Letting Go

1357 Words
    “YOU’RE home now.” Sumilip si Ace mula sa tinted na salamin. Tama nga si Miguel, nakarating na sila sa bahay nila. She looked at her clock. Maaga pa pala.     Wala pang thirty minutes sila nang natapos ang usapan sa police station. Pansamantalang ikinulong ang tatlo hanggang hindi pa siya pormal na naghahain ng kaso laban sa mga ito. Wala rin naman talaga siyang balak na gawin iyon. Hindi man niya maamin sa mga pulis, ngunit sa isip niya, alam niya na siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat.     “Salamat.” Inalis niya ang seatbelt na suot at naghanda ng bumaba. “You can go home now.” Siguradong kung hindi man si Alex ang naghihintay sa loob para kausapin siya, ang lolo niya ang gagawa noon.     “Can we talk first?” seryosong tanong nito.     “Saka na lang tayo mag-usap. I’m tired now.” Lumabas na siya sa kotse nito. Nagulat siya nang bumaba din ito sa kotse at mabilis na nakaligid para alalayan siya.     Hindi na siya tumutol sa pag-alalay nito. Nanghihina naman talaga kasi ngayon ang tuhod niya. Pakiramdam niya, masakit ang buong katawan niya na para bang ang haba-haba ng nilakad niya. Mabuti na nga lang at kanina pa niya napigilan ang pag-iyak. Pinatibay niya ang kanyang dibdib. Hangga’t maaari, ayaw niyang umiyak sa harap ni Miguel.      “I’m okay now. You can go home,” ulit niya dito nang malapit na sila sa pinto.      Narinig na lang niya ang malalim nitong pagbuntong-hininga. “Hindi pa pwede. Pinapatawag ako ng lolo mo. Gusto na niyang i-schedule this month ang engagement party.”     Ang bilis naman. This month na kaagad? Hindi pa magaling ang puso ko noon. But she doubt kung gagaling pa nga iyon. He was her first love and her first heartache. Nagbabadya na naman ang luha sa mga mata niya. Madiin na kinagat niya ang labi para pigilan ang maiyak.     Inalis niya ang kamay nito na nakaalalay sa kanya. Dapat siyang umiwas dito para hindi siya masyadong masaktan. Sa mga simple kasing gesture nito lalo siyang nahuhulog. Baka kasi mamaya, hindi niya makayanan, makatutol pa siya sa kasal nito at ni Ace. Umuna na siya ditong maglakad at pumasok sa loob.      Naghihintay sa living room ang abuelo niya. Halata ang tuwang nadarama nito nang makita silang pumasok. “Mabuti naman at dumating na kayong dalawa.” Humalik siya sa pisngi ng matanda.     “Good evening, lolo.” Alam niyang walang buhay ang pagbati niya ngunit hindi naman iyon pinansin ng don.     “Maupo na muna kayo rito at excited na akong pag-usapan ang engagement party. Sa sobra ngang excited ko eh naiisip ko na next week na iyon gawin.”     Ngumiti si Miguel sa sinabi nito bago naupo sa katapat ng lolo niya. Nanatili naman siyang nakatayo. “Kung iyon po ang gusto ninyo, pwede rin nating gawin iyon.”     ‘Atat!’ Hindi talaga makahintay na mapakasal kay Alex ang isang ito. Muli na namang sumungaw ang nagbabadyang tubig sa kanyang mata.      Matapos nitong hawakan siya sa baywang kanina…      Matapos nitong hindi baliin ang paniniwala ng dalawang guard kanina na may relasyon sila…      Matapos nitong ipagtanggol siya at hindi siya iwanan…      Tapos, ganito?      Nakakasama siya ng loob.     She hoped that maybe there was something special kaya ganoon ito kanina. She really prayed. Okay na sa kanya kung hindi na matuloy lahat ng plano niya, mahalin lang siya ni Miguel. But her dreams were crushed. Wala palang kahulugan ang mga iyon. Siguro, nagpapalapad lang ito ng papel kay Alex. O kaya naman, he cared for her as a sister – just a platonic love.      Naramdaman niya ang pagsakit ng kanyang ilong. Senyales iyon na hindi magtatagal, papatak na ang kanina pa niyang pinipigil na luha. She needed to get out of there. Hindi na niya makakayanan na makasama si Miguel sa iisang kwarto dahil naiiyak siya. At paano kung makita rin ng mga ito ang pag-iyak niya? Siguradong uusisain siya at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.     “Gilda,” tinawag ng lolo niya ang isang katulong nila na nakabantay lang doon. “Tawagin mo nga si Alex at nang matuloy na ang usapang ito.”     Oo nga pala. Wala pa dito ang leading lady. And just imagining Alex and Miguel sweetly talking about their will be engagement, makes her heart aches more. Ikamamatay na niya siguro kung makikita niya ito in her own eyes.     “Lolo, ako na lang pong tatawag kay Alex,” prisinta niya. “Magpapahinga na rin po ako sa taas.” Hindi na niya hinintay na magsalita ito at tinungo na ang hagdan pataas.     “Bakit? May problema ba?” habol na tanong ng lolo niya.     Nilinga niya ito. She then flashed the sweetest smile she could ever make. At least, iyon ang nasa isip niya. Hindi niya alam kung iyon din ang nakikita ng mga ito. “Nothing, lolo. I’m just happy but tired. Kayo na lang ang bahala diyan. Magaling naman si Alex na mag-organize ng event. Ipinauubaya ko na lahat sa kanya.” Including the man I love. After all, Miguel deserves the best. And Alex is the best.     Itinuloy na niya ang paglakad hanggang sa makarating sa labas ng kwarto ni Alex. Napatigil siya nang makita ang pintuan nito. Pagkatapos ng nangyari kanina, nahihiya siya kay Alex. She did something bad to her pero pinagtakpan pa siya nito.     Gathering all her guts, she knocks on the door. Bumukas iyon matapos ang tatlumpung segundo. Nagulat ito nang makita siya sa pintuan nito.     “O, andito na kaagad kayo? Nasaan si Miguel?”     “Nasa baba siya. Pinatatawag ka din ni Lolo. Pag-uusapan daw yung engagement…” Ninyo. Ngunit tila ba nakabikig lang ang salitang iyon sa lalamunan niya at ayaw lumabas.     “Ah. Oo nga pala. Sige, bababa na ako,” anito bago lumabas at isinara ang pinto     “I’m sorry.” Nakatungo siya nang sinabi iyon. There. She already said it. She somehow felt happy that those words really come out of her mouth. This was the most sincere words she had said to her ever since she met her.     “Dahil doon sa nangyari? Ano ka ba? Kalimutan mo na iyon. Past is past.” Hinawakan siya nito sa balikat at pinisil iyon.      Grabe ang bilis naman nitong magpatawad. Ganito ba talaga ito kabait?     “Naipaliwanag na sa akin ni Miguel ang nangyari. Kaya, huwag ka ng mag-alala. Naintindihan ko naman kung bakit mo nagawa iyon. Okay lang. Wala namang nasaktan, hindi ba?” Hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang hinila siya. “Halika na. Puntahan na natin sina Lolo.”     “ Alex…” nilingon siya nito. “Salamat.”     Sinalat nito ang noo niya. “ Wala ka namang lagnat. Nakakapanibago ka… Nagsorry ka tapos    nagpasalamat? Ikaw ba talaga si Alexis Grace Martinez?”     Napangiti siya sa tinuran nito. Kung hindi lang siguro niya pinuno ng galit dito ang puso niya, magkakasundo rin sila nito.     “Tayo na. Magagalit si Lolo kapag hindi pa tayo bumaba.” Ngunit sa halip na sumunod dito ay niyakap niya ito.     “You really deserved all the happiness in the world.” Pumatak ang kanyang luha pagkatapos mabitiwan ang mga salitang iyon. Buong puso na niya ngayong ipinauubaya dito si Miguel. People like Alex and Miguel deserves to be happy. And she will give it to them by letting go.     “Nagiging weird ka na talaga, Ace.”     Binitawan na niya ito at saka nginitian. “Sige na. Bumaba ka na. Nagpaalam na ako kay Lolo na matutulog na. Lakad na. Kanina ka pa hinihintay ng mga iyon.”      “Are you sure you’re okay?”     “I’m more than okay. Lakad na!” Itinulak na niya ito sa direksiyon ng hagdanan.     Masarap pala ang pakiramdam kapag nawawala ang galit sa puso. Parang may isang malaking bato na natanggal sa dibdib niya. Pakiramdam niya isa siyang bilanggo na ngayon lang lumaya.     She watched her as she go. May parte pa rin ng puso niya ang nasasaktan ngayon. Isang mapait na ngiti ang namutawi sa labi niya. Sometimes, loving a person means letting go.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD