Tinahak namin ang makitid na daan sa gitna ng malawak na palayan. Presko ang hanging walang humpay na humahalik sa balat namin. Sa ilalim ng nagtatayugang mga puno ay tahimik kaming lahat na naglalakad. "Malayo pa ba?" pawisan ang leeg na tanong ko sa kanila. Tumigil kami upang saglit na uminom ng tubig. Nararamdaman ko na ang pamamasa ng aking buong mukha. Ganundin ng aking likod. "Malapit na." tugon ni Dave na inabutan ako ng wala ng balat na candy. "Talaga? Tayo na!" sambit kong pilit ipinapakitang kaya ko pa. Oo nakatira kami sa probinsya dati at dito rin ako lumaki. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay palagi akong nag mo-mountain climbing. Sa kapatagan kami nakatira, patag ang aking araw-araw na nilalakaran at hindi kagaya ditong makitid na ay malubak pa. Hindi rin malayo sa ba