Chapter 10: Comfort

3677 Words

"Bakit ngayon lang kayo?" agad tanong ni Ruth sa akin. "Magaling ba ang naging tour guide mo?" pang-aalaska ni Clare. Hindi ko sila pinansin na dalawa. Nagpalinga-linga ako upang hanapin ang pusang iniwan ang kuting niya. "Si Timothy?" tanong ko. Nakita ko kung paano sila magtitigan na dalawa. Kung paano nila bigyan ng malisya ang naging tanong ko. "Nasa room na." singit ni Krux na may dalang isang baso ng tubig. "Nauuhaw ka Samantha?" "Salamat." agaw ko ng baso sa kanya. "Whoaa. Wala ka ng hiya ngayon ah!" pabirong saad ni Ruth. Hindi ko pinansin ang komento niya lalo na nang dumating si Dave para ibigay ang susi ng magiging room naming tatlo. Sama-sama kami ni Ruth at Clare. Napag-alaman kong ganundin ang mga lalaki. Ang nakabukod lang daw ay si Violet dahil may sarili ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD