Chapter 2: Keeper

2997 Words
Pagtunog ng aking alarm clock kinabukasan ay hindi ko mapigilang makaramdam muli ng antok. Naninibago ang aking katawan sa ingay na naririnig. Wala ang mga huni ng hayop, wala ang ingay ng aming kapitbahay. Ingay ng mga iilang sasakyan na dumadaan ang naging kapalit nito na alam ko sa sarili kong hindi gusto ng aking katawan. Ayoko pa sanang bumangon subalit wala akong pagpipilian dahil sa ngayong araw na rin ang simula ng pasukan. Kung nasa probinsya ako kanina pa ako nasa labas, kung nasa probinsya ako kasabay ko ang ilan kong mga kaibigan at kaklase sa paglalakad patungong paaralan na hindi ko pwedeng gawin dito. Kung nasa probinsya lang sana ako masigla at masaya sana ako ngayong unang araw ng pasukan. "Bakit ganyan ang mukha mo anak?" tanong ni Dad sa akin sa hapag, "Umagang-umaga nakalukot." "Wala po Dad." pagkakaila ko. "Bilisan mo kumain Sam," paalala ni Mom, "Hindi ka pwedeng ma-late." "Okay po," tugon kong pilit nilunok ang pagkain na nasa aking plato. Mabilis kong isinuot ang itim at may kaunting heels na black shoes. Sanay naman akong magsuot ng may heels pero hindi ko sukat akalain na ganito ang pampasok na sapatos dito. "Mom," tawag ko sa kanya na kasalukuyang inaayos ang bag niya. "Hmmn?" "Hindi po ba pwede doon ang black shoes lang?" "Sam nasa kabihasnan ka na at wala sa probinsya." lingon niya sa akin, "Don't compare." "Hindi ko po siya pinagkukumpara," apela ko, "Tinatanong ko lang po if pwede 'yong walang heels doon?" "Hey, umagang-umaga may issue agad kayong dalawa." baba ni Dad ng hagdan, "What's wrong?" "Yang anak mo gustong---" "Wala po Dad," putol ko sa sasabihin ni Mom, "Mauna na ako sa sasakyan, see you later Dad." "Good luck sa first day of school mo Samantha, be safe and be good." paalala nito. "Opo Dad, I will." tango ko sabay labas ng pintuan. Tinungo ko ang garahe at tumayo doon, hinimas-himas ko ang aking buhok na basa pa. Nakalimutan kong i blower kanina nang dahil sa pagmamadali. "Good morning Samantha," bati sa akin ni Mang Dante. "Morning po," tugon ko na nahihiyang ngumiti sa kanya. Ihahatid ako ngayon ni Mom sa bago kong school, kakausapin na rin niya ang aking prinsipal regarding sa tuition ko at iba pang payments na kailangan niyang bayaran. Since patungo na rin si Dad sa opisina kaya doon nalang sila magkikita ni Mom. "Sam let's go," labas ni Mom ng pintuan at bukas ng kanyang sasakyan. "Good morning Ma'am, Sir." bati ni Mang Dante sa kanila. "Morning," duet nilang tugon. Matapos yumakap at humalik kay Dad ay walang imik na akong lumulan ng aming sasakyan. Naging tahimik ako at pinilit kong huwag magsalita hangga't hindi si Mommy ang nagbubukas ng aming pag-uusapan. "Ayos ka lang diyan anak?" tanong niya pagkaraan ng ilang sandali. "Hmmn.." tango ko sabay baling ng paningin sa labas ng aming sasakyan. "Kinakabahan ka ba sa first day mo?" tanong niyang muli. "No." "Are you mad?" "Hindi po." Hindi na siya nagsalita pa pero may ini-abot siya sa aking isang box. "Blower mo 'yang hair mo," utos niya, "Dito mo isaksak." turo niya sa may gilid. Kilala niya ako, mula noong mag grade five ako until now ay ayaw kong pumasok ng school na may basang buhok. It's either tutuyuin ko ito kahit na ma-late ako o kailangan kong dumaan sa salon ng kaibigan niya kapag nakalimutan ko itong tuyuin. "Thank's Mom." bulong ko. Kahit laki ako ng probinsya ay ayaw kong pumasok ng school na may basang buhok. Nakagawian ko na iyon. "You're welcome baby," ngiti niya sa akin. Sinimulan ko na itong buhayin at itinapat sa aking ulo. Ang ingay ng blower ang tanging maririnig sa loob ng aming sasakyan. Mas okay na ito keysa naman lamunin kaming pareho ni Mommy ng katahimikan. "Mommy saan mo po ba ako ini-enroll?" kapagdaka ay tanong ko. "Sa Laguna Institute," tugon nitong ngumisi sa akin. "Private?" "Yes." "Aah, bakit hindi niyo sinubukan Mom sa public school?" "Sam kailan ka ba namin pinag-aral sa public school?" baliktanong niya, "Gusto lang namin ng Daddy mo na may matutunan ka talaga, hindi 'yong iba ang matututunan mo." Sabagay. Kahit sa probinsya sa private ako nag-aaral. 'Yong tipong ang mga kaklase ko e anak ng mga maykaya doon, may iilang hindi mayaman pero nang dahil lang 'yon sa scholarship ng paaralan. "Ayaw niyo po sa public school Mom?" lingon ko sa kanya sabay patay ng blower. "Hindi naman sa ganun gusto lang talaga naming sa private ka mag-aral." "Sa pagkakaalam ko Mom maraming matatalino sa public school, karamihan sa kanila scholar ng school o ng bayan." wika kong hinugot sa bag niya ang suklay, "Bakit kaya hindi ako mag-apply ng scholarship?" "Are you kidding me Samantha?" hindi makapaniwalang tanong niya, "Kaya ka naming pag-aralin ng Daddy mo kahit saang private school." mariin niyang saad, "Bakit mo pipiliin ang scholarship ng bayan o school over than that?" "Mom, opinion ko lang po 'yon." halakhak ko, "Alam ko naman pong hindi kayo papayag." Irap lang ang natanggap ko mula sa kanya. I knew it, kanino pa ba ako magmamana? Inayos ko ang clip ko sa isang bahagi ng aking ulo, I used to wear this clip tuwing may pasok dahil nahuhulog ang bangs ko sa aking mukha na may kahabaan na. Nang tumigil ang aming sasakyan ay malakas akong napabuntung-hininga. Traffic, ito ang bungad sa amin ng unang araw ng linggo at unang araw ng klase. Hindi sa gusto kong ikumpara ang kabihasnan sa probinsyang aming iniwan, ngunit talagang makikita ang malaking pagkakaiba nilang dalawa. "Dapat pala mas maaga tayo Mom," dismayado kong wika. "Nakalimutan ko, huwag kang mag-alala dahil si Mang Dante na ang maghahatid sa'yo start bukas." "Okay," tipid kong tugon. "Sam natatandaan mo ba si Violet?" "Sino 'yon Mom?" "Hindi mo nga siya matandaan, Violet is your playmate Sam," paused niya, "Bunsong anak siya ni Mang Dante na pinapaaral namin ng Daddy mo sa school na papasukan mo." "Talaga po?" hindi mahahalata ang excitement sa aking tinig dahil sa hindi ko pa rin talaga matandaan kung sino si Violet. "Hmmn.." tango niya, "Sana ay maging magkaklase kayong dalawa but sa pagkakaalam ko ay nasa Silver section siya," "Ilang taon ako noong maging kalaro ko siya Mom?" "Siguro around five, six or seven." tugon niya, kaya naman pala eh. "Yon na rin ang huling kita niyo kasi tuwing babakasyon tayo dito ay nasa probinsya naman siya kasama ng mga kaibigan niya." "Kaya po pala hindi ko siya matandaaan," ngisi ko. "You used to like her that much," tawa niya, "Lagi mong iniisip noon na sana ay naging magkapatid nalang kayong dalawa. Marami kang mga laruan at gamit na naibigay sa kanya, hindi ko alam kung hanggang ngayon e maayos pa." "I want to meet her then, tingnan natin kung gusto ko pa rin siya ngayon." halakhak ko. "Samantha, I'm warning you." "Saan po Mom?" inosenteng tanong ko. "Don't do something stupid, okay?" "Mom!" tingin ko ng masama sa kanya. "We're here, baba na." utos niya. Ang unang araw ng school sa akin ay palaging maganda. Lalo na noong lumipat kami sa probinsya, marami agad nakipagkaibigan sa akin. Ngunit dito ay hindi ko na inaasahan 'yon. Una sa lahat ang school na ito ay para sa mga estudyanteng halo-halo ang estado sa buhay. May mayaman, mayroong maykaya, may sapat lang at mayroong umaasa sa pagiging scholar nila o may nagpapa-aral sa kanila. Hindi ako matapobre, hindi rin ako mapagmataas kaya lang may tinatawag akong kakaibang side; side na malalaman rin ng lahat. "Samantha good luck baby," yakap niya sa akin, "Ang sabi ng kaibigan ko belong ka sa Gold section, hanapin mo nalang anak ah." "Ako na po ang bahala Mom," tugon ko, "See you po later." "Bye Sam," kaway niya. Inayos ko ang suot kong backpack sa likod at walang pag-aalinlangang tinahak ang deretsong pasilyo na patungo sa mga classroom. Normal na scenario na sa bawat simula ng pasukan ang mga nagkalat na estudyante, mga nag-uumpukang magkakabarkada at nag-uusap sa mga nangyari ng nagdaang bakasyon nila. Mga magkakaibigang nakikipagharutan sa ibang grade at mga estudyanteng tahimik lang na nagmamasid. Lumiko ako sa kaliwang pasilyo ng nang mabasa ang sign na doon matatagpuan ang building ng grade 10 to grade 12. Ang ibang mga estudyante ay naglalakad na rin kasabay ko patungo sa iisang dereksyon. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mapanuri nilang mga mata, siguro ay nag sink-in na sa utak nila na baguhan lang ako dito. Siguro hindi nila pansin na galing akong probinsya dahil sa kulay ng aking balat. "Hoy teka, sandali!" anang isang babae na hinahabol ang isa pang babae na parehong may buhok na hanggang balikat. "Bilisan mo, nandoon na si Ma'am." aniyang iniwan na ang isa. Huhulaan ko matalik silang magkaibigan na dalawa. Natigilan ako sa paglalakad at umatras ng dalawang hakbang nang mabasa ko sa taas ng pintuang nadaanan ko ang section na aking hinahanap. Grade 12 Gold Section Mrs. Gomez. Nahihiya akong sumilip dito at agad napangiti nang hindi pa naman nagsisimula ang kanilang klase. Hindi pa rin kumpleto ang mga estudyante sa loob nito. Karamihan pa sa kanila ay maingay, nakikipagharutan, nakikipagdaldalan kahit na nasa unahan na ang adviser nila. "Excuse me po," maliit ang boses na na saad ko. Hindi ako narinig ng maestra, naagaw lang ang kanyang atensyon ng maraming estudyante ang pumasok sa loob kung kaya't mabilis siyang lumapit sa akin. "Hi! Ikaw ba 'yong transferre ng section namin?" "A-Ako nga po," nahihiya kong tugon. "Halika hija," hila niya sa akin papasok ng classroom kung saan naagaw ang atensyon ng lahat. "Class, you have a new classmate be good to her okay," agad silang nanahimik at naburo ang paningin sa akin, "Introduce yourself hija." utos niya. "Hi." taas ko ng kamay, na agad ring natigilan nang mapatitig sa lalaking naka-upo sa panghuling row. Hindi ako maaaring magkamali, siya ang lalaking umapak sa paborito kong lipstick. Ang mga matang 'yon pero...wala akong pruweba na siya 'yon. Posible kayang natatandaan niya ako? Posible kayang mamukhaan niya ako? Posible na imposible! Bakit napakaliit ng mundo? Naka contact lense ako noon kaya sigurado akong hindi niya ako makikilala. "May problema ba hija?" untag ng guro sa akin. "Po? Wala po." iling ko. "Go on, take two." aniyang ikinatawa ng ilan. "My name is Samantha M. Thompson. I'm 17 years old. I live in Cardenal Subdivision, I came from the province of Quezon at dito na kami muling titira," ngiti ko kaya ngumiti rin ang iba, "My hobby are singing, dancing and watching movies. I loved swimming and shopping. My favorite novel are My Little Wife and My Fake Husband, that's all please take care of me." yukod ko. "Thank you Samantha and please sit down." "Thank you po Ma'am," Agad kong inilinga ang aking paningin upang maghanap ng mauupuan. Dalawang bakanteng upuan ang aking nahanap, ang una ay katabi ng isang lalaking may malaking salamin na kalinya ng dalawang magkaibigan na nakita ko kanina. Ang isa naman ay sa tabi ng lalaking nakaapak ng lipstick ko sa terminal. Ngayon, saan ako mauupo? Sa huli ay mas pinili kong maupo sa upuan na kalinya ng dalawang babae, kung mauupo ako sa katabi ng isang lalaki ay paniguradong sasabog ang inis ko sa kanya dahil hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa lipstick kong walang laban sa kanya. Nang maupo ako sa linya nila ay tinapunan niya ako ng inosenteng tingin. Walang pag-aalinlangan ko siyang nginitian, why not maghanap ako ng magiging kaibigan dito. "Hi, ako si Samantha." pakilala ko sa kanya. "Alam ko," walang emosyon niyang tugon. Seriously? Kalahi ba ito ng lalaking killer ng lipstick ko? "Ikaw anong pangalan mo?" push ko pa kahit alam kong hindi na ito maganda. "Hi, ako si Claire." lahad ng kamay ng babaeng nasa aking tabi, "Siya naman si Ruth at 'yan si Dave, may PMS yata kaya mukhang suplado." "PMS?" naguguluhan kong tanong. "Tumahimik nga kayo, ang sama na ng tingin nila sa atin." saway ng aking katabi sa amin, ito na yata ang pinakamahaba niyang sinabi so far. "Zipped your mouth girls," mapang-asar na wika noong Ruth. Hindi ko man sila tahasang tanungin kung magkakakilala ba sila ay nararamdaman ko naman na magkakakilala silang tatlo. Hindi ko maiwasang tingnan ang mukha niya, may makapal na salamin ngunit makinis at maputi ang kanyang balat. May matangos siyang ilong at mapulang labi, hindi siya sobrang gwapo pero may itsura siya. "Matutunaw na ako," nangingiti niyang bulong. "Ha?" wala sa sarili kong tanong. Narinig ko ang mahinang hagikhik ng dalawa naming katabi. Nakita ko pa kung paano sila magkurutang dalawa sa braso. "Ahm..wag mo daw siyang titigan ng sobra Samantha, baka daw kasi matunaw na siya." bulong ni Claire. Naramdaman ko ang nangyaring pag-init ng aking mukha. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang hiya. "Aw, sorry." tungo ko, "Para kasing nakita ko na siya dati pa." "Saan?" eksaheradang tanong noong Ruth. "Can't remember," bulong kong naiiling. Hindi man planuhin ng tadhana, hindi man kami ayunan ng kapalaran alam kong kaming apat ay nakatakdang maging magkakaibigan. "Halika Samantha banyo muna tayo," pag-aaya ni Claire pagsapit ng lunch break. "Sam nalang," ngiti kong inilagay sa bulsa ang wallet na dala. "E di Sam, nasaan si Substract?" pagbibiro ni Ruth na ikinatawa nila. "Dave, dating gawi." palo nito sa balikat niya, "Share kami ng table sa'yo," "Ewan ko sa inyo," walk out nito. "Friend niyo?" tanong ko. "Childhood friend," tugon ni Clare. "Wow! Ang strong naman ng friendship niyo," puri ko. "Keepers kami eh," halakhak ni Ruth, "Watak-watak na nga kami ngayon," "O ayoko ng madrama," kunwa'y sabunot dito ni Clare, "Tara na Ruth naiihi na ako!" "Keepers rin ako," ngiti ko. "Talaga? Kung ganun, halika na!" duet nilang saad sabay hila sa akin palabas ng classroom. "Well, well, well." anang isang babae na may mataas na ponytail at may subong lollipop, "Tingnan niyo nga naman mas lalong pinapatunayan ng grupo niyo ang kasabihang the birds with same feather will flocked together." "E ano naman ngayon?" tanong sa kanya ni Ruth, "Dapat yatang sabihin mo rin 'yan sa mga kasama mo." "Anong sinabi mo?" tanggal niya sa bibig ng lollipop. The bullies. Sila 'yong mga estudyanteng attention seeker, walang pagmamahal na galing sa magulang kung kaya't naghahanap ng atensyon sa mga kamag-aral nila sa pamamagitan ng pang bu-bully. Kahit saan meron nito, kahit sa probinsya may kagaya nila. "Ano ngayon ang ipinaglalaban mo?" tanong ko, hindi ako takot sa mga ganitong away dahil alam ko kung saan sila nanggagaling dahil once na akong naging kagaya nila. "Aba, ki bago-bago mo ang tapang mo naman." anang isang babaeng kasama niya. "Para nagtatanong lang na kung ano ang ipinaglalaban niyo." taas ko ng isang kilay sa kanya, "Pagmamatapang na agad 'yon?" "Ikaw anong ipinagmamalaki mo?" turo niya sa akin ng hawak na lollipop. "Transfer ka lang baka nakakalimutan mo." "Wow." palakpak ko, "Kapag transfer wala na agad karapatan? E paano kaya kung sabihin kong estudyante ka lang anong mararamdaman mo?" "Sam, huwag mo na silang pansinin." bulong sa akin ni Clare. "Oo nga," halakhak ni Ruth, "Sa'yo ba ang school na 'to?" "Hindi," naiinis na nitong tugon. "O 'yon naman pala e di padaan dahil pare-pareho lang tayong nagbabayad ng tuition sa paaralang ito." entrada ko. "Anong kaguluhan 'to?" anang lalaki na killer ng aking lipstick. "Ayaw magpadaan e," tugon kong hindi siya tinapunan man lang ng kahit isang tingin. "Hindi pa tayo tapos," aniya bago kami tuluyang talikuran. "Talagang hindi pa tayo tapos, urur!" tugon ko. "Gaga ka, halika na nga!" hila sa akin ng dalawa papasok ng banyo habang natatawa. Nang lumingon ako ay nakita ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Siguro ay iniisip niya kung saan kami nagkita, nagkakilala o maaaring iniisip niya na ako talaga 'yong babaeng nakabungguan niya. "Sino 'yon?" pasimple kong tanong habang sinusuklay ng daliri ang buhok. "Yong babae o 'yong lalaki?" tanong ni Clare. "Yong lalaki," maikli kong tugon. "May gusto ka sa kanya," akusa niya sa akin. "Wala ah," pagtanggi ko, "Para kasing iginagalang siya noong mga babae kanina," "Class president natin 'yon," "Aah, pero---" "Since grade 7 kaya huwag ka ng magtaka," putol ni Ruth sa aking sasabihin. "Timothy ang pangalan niya by the way," tawa ni Clare. His name sounds familiar, hindi ko lang maalala kung saan ko nabasa, narinig o maaaring nakita. "Bilisan mo na Sam, baka maputi na ang mga mata ni Dave lagot tayo Clare." wika nitong akala mo may hinahabol na flight. "Ruth sandali," reklamo ko, hindi ako sanay sa takbuhan. "Ngayon palang masanay ka na," tawa ni Clare, "Ganito ang way ng aming exercise na dalawa." "What?" hindi makapaniwala kong tanong. "Sandali!" Halakhak lang ang ibinigay sa akin ng dalawa. Nakakatuwang isipin na first day may kaibigan na ako hindi man nila sabihin na magkaibigan na kami. First day may nakabangga agad kami ngunit alam kong normal lang 'yon na pangyayari. Anuman ang mangyari alam kong magiging masaya ang aking taon simula ngayon. "Inuod at inugatan na ang mga pagkain niyo," bungad agad sa amin ni Dave na halatang naiinis na. "Sorry, naharang kami ng walking cactus." paliwanag ni Clare. "Alibi mong sobrang gasgas na," iling nito. "Uy, wag kayong mag LQ sa harapan naming dalawa." pang-iinis ni Ruth. "LQ ng mukha mo," palo nito sa kanya ng kutsara sa ulo. "Aray ko Dave!" sigaw nitong kumuha ng tinidor at itinutok sa kanya. "Sige, ipagpatuloy niyo 'yan ng ma-guidance kayong dalawa, bilis!" tawa ni Clare. Seeing them happy like this makes me realize na mahalaga ang mga kaibigan sa ating buhay. Doon ko naisip ang mga kaibigang aking naiwan sa probinsya. Is it possible na namimiss rin nila ako ngayon gaya ng nararamdaman ko? Yes. Of course. Ganon ang definition ng kaibigan, para mo ng kapatid na nagmula sa ibang magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD