Chapter 9: Farm

3753 Words

Maaga akong gumising nang sumapit ang araw ng sabado. Nalaman ko kahapong magiging mahaba ang byahe namin patungo sa farm nila Dave. Nakaramdam ako ng kakaibang saya, pakiramdam ko ay uuwi ako sa aming pinagmulang probinsya. Napagkasunduan naming madaling araw ang aming magiging biyahe. Alas kwatro ng umaga ang usapan namin na magkikita-kita sa isang minimart sa bayan. Doon maghihintay ang van na aming sasakyan. Nang mag-adjust ang aking vision ay mabilis na akong bumangon. Hinagilap ko ang aking backpack na hindi kalakihan. Nakalimutan kong mag-impake nang nagdaang gabi kaya ngayon palang ako mag re-ready. Kumuha ako ng ilang pares ng damit, pantulog at panggala. Pagkatapos noon ay mabilis akong naligo at nagbihis ng damit pang biyahe. Isang kulay itim na t-shirt at fitted na maon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD