"I want this over the gazebo. Are balloons too old-fashioned here?" ang pagbabahagi ni Romana ng ideya nito sa gustong kalabasan ng pool party. Mula sa pagkakatulala ay walang ganang sinulyapan ni Samara si Romana. "Ginagawa pa naman. Sa pambatang party nga lang." Napanguso ito at binura sa listahan ang binanggit. "Seryoso. Ikaw kaya ang designer sa ating dalawa." naiiling na sabi ni Samara sa babae. Ang totoo niyan ay hindi niya ito magawang tignan matapos ang pangyayari kahapon. Hinalikan niya ang asawa nito at heto siya ngayon at tinutulungan ito para sa party nito. Hah. Ano'ng nangyari sa'yo, Samara? Halik lang ay guilty ka na samantalang ilang t*** na ang nadakot at nahawakan mo? Ngunit wala iyong malisya at trabaho lang. Sagot niya sa sariling konsensya. Ibig sabihin ay ma