CHAPTER 3
CINDY's POV:
MALAGKIT ang tingin na pinakawalan ni ninong Jacob sa akin matapos kong sabihin ang edad ko sa kanya. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa katawan ko at animo'y wala siyang balak na alisan ako ng tingin.
Siguro ay hindi pa rin siya makapaniwala na isa na akong ganap na dalaga. Umalis kasi ng bansa si Ninong Jacob, at yung huli naming pagkikita ay menor de edad pa lamang ako. And now that he's back in the Philippines, nasa twenty plus na ang aking edad, which is twenty-two.
"You're not the little Cindy that I've known before. Malaki ang pinagbago mo ngayon... Ang ganda mo na at sexy mo pa," ani niya habang binibigkas ang komplimento nito tungkol sa akin.
Awtomatikong napangiti nang husto ang labi ko. Iba talaga ang kilig na dala kapag galing sa isang maedad na lalaki ang ganitong salita. Parang ang sarap pakinggan ng salitang maganda at sexy mula sa bibig niya. Feeling gorgeous tuloy ako sa mga oras na ito.
"Thank you for appreciating my beauty ninong," sambit ko naman sa kanya at nagawa kong magpacute pa sa harapan niya.
Halos ilang minuto rin ang tinagal ng aming pagtayo rito sa labas ng mga luxury bags na animo'y may hinihintay siyang dumating.
Palinga-linga kasi ang leeg niya na para bang hinahanap nito ang babaeng naka-chat nito sa dating app. Wala pa yata siyang ideya na ako yung babaeng 'yon. Kung sabagay, kahit sino naman ay hindi mag-iisip nang ganito lalo na't inaanak niya ako.
Kaya kahit ganitong uniporme ang damit ko ay hindi niya iisipin na ako yung babaeng nakakachat niya.
"Hmm, are you waiting for someone Ninong?" kabadong tanong ko sa lalaki. Ngayon ko na yata naramdaman ang kaba sa aking dibdib, na sinasabayan na rin ng hiya. Nahihiya ako na ipagtapat sa kanya na ako ang mysterious girl na siyang nakipagmatch sa kanya sa dating app.
"Yes Cindy... May hinihintay akong babae na dumating. Actually, parang ganyan din na uniform ang suot niya, katulad nang sa'yo. And I guess, same University kayo nag-aaral," usal nito at hindi pa rin sumasagi sa isipan niya na ako iyon.
Napahugot naman ako nang malalim na hininga kaakibat nito ay napapakamot ako sa aking batok.
Paano ko nga ba masasabi kay ninong na ako ang babaeng lumalandi sa kanya sa chat? Si Shanara kasi, pahamak eh. Ayoko na sanang makipagmeet sa ka-chat ko, kaso pinush niya ako na pumunta rito.
Halo-halo tuloy na emosyon ang umaapaw sa damdamin ko.
I want to tell him the truth, but my mind keeps on saying na manahimik na lang ako dahil nakakahiya itong kagagawan ko. Kaya sinunod ko na lamang ang desisyon ng aking utak na tumahimik na lang.
Maya-maya ay biglang gumalaw ang paa ni Ninong dahilan para mapalingon ako sa aking likuran. Pagtingin ko ay naroon ang isang estudyanteng babae na nag-aaral din mismo sa University na pinapasukan ko. At base sa I.D na suot niyo ay graduating student na ang babae.
"Sandali lang Cindy ha? I'm going to ask that woman," usal ni Ninong at nagawa nitong magpaalam sa akin para lapitan niya ang babaeng ka-same uniform ko.
Unti-unti namang nawala ang ngiti sa labi ko nang lumakad si Ninong para kausapin ang babae. Kahit malayo ako sa kanila ay rinig ko ang kanilang usapan.
Tinatanong ni Ninong ang dalaga kung siya itong ka-meet niya. Pero mariin namang itinanggi ng babae na hindi siya iyon.
Nang bumalik si Ninong sa aking kinatatayuan ay ramdam ko ang kanyang lungkot na animo'y disappointed siya sa babaeng nakausap niya sa dating app.
Na-guilty tuloy ako dahil sa hindi ko pag-amin sa kanya.
"K-kumusta Ninong, siya ba ang kikitain mo?" sambit ko naman para lang magkaroon kami ng usapan ni Ninong.
"Hindi raw siya ang babaeng kikitain ko. Pinapaasa lang yata ako ng taong 'yon. Tsk," inis nitong bigkas kasabay nang pag-iling niya.
"-- Eh ikaw Cindy, ano bang ginagawa mo rito? May kikitain ka rin ba?" biglang turan ni ninong dahilan para hindi na ako makatingin sa kanyang mata.
Napunta tuloy sa akin ang tanong niya hudyat upang mag-isip ako ng palusot.
"N-namamasyal lang po ako ninong. Hindi naman kasi kalayuan ang University na pinapasukan ko rito sa Mall. Kaya naisipan kong pumunta rito para naman makapag-window shopping," turan ko bilang pagsisinungaling.
"Kung gano'n, samahan na kita at bibilhan kita ng bagong bag. Hindi na yata susulpot iyong ka-meet up ko," wika nito hudyat upang mapaangat ang aking ulo para tagpuin na ang kanyang mga tingin.
"Po?" tanging tugon ko kay Ninong.
"Inaanak kita Cindy, at matagal din tayo na hindi nagkita. Marami na akong utang sa'yo kaya nararapat lang na bayaran ko iyon... So let me treat you and buy you some things that you want. Kahit anong gusto mo ay bibilhin ko para makabawi man lang," pahayag ni Ninong Jacob at hindi na ako nakapagsalita pa nang hawakan na nito ang braso ko.
I don't know why, pero tila nakaramdam ako ng kuryente sa aking katawan dahil sa mainit niyang palad, na siyang nagugustuhan ko naman.
"Sige po ninong. Kayo po ang bahala," mahinang sabi ko.
PUMASOK na nga kami sa loob ng luxury bags.
Mangha na mangha naman ako sa mga bag na siyang nasisilayan ko. Halos ang gaganda nga at literal na original ang mga bags dito.
Kaso nang tingnan ko ang presyo ko ay muntik na akong ma-out of balance sa dibdib ni ninong Jacob. Half-million ang halaga nito na talagang nakakahilo ang presyo nitong maliit na bag na natipuhan ko.
"Kung gusto mo 'yan Cindy, kunin mo na. Huwag mo nang problemahin ang presyo n'yan. Sagot kita," paglilitanya ni ninong Jacob na para bang nahalata niya na ayaw kong bitawan ang bag.
Ang ganda kasi ng texture, isabay mo pa na kumikintab ito na lalong nagpapa-attract sa paningin ko.
"Huwag na ho ninong. Pang-limang taon ko na yatang budget ang halaga ng bag eh," nahihiyang sagot ko.
Nakakahiya naman talaga, dahil hindi biro ang kalahating milyon para lang sa isang bagay na hindi ko naman araw-araw magagamit.
At parang nakaka-stress itong gamitin dahil masyadong galante.
"Kagaya nang sinabi ko sa'yo Cindy, malaki na ang utang ko sa'yo. Kaya hayaan mong bumawi ako sa pagkukulang ko. Baka mamaya, multuhin ako ng daddy mo kung hindi ko magawang bilhin ang gusto ng prinsesa niya. Alam mo naman ang daddy mo, masyado ka no'n na ini-spoil," pagbibirong turan ni ninong.
Nakakatuwa lang dahil kahit wala na si papa. Nanatili pa rin sa kanyang ala-ala ang memories nila ni dad bilang magkaibigan.
"Huwag na ho talaga ninong. Sa iba na lang tayo bumili. O kaya, ilibre mo na lang ako sa restaurant, ayos na po iyon sa akin," wika ko para panindigan ang aking desisyon na huwag nang bilhin ang bag.
Ito pa naman ang muli naming pagkikita, kaya ayokong magastusan ng malaking pera si ninong Jacob nang dahil sa akin.
"Inaalis mo na dapat ang hiya mo ngayon, Cindy... Hindi naman tayo iba sa isat-isa. I'm your father's bestfiend, kaya dapat maging open ka na at alisin mo na ang hiya sa katawan mo-- lalo pa't magbabakasyon ako rito sa bansa ng dalawang taon," saad ni ninong na akin namang ikinatuwa.
Lumabas na kami sa loob ng mga luxury bags para sa restaurant na kami pumunta. Ayokong tumagal kami roon dahil baka hindi ko mapigilan si ninong at mabili niya pa ang mamahaling bag na iyon.
Pero tama ba itong naririnig ko mula sa bibig niya?
"Dalawang taon kayo rito mananatili ninong? Ibig sabihin, matatagalan pala ang pag-stay niyo rito sa Pinas," pagbibigkas ko naman.
"Gano'n na nga Cindy. Kaya nga, I want to enjoy my vacation before going back again to my work. Alam mo na, mahirap din ang trabaho ko... Sa sobrang hirap ay hindi na ako na-oorasan na magkaroon ng asawa," wika niya habang naglalakad kami sa mall at naghahanap ng pwedeng makainan.
"Wala ka pang asawa ninong?" pagtatanong ko muli na siyang ikinabuhay ng aking dugo.
"Wala pa. Kaya nga minsan naiisip ko na mukhang napag-iiwanan na yata ako ng panahon," umiiling na tugon niya.
"Bakit hindi pa kayo nag-aasawa ninong? I mean, you have a stable job. Saka lagpas na rin sa kalendaryo ang edad niyo. Siguro kaya ka hindi nag-aasawa dahil ayaw mong matali ng isang babae. Tama ba ako Ninong?" usisang ani ko.
Hindi lang ako makapaniwala na--until now, ay wala pa siyang asawa. Kaya pala, pana'y gamit siya ng dating apps na animo'y nagbabakasakali siyang matagpuan niya na sa app na 'yon, ang the right woman for him.
"Grabe ka naman sa lagpas sa kalendaryo Cindy, para mo na ring sinabi na ang tanda ko na masyado... Pero may punto ka rin, nagdadalawang-isip pa ako na mag-asawa dahil ayoko na may nagkokontrol sa akin. Ang sarap kaya kapag maraming babae," natatawang sambit nito.
"Hindi naman po sa gano'n ninong. Hindi nga halata na nasa 30's ka na. Ang gwapo-gwapo niyo kasi. So you still look young. Kaso ngayon ko lang nalaman na babaero ka ninong. Ikaw talaga, dapat makontento ka lang sa isa," pagkokomplimento ko naman upang pambawi sa sinabi ko kanina. Pero kaakibat ng sinabi ko ay binigyan ko siya ng payo.
"Ibang klase ka rin mambola Cindy at ibang klase ka magbigay ng advice.. Manang-mana ka sa daddy mo.. Buti na lang at hindi ako nagkamali na bumalik ng Pinas. Palagay ko, magiging masaya ang pananatili ko rito-- dahil nandyan ka," pahayag ni ninong dahilan para matuyuan ako ng laway sa aking lalamunan.
Hindi ko inaasahan ang ganitong salita mula kay ninong. Kung noon na bata pa ako ay wala itong meaning. Ngayon na dalaga na ako ay binibigyan ko na ito ng kahulugan.
Dahil tuloy do'n ay napahinto ako sa aking paglalakad at gano'n din naman siya.
"Na-miss ko rin kasi ang kadaldalan mo Cindy... Halos ikaw ang nagiging kausap ko dati at madalas na inaasar ko... Siguro naman ay natatandaan mo pa rin 'yon diba?" patuloy niyang wika para bigyang linaw ang tungkol sa binitawan niyang salita.
"Sabagay.. Ako nga pala ang batang inaasar-asar niyo lagi no'n ninong... Pero ipapaalala ko lang sa'yo that I'm not a kid anymore. Hindi na ako bata ninong Jacob.. Dahil meron na rin akong bahay-bata sa tiyan. Kaya ano mang oras, pwede ng malagyan ng bata ang tiyan ko, kung gugustuhin ko," I said as I laughed.
Tinapik-tapik ko naman ang balikat ni ninong kasabay nang pagtataas ko ng aking kilay.