Chapter 3: Anonymous

2900 Words
Mabilis na dumaan ang unang linggo ng aming pasukan. Sa mga araw na iyon ay naging maayos naman ako, palagi na akong sumasama sa kanilang grupo. Hindi humihiwalay at lalong hindi ako nagpapa-iwan sa kanila. "Mag-mall tayo bukas." pag-aaya ni Clare. Nag-usap kaming tatlong babae na magpapa-trim ng buhok. Lihim na nagkasundong pagugupitan rin namin si Dave. "Pass muna ako da--" "Dave!" mabilis na putol sa kanya ng dalawa.  "Ano? Hindi ako sasama." mariing pagtutol nito, "Kayo nalang muna." "E gusto ka nga naming kasama Dave," si Ruth na pinandilatan pa siya ng mga mata. "Sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo." Hindi siya pinansin nito. Pangiti-ngiti ko silang sinusulpayapan. "Gagawin niyo lang akong alila doon." maya-maya ay bulong nito, "Kilala ko ang likaw ng bituka niyo!" “What do you think of us, lazy?” singit ko na sa matigas na english. "Uy, Samantha huwag kang mag-english." siko sa akin ni Clare sabay takip sa kanyang ilong. Malakas akong tumawa. "Oo nga naman Dave, hindi kami tamad." segunda ni Ruth sa akin, "Sumama ka na." Isa-isa niya kaming tiningnan. Pagkatapos ng ilang minuto ay kumamot ito sa kanyang ulo. "Oo na, sige na." talunan nitong pagpayag, "Sasama na ako." Hindi ako nahirapang magpaalam kay Mommy at Daddy. Masaya pa silang dalawa na mayroon na akong mga bagong kaibigan dito. "Basta Samantha, doble ang pag-iingat." paalalang muli ni Mommy, "Iba ang lugar na ito sa lugar na kinagisnan mo." “Yes Mom, I'll be home before six o clock.” Sinipat niya ako ng ka-kaibang tingin. "Ano ang sabi sa'yo?" tanong niya na tinaasan ako ng kilay, "Kapag nasa Laguna tayo--" "Mag tagalog para hindi magmukhang maarte." tapos ko sa sasabihin niya. "Oo na po Mommy." "Good." Napailing ako, siya naman ngayon ang naka english. Natatandaan ko noong bata pa ako na nagpa-tutor ako upang mag-aral ng english. At naging hobby ko na rin ang mag english, lalo na kapag nagagalit ako o naiinis. "Samantha!" agad sigaw ni Clare pagkababa ko palang ng sasakyan. Nag-usap kaming apat na sa Mall nalang ang aming tagpuan. "Hello!" kaway ko sa kanila, "Mang Dante see you po later." "Sige hija, e-text mo nalang ako." "Noted po." Tinawid ko ang pagitan ko sa kanila na nakatingin lang sa akin. Maaaliwas ang mga mukha nila habang isini-senyas sa akin si Dave na nakatitig lang sa akin. "Ano tara na?" "Kumurap ka naman diyan Dave!" bulalas ni Ruth habang malakas na halakhak. Sinamaan ito ng tingin ng lalaki. "Huwag mo akong simulan Ruth." pa-suplado nitong saad, "Nagagandahan lang ako sa kanya, masama ba 'yon?" Lalo pa itong humalakhak sa kanyang kausap. Hindi ko sila pinansin, lumapit ako kay Clare. "Nice outfit Samantha." si Clare na sinuri ako mula ulo hanggang paa. Naka-suot ako ngayon ng kulay pulang off shoulder dress. Tinernuhan ko ng kulay puting rubbershoes na may wedge. "Thank you." pilit na ngiti ko, "Tara na!" Naglibot-libot kami sa kabuohan ng mall. Tumingin ng mga bagay na pwedeng bilhin. Tahimik na nakasunod sa amin si Dave. "Kumain muna tayo?" pag-aaya kong tumigil sa paglalakad. "Oo nga, tara." sang-ayon ni Ruth sa akin, "Kanina pa ako nagugutom." "Sige, may alam akong restaurant na pwede nating kainan." si Dave. Kapag sinabing restaurant ito 'yong may mga waiter at waitress na lalapit sa table upang kumuha ng order. Ngunit kapag pipila ka at hihintayin ang order mo, fastfood chain ang tawag doon. Wala kami sa restaurant, nasa isa kaming noodle at pizza house. "Masarap ba?" tanong ng lalaki sa akin ng makitang tapos na akong kumain. Um-order kami ng big size na pizza, pitcher of iced tea at pasta na good for four. "Yeah, I am full." "So, Samantha may mga kaibigan ka rin ba sa probinsya?" excited na taong ni Ruth habang sumisipsip sa iced tea niya. "Marami." "Kagaya rin ba ng estado niyo sa buhay?" tanong naman ni Clare. "Mixed." ngiti ko, "Hindi ako mapili pagdating sa kaibigan." paliwanag ko, "Sa probinsya ay may mga kaibigan akong mahirap, maykaya, matalino, hindi matalino at mga hindi nakapag-aral." "Hindi ka nahirapan sa kanilang makipagkaibigan?" sali ni Dave. "Noong una ay nahirapan ako." pag-amin ko, "Bata pa ako noong pumunta kami doon, siyempre nasanay ako sa buhay sa kabihasnan dati. Parang kakasimula ko palang sa grade school noon hindi pa malinaw sa isip ko. Mababait naman ang mga tao doon." "Hindi ka nailang?" si Clare. "Nailang, mga bata naman iyong nakakasalamuha ko doon at hindi mga matatanda." tumawa ako ng mahina, "Nakikipaglaro ako tuwing umuulan o umaaraw, basta namalayan ko nalang kaibigan ko na sila. Ganun doon." "Ang astig naman, di ba Dave?" baling nito sa katabi, "Parang kayo dati." Tumango lang ang lalaki sa kanya. "Wala ka bang naiwang kaibigan dito?" si Ruth. Natigilan ako at dagling napaisip sa naging katanungan niya. Sabi ni Mommy ay kalaro ko iyong anak ni Mang Dante noon, meaning ay kaibigan ko siya. "Meron." ngiti ko, "Pero hindi ko na siya maalala pa, sabi ni Mommy kalaro ko daw 'yon noong bata pa ako." "Nagkita na kayo?" si Dave. "Hindi pa." "Hindi kayo niyan totoong magkaibigan." wika ni Ruth na agad kong tinawanan. Kung kaibigan ko 'yon pinuntahan niya na sana ako sa bahay. Kung kaibigan ko 'yon nakipagkita na siya sa akin dahil masasabihan ni Mang Dante na umuwi kami at kung kaibigan ko siya, ginugulo niya na ang buhay ko ngayon palang. Ganon ang totoong magkaibigan. "Siguro," kibit-balikat ko, "Wala naman rin akong maalala na mukha niya." Tumahimik sila pagkatapos noon. Tila nahulog sa isang malalim na pag-iisip. Nakaramdam ako ng biglaang kalungkutan, hindi ko alam kung saan nanggaling habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa labas ng kainan. Pakiramdam ko may bahagi ng aking pagkatao na nagsasabi na, hindi ko nagawa ang mga bagay na 'yon. "Ano bang pumasok sa utak niyo?" singhal sa amin ni Dave nang dalhin namin siya sa saloon. Nagtawanan kami. "Calm down." taas ko ng isang kamay, "Magpapagupit lang naman tayo." "At sinong may sabi na--" "Ang haba na ng buhok mo." nguso ni Ruth, nagpapa-cute. "Huwag mo ng hintayin na sitahin ka sa school," si Clare, "Magpagupit ka na." "Fine! Bitawan niyo akong dalawa!" Naiiling na pinanood ko sila. "Magpapa hair spa po ako." sambit ko sa isang staff pagkapasok namin sa loob. Agad kaming inasikaso ng mga ito. Sa pagdaan ng oras ay nalaman na kaklase na nila si Dave, noong grade school sila. "Hindi naman siya dating ganyan." sagot ni Ruth, nang magtanong ako tungkol kay Dave. "Nasaktan na kasi iyan." si Clare na nagbubuklat ng magazine. Nagpap-pedicure kaming tatlo. Bawal sa school ang may nail polish sa kamay at sa paa lang ito pwede. "Mayroon siyang girlfriend, tumagal rin sila noon." si Ruth na tumingin pa sa akin, "Hiniwalayan nalang siya bigla." "Bakit?" kuryuso ko pang tanong. "Third party." seryosong sagot ni Clare, "Nagkagusto iyong babae sa ibang lalaki." Tumango-tango ako. "Nasa school natin iyong babae?" "Yup." sabay nilang sagot. "Bulag siguro iyong babae," hinuha ko, "Hindi niya nakita ang halaga ni Dave." "Sinabi mo pa Samantha," harap sa akin ni Clare, "Gustong-gusto siya ni Dave. Lahat ng luho ay binibigay, tapos niloko niya lang 'tong lalaking mahal siya." Tumango-tango akong muli. "Tapos ang kapal ng mukha, kapag may babaeng dumidikit kay Dave nagseselos." paikot pa nito ng mga mata sa ere, "Sarap sabihin na may selos ka pang nalalaman diyan girl, binitawan mo na siya 'di ba?" Tumawa si Ruth sa aking gilid. "Pero naka move on na si Dave?" Nagkibit-balikat siya sa akin. It must really hard for the teenagers like us. Mahirap mag handle ng emosyon. Kahit hindi ko pa 'yon nararanasan. "Dapat hindi niya na balikan pa 'yon." dagdag ko na ikinatitig nila sa akin, "What? Concern lang ako sa kaibigan." Ngumiti lang silang dalawa sa akin ng nanunukso. Kung iniisip nila na may gusto ako kay Dave, nagkakamali sila. Wala akong gusto sa kanya kung hindi ang maging kaibigan lang ito. "Tingnan mo Dave," si Clare na pinalo pa ito sa dibdib, "Gwapo ka na ulit." Nagtawanan kami nang mamula ito sa biro sa kanya ni Clare. "Baka kapag nakita ka niya ngayon magkukumahog na bumalik sa'yo." si Ruth na sinabayan ko sa pagtawa. "Shut up Ruth!" "Tapos, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." kanta nitong tumakbo palayo, hinabol siya ng sapak ni Dave. Ilang sandali pa silang naghabulan na dalawa. Sa aking paningin ang tibay ng pundasyon ng pagkakaibigan nila. "Kain tayo ulit?" tanong ko sa kanila. Sabay-sabay silang umiling sa akin. "Busog pa tayo Samantha." si Clare. "Wow! Tingnan niyo nga naman, namimili ang mga losers!" malakas na boses ang umagaw sa amin ng pansin, "Bakit? para ba matakpan ang pagiging pulubi niyo?" Malalim akong huminga nang lingunin sila. Ngumisi ako sa kanya, pinasadahan siya ng tinging may pandidiri. "Wow!" I imitate her voice, "E ano palang ginagawa niyo dito? Don't tell me nag titingin-tingin lang tapos wala namang pambili." lumapit pa ako sa kanila, "Sino ngayon ang mas nakaka-awa? Kami ba o kayo?" turo ko sa kanila isa-isa. "Samantha..." saway sa akin ni Dave. "Whatever probinsyanang babae!" irap nito, "And oh?" sabay tingin kay Dave, "Hindi bagay sa'yo ang new haircut mo, mukha ka pa ring uto-uto. Let's go girls." wika nito na nilagpasan na kami. Malalim na huminga si Dave. "Whatever!" gaya ni Ruth sa kanya, "E siya pa 'tong mukhang taga bundok." "Oo nga, pambihira talaga Betty." si Clare na natatawa. Naikuyom ko ang aking isang palad. "Pasyal kayo sa bahay this weekend." parinig ko sa kanilang saglit natigilan sa paghakbang, "May pool kami doon." Nakita kong lumingon sila at masamang tumingin. Pinalo pa ang mga kasama. "Samantha, hanga na talaga kami sa'yo." tawa ni Clare, "Alam mo bang ikaw palang ang nakakabara sa babaeng iyan." tumingin ito kay Dave. "At isa rin siya sa rason ng hiwalayan nila Dave." si Ruth, "Ang galing mang brainwash niyang si Betty, akalain mong mayroon siyang nauto." Betty palang ang pangalan niya. Bagay sa kanyang mukha, mukhang pork belly. "Paano 'yon nangyari?" "Campus crush si Dave dati." sagot ni Clare, "At bilang campus crush inggit sila sa girlfriend niya. Gumawa ng paraan ang grupo nila, gumawa ng kwento na may ibang babae si Dave." "At iyong girlfriend naman niya ay naniwala." si Ruth, "Nakakaloka, naninawala siya doon keysa kay Dave." Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa dalawa at saglit na sumulyap kay Dave. "E 'di iyon naghiwalay sila." patuloy ni Clare, "Naging one of her friends niya ang grupo ni Betty. Tapos biglang bumalik si Timothy, nabaling na lahat sa kanya." "Tama na 'yan, kung mag-usap kayo parang wala ako dito." bulong ni Dave na biglang naging seryoso, "Away lang ang makukuha niyo diyan." Hindi namin siya pinansin. "And whose that f*****g Timothy?" Natitigilan silang tumingin sa akin. “Samantha, watch your words.” si Ruth. Tinakpan ko ang aking bibig. Bago pa ako muling makapagtanong ay nagsalita na si Dave. "Si Timothy iyong lalaking naka-upo sa likod." Saglit akong nag-isip, ngunit wala akong maalalang lalaki na nakaupo sa likod. Pinagpatuloy namin ang pamimili. Pagkaraan ng ilang oras ay nagpasya na rin kaming umuwi. Bitbit ang aming mga pinamili. "Ate, nasaan po sina Mommy?" "Nasa office pa Sammy." “I want strawberry juice can you make one glass for me?” lambing ko sa kanya. "Sige, i-aakyat ko nalang sa room mo." "Thanks po Ate." Mabilis akong nahiga sa aking kama pagdating ko sa silid. Tinitigan ko ang kisame, ang ilaw na nakalagay doon. Hindi ako nag-abalang magpalit muna ng damit. Kinuha ko ang isang unan at mahigpit itong niyakap bago pumikit. Ilang saglit pa ay binitawan ko 'yon at bumangon. Kinuha ko ang aking iPad. Kahit probinsya ang pinanggalingan ko ay hindi ako nahuhuli sa uso. May sss ako, IG, i********:, w******p, at Twitter. Nag-online ako sa f*******:, sa twitter, at maging sa i********:. Nakita kong madami akong message na nakaligtaang basahin sa w******p. Kentour: Samantha, I missed you. Kailan ka babalik dito? Sindy: Bestfriend. Bumalik ka na, nalulungkot na ako. Bella: Hoy Samantha. Come back here, please! Boring ang life namin. I missed you. Bron: Sammy, how are you? I missed you. "Miss ko na rin kayo." nguso ko, "Kung pwede lang na bumalik na diyan." Ruth Michelle Salazar Confirm Delete Request Mary Clare Maralita Confirm Delete Request David Yson Rosario Confirm Delete Request Agad kong ini-accept ang mga request nila at inilagay sila sa aking list ng close friends. Nag selfie ako at ini-upload iyon dito na mayroong caption. I am bored, who want to chat with me to less my boredom? Ilang sandali pa ay madami ng nag-likes dito at nag-comment at maya-maya pa at flooded na ang inbox ko. Mga dating kaklase, kaibigan at mga hindi ko kilala. Natawa naman ako sa mga sinasabi nila. May nag-aaya sa mall, mag beach, mag cinema, at mag food trip. At isang message request ang naka-agaw sa akin ng pansin. Ano ny mous: Listen to my songs for sure it will lessen your boredom. May sinend siyang file. Ano ny mous talaga ang name niya sa f*******:? At dahil curious ako ay binuksan ko ito at laking gulat ko ng pagbukas ko nito ay nakaputing babae na duguan ang mukha ang nakita ko. Mayroon itong malakas na sound effect kaya napatalon ako pababa sa kama. Marahas na binitawan ang aking hawak na iPad. "Waaaah!" malakas kong sigaw habang tumatalon-talon sa sahig. Hindi ko alam kung tatakbo ako palabas o gugulong sa kama. "f*****g s**t, what the hell is that? Ate?!" Ilang sandali pa ay humahangos na dumating ito. Labis na nag-aalala. "Anong nangyari Sammy?" "T-There's a m-monster Ate," halos maiyak kong wika sabay turo sa ipad ko na muntik ko ng basagin sa sobrang gulat. "Monster." Halos manginig ang aking buong katawan sa takot. Mahigpit niya akong niyakap. "Walang monster sa totoong buhay Samantha, guni-guni mo lang 'yon." "No! Meron talaga, nasa ipad ko!" giit ko pang nakaturo pa rin ang daliri sa ipad. Bigla siyang natawa, "Wala ka pa ding pagbabago Sammy, listen to me there's no monster for real okay? Tigilan mo na ang kakapanood ng kung anu-ano diyan sa ipad mo." ngumuso ako. "P-Pero Ate nakita ko, I saw her!" giit ko pa "Naliligo siya sa sarili niyang dugo and nakita ko--" "Sammy?" putol niya sa akin, ngumuso akong muli, pilit siyang kinukbinsi, "I've told you already there's no monster, imahinasyon mo lang 'yon. Laki kang probinsya kaya naniniwala sa ganyan." "S-Sorry po." Nagkibit balikat lang siya at lumabas na ng room pagkatapos ilapag ang juice. For a minute I was numb, baka mamaya ibang episode na naman ang makita ko. Ito talaga ang kahinaan ko. Ghost and everything na nakakatakot nalang bigla. Kinuha ko ang ipad ko at nakita kong may mensahe na naman si anonymous. Isasara ko na sana ang chat box namin kaya lang message lang naman, hindi ko bubuksan kapag may video doon. Ano ny mous: I'm sorry, I sent the wrong file. Sorry talaga sorry. Ito na talaga 'yon sana pakinggan mo pa rin. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba or hindi. Baka kasi mamaya pinagtri-tripan niya lang ako. But I have this strange feelings na kailangan ko itong buksan. At iyon ang aking ginawa, binuksan ko ito at inilagay ang headset sa aking dalawang tainga. It was just an audio file. Isang malalim at buo na tinig ang aking narinig. Through the endless daydream I saw you on the way back There I walked with you in my arms Through the blurry darkness Who’s veiling on the twilight We’ve been far away from my fears Somewhere else I’ll see you Our days be like a blossom Blooming all around you, so bright By and by, I’ll miss you And your laugh like a sunshine Fading into shadow of tears All around me is your light With you everything so shines How come we’ll leave all behind Cause your love is falling on my heart And I’m falling for you Falling with broken wings again Ang sarap sa pakiramdam para bang idinu-duyan ako ng maganda niyang tinig at the same time ay pinapaiyak ako ng kanyang malungkot na emosyon. Samantha: Thank you, ang ganda ng boses mo. Nagustuhan ko ito kaya lang, bakit ang lungkot ng kanta? Ano ny mous: Malungkot ang mood ko ngayon, kaya ganyan. Samantha: Ay kaya pala. Teka, kilala ba kita? Wala akong matandaan na friends ko na Anonymous ang pangalan. Ano ny mous: Hindi tayo friend, ini-accept mo lang ang message request ko at hindi ang friend request ko kaya nakakapag message ako sa'yo. Mabilis kong binisita ang profile niya at walang pag-aalinlangang ini-accept ang friend request niya. Hindi naman kami magkakilalang dalawa. It doesn't matter. Muli na sana akong magre-reply ng mabasa kong Ano ny mous active 1 min ago. Nag offline na siya, hindi bale atleast kapag na-bored ako mag re-request lang ako ng kanta sa kanya. "Sammy kakain na." katok ni Ate, "Nandito na ang Mommy at Daddy mo." "Nandiyan na po!" Niligpit ko ang aking mga gamit at mabilis na nagbihis ng pambahay. Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti. "New friend added on my friendlist." mahinang bulong ko. Humalik ako kay Mommy at Daddy na nakaupo na sa lamesa. "Kumusta ang araw mo?" si Mommy, "Did you buy something for yourself?" Tumango ako. Nagsimulang magdasal si Mommy na sinundan namin ni Daddy. Nagsimula kaming kumain pagkatapos noon. "Mommy, pwede ba akong magpapunta dito ng bisita sa weekend?" Tiningnan niya ako. "New friends?" Tumango ako habang nasa bibig ang aking hawak na kutsara. "Sige, pero huwag abala kay Ate." "Maglalangoy lang naman po kami."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD