3

2301 Words
Parang matatanggal ang anit ko sa sobrang higpit nang pagkakasabunot. Dinig na dinig ko ang malakas na iyak ni Junjun at ng nanay nito. Hinila ko na rin ang buhok ng bruha dahil wala yatang balak pakawalan ang buhok ko. "Aray....." hindi ako sanay makipag-away. Hindi ko nga alam kung tama ba ang paraan ko nang pananabunot eh. Mag-search nga ako later sa tamang paraan. Ang sakit, ha! Lintik talaga. "Tama na 'yan. Itigil n'yo na 'yan." Umiiyak na ani ng nanay ni Junjun. Lintik, walang titigil, ang sakit kaya nang hawak nito. Kailangan makaganti ako. "Maritessss, bitawan mo s'ya. Anong kaguluhan ito?" malakas na tinig ng lalaki. Hindi ko alam kung saan nagmula dahil nandidilim na ang paningin ko dahil na rin sa sakit nang pagkakahawak ng babae sa buhok ko. May humawak sa bewang ko. May sumusubok ding tanggalin ang kamay na mahigpit na nakahawak sa buhok ko. s**t, ang sakit talaga. Nang tuluyang makalaya ang buhok ko ay agad akong umangat sa lupa at binuhat palayo ng kaunti. "Anong kaguluhan ito?" sigaw ng lalaki na waring tigre na galit na galit. Malaki ang katawan nito. Parang kayang-kaya akong pisain sa isang palakpak lang nito. Ang kaninang tinawag nitong Marites ay parang maamong tupa na nilundag ang lalaki. "Cardoooo, buti dumating ka. 'Yang asawa mo kasi inaapi ako. Sabi ko naman sa 'yo 'wag mo akong iniiwan dito sa bulok ninyong bahay, eh." Maarteng sabi ng babae. "Hoyyyy..." lalapit sana ako, ngunit may malakas na bisig na pumigil sa akin. Hindi ko man lang napansin na yakap-yakap pala ako nito at pigil-pigil pa. Dahan-dahang nag-angat ako nang tingin. Salubong ang kilay ng lalaki na nakatingin sa harap, kina Cardo at Marites. Napakaseryoso ng expression ng mukha nito. Ang ilong na napakatangos ay nagyayabang, ang panga nito'y hulmang-hulma. Pero muling bumalik ang tingin ko nang umiyak na si Marites. Nahabag ata ang lalaki rito kaya ang ina ni Junjun na yakap-yakap ng bata ang pinagdiskitahan. Kitang-kita ko ang pagdakot ng lalaki sa buhok ng ginang. Mabilis akong kumawala sa lalaki, kahit pa feel na feel ko ang pagkakayakap nito sa bewang ko. Nilundag ko si Cardo mula sa likuran at sinabunutan ito. Naiinis ako rito. Hindi naman gwapo pero ang lakas ng loob magloko. Ang dapat sa ganitong lalaki ay pinuputulan ng kaligayahan. Nakakagigil! "Stop!" parang kulog na pumuno iyon sa paligid namin. Dahan-dahan pang lumingon si Cardo. Dahil nakabakay ako rito ay napagawi rin ang tingin ko sa lalaking ngayon ay mukhang ito na ang galit. Mabilis na bumaba ako at umayos nang tayo. Bigla akong nahiya sa inasta ko. Pinagtitinginan kami ngayon ng mga kapitbahay ni Junjun. Mabilis naman akong nakabawi at nilapitan si Junjun at ang ginang. "B-ossing.." takang napatingin ako kay Cardo at kay Kulot. "What the f**k is this?" tinulungan kong makatayo ang mag-ina. Habang all ears pa rin, tsismosang tunay, sa sasabihin ng lalaking pogi na ito. Boss s'ya ni Cardo? "Nakakalimot ka yata sa usapan natin?" ani ni Kulot. Ang kilay nito ay salubong na salubong. Pero gwapo pa rin, plus points s'ya roon. "H-indi naman po. Magpapaliwanag po ako." Halata sa boses ni Cardo na takot ito sa lalaking ngayon ay kaharap nito. "C-ardo, pinagtulungan nila ako." Pag-iinarte ni Marites. "Junjun, kunin mo ang bag ninyo at sasama kayo sa akin." Ani ni Kulot. Mabilis namang tumakbo papasok ang bata at kinuha ang bag na sinasabi ni Kulot. Kulot muna ang itatawag ko rito dahil hindi ko pa naman alam ang pangalan nito. "B-ossing, pasensya na nabigla lang naman ako. 'Wag mo na pong kunin ang mag-ina ko." Pagmamakaawa nito. "Walang pase-pasensya. Kukunin ko sila at ilalayo sa 'yo. May usapan tayo, Cardo. Pero ikaw ang hindi tumupad kaya naman gagawin ko lang ang napagkasunduan natin." Naiinis ako. Imbes na ang asawa nito ang yakap-yakap nito, si Marites ang nakayakap dito na parang aping-api. Kaya hindi rin ako nakapagtimpi at umigkas ang kamay ko at sinapok ang lalaking ito. Mukhang gusto pang mag-react, pero mukhang nagtitimpi kaya naman sinamaan na lang ako nang tingin. Inirapan ko lang ito at ipinagpatuloy ang pag-alalay sa ginang. Lumabas si Junjun na may dala na itong bag. "Let's go." Ani ni kulot. Ito na ang umalalay sa Nanay ni Junjun habang pinapanood ko sila."What are you doing? Are you going to stay here?" salubong pa rin ang kilay at medyo sarcastic na tanong ni Kulot. "Ah, sabi ko nga. Sasama na." Bakit nga ba ako tumunganga? Ano na lang pala ang nangyari sa akin kapag binigwasan ako ni Cardo? Sinapok ko pa naman s'ya. "Mama, ano po ba ang nangyari?" tanong ni Junjun sa ina. "Naghuhugas kasi ako ng pinggan anak. Tapos nag-utos na ipagtimpla ko raw ng juice." Hinang-hina ang tinig ng ginang. Mukhang naubusan ng energy. Kawawa naman pala talaga ang mga ito. "Tapos?" tanong ng bata. "Tinimplahan ko naman s'ya, kaso kalamansi juice lang. Ayon, nagalit s'ya." Hindi ko na pigil ang hagikgik sa kwento ng ginang na ngayon ay relax na ang mukha. Bakit naman kasi hindi na lang nito sinabing walang juice. Epic. "Pero hindi pa rin po n'ya kayo dapat sinaktan. Saka, bakit po kayo pumayag na saktan kayo ni Marites? Kayo ang legal wife, naku! Kung ako 'yon baka hindi po nakaapak sa bakuran ko 'yon." Ani ko rito. "Stop talking if you don't know the situation is," ani ni Kulot. Pogi pa rin kahit salubong ang kilay nito. "Pero mali p---" may sasabihin pa sana ako ngunit humakbang na ito habang iginigiya si Junjun at ang Nanay ng bata. Pinasakay nito sa kotse saka mabilis na umikot patungo sa driver seat. Pinanood ko na lang ang paglayo ng sasakyan. Hindi man lang ako naalalang tanungin kung gusto ko bang sumama. Willing pa naman ako. "Hoy, nabalitaan ko 'yong pakikipag-away mo. Kailan ka pa naging war freak, ha?" ani ni Iris. Isa pala ito sa mga nakitsismis kanina. Isa ito sa mga batch mate ko na kasama sa event ngayon. Napangiwi ako na humawak na lang dito. Bigla akong nahiya at natauhan. Hindi porket may mga kapatid akong backer ko ay makikipag-away na ako ng gano'n. "Halika na nga, nagliligpit na ang mga volunteers at ang mga kaibigan natin. Tapos ikaw, nakikipag-away ka rito. Feel na feel mo pa kanina 'yong pagkakadikit doon sa poging kulot na 'yon." Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa sinasabi ni Iris. Nakakahiya nga 'yong ginawa ko. Pero sa totoo lang, bakit ba palagi kaming pinagtatagpo? Ito na ba ang tinatawag na destiny? "Tara na, masyado ka nang nagda-day dream." Hinila na ako nito pabalik sa church habang inaayos ang buhok kong napuruhan kanina. "Ano pong nangyari sa inyo?" takang tanong ni Kuya CJ. Masakit pa ang anit ko, pero kung sasabihin ko rito tiyak akong malalaman ng mga kuya ko. "Wala po, ayos lang ako. Pasok na muna po kami. Uuwi na rin tayo pagkalabas ko mamaya." Ani ko na lang dito. Mabilis namang tumango si Kuya CJ saka ito bumalik sa kotse. Pero pagpasok namin ay malinis na malinis naman na. Nakaupo na nga lang ang mga ka-batch ko na waring hinihintay na lang kaming makabalik. "Tara na ba?" tanong ko sa mga ito. "Yes, para makapagpahinga na rin tayo. O, 'wag n'yong kalimutan 'yong next event natin." Bilin ni Nessa. "Yesssss..." sabay-sabay na sabi ng mga ito. Habang ako, kinukuha na sa table ang mga gamit ko. "Bye, guys." Kumaway pa ako sa mga ito. Nagpaalam na rin sa isa't isa ang lahat at sabay-sabay na kaming lumabas at kanya-kanya sakay sa mga service namin. Pagsakay ko sa backseat saktong nagtama ang tingin namin ni Kuya CJ. Umangat ang kilay nito na waring naghihintay nang sasabihin ko. "Fine, nakipagbardagulan ako kanina. Oo, ako ang napuruhan. Masakit ang anit ko at hindi ako nakabawi sa bruhang kabit ng tatay ni Junjun." Nakasimangot na ani ko rito. Natawa ang driver ko na waring gino-good time lang ako. Mas lalo tuloy akong napasimangot. "Paano mo nalaman?" nakaangat ang kilay na ani ko rito. Nanood din ba ito kanina? Malabo naman iyon dahil madalas ay nasa sasakyan lang ito at naghihintay sa akin. "Hinahanap ka kasi no'ng lalaking malaki ang katawan." Ani nito na nangingiti pa. "Sino? Si Cardo?" bigla akong natakot. Pero ni-relax ko rin ang sarili ko agad. "Oo, Cardo nga ata 'yon. Hinahanap ka." Ani ni Kuya CJ. "Tapos?" biglang kinabahan na tanong ko rito. Tatambangan na ba ako noong pangit na lalaking iyon? Nakakatakot pa naman s'ya. "Tapos sabi ko kung may balak s'yang saktan ka malalagot s'ya sa mga Kuya mo." Napabungisngis ako. Very good talaga ito. Alam na alam kung ano ang gagawin. "Sinabi mo 'yon?" nakangisi ko nang tanong dito. "Oo, sinabi ko ring anak ka ng sikat na negosyante na si Troy Santorin at mga Kuya mo ang sikat na Quadruplets." Proud na proud sa ginawa. Bakit hindi na lang nito sinindak, after all, driver/bodyguard ko naman ito. "You did?" nanlalaki ang butas ng ilong na tanong ko. Hindi makapaniwala dahil grabe sa pagiging tsismosa ang driver ko. "Eh, natakot din ako. Ang laki ng katawan, eh." Ani nito na binuhay na ang makina ng sasakyan. Naibagsak ko sa sandalan ang katawan dahil labis na hindi makapaniwala sa driver ko. Habang bumabyahe kami pauwi, 'di maiwasang sumagi sa isipan ko ang gwapong lalaki na ilang ulit nang pinagtagpo ng kapalaran ang mga landas namin. "Ma'am, ayos ka lang?" tanong ni Kuya CJ. Nangalumbaba ako, binuksan ko pa nga ang bintana. Kahit hindi kaaya-aya ang amoy. "Ayos lang ako, Kuya CJ," ani ko na waring ayaw magpaistorbo sa pag-iisip ko. "Iniisip mo ba 'yong pogi kanina? Parang pamilyar 'yong lalaking iyon. 'Di ko lang maalala kung saan ko nakita." Tsismoso rin talaga. "Hindi ah, hindi naman pogi 'yong kulot na 'yon." Napangiwi ako dahil parang kinumpirma ko na rin ang sinasabi nito. Natawa si Kuya CJ, habang pulang-pula na ata ang mukha ko sa kahihiyan."Kuya CJ, bili tayong turon 'yong banana flavor." Malakas na talaga ang naging tawa nito habang ako, nasapo ko na lang ang mukha ko at doon ikinubli ang pamumula no'n. May kahihiyan pa ba ako sa katangahan ko? Turon? Banana flavor? Mukha tuloy akong joker sa paningin nito. "Masyado mo po ako pinapatawa, Ma'am Rein." Aliw na ani nito. Hindi naman halata, 'no. Pulang-pula kasi ang mukha nito. "Oo na, oo na, nakakahiya." Ani ko rito. Isinignal pa ang kamay na magpatuloy na ito. "Dahil d'yan, ako naman po ang manlilibre sa 'yo ng turon na banana flavor." Sabi pa nito. Tinotoo naman nito ang sinabi nitong ililibre n'ya ako. Dahil nakahanap ito nang bilihan at ito ang nagbayad. Pero hindi na ako pumayag na ito pa ang bumili nang inumin namin. Ako pa ang nagprisinta na bibili ng tubig. Walang arte-arte dahil noon ay ganito naman ang trip ko with my yaya's. Natigil lang ang mga ganitong activities noong umalis ako ng bansa at nag-aral. "Tara na po?" tanong ni Kuya CJ sa akin. Medyo papadilim na kasi at mukha pang uulan. Sumakay na ako sa backseat ng pagbuksan ako nito ng pinto roon. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Habang nasa byahe ay nakatulog na ako. Nagising na lang ay nasa bahay na. "KUYA L.A!" excited na lumapit ako rito at nilundag ito nang yakap."Na-miss kita." "I missed you too. Parang tumaba ka?" automatic na umayos ako nang tayo at sinamaan ito nang tingin. "Kung ibu-bully mo lang ako alis na." Kunwari'y nagdaramdam na ani ko rito. "Silly girl, bakit nga pala bigla kang umuwi? Akala ko ba roon ka na mag-stay?" inakbayan ako nito at sabay na kaming nagtungo sa kusina. "Kuya, naisip ko kasi kaysa mahirapan, uuwi na lang ako rito tapos uubusin ko ang mga bilyones n'yo." "Tsk!" masungit na inirapan ako nito at iginiya paupo sa pwesto ko. As usual, ready na ang dinner. Wala ang ibang kuya ko. Baka ito naman ang naatasan na bantayan ako. Tsk. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "Dito ako matutulog. Bukas pa ang uwi nila Lei." Ani ni Kuya L.A. "Nasaan sila?" curious na tanong ko habang nilalagyan ng pagkain ang plano ng Kuya L.A ko. "Hindi mo na kailangan malaman." "At bakit hindi? Don't tell me nambabae na naman sila?" biglang angat ng kilay na tanong ko rito. "I'm not going to tell you." Kung pwede lang pumadyak ginawa ko na. Sa quadruplets, si Kuya L.A lang ang garantisado at ipupusta kong hindi playboy. Masyadong seryoso sa buhay ang panganay kong kuya. Saka may girl daw itong hinihintay. Ewan ko lang kung sino. Wala namang nali-link dito. Or, dahil sa matagal akong wala rito sa Philippines kaya marami na siguro akong hindi alam. "May plano ka bang magtrabaho rito?" tanong ni Kuya sa akin. Inilapag ko ang kutsara at dinampot ang table napkin. "Depende, alam mo namang mas sanay ako mamuhay sa states." "Sanay ka kasi wala kang bantay roon." Pasaring nito na ikinangisi ko. "Kuya, hindi ko naman na kailangan nang magbabantay. Kaya ko ang sarili ko. Ako pa, Santorin kaya ito." Nakangising ani ko rito at kinindatan ito. "Tiyakin mo lang na okay ka talaga, Hearty Rein. Dahil kapag nalaman ko na may inililihim ka sa akin ay malilintikan ka talaga." "Yes po, yes po," sabi ko na medyo sarcastic pero ngumisi na rin. Ano pa bang aasahan ko kay Kuya L.A? Ganito na talaga ito, parang si Daddy, 3x nang higpit ni Daddy."By the way, aalis ka raw ng bansa?" tanong ko rito. "Yes." "I understand. Sino ang mamamahala sa business mo?" "Ako pa rin naman, 'yong ibang trabaho ipapasa ko kina Leo." "Ayaw mong ipahawak sa akin?" "No, ayaw ko. Baka sa sobrang generous mo pati company ko ay i-donate mo na." "Perfect, nakuha mo ang nasa isip ko." Napailing na lang ito sa sinabi ko. Kilalang-kilala talaga ako ni Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD