One

1085 Words
"Nasaan na po kayo, Kuya CJ? Nandito na ako sa labas." Sinipat ko ang orasang pambisig, 2 am na. Katatapos lang ng event. May after party pa sana ngunit hindi na ako sumama sa mga kaibigan kong cosplayer. Ako ay isang character ngayon sa sikat na movie, pero baka magka-black eye ako pagdating ko sa bahay. The only girl in the family, sakit pa ng ulo ng magulang at quadruplets na mga kapatid. "On the way na po ako. Dinala ko lang sa hospital 'yong pamangkin ko." Hingi nang dispensa ng driver kong si Kuya CJ. "Ayos lang po. Pakidalian na lang po, lagot na naman ako nito kay Daddy." Natawa pa ang driver, pareho kaming tiyak nito na lagot nga kaming dalawa. 10 pm lang ang palugit ni Daddy, ngunit masyado akong nag-enjoy sa event. "Sama ka muna sa amin!" nagulat ako nang sumulpot mula sa likuran ko ang grupo ng mga cosplayer---nah, parang hindi naman talaga mga costplayer sa ayos nila. Kanina pa ng mga ito kinukulit ang grupo namin. Ngunit paulit-ulit na tumangi kami na sumama sa pwesto ng mga ito. "Hindi na, kailangan ko na kasing umuwi," sabi ko sa mga ito na sinamahan pa nang iling. "'Wag ka nang magpakipot. Saka tiyak na mag-e-enjoy ka roon." Hinawakan na ako sa braso ng isa. Buti sana kung mga gwapo sila. Kaso hindi naman, eh. "Baby, are you okay?" sabay-sabay pa kaming napalingon sa tinig ng isang lalaki na hindi namin napansing nakasandal sa motor nito sa kabilang bahagi ng kalsada. Baby raw? Boses pa lang ang sarap na sa tainga, eh. "Ah, nandyan ka na pala." Mabilis kong itinulak ang lalaking may hawak sa braso ko. Saka humakbang palapit sa lalaki at mabilis na nagkubli sa likod nito. "Pare, may problem ba rito?" tanong nito sa mga lalaking kanina lang ay nanggugulo sa akin. "Boss, wala naman. Chicks mo? Auto-pass na pala, uwi na kami." Mabilis na sabi ng isa. Kilala nila ang lalaking ito? Humarap sa akin ang lalaki. s**t, sobrang gwapo. 'Yong buhok nito na kulot ay mas lalong nagbigay rito nang malakas na dating. Bigla tuloy akong na concious sa ayos ko. Napaisip pa nga ako kung okay lang ba ang itsura ko ngayon. Ang lakas ng dating nito, 'yon bang mala-badboy look, naka t-shirt na itim ito, ang pambaba ay butas-butas na pantalon. Ang sapatos nito lakas makagwapo rin. "T-hank you!" nahihiya pang ani ko rito. "Tsk, anong ginagawa mo sa ganitong klase ng lugar? Delikado rito." Pati boses nito, pinapa-excite ako masyado. "Ahh, um-attend kasi ako ng event d'yan sa club na 'yan." Sabi ko na napangiwi pa. Sobrang conscious, auto hiya kapag gwapo ang kaharap. "Tsk!" tinalikuran na ako nito. "Wait lang, pwede rito ka muna. Wala pa kasi 'yong sundo ko." Habol ko rito. Takot na baka bumalik ang mga loko kanina. Tinignan lang ako nito saka umiling. "O--kay!" nakadama nang pagkahiya. Yumukod ako rito, saka tumalikod na. Humakbang patungo sa bench, saka naupo roon. Ayoko namang tawagan ulit si Kuya CJ, dahil nagmamaneho ito. Palingalinga ako upang tiyakin na safe pa sa pwesto ko. Pagkatapos ay sinubukan sulyapan ang binatang tumulong sa akin kanina. Hindi ito umalis, nakasandal lang ito sa motor nito. Hindi man nakatingin dito, ngunit hindi ko napigilang kiligin. Ibig sabihin nag-stay ito dahil sa pakiusap ko. Kinilig pa ako, samantalang hindi ko naman kilala ang lalaking ito. Pero ang gwapo talaga nito. Parang ang sarap paglandasin ng mga kamay ko sa kulot nitong buhok. Nang dumating ang driver, agad na akong sumakay. Ang pantasya kong binantayan nga ako nito ay biglang naglaho nang makita mula sa bintana ng sasakyan ang pag-ayos nito ng upo, at paglapit ng magandang babae na halatang lasing. Nag-high five pa ang dalawa saka sumakay sa motor at mas nauna pang umalis. Umasa pa naman ako na hinintay lang nitong makaalis ako. 'Yon pala, may hinihintay lang ito. "Ayos ka lang, Miss Rein?" tanong ni Kuya CJ. Mabilis naman akong tumango at sinuot na ang seatbelt. Hindi na namin nadaanan ang motor, mukhang pinalipad na agad ng lalaki paalis. Agad kasing nakalayo. Ngayon, kailangan ko na lang magdasal na sana ay tulog na si Daddy. Sa America lang ako nagkaroon ng time na magliwaliw. Pero kapag narito ako sa Pinas, mahigpit ang Daddy ko sa akin. Para rito, gabing-gabi na ang 10 pm. Dapat nasa bahay na at nagpapahinga. Pero naiintindihan ko naman, eh. Ako nga lang kasi ang 'baby girl' nito. 30 minutes drive, nakauwi na kami. Naghahanda na sa kusina ang mga kasambahay. 'Yong sila kagigising, habang ako matutulog pa lang. Dahan-dahan pa akong pumanhik sa hagdan, kaso pagtungtong ko sa dulong baitang, bumukas ang pinto ng silid nila Daddy. Masama ang tingin nito sa akin, habang si Mommy ay napapailing naman. Bakit naman kasi ang aga ng mga itong magising, may lakad ba sila? Dapat pala mas umaga na ako umuwi. "5 day in the Philippines, mukhang wala kang planong magpahinga." Napabungisngis ako saka humakbang palapit sa mga ito saka niyakap si Daddy. Konting lambing lang naman dito, makakalimutan na nito ang sermon nito. "Sorry na po, masyado lang akong nag-enjoy sa event kanina. Na-miss ko rin kasi ang mga friends ko." Sinamaan ako nito nang tingin. "Tinalo mo pa ang mga kuya mo. Sila nga hanggang 11 lang nandito na sa bahay." "Sige po, bukas 11 na ako uuwi." Mas lalong sumama ang tingin ni Daddy, habang natawa ang Mommy sa banat ko. "Tumigil ka, Hearty Rein! Kumukolo ang dugo ko sa katigasan ng ulo mo." Natatawang nag-sorry ako rito. Binibiro ko lang naman ito. "May lakad po kayo? Super aga n'yo po," sabi ko rito. "May maaga kaming flight ng Mommy mo. Ang mga kuya mo ang kasama mo rito, magpakabuti kang bata ka. Huwag mong pasasakitin ang ulo nila. Naintindihan mo ba?" "Oo na po, promise po hindi na ako gagabihin...uumagahin lang!" kukurutin sana ako nito, ngunit mabilis na akong nakatakbo. "Ingat po kayo, Mom and Dad. I love you po." Sabi ko saka mabilis nang pumasok ng silid. Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto, unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Ang hirap ng ganito, kailangan kong magkaroon ng distraction para lang mapahinga ang utak ko sa pag-iisip. Kailangan kong lumayo sa magulang ko, upang hindi nila mapansin na hindi ako okay ngayon, na 'yong anak nilang nag-aral sa America ay bumalik sa piling nila na wasak ang puso, wala na 'yong ngiti sa labi na paborito ng mga itong makita. Hindi ako okay, pero pinipilit ko namang maging okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD