CHAPTER 1 (PANG-AALIPIN KAY CINDY)
CINDY's POV:
"CINDY, ANO BA?! NASAAN NA YUNG PAGKAIN?! ANG KUPAD-KUPAD MONG KUMILOS! NAGUGUTOM NA AKO!" Boses agad ni tita Mildred ang siyang nangibabaw sa loob ng mansion. Para itong dragon kung sumigaw na kulang na lang ay bumuga ng apoy ang bunganga nito.
Sa pananalita niya pa lang ay halata kong galit na galit na ito sa akin dahil sa bagal kong kumilos. Kahit na matagal na akong utusan dito sa mansion ay hindi ko pa rin talaga maiwasan na maging mabagal. Ang dami ko kasing ginagawa kaya napapagod na rin ang katawan ko. Kaso ito ang hindi maintindihan at maunawaan ni tita. Gusto niya na maliksi ang galaw ko sa bawat utos niya.
Ang totoo n'yan, hindi naman kasi ako sanay sa mga gawaing bahay, lalo na pagdating sa pagluluto. Marunong lang ako pero hindi talaga ako magaling masyado. Marami pa akong kailangan na pag-aralan pagdating sa ganito. At patuloy ko itong inaaral sa bawat araw na ginagawa kong pagluluto.
I don't have any experience when it comes to cooking. Sadyang pinaranas lang ito sa akin ni tita Mildred dahil isa na akong katulong sa mansion na ito.
Well, paano naman kasi ako magkakaroon ng ganitong karanasan kung pinanganak akong mayaman diba?
Yes.. Isa sana akong prinsesa sa mansion na ito dahil pag-aari ito ng magulang ko. Kaya lang naudlot at nagwakas ang pagiging prinsesa ko nang mawala ang magulang ko. They passed away because of the car accident that happened a long time ago. Naaksidente sila sa sasakyan. Actually, kasama nga ako sa aksidenteng 'yon. But God gave me a second life. Ako itong nakaligtas nang maaksidente ang kotse na minamaneho ni dad. Kaya hindi ko maiwasan na malungkot dahil nasaksihan ko mismo ang pagkamatay nila.
At halos sampung taon na rin ang nakalipas simula nang iwan nila ako. Pero kahit mahabang panahon na ang lumipas ay nandito pa rin ang sakit at pangungulila sa puso ko. I missed them so much. Sa sobrang pangungulila ko ay naiiyak na lang ako sa gabi. Kung pwede lang sanang humiling kay Lord, wala akong ibang hihilingin kundi ang ibalik sila sa akin kahit na alam kong imposible. Sila kasi ang gusto kong bumalik dahil nahihirapan na ako sa sitwasyon ko ngayon habang kasama si tita Mildred.
Simula kasi nang mamatay sila, napunta na ako sa puder ni tita. Sa puder kung saan naranasan ko ang buhay impyerno sa kanya.
And for me, this is the cruelest thing that has happened in my life. Dahil sa halip na maging maayos ang buhay ko sa kapatid ni daddy, puro pasakit at pagod ang naranasan ko sa kamay ni tita.
Tinatrato niya akong katulong at ginagawang alila sa mansion na pag-aari mismo nila dad.
Hindi ko nga alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Tita Mildred at nagagawa niyang magbuhay-reyna gamit ang kayamanan ng magulang ko. Masyado siyang uhaw sa pera ng iba. Sa pera na pinaghirapan nila dad.
Pero kasalanan ko rin naman dahil naging sunud-sunuran at uto-uto akong bata noon. Sa mura kong edad ay wala akong kaalam-alam na pinipirmahan ko na pala ang mga kayamanan na pinamana sa akin ng magulang ko. Akala ko kasi kung anong papel lang 'yon. Ni hindi ko nga nagawang basahin ang nakasaad do'n dahil ang sabi nila tungkol lang ito sa pag-aampon sa akin. Kaya ayon, naisahan nila ako dahilan para maging kawawa tuloy ako.
Pinipilit ko ngang bawiin iyon at sinasabi ko na wala pa ako sa tamang edad nang pirmahan ito. Kaso hindi na nila ako pinaniwalaan pa. Bagkus, pati abogado ay kumampi pa kay Tita Mildred at hindi man lang ako pinakinggan.
Gahaman na gahaman si tita sa pera kaya mabilis niyang nakuha ang dapat na nasa akin.
Pero kahit gano'n pa man ang nangyari ay hindi ako umalis sa mansion. Ayoko kasi na pati itong mansion ay kamkamin ng kapatid ni dad. Ito na lang kasi ang bukod-tanging ala-ala na natitira ng magulang ko. Kaya kahit nahihirapan na ako sa aking buhay ngayon, tinitiis ko na lamang para panghawakan ko ang pangako ko kay mama na hinding-hindi ako aalis sa lugar na ito. And I promised myself na makukuha ko rin ang lahat ng para sa akin.
Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo para mabawi ang lahat ng ninakaw ni tita Mildred sa pamilya ko.
"Naiinip na ako sa kakahintay Cindy! Kanina ka pa dyan sa kusina pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring pagkain na inihahain dito sa lamesa! Ang kupad-kupad mo talagang kumilos kahit kailan! Letche ka! Gusto mo yatang makatikim ng sampal sa akin!" muling bulyaw ng matandang babae na kulang na lang ay batuhin niya ako ng baso dahil sa init ng ulo nito.
Natitiyak kong natalo na naman siya sa cassino kaya ganyan ang asta niya. Araw-araw kasi itong nasa cassinohan at winawaldas niya ang perang pinaghirapan ni dad. Adik siya sa pagsusugal kaya alam kong talo ito.
Kapag ganyan katindi ang sigaw at bulyaw niya ay halatang malaking pera ang natalo kay tita. May araw namang swerte siya, pero may pagkakataong minamalas ang matanda.
NAPAHINGA naman ako nang malalim bago ko sandukin ang niluluto kong kanin at ulam. Nanginginig pa nga ang aking kamay na hinawakan ang mangkok dahil alam kong pagbubuhatan na naman ako ng kamay ni tita.
Maya-maya ay dinala ko na nga itong hawak ko patungo sa kanyang pwesto para ilapag na ito sa mesa.
Kaso malakas na kurot sa tenga ang kanyang ginawa sa akin matapos kong ihain ang lahat ng pagkain na ini-utos nitong lutuin ko. Hindi nga ako nagkamali sa aking iniisip. Sinasaktan niya na naman ako.
Habang kinukurot nito ang tenga ko ay sinampal niya ako gamit ang kabilang kamay niya.
Dahil lang sa tagal kong kumilos ay ganitong pananakit ang natanggap ko kay tita.
"Nakakabwisit ka talagang kasama rito sa mansion Cindy! Walang araw na hindi kumukulo ang dugo ko sa'yo! Daig mo pa ang pagong dahil sa sobrang bagal mong kumilos! Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nasasanay sa trabaho mo ha? Lagpas sampung taon ka ng naninilbihan dito pero hindi man lang bumibilis ang kilos mo! Ikaw yata ang malas dito! Malas ka sa buhay ko!" panenermon nito sa akin at ayaw niya pang bitiwan ang aking tenga.
"Tita Mildred, tama na ho... N-nasasaktan na po ako," impit na turan ko sa kanya bilang pakiusap na tigilan niya na ang pananakit sa akin. Totoong nasasaktan ako. Masyadong madiin ang kurot niya na alam kong namumula na ang aking tenga dahil sa tindi ng kanyang kamay.
Pero hindi man lang nito pinakinggan ang pakiusap, bagkus ay lalo niyang diniinan ang kanyang pagkakakurot sa tenga ko.
Kitang-kita ko naman ang malawak na ngisi ni Karen habang pinagmamasdan ang ginagawa sa akin ng nanay niya. Tila enjoy na enjoy pa siyang pinapanood ako na ganito ang lagay.
She's Karen, the only daughter of tita Mildred na mas malala pa sa nanay niya kung umasta. Masyadong sipsip at sumbungera ang dalaga para lang siya ang maging bida sa mata ng kanyang ina.
Kaya ano pa nga bang aasahan ko? Pinagtutuwangan nila akong dalawa para lang pahirapan at pasakitan.
Walang mintis ang pananakit nilang dalawa sa akin. Kung kaya naman, ang galit ko sa kanila ay umaapaw na rin.
"I told you Mom. Wala kang aasahan dyan kay Cindy... Paano, laging hawak ang cellphone. Kaya ayan, inuuna ang landi sa pakikipag-usap sa mga lalaki niya. Sinabi ko naman sa'yo na maraming kalandian 'yan," wika ni Karen upang gumawa ng kwento para lalong magalit sa akin si tita Mildred.
Isa pa 'yan sa ugali ni Karen. Ang maging story maker. Pangarap niya yata maging writer dahil sa tindi niyang gumawa ng kwento na walang katotohanan.
"Hindi totoo 'yan. I'm not using my phone during my work. Marunong ako ng salitang disiplina sa sarili Karen. Kaya huwag kang gumawa ng kwento para lang pagalitan ako ng nanay mo," ani ko sa dalaga sa malakas na pananalita.
"See mama? Nagagawa niya na akong pagtaasan ng boses. Ang lakas na nang loob niya mama. Akala niya yata, siya pa ang reyna sa mansion na ito kung makapagsalita... Kung ako sa'yo mama, bigyan mo ng leksyon ang babaeng 'yan," wika muli ni Karen hudyat para umakyat na nga ang dugo ni Tita Mildred sa kanyang ulo dahil bigla niya akong tinulak dahilan para mapa-upo ako sa sahig.
Ang sakit nang pagkakabagsak ko dahil naunang sumalampak sa sahig ang aking puwetan. Pero kahit naman masaktan ako ay wala silang pakialam sa akin.
"Give me your phone Cindy," usal nito bilang pagdedesisyon.
"Ho? Pero tita--"
"I said give me your phone!" malakas na litanya nito kaya agad kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone na siyang nakatago para ibigay ito kay tita Mildred.
Pakiramdam ko, kontrolado niya ang buhay ko. Sa edad na bente-dos ay wala pa akong lakas nang loob para ipagtanggol ang aking sarili. I feel so dumb, and I pity myself for being like this. Masyado pa akong mahina. Mas inuuna ko lagi ang takot.
"From now on, hindi ka na gagamit ng cellphone. Pakatapos ng klase mo, uuwi ka kaagad ng mansion para magtrabaho," giit na tugon ni tita at bumalik na ito sa kanyang pagkaka-upo para kumain na.
Samantalang ako ay matalim na nakatitig kay Karen dahil sa matinding inis ko sa dalaga. Konti na lang talaga at bibinggo na ito sa akin.
Dahil sa pag-iimbento niya ng kwento ay nawalan ako ng libangan. Cellphone na nga lang ang nagsisilbing kaligayahan ko, kinuha pa ito ni tita Mildred.
Mag-ina talaga silang dalawa, parehong-pareho ang ugali. Parehong may sungay.
Ano na tuloy ang magiging buhay ko nito?