Malakas kong sinipa ang maliit na batong pakalat-kalat sa aking paahan. Agad iyong tumilapon sa madamong bahagi ng kabilang kalsada. Marahas akong nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Matalas kong ipinako ang aking mga mata sa malaking kalsada. Kapagdaka ay mariin kong sinabunutan ang aking sariling ulo. "Gaga ka talaga Samantha!" bulalas ko sa aking sariling katangahan, "Ang lakas ng loob mong mag walk out ni hindi mo alam kung saang jeep sasakay!" Ilang minuto na akong nakatayo doon ngunit hindi pa rin nakakasakay ng jeep patungo sa terminal ng bus. Ang halos lahat ng mga dumadaang jeep ay walang signboard kung saan sila patungo. Hindi ko alam kung tatawid ba ako o mananatili ako sa aking pwesto. Padabog akong naupo, sumasagi sa