Unexpected Guests

1107 Words
“Hi!” bati ng ginang nang makalapit sa kanila. Tumayo si Miguel at humalik sa pisngi nito. Pati tuloy si Ace ay napatayo na rin. “Mom, what are you doing here?” “Sweetheart, is that the right question to ask your mother?” nakangiting sabi nito bago tumingin sa likod. “Yeobo, look who I’ve found!” Yobo? Ano yun, lobo? Ito ba ang mommy ni Miguel? Hmmm… sa kanya pala nakuha ni Miguel ang mata nito. Iyon agad ang napansin niya nang unang makita ito. Lumapit din ang tinawag ng ginang. He looks like an older version of Miguel except his face is more friendly. May pagkaserious kasi ang mukha ni Miguel. “Dad…” Hinalikan din ni Miguel ang pisngi ng daddy nito which was not a common thing to do when it comes to guys. But she wasn’t turned off. It even made her feel more proud of Miguel. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ito. “By the way, mom, dad… I want you to meet Alexis Grace Martinez.” Pakilala ni Miguel sa kanya. “Ace.” Nakipagbeso-beso ito sa kanya. “I’m so glad to finally meet you.”  “It’s nice meeting you too, Mrs Salcedo. Please join us.” Inalok niya ang mga ito na maupo. Mabuti na lang at pang-apatan ang mesa na kinuha nila. Pati si Mr Salcedo ay nakipagbeso din sa kanya. “Okay lang ba na makishare kami dito sa inyo? Hindi ba kami nakakaistorbo?” may himig ng panunukso ang tanong na iyon ng daddy ni Miguel. “Don’t be silly, Dad. Sit with us,” yaya ni Miguel bago sila naupo lahat. Sa tabi niya naupo si Mrs Salcedo at sa tapat naman nito ang asawa. Katapat pa rin niya sa upuan si Miguel na kasalukuyang kausap ang waiter para sa karagdagang orders nila. “Hija, Tita Mimi na lang ang itawag mo sa akin. Ay hindi, eomonim pala. Hindi naman magtatagal, magiging isang family na rin naman tayo.” Nakangiting baling nito sa kanya. Tumango-tango ito looking satisfied. “You’re really pretty.” Nahihiyang ngumiti siya. “Ahm, thank you po, o-omo-nim? Kayo nga po itong napakaganda.” Hindi niya ito binobola. Totoong maganda ito. Idagdag pa na kahit medyo may edad na, napakaganda at elegante pa rin nitong tingnan. “Ay, hindi ko kokontrahin yan.” Natatawa nitong sabi. “Talaga namang sa beauty ko nahulog itong yeobo ko. Hindi ba, yeobo?” baling nito sa asawa. Nakangiti lang na nailing ang asawa nito. “Mom, ano ba naman kayo?” singit ni Miguel. “Eomma! Call me eomma, sabi.” Nalilito siya sa mga nangyayari. Hindi niya magets ang nanay ni Miguel. Jologs ba ito o ano? Ang weird kasi ng mga sinasabi nito. At wala ring magawa ang mag-ama para kontrahin ito. “Pagpasensiyahan mo na lang itong asawa ko, hija,” anang ama ni Miguel na nakangiti. “Sobrang panonood kasi niya ng mga koreanobela kaya kung anu-ano ang naaabsorb ng utak.” Sumimangot ang ginang sa sinabi nito ngunit hindi naman ito nagalit. “Sobra ka naman, yeobo. Parang may sayad ako sa sinasabi mo ah. Cute naman hindi ba, Ace?” Nginitian siya nito habang itinataas ang dalawang kilay, naghahanap ng kakampi. “Ano po ba ‘yung meaning ng yobo?” paglilihis niya sa tanong nito. Weird naman kasi na makarinig ng ganoon. “Honey yun sa Korean language. Commonly na tawagan ng mag-asawa sa Korea. Pero since nasa Pilipinas tayo, wala namang gumagamit noon. Kaya unique.” Nginisihan siya nito. Weird talaga pero cute. Nakakatuwa. Ganito pala ang feeling ng may pamilya.  “Ikaw, anong nick name mo sa aegi ko?” tanong pa nito. “P-po?”  “Mom-”   Magpanabay ang salita nila ni Miguel. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito samantalang nagbabanta naman ang tinig ni Miguel. Pero hindi sila pinansin ng ginang. “Shillang na lang. Yun ang tawag ni Hwangbo kay Kim Hyun Joong nung gumanap silang mag-asawa. Groom ang ibig sabihin noon. Si Miguel naman, Buin dapat ang tawag sa iyo. My lady naman iyon. Romantic, di ba?” So.. Akala pala ng mga ito, siya si Alex. Na-gets na niya. Sabagay, si Alex naman talaga dapat ang kasama nito ngayon at hindi siya. “Teka lang po, omonim. Hindi naman po –“ “Hay! nakakatuwa talagang marinig na tawagin mo ako na mom.  Alam mo kasi, nag-iisa lang ang anak naming kaya naman masarap sa pandinig na may isa pang tao ang tumatawag sa akin ng mommy.” Hindi pa rin maawat ang ginang sa pagsasalita. “A-ano po?” Mother din pala ang omunim. Akala niya, tita iyon. Oma naman kasi ang pinapatawag nito kay Miguel eh. She helplessly looked at Miguel. Iniintay niya na magpaliwanag ito sa mommy nito na hindi naman talaga siya ang pakakasalan nito kung hindi ang pinsan niya. Ngunit isang iling lang ang ibinigay nito sa kanya na naintindihan niya ang ibig sabihin. It’s no use. "Alam mo kasi, hija, matagal na naming inuulukan itong si Miguel na ipakilala ka na sa amin. Kaya lang, gusto ng isang ito, sa engagement na lang. Baka raw kasi mabulilyaso pa.” Singit ng ama ni Miguel. “Dad, pati ba naman ikaw…” Sa tingin niya ay pinamulahan ng mukha si Miguel ngunit wala namang magawa para maawat ang mga magulang. “Naku, huwag ka ng mahiya diyan. Malalaman din naman niya eh.” Siya naman ang binalingan nito. “Hindi naman siguro lingid sa iyo na ang anak namin ang napupusuan ng lolo mo na maging asawa mo, di ‘ba?” Napatango na lang siya. Alam naman talaga niya iyon maliban sa hindi naman siya kundi si Alex ang itinakda para dito. Nakangiti itong nagpatuloy. “Okay lang naman iyon sa amin kung gusto naman niya. Hindi naman ito gunshot marriage, di ‘ba? At sa nakikita ko, mukha naman talaga kayong inlove sa isa’t isa.”   Teka lang… Sila? Inlove sa isa’t isa? Nagbibiro ba ito? She wasn’t inlove with Miguel! At si Miguel, si Alex ang gusto nito at hindi siya. Hindi siya nakapagsalita. Nag-init na lang ang buo niyang mukha. “Look, yeobo. They are both blushing. Nakakatuwa.” Nakangiti ang ginang habang pinagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Miguel. “Can we change topic now?” ani Miguel na pulang pula nga ang mukha. But she doesn’t think he’s blushing. Maybe he’s just mad.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD