Gabi na nang makauwi ako ng aming tahanan. Magtatakip-silim na rin nang tumigil ang malakas na pagbagsak ng ulan at tuluyang naging mahina itong ambon nalang. Pareho kaming walang dalang payong ni Timothy. Kaya wala kaming choice na dalawa kung hindi ang hintayin na ang ulan ay bahagyang tumila. "O Samantha, ginabi ka na naman." Ate Lukring voiced out, habang sinasalubong ako sa may aming pintuan. "Nabasa ka na naman ng ulan. Nakalimutan mo na naman ba ang iyong payong?" Marahan akong tumango sa naging tanong niya. Hindi naman ako sobrang nabasa. Nagmukha lang akong bagong ligo dahil sa buhok na mamasa-masa ng tubig-ulan. "Si Mommy at Daddy po?" tanong kong hindi pinansin ang sermon niya. "Wala pa," buntong-hininga niya na mariin akong tinitigan. Tinanggap ko ang tuwalyang ini-abot