Hindi ko alam kung paano niya natagalang ako ay yakapin. Isa o dalawang oras, hindi ko alam. Patuloy akong umiyak sa kanyang harapan, wala na ang hiya. Nalulungkot ako nang dahil sa trahedya na tumapos sa buhay ng aming mga magulang. Nasisiyahan ako dahil muli kaming nagkitang dalawa, sa hindi ko inaasahang panahon at pagkakataon. Muli kaming pinagtagpo ng tadhana. "Ayan, ayan!" bulalas niyang itinuro ang aking mga mata. "Sabi ko naman sa'yong tumigil ka na, mukha ka na ngayon pinagsawaan diyan ng maraming bubuyog." Pilit kong kinunot ang aking noo, natatawa sa kanyang kakaibang reaction. Kumurap-kurap at patuloy pang umarte sa kanyang harapan. "Hindi naman pwedeng maging masaya ako ngayon sa mga nalaman," nguso kong kinalas ang pagkakayakap sa kanya, "Hindi ko pwedeng lokohin ang saril