Two

2126 Words
"Good Morning!" sa lakas ng boses ko nagulat pa ang mga kapatid kong lalaki. Si Kuya Lei, isa sa quadruplets ay natapon pa sa damit ang kape at sunod-sunod na napamura. "Brat, good morning." Wala si Kuya L.A hindi naman na rito naglalagi iyon. Sa pagkakaalam ko nga'y aalis ito nang bansa. Umupo ako sa pwesto ko. Wala sila Mommy at Daddy. Daig pa ng mga iyon ang nagho-honeymoon. Sa loob ng isang taon isa o dalawang beses lagi ang trip to abroad ng mga ito. Hinahayaan na lang lalo na ng mga kapatid ko dahil deserve naman ng mga ito. "Bilin ni Daddy na huwag ka raw hayaang gumala." Akma pa lang akong kakain pero bigla na agad akong nawalan ng gana. Hindi na ako batang paslit. "Alam mong marami akong plano sa pag-uwi ko rito," ani ko na kakamot-kamot agad sa ulo. "Tsk, bilin lang naman nila iyon. Gawin mo pa rin ang mga gusto mo." Nakangising sabi ni Kuya Lei. Napabungisngis ako saka sinulyapan si Kuya Leon at Kuya Leo. Tumango na lang ang mga ito na suportado rin ang sinabi ni Kuya Lei. "Huwag ka lang magpapahuli kay Kuya L.A mo. Tiyak na isasako ka no'n." Nanulis ang ngusong mabilis akong tumango. Mas istrikto si Kuya L.A kaysa kay Daddy. Tiyak na kapag nalaman nitong wala sina Mommy ay magpapadala agad ng bantay iyon. "Isama mo palagi si CJ para walang problema," ani ni Kuya Leon. "Ano bang mga plano mo ngayon?" tanong ni Kuya Leo. "Plano kong hingiin muna pansamantagal ang mga cards ninyo. May pupuntahan kasi akong event. Need kong bumili ng mga ido-donate ko." Ngiting-ngiti na sabi ko na ikinailing ng mga ito. "Kunin mo sa kwarto ko mamaya." Tipid na sabi ni Kuya Leo. Napa 'yes' tuloy ako sa tuwa. Habang malawak ang ngisi na tinignan sina Kuya Lei at Kuya Leon. "Yeah," ani ni Kuya Leon. "Kuya Lei?" nagtaas-baba pa ang kilay ko rito. "Fine, kunin mo sa kwarto." Nagpatuloy kami sa pagkain. Habang binibilinan ako ng mga ito. "Lagi mong tatandaan, hindi pwedeng maagrabyado ang mga Santorin, oras na may umaway sa 'yo. Sapakin mo, o kaya ipabugbog mo. Ako na ang bahala sa danyos at abogado." "Stupid." Masungit na sabi ni Kuya Leon kay Kuya Leo. Tumawa lang naman si Kuya Leo at kinindatan ako. Pagkatapos kumain, agad kong sinundan ang mga ito para kolektahin ang mga cards nila. Magsho-shopping ako later. "CJ, bantay mo 'yan." Bilin ni Kuya Leon. "Opo, Sir." "Tara na, Kuya CJ." Excited na yaya ko rito. Naka costume ako ngayon. Ang ganda ng outfit ko. Bagay na bagay ng kaseksihang taglay ko. "Saan po tayo ngayon, Ma'am?" tanong ni Kuya CJ. "Kuya, sa mall muna po tayo. May mga bibilhin lang po ako." Sabi ko rito. Sanay na ang mga tao rito sa bahay na makita ako sa iba't ibang katauhan ko. Pero sa labas ng bahay namin, maraming mga mata ang mapanghusga na waring malaking kasalanan sa mata nila ang mga isinusuot namin. As expected, pagdating sa mall ay pinagtitinginan ako. Nakasunod si Kuya CJ sa akin. Mamimili lang ako ng gamit pang-school. Ilang bata lang naman ang kasali ngayon. Inuna ko talaga ang pamimili ng mga pakay ko. Pagkapos ay sa book shelf ako nagtungo. Akmang kukunin ko na ang librong pumukaw sa atensyon ko ng mas may na unang kumuha roon. Salubong ang kilay na tinignan ko ang salarin. Akma nang aalis ang lalaki nang pigilan ko ito. "Wait, nauna ako!" ani ko rito. Ngunit nang makita ko ang mukha nito at makilala ito para akong naitulos sa kinatatayuan ko. "Kung ikaw ang nauna, dapat hawak mo na." Bored na ani nito. That bad boy look. Parang kinikilig ako samantalang 'yon lang naman ang sinabi nito. Kung makatitig pa akala mo naman hinuhubaran na ako. "Okay." Shocks, bakit pumayag na lang ako ng gano'n na lang? Rein, hindi tamang pumayag ka na lang basta! Nagkibitbalikat ang lalaki at tumalikod na. s**t, that sexy butt. Ang sarap sigurong pisilin no'n. Parang nakaramdam ata ang lalaki, saktong tumingin ito. Huling-huli nito kung saan ako nakatitig. Huminto ito, saka muling humakbang palapit sa akin. "Laway mo, Miss." That smirk, s**t talaga para akong nag-wet. Baliw na yata ako. Napakapa ako sa gilid ng labi ko upang tiyakin ang sinasabi nito. Bahagya itong napailing sa aliw dahil sa ginawa ko. "Got you." Ani nito na iiling-iling at iniwan na ako roon. Hiyang-hiya ako dahil sa kagagahan ko. Shit, second meeting pero parang nakuha na ng lalaking kulot na iyon ang puso ko. Nagpasya akong magtungo na sa counter. May nadaanan akong shelf, dahil nasa counter pa ang lalaki humugot na lang ako nang librong nadaanan ko. Hindi tinignan kung anong libro iyon. "Seriously?" ani ng lalaki. Nakatingin ito sa librong inilapag ko. Napasunod din ang tingin ko sa tinutukoy nito. "Ang mga alamat at kwentong pambata." Anas ko na parang huhugutin na ang lahat nang kahihiyan sa buong katawan ko. "Cute." Ani nito na tuluyan nang umalis bitbit ang librong inagaw nito sa akin. Ay, hindi pala. Nauna talaga itong kumuha no'n. Binayaran ko na rin. Masuklian man lang ang kahihiyan ko. Nauna na kasing nagbayad si Kuya CJ. Inutusan ko s'ya kanina. Pagkatapos kong nagbayad ay lumabas na rin ako saka sinabihan si Kuya CJ na umalis na. Bumyahe kami ng isang oras bago narating ang chapel. Maliit lang ang chapel na iyon. Biglaan lang din ang event na pupuntahan ko dahil pare-parehong free ang mga high school friends ko. Kapag free time ng mga ito ay ganito ang kanilang mga trip sa buhay. Nang makarating roon ay agad din kaming nagsimula. "Itaas ang kamay at iwagayway." Hindi na kailangan ng microphone. Sa lakas ng boses ko rinig na rinig ako. 30 children lang ang naroon. Idinagdag ko ang mga dala ko sa dala ng mga kaibigan ko. Sa sampung batch mates na kasa-kasama ko sa mga charity event ako ang may pinakamakapal ang mukha. Ako palagi ang host, or clown ng mga kids dito. Siguro dahil na rin sa pagiging cosplayer ko kaya ikinatutuwa pa ng mga bata ang pagiging maligalig ko. Nagsimula kaming magsayaw. Mukha akong baliw, pero dahil naririnig ko ang mga tawa ng mga bata ay malawak ang ngiti ko sa mga ito. Pawis na pawis na ako. Pero dahil maganda, hindi affected sa tindi ng init dahilan para pagpawisan nang matindi. Gumiling-giling, otso-otso, palakpak at tumalon-talon. Mukha na nga akong baliw. Pero masaya naman. Patapos na kami sa pagsasayaw nang nagawi ang tingin ko sa lalaking nakasandal sa pintuan ng church. Umawang nang kusa ang labi ko at unti-unting nilaman ng conscious sa katawan kaya kusang tumigil at nagpaka demure. "Sino 'yong pogi na 'yon?" excited na tanong ni Trish. Nag-iwas ako nang tingin sa lalaki. Feeling ko kasi magwe-wet na ako sa paraan pa lang nang tingin nito. "Hindi ko kilala...okay, gumiling-giling." Sabi ko na sobrang lakas ng boses. "Ate, tapos na po," sabi ng batang nagkakamot ng ulo. Pawis na pawis ito kaya siguro nagreklamo na. "Ay, tapos na? Sige, upo na tayo!" ani ko na pinagtakpan ang hiya sa pinagsiglang tinig. "Gwapo, kaya distracted." Bulong ni Trish sa tabi ko. "Huwag ka ngang magulo d'yan, tsk." Lumayo ako rito kaya naman malakas itong tumawa. Nakakahiya talaga itong babaeng ito. Pagkatapos magsayaw, pagkwekwentuhan, nag-distribute na rin ng mga gift sa mga ito at ang panghuli ay pakain. Maraming dala sina Trish kaya naman lahat ay nabigyan. Nakita ko pa ang gaga kong kaibigan na lumapit doon sa gwapong kulot na waringay hinihintay roon. Inabutan ni Trish ng pagkain ang lalaki. Ngunit nag-angat ng kamay ang lalaki upang tanggihan ang offer ni Trish na pagkain. 'Yan, napapala nang malantod. Tsk, tiyak na kapag ako ang nagbigay hindi nito tanggihan. Dahil sa naisip ko, sinalubong ko kaagad si Trish at kinuha ang pagkaing tinanggihan ng lalaki. "Hi!" ngiting-ngiti na sabi ko rito. "Hi." Tipid na tugon nito at nag-iwas nang tingin. "Bawal tanggihan ang grasya. Para sa 'yo ito." Pa-cute na ani ko rito. "I'm not here for that." Seryosong ani ng lalaki na nag-iwas nang tingin. "I know, but please accept this." Pa-cute pang ani ko rito. Ngunit sumimangot ang lalaki saka basta na lang akong tinalikuran. Narinig ko pa ang tawa ni Trish na mabilis kong sinamaan nang tingin. Tuwang-tuwa ito na pareho kami ng kapalaran sa Kulot na masungit. Parang nag-init ang pisngi ko sa rude attitude ng lalaki. Pero fine, ang gwapo talaga n'ya. Hindi ba ito nagagandahan sa akin? "So, ano ka ngayon?" ani nito na inakbayan ako. Nakasimangot na ibinalik ko rito ang pagkain at iniwan na ito na tawang-tawa pa rin sa ginawa ng lalaki sa akin. Malalaman ko rin kung sino 'yon. Pamisteryoso, tsk. For sure sinundan n'ya ako rito kasi gandang-ganda s'ya sa akin. Dahil walang napala sa paglapit ko sa lalaki, mas pinili ko na lang makipagkwentuhan sa mga bata. May mga times talagang mas masarap makipagkwentuhan sa mga ito. Lalo na sa mga batang mulat sa reality ng buhay. "'Yong papa ko po, dalawa ang asawa n'ya." Bibong ani ni Junjun. 7 years old na ito. Ayon dito, hindi naman talaga s'ya nagsisimba rito. Sinubukan n'ya lang daw na pumunta kasi nabalitaan n'yang may magbibigay ng gamit pang-school. "Dalawa?" tanong ko rito. Kami na lang ang nakaupo dahil sabi n'ya uubusin n'ya raw muna ang pagkain n'ya dahil minsan lang daw s'yang makatikim ng gano'n. "Opo, si Mama ko nga po kapag uuwi si Papa na kasama 'yong babae n'ya umiiyak na lang sa kwarto." Napabuntonghininga ako. "Ikaw? Anong ginagawa mo kapag inuuwi ni Papa mo 'yong isa pa n'yang asawa?" curious lang talaga ako. Saka nakakaawa kasi ang bata na nadadamay sa gulo ng magulang. "Kapag gano'n po, nagkukulong na lang din ako sa kwarto. Kasi nasasaktan po ako para sa family namin." "Kinausap na ba ng mama mo ang papa mo?" "Opo, kaso sinusuntok s'ya ni Papa kapag gano'n." Malalim pang napabuntonghininga si Junjun. "Isinumbong n'yo na ba ang Papa mo sa pulis?" "Ayaw po ni Mama, sabi ko naman po okay lang. Kasi nga bad naman talaga ang ginagawa ni Papa. Pero ang sabi ni Mama, love n'ya raw po ang papa ko." "Ikaw ano bang gusto mo?" "Gusto ko pong maitama na ni Papa ang mali n'ya. Ang dami ko na pong kapatid sa ibang mga mama. Ayoko pong humantong sa puntong nagkalat na ang dugo namin sa iba't ibang lugar." Aliw na pinagmasdan ko ito. Matatag din ang loob ng batang ito. Kaya ayaw kong isipin nito na nahahabag ako rito. Palibhasa kasi ako, lumaki ako sa mayamang pamilya, buo at masaya. "Ate, pwede bang humingi pa ng pagkain mamaya? Bibigyan ko po si Mama ng pagkain." "Oo naman." Tinap ko ang ulo nito saka dali-daling tumayo ako at kumuha ng pagkain. "Aiza, may plastic ka ba d'yan?" tanong ko sa isa ko pang kaibigan. Natigilan ito at agad na nag-angat ng kilay sa akin. Naroon makikita ang suspetsa nito. "Baliw, hindi ako mag-uuwi. Bibigyan ko lang si Junjun nang ibibigay n'ya sa mama nya." "Ah, okay. Wala naman akong sinabi," ani ni Aiza na ngingisi-ngisi. Pagkaabot nito ng plastic ay agad kong isinupot ang naka styro na pagkain at saka mabilis na binalikan si Junjun. "Ate, thank you po sa mga ito. Uuwi na po ako para makakain si Mama." "Malayo ba ang bahay nyo? Gusto ko sanang makita ang lugar kung saan ka nakatira." "Hindi naman po malayo. Tara po, ituturo ko sa 'yo." Excited na sabi ni Junjun. Kumapit pa sa kamay ko at sabay na kaming lumabas. Habang naglalakad ay nagkwekwentuhan kami. Masyadong malalim ang pinaghuhugutan ng batang ito. Nakaka-amaze kasi sa edad nito kaya na nitong mag-analyze ng sitwasyon. "Dito po kami nakatira." Hindi nga malayo. Ilang minuto lang ay narating na namin iyo. Hindi pa man kami nakakapasok ay may kalabugan na sa loob. "Hayop ka! Hayop ka!" sigaw ng tinig ng isang babae. Saka daing ng isa pang babae na umiiyak. Bago pa kami nakapasok sa gate ay tamang-tama na bumukas ang pinto ng mismong bahay. Hila-hila ng babae ang umiiyak na isa pang babae. "Mamaaaa!" takot na tawag ni Junjun. Nabitawan pa nito ang pagkain at tinakbo ang babaeng nakaupo sa lupa habang sabu-sabunot ang buhok n'ya. "Bitawan mo ang mama ko." Malakas na sigaw nang umiiyak na si Junjun. "Manahimik ka!" akmang papaluin din nito si Junjun nang mabilis akong nakalapit at pinigilan ang kamay nito. "Sino kang pakialamera ka, ha?" ito siguro 'yong sinasabi ni Junjun na babae ng tatay nito. "Don't you ever hurt the child." Malditang ani ko rito. "Wala akong pakialam." Ani nito na hinila rin ang buhok ko. Aba'y gago pala ito eh. Bawal maagrabyado ang isang Santorin. Akala n'ya siguro hindi ko s'ya kakasahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD