CHAPTER 4
JACOB's POV:
DALAGANG-dalaga na si Cindy. Maganda ang hulma ng katawan. Bilugan ang puwetan at higit sa lahat may malaking balakang na isa sa mga tipo ko sa babae. Ang laki nga ng pinagbago ng katawan niya. Hindi na siya payat na madaling matanghay ng hangin.
Ibang glow up ang nangyari sa batang patpatin na inaanak ko. She's now a woman, and not a child. Daig niya pa ang isang modelo habang tinititigan ko siya ng matagal.
Hindi ko nga maiwasan na pagmasdan si Cindy habang nasa likuran niya ako. Palihim kong tinitingnan at sinusuri ang katawan ng babae at wala man lang ito na kaalam-alam. Nauna kasing maglakad ang dalaga dahil siya itong nagdesisyon kung saan kami kakain.
Alam ko na isang pagkakamali ang ginagawa ko ngayon-- dahil para kong binobosohan at pinagnanasaan ang anak ng matalik kong kaibigan. But I can't stop my eyes. I enjoyed watching Cindy's body. Her body curve is very attractive to watch.
MARIIN naman akong napapikit at napahilot ng aking sintido para alisin ko ang pokus sa katawan ni Cindy.
Hindi ko inaasahan na siya ang makakatagpo ko rito sa Mall. I am just here to have some fun and to meet the college student na siyang naka-match ko sa dating app. But suddenly, I saw Cindy wearing the same uniform na siyang dinescribe ng ka-chat ko na suot niya.
May isa nga akong nakita na kapareho niyang uniporme pero tinanggi nito na hindi siya ang babaeng kausap ko.
Hindi ko rin magawang isipin na si Cindy ang babaeng nasa likod ng dating app dahil napaka-imposible naman na siya ang babaeng nakausap at naka-match ko.
Hindi naman siguro gano'n kababaw si Cindy na gumamit ng dating app para lang maghanap ng lalaking may edad na kagaya ko.
"Ninong, dito na lang tayo kumain sa Jobbee," saad ni Cindy nang mahinto siya sa tapat mismo ng Jobee.
Tila napagod na siya sa kakalakad at umaarangkada na yata ang kanyang tiyan kaya pinili niyang dito na lang kami kumain.
"Sigurado ka ba?" usal na tanong ko sa dalaga.
"Opo ninong. Dito na lang. Besides, ito naman ang paborito kong kainan nung bata ako. Lagi niyo nga akong dinadala rito kapag umiiyak ako sa tuwing pinapagalitan ako ni daddy," pagpapaalala niya dahilan para mapawi ang kakaibang init na nararamdaman ko sa babae.
Napagtanto ko na isa ngang kasalanan na tingnan ko nang ganito kalagkit ang inaanak ko. Kaya buti na lang at nagawa kong pigilan ang init sa katawan ko.
"Ninong? Ayos lang po ba kayo?" bigkas ulit ni Cindy nang lingunin ako.
Hindi na kasi ako umimik kaya nanibago ang dalaga at nagtaka naman ito sa akin.
"Nagugutom na rin ako Cindy, halika na, pumasok na tayo rito para makakain na," ani ko na lamang at wala akong maisip na sasabihin. Kaya ito ang siyang naging palusot ko sa dalaga upang hindi na siya magtanong pa.
Sabay na nga kaming pumasok sa loob at naghanap ng pwesto. Ako ang pumunta sa mismong counter para mag-order ng pagkain.
Ilang saglit ay tumungo na ako sa aming table.
Inilapag ko naman ang pagkain na siyang na-order ko sa mesa at umupo na sa harap na upuan ni Cindy.
"Maraming salamat sa treat mo ninong... Sobrang saya ko ngayon. Hindi nga ako makapaniwala na magkikita tayo sa ganitong lugar... Actually, matagal ko rin kayong hinintay na umuwi ng bansa. Akala ko nga ay hindi ka na babalik sa Pilipinas. Naisip ko nga na baka nakapag-asawa ka na dahil eight years din ang tinagal mo," pahayag ni Cindy habang binubuksan nito ang supot mismo ng rice para ilagay niya ito sa plato.
"Bakit mo naman naisip na hindi na ako babalik? At pag-aasawa pa talaga ang sumagi sa utak mo," paglilitanya ko.
"Eh kasi nga ninong, may edad ka na. Saka sa ganyang edad ng mga lalaki ay gusto na nilang magkaanak. So ayon ang pumasok sa kokote ko nung hindi ka na umuuwi. Kaya hindi mo ako masisisi kung ganyan ang na-iimagine ko tungkol sa buhay mo sa ibang bansa... Pero maling akala lang pala ang lahat, dahil until now, single ka pa rin at wala pang asawa. Hindi ko alam ninong pero feeling ko, sumpa na 'yan ng pagiging matandang binata mo," natatawang usal ng dalaga.
Muli kong nakita ang anghel na ngiti niya. Sinabayan pa nang malalim nitong dimple sa magkabilang pisngi na lalong nagpapaganda sa mukha ni Cindy. She's jolly, funny but cute. Halos lahat ng magandang komplimento sa babae ay masasabi ko ng harapan sa inaanak ko, dahil lahat yata ay meron siya nito.
"May dumi ba ako sa mukha ninong? Kung makatitig ka sa akin, parang jina-judge mo na yata ako... Siguro, ang panget ko na o kaya naman naiirita ka na sa boses ko," nakangusong wika nito.
"Napakadaldal mo pa rin hanggang ngayon Cindy. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo... Hindi ka naman panget eh. Ang ganda-ganda mo nga.. Siguro, maraming nanliligaw sa'yo sa University na pinapasukan mo. O baka naman, may nobyo ka na," pahayag ko naman at hindi ko napigilan ang aking dila na buksan ang ganitong usapin.
Gusto ko kasing alamin kung may nobyo na ba itong anak ng best friend ko.
Bilang ninong niya ay may karapatan din akong itanong ito sa dalaga dahil gusto ko ring bigyan siya ng payo para magkaroon siya ng ideya sa mga lalaking papasok sa buhay niya.
"Ninong naman... Nobyo? As in boyfriend? Suss. Wala ako n'yan noh! Single na single ako ninong at-- virgin pa," mahinang turan niya sa huling salita na kanyang binanggit.
Dahil sa salitang 'virgin' ay parang naramdaman ko ang matigas na bagay mula sa aking pantalon na animo'y na-excite rin ito na malaman ang tungkol sa pagiging birhen ni Cindy. Tila tumayo ito at gustong kumawala sa brief ko.
Kaya ninais kong uminom na lamang ng coke at pakunwari ko ito na hindi binigyan ng malisya ang sinabi ng dalagang kasama't kaharap ko ngayon.
"Tama 'yan Cindy. Huwag ka munang magbo-boyfriend. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo para naman matuwa sa'yo ang magulang mo. Tiyak na masisiyahan sila kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral at maabot mo ang pangarap mo," paglilitanya ko rito na siyang ikinatamlay ng reaksyon niya.
Her facial expression was very sad and she didn't seem to like what I said.
"Mukhang hindi na yata ako makakapagtapos ninong. Baka next sem, titigil na ako," saad nito na may kalungkutan sa boses.
Kunot-noo naman ang naitugon ko dahil hindi ko alam kung anong rason niya.
"Bakit naman? May problema ka ba sa mga subjects mo Cindy?" concern na tanong ko at nag-umpisa na akong mag-usisa sa problemang pinagdaraan niya.
"Wala naman ninong. Sadyang, hindi ko na yata kaya pa ang tuition," sambit nito na may pilit na ngiti.
Matapos niyang sabihin ito sa akin ay nag-simula na siyang kumain.
"Pinoproblema mo ang tuition? Hindi ba't maraming negosyo ang papa mo na pinangalan sa'yo? Ang pagkakaalam ko, may mga ipon ang magulang mo sa banko para sa future mo. Kaya paano nangyari na kinakapos ka?" naguguluhang turan ko sapagkat hindi kapani-paniwala na wala ng sapat na pera itong inaanak ko.
Negosyante ang magulang ni Cindy. Mayaman ang pamilya nila dahil nga't matalik kong kaibigan ang kanyang ama na si Maximo.
Nasa 40 plus na ang edad ni Maximo, kaya mas matanda rin ito kumpara sa akin. Pero naging kaibigan ko siya dahil mahilig din ako sa pagnenegosyo noon. At doon nagsimula ang aming pagkakaibigan hanggang sa makilala niya ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Sa edad na bente-kwatro anyos ay naging ama na kaagad si Maximo at kinuha niya akong ninong ng anak niya-- na walang iba kundi itong si Cindy.
Kaya malapit din ang loob ko kay Cindy sapagkat may koneksyon kaming dalawa sa isat-isa.
"Ninong, wala na po akong pera... Kinuha na ho lahat ni tita Mildred. Ang totoo nga nyan, katulong na lang ako sa mansion namin. Yung sinisweldo ko, ayon yung ginagastos ko sa aking pag-aaral. Kaya wala po akong ipon ninong at malabong magka-ipon ako dahil ginigipit ako ni tita," she said again.
Nagawa nitong isumbong sa akin ang problemanang dinaranas niya sa kamay ng kanyang auntie Mildred.
"Ano?" Halos magulantang naman ako sa kanyang binalita.
"Simula ho nung umalis kayo ninong, wala na ho akong kakampi. Kaya ayon, sa murang edad ko, pumirma ako sa mga papeles na hindi ko alam kung ano ang nakasaad do'n. Saka ko lang nalaman ang lahat, nung gawin akong katulong ni tita," pagkikwento ni Cindy sa mahinang boses. Dito ko nalaman na sobrang pait pala ang sinapit niya sa kamay ng kapatid ni Maximo.
Kung nabubuhay lang ang magulang niya ay hindi nito magugustuhan ang ginagawa ni Mildred sa nag-iisang anak nila.
"Pagsasabihan ko ang tita mo Cindy. Sasamahan kita pag-uwi para makausap siya. Maling-mali ang pagtrato niya sa'yo. Hindi ako papayag na ginaganyan ka niya," pagdedesisyon ko naman at handa sana akong ipagtanggol ito at tulungan na mabawi ang kayamanan na meron siya.
"Ninong huwag na... Kahit naman pagsabihan mo si tita, hindi ka na no'n papakinggan pa dahil may mga papeles na siyang hawak... Kaya nga gusto ko nang tumigil sa pag-aaral at mag-asawa na lang. Mag-asawa ng isang lalaki na mas maedad sa akin. Yung tipong magagawa akong alagaan nang husto at mamahalin kagaya ng pagmamahal ng magulang ko," wika ni Cindy na may laman ang kanyang salita.
And at this point, our eyes met again. Muling nagtama ang mga mata namin ng dalaga. Parang may gustong iparating ang tingin ni Cindy sa akin.
"Gusto mo ng matandang lalaki?" sambit ko naman.
"Yes ninong. One of my dreams is to marry an old man... Wala naman sigurong bawal kapag nagmahal ka ng mas maedad sa'yo diba? Ang mahalaga ay totoo ang pagmamahalan niyo at masaya ka sa kanya... Kaya kung bibigyan ako ng pagkakataon, matandang lalaki ang nais kong mapangasawa," pahayag ni Cindy at hindi man lang siya nagdalawang-isip na ibulgar ng harapan sa akin ang pangarap niya.