CHAPTER 2 (DATING APP)

1797 Words
CHAPTER 2 (DATING APPS) CINDY's POV: "ANONG NANGYARI SA MUKHA MO? Bakit malungkot na naman ang bessy ko?" pagtatanong sa akin ni Shanara. Maaga akong pumasok sa University para makatakas ako sa gawaing bahay sa mansion. Medyo masakit nga ang katawan ko dahil sa sinapit ko mula kay tita. Kaya yung busangot ng labi ko ngayon ay halatang may masakit akong iniinda. Siya nga pala si Shanara, kaklase ko at matalik kong kaibigan dito sa pinapasukan ko. Maganda siya at anak mayaman. Kaya nga pagdating sa bayaran ay lagi niya akong nililibre lalo na kapag wala akong sapat na pera. Hindi kasi kuripot si Shanara, kung kaya naman naaasahan ko ito. To the rescue nga ito lagi kapag nasho-short ako ng budget. Kaya napaka-sarap sa pakiramdam na meron akong best friend na kagaya niya. "Hulaan ko, minaltrato ka na naman ng devil auntie mo noh?" pagbibigkas niya muli. Hindi kasi ako sumagot sa tanong niya dahil pinili kong hilutin ng marahan ang aking tenga para kahit papaano ay mabawasan ang pananakit nito. Marahan naman akong tumango bilang tugon. "Sinasabi ko na nga ba. Ang tita mo na naman ang dahilan. Bakit kasi hindi ka na lang umalis sa puder ng tita Mildred mo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo, bessy?" usal niya nang umupo ito sa tabi ko. Ipinatong niya sa desk ang kanyang mamahalin na bag para hindi ito madumihan. "Kung aalis ako sa puder ni tita, saan naman ako pupunta?" bigkas ko naman sa kanya. Wala naman akong sapat na ipon para makapagsimula at tumayo sa aking mga paa. Kung maghahanap naman ako ng trabaho ay tiyak kong matatagalan ito. "Edi sa bahay namin. Puwedeng-puwede ka do'n Cindy. Lagi nga kitang naki-kwento kay mommy kaya sigurado akong welcome ka sa bahay," saad ni Shanara na hindi man lang siya nagdalawang-isip na sabihin ito. Labis talaga ang kabaitan niya pagdating sa akin. "Ano ka ba, huwag na. Nakakahiya naman sa'yo at sa magulang mo Shanara," mahinang turan ko. Kahit papaano kasi ay meron pa rin akong kahihiyan sa katawan. "Hindi naman 'yon nakakahiya Cindy. Ang nakakahiya kung mananatili ka pa dyan sa tita mo. Lagi ka na lang niya sinasaktan eh. Kung itrato ka nila para kang hayop... Alam mo bessy, kung ako ang papakinggan mo, lumayas ka na sa mansion niyo. Kahit anong gawin mo ay hindi mo 'yan mababawi dahil nasa kanila ang katibayan na pumirma ka. Kaya mas mabuting magsumikap ka na lang. Kung nahihiya ka mang tanggapin ang alok ko na tulungan ka, edi patulan mo na lang si Xandro para sa kanya ka mapunta. Tutal, patay na patay sa'yo ang lalaking 'yon. And Xandro is a rich guy. Mayor ang daddy no'n," mahabang litanya ng babae at nagbigay pa talaga siya ng second option. Limang taon na kasi kaming magkaibigan ni Shanara. Kaya halos alam niya na lahat ang mga ganap at problema ko sa buhay. And yes, siya ang taong napagsasabihan ko ng aking mga hinaing patungkol kila tita Mildred. She knows my situation, kaya siya lang itong nakakaintindi sa tuwing nag-oopen up ako sa kanya. It's another day today. At sa puntong ito ay nasa University na ako para pumasok sa klase. I'm a college student, pero four subjects lang naman ang tini-take ko ngayon and one subject per day. Kaya nga tatlong oras lang ako rito sa campus, at mamaya ay uuwi na naman ako sa mansion. But this time, inagahan ko talaga ang pagpasok dahil wala na akong cellphone na gamit. Aside from that, naging stress reliever ko na ang pag-aaral. Kapag nandito kasi ako sa University ay nawawala ang lungkot ko. Nandito kasi si Shanara na siyang nakakausap at nakakasama ko. Kaya kahit papaano ay nalilimutan ko ang problemang dinaranas ko sa mansion. "Hindi ko nga gusto si Xandro eh... Alam mo naman ang tipo ko sa isang lalaki diba? I want a mature man. Yung mas may edad sa akin para kayang-kaya akong buhayin at ipagtanggol... At sigurado ako na hindi 'yon kaya ni Xandro. Asa nga 'yon lagi sa magulang, tapos gusto mong patulan ko siya? Paano na lang kung ayain niya ako magtanan diba? Tiyak kong titira lang din kami sa bahay ng magulang niya. So it's a no for me. Hindi si Xandro ang gusto ko. Ayokong pumatol sa lalaking anak ng isang politiko. It's very complicated, Shanara," saad ko sa kanya upang klaruhin na hinding-hindi ko papatulan si Xandro na siyang nasa kabilang section lang. Gwapo naman si Xandro, kaya wala akong masabi sa panlabas niyang pagkatao. Siya nga yata ang hearthrob dito sa University kaya maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. At sinasabi ng iba, na napaka-swerte ko raw dahil ako ang natipuhan ni Xandro. But I'm not feeling lucky. Hindi pagiging blessed ang nararamdaman ko, kundi pagka-ilang. Kahit kasi anong gawin ni Xandro na pagpapakitang gilas ay hinding-hindi ko siya magugustuhan. Iba kasi ang hanap ko sa lalaki. Iba ang gusto kong mapangasawa. At malayong-malayo ito sa pagkatao ni Xandro. Sa ngayon ay hindi ko pa nakakatagpo ang 'the one' ko, pero sooner or later ay darating din ang para sa akin. Isang tao na maedad pero sulit na sulit kung magmahal. "Gaga! Sugar daddy pala ang hanap mo?" sambit ni Shanara nang batukan ako. Hindi yata siya makapaniwala na matandang lalaki ang bet ko. "Ano naman ngayon? Mas maganda nga yung matanda. Pwede ko siya maging daddy and honey," pilyang turan ko at tila umiral na naman ang pagiging madaldal ko dahil sa topic namin ni Shanara. "Kung 'yan pala ang taste mo sa isang lalaki... I have an idea... Bakit hindi ka na lang kaya mag-try sa mga dating apps? I'm sure, makakahanap ka ng papa de asukal na gusto mong asawahin," ani ni Shanara at bahagya nitong tinapik ang balikat ko. Bigla namang sumagi sa isipan ko na kinuha na ni tita Mildred ang aking phone. Kaya sa halip na matuwa ako sa sinabi ni Shanara ay agad namang lumukot ang aking labi. "Paano naman ako makakagamit ng dating apps? Wala na akong phone, bessy... Sapilitan na kinuha sa akin ni tita ang cellphone ko dahil masyadong story maker ang anak niyang si Karen. Nakakairita nga eh! Ang sarap sabunutan ng babaeng 'yon. Sarap hilahin ng dila," usal ko sa dalaga para ipaalam sa kanya na wala na akong phone na magagamit. "Isa pa 'yang pinsan mo. Abah! Inaalipusta ka lang ng mag-inang 'yan, nakakasura ah! Kontra-bida sila masyado sa life mo Cindy... Pero 'di bale, sabi nga nila, kapag may tiyaga may nilaga... Akong bahala sa'yo. Walang makakapigil sa plano natin! Tutulungan kitang makahanap ng sugar daddy gamit itong phone ko. All you need to do is log in to this app. Gawa ka ng sarili mong account dito, now na! Para naman, may maka-meet up ka na kaagad mamaya," kinikilig na turan ni Shanara nang ilabas niya ang kanyang cellphone para ipahiram sa akin. Ang bilis niyang maka-isip ng paraan. "Ikaw talaga, kung makapagdesisyon, gusto mo agad-agad eh... Saka, dating apps? Baka mamaya, rapist o masamang tao ang maka-meet ko... Kahit naman mahal ko ang magulang ko, I don't want to be in heaven. Hindi ko pa sila kayang samahan sa langit noh," litanya ko muli at hindi ko maiwasan na mag-isip ng negatibo. Marami pa naman ang mga namamatay dahil sa pakikipag-meet up sa dating app. Kaya ayokong maranasan iyon. "Napaka-nega mo naman Cindy! Ikaw na nga itong tinutulungan para naman makaalis ka na dyan sa problema mo... Kaya sige na, try mo ng gumawa ng account at maghanap ka ng sugar daddy mo. Dali!" pangungumbinsi ni Shanara dahilan para pumayag na rin ako. Alam ko kasi na hindi niya ako tatantanan kung hindi ko pagbibigyan ang suhestyon niya. Kaya gamit ang kanyang phone, gumawa na nga ako ng account sa dating apps. Naka-sideview lang na picture ang ginawa kong profile para naman hindi ako makilala agad nang makakausap kong lalaki rito. I want to be a mysterious girl in this app. Nilagay ko naman ang location ko nang sa gano'n ay mahanap ko kung taga saan ang magiging ka-match ko. Maganda itong apps na gamit ko dahil binibigay niya talaga sa listahan ang mga lalaking malapit lang sa lugar ko. At hindi lang 'yan, kung anong edad ang gusto kong makilala ay 'yon mismo ang siyang lumalabas sa screen. Dahil wala pa naman ang instructor namin ay sinimulan ko na ang maghanap. Sa kaka-scroll ko nang nais kong maka-match ay napukaw naman ang atensyon ko sa isang lalaki na nag-ngangalang Jac. Nickname lang kasi ang pwedeng ilagay dito sa dating app kaya mas nakaka-excite itong gamitin. Feeling ko, masisiyahan ako sa pag-gamit nito. Kagaya ng profile picture ko ay nakaside-view din ang lalaki. He's actually 35 years old. Isang engineer ang nakalagay sa bio niya kung kaya naman ay agad ko itong clinick upang maka-match. Oo na, engineer ang nais ko. Kilig na kilig naman si Shanara na tila maging siya ay nagustuhan niya ang aking desisyon sa pagpili ng makaka-match. Gusto ko pa rin na kahit matanda yung lalaki ay gwapo pa rin noh! Hindi naman ako maghahanap ng mas maedad na lalaki na kulubot na ang mukha. "Ayan na! Typing na siya ng message niya sa'yo, Cindy!" tumitiling sambit ng kaibigan ko na tila mas excited pa ito kumpara sa akin. "Alam ko... Nakikita ko naman eh. Kumalma ka nga dyan," turan ko sa kanya dahil baka siya pa itong maihi sa kilig. Tiningnan ko naman ang mensahe nitong si Jac. At gano'n na lamang ang aking gulat dahil sa pagiging diretsahan ng lalaki. "Hi, I'm Jac. Thirty-five. I'm addicted in s*x. Kaya pumapatol ako sa one-night stand. I can pay you in any amount, basta ba paligayahin mo lang ako. If you want to meet me, then let's see each other." After reading his message, halos mapalunok naman ako ng aking laway dahil hindi ko kinakaya ang pagiging tigang ng taong naka-match ko sa dating app. Parang uhaw siya sa pepe. "Ayoko na nga n'yan! Parang tanga! Hindi pa nga nagsisimula ang pag-uusap namin, katawan na kaagad ang habol. Anong akala niya sa akin, easy to get?" tugon ko nang ibalik ko kay Shanara ang phone niya. Na-turn off kaagad ako sa ugali nitong si Jac. Hindi man lang naging ma-ginoo. "Ano ka ba besty, ganyan talaga kapag may edad na. Malalakas ang tuhod kaya asahan mong ganyan ang hanap nila... Pero infairness, mukhang masarap itong naka-match mo. Side view pa lang, ulam na!" wika ng aking kaibigan na siyang ikinailing ko na lamang. Gwapo nga sana, kaso mukhang yayanigin niya ang p********e ko. Baka sa unang beses naming pagkikita, mawala kaagad ang iniingatan kong virginity. "Hay naku huwag na. Mahal ko pa ang katawan ko," singhal ko para huwag nang ituloy ang pakikipag-usap sa lalaking naka-match ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD