Her Not Perfect Plan

1517 Words
    MAHIGIT  isa’t kalahating oras na simula ng magsimula ang launching na nauwi sa party and kanina pa rin nabuburyong si Ace. Hindi naman kasi siya mahilig umattend ng mga sosyalang ganoon. Wala siyang ganang makipagplastikan sa mga tao na alam naman niyang pinaplastik din naman siya. Uso talaga yung mga tupperware na tao sa mundo. Unfortunately, she had to be present in these event. Isa pa,kailangan pa niyang isagawa ang plano niya.     Isa sa mga facts na nabasa niya sa binabalik-balikan niyang interview kay Miguel Salcedo, hindi rin ito gaanong mahilig makipagsocialize sa mga tao. Ito siguro ang something na pwede nilang pagkasunduan. The longest time that he stayed in a party was two hours.     Hindi nga nagtagal ay lumapit na ito sa kaya. Mukhang katulad niya ay naiinip na rin ito. Actually, kanina pa niya iniintay na lumapit ito sa kanya para magpaalam. Binati siya nito nang tuluyang makalapit sa kanya.           “Hey.”          “Hey," ganting bati niya na may kasamang ngiti.     “It was really nice of you to invite me here but I really should go.”      Nang dumating ito kanina ay nagbatian lang sila pagkatapos ay itinaboy na niya ito kay Alex. Pero nadisappoint siya nang makalipas lang ang ilang minuto at may nakita itong mga kakilala ay humiwalay na rin kay Alex. Nakakaasar pa na sa haba ng oras na nanatili ito doon, ni hindi man lang ito gumawa ng move para makalapit muli kay Alex. Pero kung sabagay, madami kasing umaaligid aligid kay Alex at baka hindi ito makasingit.     “It’s alright,” she answered. “Actually, si Grandpa lang naman ang nagpainvite sa ‘yo dito. Ayokong madis-appoint siya kung hindi kita bibigyan ng invitation. But thank you for coming.”     Natigilan ito at tumingin sa kanya na nakakunot ang noo. Pinag-aralan nito ang mukha niya kaya naman nailang siya. Alam kaya nito ang plano niya? Di nagtagal ay tumango na lang ito. “Right. Kaya pala nangungulit ang secretary mo to make sure that I’ll attend sa event na ito.”     Natigilan siya bigla. Patay na! Nahuli na kaya siya nito? “Ah... si Grandpa ang nag-utos sa kanya ano? Sa tingin mo, gagawin ko ‘yon? Ano ka, sinuswerte?” palusot niya.      “Right. Anyway, I would be rude kung hindi ako magpapaalam.”     “Okay. And again, thanks for coming. Sandali lang.” nakita niya si Alex na papalapit sa kanila. She was looking at him. Sinignalan niya ito na bilisan ang pagpunta doon. Hmmm… Mukhang hindi naman siya gaanong mahihirapan sa mga ito.     “Cousin dear,” bati niya kay Alex nang makalapit ito sa kanila. “Pwede mo bang ihatid si Mr Salcedo sa labas? Baka magalit si Lolo kapag nalaman niya na basta na lang natin siya pinaalis na wala man lang special treatment.”          “Okay.” Nginitian nito si Miguel and motioned him the way out. Magkasunod nang lumabas ang mga ito and she smiled triumphantly.     She made her way into the rest room to make a phone call. Pagkatapos makausap ang kanyang alagad, lumabas na rin siya para manood. Kailangang makita niya ang mga mangyayari. Exciting yata itong drama niya ngayon.     Sa pagsisigurado na safe ang lahat at walang magiging sagabal sa plano niya, medyo nagtagal pa siya sa loob. Kailangan kasi, wala munang lalabas sa building na iyon para walang maging witness sa drama niya. Nasa kalagitnaan na tuloy ang play na iprinoduce niya nang maabutan niya. Halos bugbog sarado ang tatlong goons na inupahan niya para kunwari’y kidnapin si Alex. Mayamaya pa nga ay isa-isang nagtakbuhan ang mga ito palayo.          Nice. The prince save the damsel in distress. She smiled triumphantly. Sa isang kotse na nakapark malayu-layo sa crime scene siya nagtago. Mukha namang hindi ng mga ito alam na pinapanood na sila ng producer.     Lumapit agad si Miguel sa tila takot pa ring si Alex. Halos mangiyak-ngiyak ito habang nakaupo at niyayakap ang sarili sa tabi ng isang kotse. “Are you alright?” Inalalayan nito si Alex patayo at kulang na lang ay yakapin nito ang pinsan niya. Tumango lang naman si Alex.     Luminga-linga si Miguel. Marahil naghahanap ito ng guwardiya doon. At siyempre pa, ang dalawang guard na nakaduty sa basement parking na iyon ay pinaakyat niya muna sandali para magmerienda. Perfect plan niya yata iyon.     “Sa tingin ko, kailangan muna nating pumunta sa police station. Don’t worry, I know someone inside. Sasamahan kitang magreport ng nangyari.” Narinig niyang sabi ni Miguel.     Natigilan siya. Hindi niya naisip ang posibilidad na iyon. Feeling niya kasi, laro lang ang lahat. Nakalimutan niyang malaking kasalanan sa batas ang pangingidnap. Baka mabitay pa siya kapag napatunayang siya ang mastermind sa k********g na iyon. Pinagpawisan tuloy siya ng malamig at nanikip ang dibdib na halos hindi na makahinga.     “Hindi na siguro kailangan.” Mayamaya ay narinig niyang sagot ni Alex. Nakahinga siya ng konti dahil doon. “Baka balikan pa ako kapag ginawa ko iyon. Baka lalo pa silang magalit. Hindi lang siguro ako naging maingat kaya may mga nagtangka.”     Hindi na umimik pa si Miguel. Nakatingin lang ito kay Alex at pinag-aaralan ang mukha. Iniisip siguro nito kung ano ang nararapat gawin ng mga oras na iyon. Pero tumango na rin ito kapagdaka.          “Pwede bang huwag mo na ring sabihin ang nangyari kay lolo? Baka lumaki pa ang issue kapag nalaman niya.”     “Pero...”     “Kami lang ni Ace ang magsusuffer. Baka hindi na kami makalabas ng bahay. Magagalit pa sa akin si Ace niyan. Kailangan siguro, doblehin na lang ang pag-iingat simula ngayon.”     Aba’t siya pa talaga ang dinahilan ng babaeng iyon ah! Ngunit dahil magiging ayos naman ang kahihinatnan ng nangyari, palalampasin na muna niya iyon. At least, nakakahinga na siya ng maluwag ngayon.      Ngayon niya nakikita ang butas ng akala niya ay perfect plan niya. Nakalimutan din niya na may CCTV doon. Pwede din iyong gamitin laban sa mga goons na inupahan niya. At paano kung ituro siya ng mga ito na mastermind sa pangkikidnap?       Aminado siyang mali ang nagawa niyang play. Dapat mag-isip muna siya ng mga tamang gawin bago kumilos. Napakacareless pala ng ginawa niya. Baka mahulog na siya sa sarili niyang patibong sa susunod.     Hindi na niya namalayan na wala na pala ang dalawa. Luminga-linga siya pero hindi na niya nakita ang mga ito. Lumabas na tuloy siya sa pinagtataguan. Ilang minuto na ba siya doon? Ngunit wrong move pala ang ginawa niya na paglabas sa tinataguan dahil hindi pa pala nakakaalis ang mga inupahan niyang mga goons.     Naglabasan ang tatlo nang mawala sina Alex. Lumapit ang mga ito sa kanya at hindi niya nagustuhan ang tingin ng mga ito sa kanya. Pinaligiran siya ng mga ito at unti-unting lumalapit sa kanya habang lumalayo naman siya sa mga ito.     “Miss, kailangan namin ng dagdag sa serbisyo namin.” Ang pinakaleader ng tatlo na siyang nakausap niya para sa palabas na iyon ang nagsalita. Ang alam niya, mga tambay lang ito sa kanto. Iyon kasi ang description niya nang magpahanap siya kay Ruth ng ‘kidnappers’. “Hindi mo naman sinabi sa amin na black belter pala ang tagapagligtas ng prinsesa. Pinagbabali ang mga buto namin. Malaki- laki ang magiging hospital fee namin.”     Hospital fee? Anak ng teteng! Saan ba napagkukuha ni Ruth ang mga ito at may nalalaman pang hospital fee? Tiningnan niya isa-isa ang mga ito. Ni isa man ay walang senyales na nabalian ng buto. Anong tingin sa kaniya ng mga ito, bobo? Additional fee? Ha! Ano sila, sinuswerte?     Ngunit hindi naman niya maisatinig iyon. Mahirap na. Nag-iisa pa naman siya ngayon. “Pasensya na, pero hindi naman ako natuwa sa performance ninyo. Ang lalampa ninyong tatlo. Nag-iisa lang, hindi pa ninyo kaya. Isa pa, iyon na ang napagkasunduang halaga. Mabuti nga at nagkaroon kayo ng ganoong kalaking halaga sa kaunting minuto na inaksaya ninyo.”     Tinalikuran na niya ang mga ito. Sixty thousand ang ibinigay niyang kabuuang bayad sa mga ito. At sa tingin niya, malaking halaga na iyon para lang sa gagawin ng mga ito na maging mga alagad ng witch na bibihag sa prinsesa na ililigtas naman ng prinsepe.     “Teka lang.” Hinawakan ng leader ang braso niya at pinigilan siyang makalayo. “Hindi mo ba narinig? Muntik na kaming ipakulong ng mga iyon ah. Kalayaan namin ang itinaya namin pagkatapos hindi mo daragdagan ang bayad mo.”     Tiningnan niya ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman nito inalis ang pagkakahawak sa kanya. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakikita niyang lalo pang naglalapitan ang mga kasama nito sa kanya. Inilipat niya ang mata sa mukha ng mabigoteng leader. Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi siya dapat nagpapakita ng takot kahit sa totoo ay nanlalambot na ang tuhod niya.“Wala na akong pakialam doon. Pumayag kayo sa gusto ko at binayaran ko na kayo kaya tapos na ang usapan natin.”      “Ah, ganoon ha!” Itinaas nito ang kamay at handa nang isampal sa kanya. Napapikit siya sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD