Marahan kong inayos ang pagkakasandal ng ulo ni Timothy sa aking balikat. Nakasakay na kaming dalawa ng van pauwi ng Laguna. Nang nagdaang gabi ay pareho kaming nagdesisyon na dalawa. Ipagpapatuloy namin ang buhay kung ano kami ngayon. Patuloy na aabutin ang aming mga pangarap na dalawa noon. "Hey, are you okay?" tanong ko pagkatapos naming maupo sa banig na dalawa. Tumigil na siyang umiyak. Namamaga na ang kanyang mga mata at namumula rin ang kanyang ilong. Mukha siyang batang paslit ngayon na pinagalitan ng kanyang mga magulang dahil sa pinapabiling walang kwentang laruan. "Sort of." aniya sa namamaos na tinig. Dinampot niya ang plato ng inihaw naming mallows. Walang imik niya itong sinimulang kainin. Nakatanaw siya sa mababang bahagi ng lugar na ngayon ay nangangalahati na sa gabi