical pain. Kuha mo?”  He silently nodded. “Pero hindi naman lahat ng piercing dahil sa bad memories. Meron ding masaya para gawing commemoration. Sa kasal ninyo ni Alex, siguro dapat magbutas ulit ako.” Sasagot pa sana si Miguel ngunit natigilan itong nang may nakita sa likuran niya. Lumingon siya sa direksiyon ng tinitingnan nito. Isang middle aged woman ang nakangiting kumakaway sa kanila habang lumalapit sa kanila. Pamilyar ang mukha nito. Bigla tuloy siyang kinabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD