CONTINUATION 2

1626 Words
CONTINUATION OF CHAPTER 2 CINDY's POV: NAGSIMULA na nga ang klase. Dumating na kasi ang instructor namin para sa isang subject. Kaya yung atensyon ko ay napunta na sa guro para pakinggan ang mga tinuturo nito. Kaso itong si Shanara, panay ang kalabit sa akin na tila may importante siyang sasabihin. So I don't have choice kundi ang lingunin ang babae. At mula sa ilalim ng desk ay pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya-- na kung saan ay maraming missed call si Jac sa account na ginawa ko sa dating app. Napaka-kulit ng lalaking ito. Wala yata siyang balak na tantanan ako. Mukhang interesado nang husto sa akin ang matanda dahil kinukulit niya talaga ako. He really wants to meet me in person. Pero hindi naman ako gano'n ka-tanga at ka-bobo na makikipagkita sa kanya gayong wala akong alam sa pagkatao niya. After all, kaligtasan ko pa rin ang iniisip ko, kaya hindi ako magpapa-uto sa dating app na iyan. "Shanara! Cindy! Ano ba ang pinagkakaabalahan niyong dalawa? Kung hindi kayo interesado na makinig sa akin, the two of you are free to go out. The door is open... Ayoko pa naman sa lahat yung nadidistract ako sa pagtuturo," sita sa amin ng guro dahilan para humingi kami ng pasensya at pinili na naming mag-focus na lang sa pakikinig. Matapos naman ag tatlong oras na pagtatalakay niya sa unahan ay sa wakas natapos na rin ang klase. Kaya itong si Shanara, nakatanggap kaagad sa akin ng isang malakas na pitik sa noo dahil sa kanyang kagagawan kanina. Because of her, napagalitan tulor kami ng Instructor. "Pahamak ka talaga Shanara.. Muntik pa tayong mahuli ni Ma'am. Naku, kung nangyaring kinuha niya ang phone mo, malalagot ako sa kagagawan mo. Iisipin ng mga kaklase natin na kumakapit na ako sa patalim," ani ko sa aking kaibigan para sermonan siya. "Eh kasi naman, masyadong makulit ang sugar daddy mo noh? Pana'y vibrate ng phone ko every time na tatawag siya. What if i-meet mo na lang kaya ito. Mag-blind date kayong dalawa nang sa gano'n ay matigil na ito," wika nito na akala niya yata ay madaling gawin ang kanyang suggestion. "May pa-blind date ka pang nalalaman dyan. Ikaw, kung kani-kanino mo na lang ako binubugaw... Nabasa mo naman yung mensahe niya kanina diba? One night stand ang gusto niya... Gawin ba naman akong pokpok nang hinayupak na 'yan," madiin na sambit ko at hindi ko mapigilan na magsalita ng bad word. Kami na lang ni Shanara ang nasa classroom kaya malaya akong nakakapagsabi ng ganito. "Hindi bugaw ang tawag sa ginagawa ko noh? Grabe ka naman sa akin. I just want to help 'yon. Kaya 'yong ginagawa ko ngayon, tulong ang tawag dito. Tulong ito para sa'yo, para makaalis ka na dyan sa auntie mo na feelingerang palaka na may sungay. Saka, sa sobrang kakulitan nitong si Jac, nag-oo na ako gamit yung account mo," pahayag niya kung kaya naman lumaki ang aking mata. "What?" tanging sambit ko at hindi ako makapaniwala sa aking narinig. "Pumayag na ako... It means, I replied to him a yes. Kaya makipagkita ka na sa kanya Cindy. Sa palagay ko naman, hindi siya masamang tao," she said again. "Shanara!" impit na banggit ko sa pangalan ng aking best friend. Nilalagay niya talaga ako sa kapahamakan. "Nakakainis ka ha? Bakit ka pumayag na makipagkita ako? Gusto mo ba talaga na mabuntis ako?" litanya ko ulit bilang patuloy. "That's the only way para tigilan ka na niya Cindy... Ikaw naman kasi ang tanga-tanga mo, pati address nitong University natin, nilagay mo. Malamang hahanapin ka no'n kapag hindi mo siya sinipot. Gusto mo bang mangyari 'yon na hanggang dito sa campus ay sundan ka niya? Ikaw din, baka mabuko ka ng mga kaklase natin na gumagamit ka ng dating app. Sige ka," pananakot nito dahilan para maningkit ang mata ko. Pero kalaunan nito ay napaisip naman ako at sinisi ko rin ang aking sarili dahil pinili kong magpadala sa saletalk nitong kaibigan kong si Shanara. "Bessy, isang beses lang naman eh. And I know, hindi ka madaling makuha diba? Kaya sumulpot ka na. Look oh, minessage niya na yung place kung saan kayo magkikita. At kapag hindi ka raw dumating, guguluhin ka niya rito. And I guess he's serious. So gora na bessy, magpakita ka na. Tiyak na naghihintay na 'yon sa'yo. Because according to his chat, maghihintay siya sa pagsulpot mo hanggang 5pm. Kaya push mo na 'yan gurl! Siputin mo na ang sugar daddy mo!" pagtutulak nito sa akin habang tinatapik ang aking balikat. "Shut up Shanara. Baka may makarinig sa'yo. Isipin pa ng mga estudyante rito gold digger akong babae," pagsisita ko sa babaeng kasama ko para matigil na ang bunganga niya sa kakasambit nang kung ano-ano. Baka mamaya ay may dumaan na estudyante sa labas at may makarinig sa mga sugar daddy na sinasambit niya. "Oo na. I will shut my mouth na Cindy. But here's the location oh, sulputin mo na. He's wearing a black coated jacket and black pants. Naghihintay siya sa iyo sa mismong loob ng Mall which is nasa tapat siya ng mga mamahaling bags. And I guess, he's been waiting for you for almost one hour," pahayag nito bago niya isara ang kanyang bibig. Talagang pina-konsensya pa ako ng kaibigan ko hudyat para makapag-isip isip ako. "Sige na nga. Susulputin ko na ang mysterious na Jac na iyon. Sabihin mo na lang sa kanya kung anong suot ko. At pakisabi na rin na on the way ako. Pero huwag mong idedescribe ang mukha ko ha. Dahil gusto ko na ako ang unang makakita sa kanya. Kapag hindi ko bet ang mukha niya, sinasabi ko sa'yo, tatakbo ako," tanging turan ko kasabay nang pagtalikod ko kay Shanara upang pumunta na ako ng Mall. It's a public place kaya sa tingin ko naman ay walang may mangyayari sa akin na masama. Ano mang oras ay pwede akong tumanggi kung sakaling ayain niya ako ng one night stand. SUMAKAY na nga ako ng jeep para tunguhin ang mall na tinutukoy ni Shanara. Pagkarating ko roon ay umakyat na nga ako gamit ang escalator. Nasa second floor kasi ang mga luxury bags na tinutukoy ni Shanara kung saan naghihintay daw do'n ang lalaking naka-match ko sa dating app. Tinandaan ko ang black coated jacket na suot nito para mas madali ko itong makita at makilala. Habang papalapit naman ako ay bumibilis tuloy ang pintig ng aking puso. Nasilayan ko na kasing nakatayo ang lalaki mula sa tapat ng mga luxury bags. Malaki ang katawan nito. Kahit nakatalikod siya ay masasabi ko na gwapo ito sa personal. Malinis kasi ito sa katawan. At aminado ako na malakas ang dating nito na halatang engineer na engineer ang pagkakatayo niya. Kaya nang unti-unti siyang lumingon sa gawi ko ay gano'n na lamang ang aking gulat nang makita mismo ng mga mata ko ang itsura ng lalaking mini-meet ko ngayon. Kahit may bigote at balbas siya sa kanyang mukha ay hinding-hindi ako magkakamali na kakilala ko ang taong ito. Malapit siya sa buhay ko. And yes, he has a connection with me. "N-Ninong Jacob?" nauutal na bigkas ko sa pangalan niya. Siya ang Ninong ko. Ang ninong ko na kaibigan ni dad na matagal ding nag-stay sa ibang bansa because of his contract. Nagkunot-noo naman ang kanyang reaksyon at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na animo'y kinikilala muna ako nito. "Ninong it's me... Si Cindy.. Anak ni Ramon Savajedra na bestfriend niyo ho. Hindi niyo na po ba ako kilala?" pahayag ko para ipakilala ang aking sarili sa kanya. Sa halip na lamunin ako nang hiya, kabaliktaran ang aking naramdaman. Instead na mahiya ako ay tila na-excite ang aking dibdib sapagkat matagal ko rin siyang hindi nakita. Si Ninong Jacob kasi ang madalas na nagtatanggol sa akin, nung namatay ang magulang ko. Kaya lang, umalis siya at nangibang bansa dahil naroon ang kanyang trabaho. May kontrata kasi siya sa ibang bansa na kailangang asikasuhin. Kaya hindi na kami nagkita pa. Mahigit walong taon din na hindi ko nasilayan ang mukha ni Ninong. Bago siya umalis ay wala pa siya no'n na bigote at balbas. At ngayong bumalik siya sa Pinas, ganito na ang naging itsura ni Ninong Jacob. Naging mature ang mukha niya pero hindi maitatanggi na dumagdag sa kapogian niya dahil sa kanyang balbas. Damn it! Nakaka-akit ang kagwapuhan ni Ninong. "Cindy? Teka, ikaw na 'yan? Dalagang-dalaga ka na inaanak. Hindi na kita nakilala dahil sa lagay mong 'yan. Matangkad at may laman-laman na ang katawan mo, hindi katulad dati na patpatin ka pa nang umalis ako ng bansa," pagsasaad nito. Masyado kasi akong payat no'n dahil nasobrahan ako ng stress at trauma buhat sa pagkamatay ng magulang ko. But now, natutunan kong alagaan ang aking katawan at ang aking mukha. Kaya naging fresh ako tingnan kahit na ang totoo ay gipit na gipit akong tao. "Ninong naman... Malamang, bata pa ako no'n kaya wala pa akong pakialam sa sarili ko. Pero ngayon, I'm already twenty-two ninong. Kaya ganap na dalaga na yung batang kinukurot mo lagi ang pisngi," nakangiting ani ko sa kanya kasabay nang pagtitig ko sa mga mata ni ninong Jacob. Mapupungay ang mata niya at nakikita ko rin ang kasiyahan nito na makita ako. And I don't know why, pero muling kumabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko si Ninong. He's hot and good-looking. Yung gusto ko sa isang lalaki, parang sinalo na yata ng ninong ko. Matured na tao, may magandang trabaho at higit sa lahat-- gwapo at matikas ang panganagtawan. Kahit simple lang ang suot niyang damit, nakakalaglag panty ito at tiyak na bubuka ang bulaklak ko sa kanya. Kaya lang-- hindi kami pwede sapagkat ninong ko siya at inaanak niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD