Hinila si Ace ni Miguel sa kamay mula sa pulis na may hawak sa kanya nang tuluyan itong makalapit. Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya at sinuyod iyon ng tingin. May hinahanap ito sa kanya na kung ano. “Are you okay? Are you hurt?”
Iling lang ang tanging nasagot niya habang nakatingin sa mga mata nito. Was he looking for bruises or injuries? Tama ba itong nakikita niya na nag-aalala si Miguel sa kanya? She kept a tiny hope inside her heart. At least, she cares for her. Hindi na rin iyon masama.
Nang makontento si Miguel sa pagsuri sa kanya ay saka lang nito binitawan ang kanyang mukha. Nakaramdam siya ng panghihinayang na napalitan ng bahagyang pagsinghap nang sa baywang siya nito hawakan para maalalayan. Hinigit pa siya nito papalapit na sa akala mo’y aso na natatakot maagawan ng buto. Medyo nailang siya noong una ngunit sa huli ay parang nasisiyahan na ang puso niya sa hindi niya maipaliwanag na paraan. Just being close to him like this and being able to smell his masculine scent is enough heaven for her.
“Teka lang. Teka lang, General. Siya ho ang magpapatunay na nagtangka kaming mangkidnap. Sabihin mo na yung totoo, Mr. Karate.” Singit ng lider bagama’t hindi tinatanong. Natakot siguro ito dahil sa nakitang pag-aalala sa kanya ni Miguel.
Oo nga pala. Nakalimutan niya ang kasong kinahaharap niya ngayon. Her mind was busy savouring her feelings over the things he was doing to her, she had momentarily forgot. Ni hindi na nga siya natatakot ngayon samantalang kulang na lang maligo siya sa pawis kanina dahil mangatal-ngatal na siya sa takot. Matindi pala talaga ang power of love.
“Kung ganoon, kayo pala ang mga kidnapper.” Itinuro ng pulis isa-isa ang tatlo na ngayon ay tuwid na tuwid ang tayo. Para ngang natatakot na ang mga itong gumalaw.
“Kami nga yung kidnappers. Pero, siya ang nag-utos sa amin. Siya ang ‘mastermind’.” Itinuro siya ng lider pero pinalis ni Miguel ang kamay nito. Si Miguel naman ang itinuro nito. “Siya pa nga ‘yung nagligtas kay Alex Martinez. Si Alex Martinez ‘yung pinapakidnap niya.”
“Si Alex Martinez? Iyong commercial model?” takang tanong ng pulis.
“Oo, siya nga iyon.” Buong pagmamalaki pa ng lider.
“Sira ulo ka ba?” Binatukan ito ng pulis. “Eh, wala namang napapareport na ganyan eh. Kung may nangyari ngang ganoon, eh di sana, alam ko na. At saka, hindi ba iyon si Ms Martinez?” Tinuro nito ang palapit nang si Alex. Napagod na siguro ito pagtakbo kaya naglakad na lang. “Bakit hindi na lang siya ang tanungin natin kung totoo ang mga sinasabi ninyo.”
Napahawak siya ng mahigpit sa laylayan ng damit ni Miguel. This is it. Ito na talaga ang katapusan niya. Siguradong makakarating din sa lolo nila ang nagawa niya. Sigurado rin na hindi siya mapapatawad nito.
“Miss Alex,” sinalubong ito ng pulis. “mawalang galang na sa ‘yo pero totoo bang tinangka kang kidnapin ng tatlong ito? At ang babae daw na iyon ang mastermind sa mga plano nila?”
Nagyuko siya ng ulo. Nahihiya siyang tumingin kay Alex ng mga oras na iyon. Alam niyang malaki ang kasalanan niya dito pero sana naman bago siya ipakulong ng mga ito ay pakinggan muna ang explanation niya. At sana rin maintindihan nito ang katangahan niya.
“Ha? Kidnap? Ako? Kailan iyon? Wala namang nangyaring ganoon ah.” Bigla ang paglingon niya kay Alex. Nakantingin rin ito sa kanya at nginitian siya nito. Nahihiyang nagbaba ulit siya ng tingin.Hindi pa niya kayang salubungin ang mata nito. Pero, tama ba ‘yung narinig niya? Pinagtatakpan siya ni Alex?
“Teka lang… Totoong pinakidnap ka niya sa amin.” Natakot na ang tatlo dahil sa nangyayari.
“Bakit naman ako ipakikidnap ng sarili kong pinsan?” tanong ni Alex sa mga ito.
“Pinsan?” takang tanong ng isa sa mga ito. Binalingan nito yung pulis. “Pero, sir totoo po ang sinasabi ng bossing namin. Siya pa nga po ang nambugbog sa amin, eh.Magaling po siyang mangarate.” Tinuro nito si Miguel.
“Paano naman magiging totoo ang sinasabi ninyo, eh, girlfriend ni Sir si Ma’am.” Singit naman ng guard ng restaurant. “Gagawa-gawa kayo ng kwento, ang dami namang butas.”
“Ang mabuti pa, sa presinto na kayong tatlo magpaliwanag.” Tinangka pang tumakas ng tatlo pero maagap ang pulis at pati ang dalawang guard ay tumulong rin. Nadakip ang mga ito at isinakay sa police mobile.
“Ma’am,” untag ng pulis sa kanya. “Kailangan ninyo rin pong sumama para makuha ang statement ninyo sa nangyari. Pwede ninyo rin po silang sampahan ng kaso o ipa-blotter para hindi na sila makalapit sa inyo.”
“Ako na lang ang magdadala sa kanya doon. Susunod na lang kami,” ani Miguel. Umalis na ang pulis matapos sabihin kung saang police station sila magtatagpo. Iginiya siya ni Miguel pabalik sa restaurant kung saan nakaparada ang kotse nito. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang imik habang patuloy ito sa pag-alalay sa kanya.
“Mauna na akong umuwi sa inyo.” Natigil sila sa paglalakad nang marinig si Alex. “Miguel, I’m entrusting my cousin to you. Ikaw na ang bahala, ha?”
Hindi na magawa pa ni Ace na tumingin sa pinsan niya. Pinanatili lang niyang nakayuko ang ulo at nakatuon ang mga mata sa sapatos niya. Kung mag-isa nga lang siya ngayon, siguradong nakapalahaw na siya ng iyak. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. She was so guilty and really sorry but she could not say anything.
Lumapit ito sa kanya at naramdaman niya ang paghawak nito sa dalawang kamay niya at pinisil ito niyon. “Don’t worry about it. It’s cool.” Alex tapped her hands two times before she let go. Humakbang na ito palayo sa kanya.
Tuluyan nang tumulo ang pinipigilan niyang luha. Noon lang siya nag-angat ng ulo at pinagmasdan ang papalayong si Alex. Napakabait talaga nito. Kung noon pa sana niya naappreciate ang kabutihan nito, wala sigurong kaguluhang nagaganap ngayon. Kaya lang, magsisi man siya ngayon, hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Isa pa, kung hindi niya ito kinamuhian noon, hindi siguro ganito ang relasyon nila ni Miguel ngayon.
And speaking of relasyon, wala naman sila noon ni Miguel kaya ano itong sinasabi niya? Nahawa na yata siya sa security guard na napagkamalan silang ‘in a relationship’. At si Alex, bakit pinupuri na niya ang kabaitan nito? Ang ibig bang sabihin ay hindi na siya galit dito?