Chapter 21: Rumor

3073 Words

Sa patuloy na paglipas ng mga oras hanggang sa sumapit ang tanghali ay hindi nabawasan ang pang-aasar ng dalawang daga sa akin. Hindi sila tumigil kahit pa tapunan ko sila ng nagbabaga kong mga titig, na punong-puno ng pagbabanta. Ipinagpatuloy lang nila ang pagsulyap sa akin at kapagdaka ay mahinang tatawa. Malakas na ipaparinig sa akin ang isang linya ng aking text kanina kay Timothy. Kahit gigil na gigil na ako sa kanilang dalawa ay hindi ko sila magawang saktan, physically. Hindi ko sila magawang hampasin ng makapal na libro sa harapan. "Hindi kayo titigil?" buka ko ng bibig habang nakatingin kay Clare, "Isa pa!" Mahina lang itong humagikhik sabay bulong kay Ruth, sabay na silang tatawa. "Ano bang nangyayari sa inyo?" clueless na tanong ni Dave sa kanilang dalawa, "Kanina pa kayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD