“NAIBIGAY mo ba talaga ang invitation kay Mr. Salcedo?” muling tanong ni Ace kay Ruth na siyang assistant niya. Hindi na niya mabilang kung pang-ilan ng tanong iyon ngunit hindi yata siya matitigil sa pagtatanong hangga’t hindi pa dumarating at nakikita ng sarili niyang mata si Miguel.
“Yes. Ma’am. Ako po mismo ang nag-abot noon sa sekretarya niya at ilang beses ko na rin pong kinontak ang sekretarya niya to make sure na naibigay niya yung invitation.” Muli pa ring sagot nito.
Today is the launching of the new batch of jewelries that her group designed. And the highlight of this batch was a necklace which they named the ‘Mighty Moon’. Siya mismo ang nagdesign ng pendant noon. At sa tuwing naglalabas sila ng bagong jewelries, siguradong nagiging hit iyon. Lalo pa nga at si Alex ang mag-eendorse.
Isa iyon sa rason kung bakit hindi pa rin niya masabi kung dahil ba sa design niya kaya nagiging click ang mga alahas nila or dahil lang sa endorser nila. Hindi naman niya pwedeng tanggalin si Alex bilang endorser nila para lang ipakita niya na magiging successful siya kahit wala ito. Siguradong magagalit ang lolo niya.
Pero ngayong araw, wala siyang pakialam kung magiging hit ba yung mga alahas nila lalo na ang Mighty Moon o hindi. Marami na rin naman siyang design na naghit kaya naman okay lang kung maging failure ang design niya ngayon. Mas mahalaga ngayon ang tagumpay sa kanyang plano. Nakasalalay dito ang panghabangbuhay niyang kasiyahan na malayo kay Alex.
Halos lahat ng invited guests ay nagdatingan na. Marami na ring press na dumating. Interesado ang mga ito sa bagong jewelry na i-eendorse ni Alex. But her eyes were searching for that particular person. Walang mangyayari sa mga plano niya kung wala ang main lead.
Tumingin siya sa relong suot niya para alamin ang oras. Nagsisimula na siyang mag-alala. He should be here by now. Paano kung hindi ito dumating? Kagabi pa niya halos ipagdasal na dumating ngayon ang lalaki.
“Well, could you go and look for him,” utos niya. “But don’t say anything to him kapag nakita mo siya. Just inform me if he’s already here.”
“Yes, Ma’am.” Humiwalay na ito sa kanya pabalik sa may entrance.
Naiinis na siya. Kung hindi niya maisasagawa ang plano ngayon, hindi niya alam kung kailan siya muling magkakaroon ng pagkakataon. Ilang minuto pa siyang naghanap at nang sumuko na, pumayag na siyang magpainterview sa ilang writers ng mga lifestyle magazine. Being one of the creators, she had to discuss the story or inspiration behind the necklace.
Wala silang makeshift stage kaya naman sa gilid lang siya nagpainterview. Ngunit good afternoon pa lang ang nasasabi niya, nawala na ang focus sa kanya ng mga ito at napapunta na sa dumarating na si Alex. She immediately became the center of attraction.
Nanggigil siya sa inis at wala nang nagawa kundi ikuyom ang palad. How dare them na balewalain siya! Nagngangalit na ang ngipin niya pero wala siyang magagawa dahil hindi siya pwedeng mag-eskadalo doon. She had to admit the fact that when Alex is around, she’ll always be defeated.
Alam niyang bakas na sa mukha niya ang pagkaasar at pagkainis. Ngunit wala naman ding makakakita noon dahil lahat ng mata ay nakatuon kay Alex. She needs an excuse to get her out of there at the moment. She tried to search for her assistant. Kapag nakita niyang kay Alex din ito nakatingin, sisisantihin na niya ito.
At last she had found her – looking at Alex too. Mukhang starstuck pa nga. Bihira lang naman kasing magawi si Alex sa opisina. But she had found a set of eyes that wasn’t looking at Alex. Instead, the owner of those eyes was looking at her. It was Miguel who was beside her assistant.
Hindi niya maintindihan ang mukha nito. Serious ito na parang matatawa. But who was he laughing at? Mukha ba siyang clown? Asar talaga
Smile. Her mind reminded her at awtomatikong ginawa niya iyon with matching kaway pa. Itsurang Ms. Universe contestant. Talo pa niya si Sandara at ang famous wave nito. Kailangan niya iyon upang hindi ito makahalata.
Tumango lang ito sa kanya. Then, he too, looked at Alex. At ewan ba niya kung bakit mas lalong kumulo ang dugo niya.