Chapter 16: Experience

3711 Words

Nagising ako nang may nananakit na katawan at nanunuyong lalamunan. Nang idilat ang mga mata sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na kabuohan ng silid. Mula sa kulay abo nitong dingding hanggang sa kulay hilaw na kayumanggi nitong sahig. Iinot-inot akong bumangon habang paulit-ulit na hinihimas ang aking leeg na bahagyang nananakit. "Oo nga pala, nasa condo unit ako ni Krux." sambit kong umapak na sa sahig ang mga paang nakabalot pa sa medyas na marumi na. Mataas na ang sikat ng araw. Ang mga sinag nito ay pilit nang pumapasok sa siwang na maliliit ng makapal na kurtina sa salaming bintana. Nakangiti akong humakbang patungo doon, hinawi ko pa ng malaki ang kurtina. Pipikit-pikit akong tumawa habang nasisilaw sa sinag ng haring araw. "Ang taas." nakangiti kong bulalas habang itinataki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD