Chapter 4: Who are you?

3235 Words
Kinabukasan ay maaga akong pumasok para ipaalam sa kanila na tuloy kami sa weekend. Nakita ko sila sa labas ng aming classroom na nagda-daldalan. "Good morning!" lapit ko sa kanila. "Good morning rin." sabay na wika ng dalawang babae. "Maganda yata ang araw mo ngayon?" si Ruth na inaayos ang suot na uniform. "Oo nga, pati ang ngiti mo ngayon ay kakaiba." si Clare na hinimas pa ang buhok na tumutulo-tulo pa. "Ang dami niyong alam." iling-iling ni Dave natatawa. Ang mga babae naming mga kaklase ay napapatingin sa kanyang bagong itsura. "May kinakampihan ka na ngayon?" si Clare na binangga pa ang isang balikat nito, "Tell me Dave." "Sinabi ko lang na--" "Ang deffensive." halakhak ni Ruth. "Kinikilatis mo na ba si Samantha?" si Clare na hayagan ang pagtatanong dito. Naramdaman ko ang agarang pamumula ng aking mukha. "May nag blu-blush!" bulalas ni Ruth na sinundan ng malakas na pagtawa. Wala sa sariling tinakpan ko ang mukha. Ipinikit ko ang aking dalawang mata. Nakakaramdam na ako ng hiya sa kanila. "Oo nga!" segunda ni Clare, "Ano ba naman iyan Dave, parang di ka lalaki." Mabilis akong nagdilat ng mata. Doon ko nakita ang pamumula ni Dave mula leeg. "Para kayong tanga!" anitong natatawa. Nahihibang na sila. Nangre-reto ba sila? "Masama bang simulan ang umaga ng masaya?" tanong ko na ikinalingon nila sa akin, "Excited lang ako para sa ating weekend." "Weekend?" sabay na tanong ng dalawang babae. "Di ba nga pupunta kayo sa bahay?" "Ay, akala ko nagbibiro ka lang." si Ruth. "Oo nga, seryoso pala iyon Samantha." Tumawa ako na sinabayan nilang dalawa. "Totoo iyon, bakit ako magbibiro?" "Hindi ako makakasama." sambit ni Dave, nilingon namin siya. "Pupunta kami ng family ko sa Batangas sa farm namin this weekend. Sa sunod nalang ako sa inyo sasama." "Sayang naman." nguso kong nakatingin sa kanya, nahihiya siyang ngumiti. "Marami pa naman tayong next time." kumbinsi niya sa akin, lalong nahiya. "E di kami nalang muna ni Ruth ngayon." si Clare na pumagitna pa sa amin, "Sa sunod nalang natin siya isama." Tumango-tango ako. Mabilis kaming tumakbo papasok ng silid nang matanaw namin ang aming class adviser. Biglang tumahimik sa loob ng aming silid-aralan nang pumasok kaming magkakaibigan. Nakapako ang lahat ng paningin sa aming grupo. At sa aming likuran kung nasaan ang guro. "Sandali lang students." paalam ng teacher namin, mabilis muling lumabas. Paupo na sana ako ng upuan ko nang mapansin ko ang mga nakadikit ditong bubble gum na halos kakanguya lang. Nagkibit ako ng balikat at kapagdaka ay kinuha ang scarf sa bag at isinapin dito. "Kawawa ka naman scarf, " sambit ko na malalim na buntong-hininga ko. "Sa iyo didikit ang bubble gum na 'yan, pero hindi bale sasabihin ko kay Ate na labhan kang mabuti." nakarinig ako ng mahinang tawanan, "Mahirap na baka mayroong rabies ang laway ng naglagay niyan diyan e magkasakit ako o di kaya ay mahawa ako doon sa pangit niyang ugali." iiling-iling kong sambit. Narinig ko kung paano mapahagikhik ang karamihan sa aming mga kaklase. Nakita ko pa ang simpleng pagpadyak ni Ruth at Clare sa sahig, senyales na nagpipigil lang sila ng kanilang mga tawa. Mapanuya akong lumingon sa kinaroroonan ni Betty na kung kanina ay tuwang-tuwa ngayon naman ay nagpupuyos na sa galit. I gave her my sweetest smile saka ako nag smirked. Hindi ako patatalo sa'yo pathetic loser! "Anong sinasabi mong may rabies ako ha?" sigaw niyang mabilis na sumugod sa akin. "Baka hindi mo nakikilala kung sino ang binabangga mo!" Bingo! Huli ka! "Sandali," inosente kong harap sa kanya. "Ikaw ba ang sinasabi kong may rabies? Binanggit ko ba ang pangalan mo sa kanila?" nakakaloko kong ngisi, "Ang sabi ko 'yong naglagay ng bubble gum dito." Lalo niya akong pinandilatan. "Oh?" tayo ko na tila ba may napagtanto sa eksena, "I knew it. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino ang may gawa dahil ikaw na mismo ang nagsuplong sa sarili mo." mapang-uyam kong tingin sa kanya, "You're the culprit." tahasan kong akusa. "Sumusobra ka na!" sigaw niya sabay tulak sa akin ng malakas na kung hindi ako nakahawak sa armchair ay natumba na ako. "Mula nang dumating ka sa school na 'to lahat nalang ng atensyon na para sa akin ay inaagaw mo!" Attention seeker! "Bakit artista ka ba para bigyan ka nila ng atensyon?" mapanghamon kong tingin sa kanya. "Ikaw, artista ka ba?" “Girl, you're a f*****g attention seeker!" ganting tulak ko sa kanya. "Gulpihan na 'yan!" "Sabunutan mo na!" "Go Betty!" "Go. Go. Go Samantha!" "Ang ingay...wala ng katapusang ingay!" "Go Sam!" "Fight Sam!" Lalo pang lumakas ang sigawan ng mga kaklase namin, sa halip na kami ay awatin. "Ikaw ang attention seeker!" sigaw niya na malapit ng umiyak. Malakas akong tumawa. "E bakit insecure ka sa akin?" Lalo pang lumakas ang sigawan. May narinig pa akong ilang pustahan. "Hindi ako insecure sa'yo!" sigaw niyang lumapit pa, "Hindi ka naman maganda. Ang pangit mo! Pangit ka!" "Oh, e bakit galit na galit ka sa akin?" Gigil niya akong tiningnan at akmang sasabunutan nang biglang pumasok si Ma'am. "Betty what are you doing there?" tanong nito, "Bakit nasa harapan ka ni Samantha?" "Siya kasi Ma'am, inaaway ako umagang-umaga." sumbong nito na parang isang maamong tupa. "Baka naman kasi ikaw 'tong nagsimula at lumalaban lang ako." pagkontra ko. "Anong nangyari class?" Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong silid. Walang nagsalita, walang umimik at sigurado akong walang sinuman ang may planong magsabi sa kanya ng totoong nangyari. "Ma'am kung ako po ang nagsimula bakit nandito siya sa harapan ko?" lakas loob na tanong ko, "Dapat po ay ako ang nasa harapan ng upuan niya dahil ako ang sumugod hindi po ba?" Badshot! Nawalan yata ako ng modo kay Ma'am. Pabagsak akong umupo ng upuan, nakalimutan ang presensiya ng bubble gum sa upuan. Mas lalo tuloy naging kawawa ang scarf ko dito. "Talagang hinahamon mo akong babae ka!" galaiting sigaw niya. "Betty stop! Go to your chair now!" utos nito. "Let's start the class. Open your book in English on page twenty." Walang nagawa ang kawawang nilalang sa harapan ko kundi tunguhin ang upuan niya ng padabog. As if I care? Kinuha ko ang aking libro at nakisabay sa lecture ni Ma'am kahit naiinis ako sa naging simula ng aking araw. "Chill. Walang mangyayaring maganda sa'yo kung lagi mo siyang papatulan." bulong ni Dave sa akin. "You're right." tugon ko at mabilis na pinalis ang simangot at inis na nakahimlay sa aking mukha. Napatingin ako bigla sa kinauupuan nila at napansin kong nakalingon sa akin 'yong lalaking nasa harapan niya. Wala akong pakialam kung naiingayan siya sa akin, alam kong siya 'yong nag-react kanina na naiingayan. "Huwag mo ng tingnan, lalo lang 'yang maiinis sa'yo." baling ni Dave ng mukha ko sa harapan. Natapos ang araw na 'yon na halos patayin ako ni Betty, sa pamamagitan ng matatalim niyang mga tingin. Hindi ko naman kasalanan na naiinggit siya sa akin. Ang tanging naging kasalanan ko lang ay ang maging maganda ng kaunti sa paningin nila. Hindi ko halos napansin ang mabilis na pagdaan ng mga araw. Namalayan ko nalang na nasa huling araw na iyon ng linggong iyon. Mainit pa rin ang dugo ni Betty sa akin. Araw-araw akong tinitingnan ng masakit at masama. "Huwag niyong kakalimutan ang welcome friendship party ko ha?" paalala ko sa kanila, patungo kami sa parking. "We won't, take care Sammy." si Ruth. "Oo naman." si Clare na yumakap pa. "Take care Sammy!" kaway ni Dave. Ngumiti lang ako sa kanila. Maswerte ako na nakilala ko sila. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang mga sundo at naiwan akong mag-isa. Tumayo lang ako sa gilid at matiyagang naghintay. "Nasaan na kaya si Mang Dante?" bulong kong bahagyang nag-aalala na. "Tingnan mo nga naman kung sino ang naririto, ang pinaka loser ng school natin." kahit hindi ko siya lingunin ay kilala ko na agad kung sino ito, sa tabas palang ng dila niya. "Feeling mayaman 'yon pala ay mas pulubi pa sa taong nasa kalye at namamalimos!" Hindi ko alam kung anong pinaglalaban niya sa araw-araw na nakikita niya ako. Feeling mayaman? Hindi niya nga yata ako kilala. Hindi kami sobrang yaman pero nakukuha ko lahat ng gusto ko. May malaki kaming bahay at desente ang aming pamumuhay. Pulubi? Hindi niya siguro alam ang kanyang mga sinasabi. Nakita niya ba akong nanghingi ng limos sa mga kaklase? Pinilit kong pigilan ang aking sarili upang huwag na siyang sagutin pa. Ayoko ng dagdagan pa ang mga panlalait ko sa kanya. Hindi 'yon healthy sa side ko at hindi rin ako ganitong klase ng tao. "Bingi-bingihan lang?" panunuya pa rin nito, "Tiklop ka pala kapag hindi mo kasama 'yong mga alipores mo." Napigtas na ang aking pasensiya. "Well.." baling ko ng tingin sa dereksyon nila, "Ayoko na sanang patulan ka pa Betty. You know mas may class naman ako kung pagkukumparahin tayong dalawa kahit na laki ako ng probinsya." "E 'di wow probinsyana!" halakhak ng kasama niya. "Oo nga," halakhakan nila. "Probinsyana, laki sa hirap!" patuloy pa rin nilang panunuya. "Anak ng hikahos!" "Uy tama na," kapagdaka ay saway sa kanila ni Betty. "Alam niyo na ngang walang sundo or wala talaga siyang hinihintay na susundo inaasar niyo pa." halos ume-echo sa paligid ang boses nila. "Fact check, Samantha is poorer than her friends!" I tried to hold back. Ayoko silang patulan pero kung nilalait na nila ang aking mga kaibigan, I won't tolerate it and stay still. "Excuse me lang ha? Hindi--" Agad akong natigilan nang biglang pumarada sa aming harapan ang isang sportscar. Isa itong Ford Mustang 2.4. Hindi ang pangalan nito ang nakakagulat kung hindi ang makita sa loob nito ang nakangiting mukha ng aking ama. "Daddy?" "Hi Sammy, matagal ka bang naghintay?" I blinked once, twice, thrice at hindi nga ako namamalikmata. Si Daddy nga ang nasa loob ng nasabing sasakyan. “Dad,” natatawa kong saad, “What are you doing there? I mean…what are you doing here?” Tumawa siya. Nakapang trabaho pa siyang damit. "Sinusundo ang aking nag-iisang anak." "Where is Mang Dante?" "Nagseselos na ako kay Mang Dante." marahan akong lumapit sa kanya, "Should I fired him? Mas gusto mo na siyang sundo keysa kay Daddy?" Tumawa ako, naiiling. "Dad? Are you kidding me?" "Yeah, get in please!" bukas niya ng pintuan. "Alright." ngiti ko sabay sakay. "Nasaan po si Mang Dante?" ulit ko. "Maaga kong pinauwi para naman may time siya na para sa pamilya niya." "Okay." Bago tuluyang makalayo ang sasakyan ay mapang-asar akong tumingin sa gawi nila Betty. At kagaya ng inaasahan, gulat na gulat sila sa nakita. "Bye mga L!" mapang-asar kong kaway sa kanila. "Sila ba ang mga new friends mo?" "No way." "Sammy." biglang sumeryoso siya, "You should make friends with them. Dapat na makipagkaibigan ka sa lahat." “It won't happen Dad.” mariin kong wika na kulang nalang ay sigawan ko na siya. I feel guilty pagkaraan ng ilang sandali. "I-I'm sorry Dad, kahit kailan ay hindi po ako magiging kaibigan nila." "Alright, anong ginawa nila sa'yo?" hindi ako sumagot. "But make sure na hindi ka maka-kasakit ng kapwa mo. Physically." marahan akong tumango. I'm sorry Dad, hindi ko yata iyon ma-ipapangako lalo na kung umaabuso na sila at nasasaktan nila ang mga kaibigan ko. Dumeretso ako ng aking kwarto pagdating namin sa bahay. Nagpalit ako ng damit habang hindi mawala sa aking isipan ang itsura ni Dad. Ngayon ko lang siya nakitang magsalita ng seryoso. What's wrong with him? Posible bang nag-away silang dalawa ni Mom? Tatanungin ko nalang si Ate mamaya. Kinuha ko ang aking ipad at binuksan ang aking f******k account. Nakita kong may message si Anonymous sa akin. Excited kong binuksan iyon. Ano ny mous: Hi. Kumusta? Gusto mo bang marinig ang karugtong ng aking kanta? Nakangiti ay agad akong nagtipa ng sagot sa kanya. Samantha: Sure. Ano ny mous: Kumusta ang maghapon mo? Pumasok ka sa school? Wait...paano niya nalamang...nevermind. Samantha: Yes, pumasok ako sa school. Mayroon akong isang kaklase na nakakairita. Her name is Betty, bully siya ng klase namin. Mabilis kong nasapok ang aking noo matapos na mag-send ng aking mensahe. Hindi ko alam kung bakit ako nag nagsusumbong ng mga nangyari ngayong araw sa taong sa online ko lang nakilala. Ano ny mous: I see. Mag-pasensiya ka nalang. Baka kinulang siya sa bakuna o aruga ng kanyang pamilya. Huwag mo nalang pansinin. Lalo ka nilang aawayin once nakita nila na pinag-aaksayahan mo sila ng oras. Ganun na ang katauhan nila since grade school. Ilang beses kong inulit basahin ang message niya upang siguraduhing hindi ako namamalikmata sa nababasa. And tama ang basa ko. Kilala niya sila! And worst baka kilala niya rin ako o isa siya sa mga kaklase namin sa school. Samantha: How did you know? Sa school ka rin ba namin nag-aaral? Anong grade mo na? Kaklase ba kita? Lumipas na ang ilang minuto pero hindi niya na ito na-seen pa. Anak ng baboy, offline na naman siya! "Sammy?" si Ate sa may pintuan. "Po?" lingon ko sa kanya. "Mag-merienda ka na." "Nandiyan na po." tugon ko na mabilis lumabas ng kwarto. Habang kumakain ng sandwich ay maraming katanungang tumatakbo sa aking isipan. Sino si Anonymous? Kaklase ko ba siya? Kakilala? Sana pala ay hindi ko nalang ini-accept ang friend request niya. Baka mamaya masama siyang nilalang o di kaya naman ay hacker. "Masarap ba 'yong sandwich hija?" "Who are you Anonymous?" tugon ko. "Samantha?" "P-Po?" baling ko sa kanya. "Sino si Anonymous?" "Hindi ko po siya kilala, iniisip ko rin ate kung sino si anonymous." "Kaya nga siya anonymous kasi ayaw niyang magpakilala." tumawa siya. Agad nanlaki ang aking mga mata at patakbong lumapit kay ate. "Ate, sa palagay mo bakit may mga nagpapanggap at gumagamit ng codename na anonymous?" "May mga dahilan sila kaya ayaw nilang magpakilala." Inihawak ko pa ang kamay sa braso niya. "Like what?" "Like hindi nila makakayang makipag-usap sa isang tao hangga't hindi sila gumagamit ng codename." Tumango-tango ako. Ganun siguro ang kaso ni Anonymous. "Baka naman type ka niyan, nahihiya lang sa'yo?" Napakalas ako ng hawak sa kanya. Nilakihan siya ng mga mata. "Ew ate, ang bata ko pa talaga." Tiningnan niya ako ng nakakaloko. "Kapag ikaw nag boyfriend ngayong taong ito, kukurutin kita sa singit." Sabay kaming tumawang dalawa. Sa pagsapit ng gabi ay okupado pa rin ako ng mga isiping iyon. Hindi ako nag log out bagkus ay ini off ko lang ang wifi. Padapa akong nahiga sa aking kama, bitbit ang iPad. Nakasalpak dito ang headset kahit na wala itong music. Isinali ko ang aking mga bagong kaibigan sa group chat naming magka-kaibigan sa probinsya. "Huwag magso-sobra ng puyat." si Mommy nang silipin ako sa silid. "Opo, nagpapa-antok lang." Sumunod sa kanya si Daddy na inaantok na ang mga mata. "Goodnight Sammy." Pagkatapos yumakap sa kanila at mag goodnight ay bumalik ako sa kama. Samantha: Hi guy's kumusta kayo? Na-miss ko na kayo. Meet my new friends, Dave, Ruth and Clare. Welcome here guy's. Belle: Ano ba iyan, nakahanap na agad ng kapalit namin sa buhay niya. Samantha: Ang drama mo Belle. Haha. Belle: Hindi naman, inggit lang. Iiyak ako kapag nakalimot ka. Samantha: Oo na po, mahal naman kita. Ruth: Hello. Clare: Hi Belle, new friend here. Dave: Yow. Malakas akong tumawa, ang tipid ni Dave sa magsalita. Belle: Sorry Sammy, hindi online ang ibang mga kaibigan mo dito dahil may ginagawa kaming practice sa activity. BRB. Kinakamusta ka nila. Bye Samantha, miss ka na namin. Nice to meet you guy's. Samantha: Bye Belle see you soon. Ruth: Ay ang sweet naman talaga ni Samantha. Samantha: Bolera spotted. Clare: Oo nga. Hindi ka namin binobola. Ang swerte natin sa kanya 'di ba Dave? Dave: Naman! Syempre. Samantha, anong gusto mong pasalubong fruits o fresh milk ng baka? Samantha: Tigilan niyo nga ako. Prutas nalang Dave thank you. Ruth: Bakit ganon Dave? Si Samantha lang ang may pasalubong? Paano naman kami? Clare: Oo nga Dave, hindi mo man lang ba kami tatanungin kung ano ang mga gusto namin? Malakas akong tumawa sa kanila. Dave: Ano ba kayong dalawa, alam na alam ko na ang mga gusto inyo. Hindi ba at fresh milk ang gusto niyo dahil nagpapakinis kayo ng balat? Ruth: Tse!! Excuse lang Dave na maputla, nag ko-kojik na ako ngayon 'no. Ayoko nang umasa sa gatas na 'yan dahil wala namang epekto kahit old o fresh pa. Clare: Me too Ruth, may binili akong bagong whitening lotion. Dave: See..umamin rin kayong dalawa. Hindi ko naman alam 'yan tuloy nabuking kayo ni Samantha na fake ang kutis niyo. Napabungisngis nalang ako sa convo nilang tatlo. Hindi ko alam na may issue sila pagdating sa kulay ng kanilang mga balat. At hindi ko rin lubos maisip na ginawa nilang asaran at bulgaran ang GC naming magkakaibigan. I swear, matatawa ang mga friend ko sa probinsya kapag nag backread sila dito. Samantha: Aning ka talaga Dave, ikaw ba hindi ka naglalgay ng fresh milk? Ang dami diyan sa inyo kaya imposible 'yan kung ang isasagot mo ay hindi. Ayon sa kutis mong kagaya ng labanos, gumagamit ka nito. Sa sobrang puti mo rin ay nakikita ko na ang mga litid mo. Kutis babae ka e. I can see you through. Ruth: BURN! Clare: Bulls eye Samantha, magalusan lang 'yan ng kaunti ay paniguradong lalabas na ang mga ugat niyan sa katawan. Ruth: Exactly mga friend, kaya dapat na hindi 'yan magasgasan dahil kawawa ang mga ugat na matatamaan. Dave: Kayong tatlo ha, nakakainis kayo. Pinagtutulungan niyo ako porket wala akong kakampi dito. O siya wala nalang pasalubong bukas, see through pala ha! E ikaw Samantha, bakit 'yang kutis mo see through din, kita ko na nga ang mga laman e pati 'yong utak ng buto mo nakikita ko na din. Kulang nalang mabasa ko ang laman ng ano mo. Samantha: Hoy! Dave anong ano 'yan ha? Bad. Atleast kahit see through ang balat ko ay hindi nakikita ang mga ugat ko. O siya mga girls, mag beauty rest na tayo para blooming at fresh tayo bukas. Ruth: Tama. Enjoy natin ang araw habang hindi natin kasama si see through. Clare: Okay tara na at dapat ay marami tayong pictures bukas, para mainggit si see through. Bago pa ako makareply sa pinagsasabi ng dalawa ay nakita kong sabay-sabay na silang nag offline kahit na si Dave. Pikon. Mag o-offline na rin sana ako nang mapansin ko ang mensaheng galing kay Anonymous. Walang pagda-dalawang isip ko itong binasa. Ano ny mous: Hello Samantha, sorry kung lagi akong nag o-ofline kapag nagtatanong ka ng mga bagay-bagay na tungkol sa akin. Sana ay maintindihan mo ang nais kong iparating, hindi sa natatakot akong malaman mo kung sino ako subalit mas natatakot akong isang araw ay makilala mo ako. Gusto ko sanang maging isa sa mga kaibigan mo sa school kaya lang natatakot ako na baka i-reject mo ang offer ko nang dahil sa ugali ko. Naisip ko nalang na kahit dito sa f******k ay maging isa ako sa mga kaibigan mo. Na kahit dito lang ay maging bahagi ako ng ilang minuto sa buhay mo. Hindi pa ngayon ang tamang panahon at oras upang magpakilala ako sa'yo. One day, umaasa akong makakadaupang palad kita. Sa mga panahong kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako, isang message mo lang ay magrereply ako. Napakurap-kurap ako ng ilang beses at agad na natigilan sa nabasang medyo mahaba niyang mensahe. Positive ako, maaaring isa nga siya sa mga classmate ko o nakakakilala sa akin. Sino ka ba talaga Anonymous?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD