Sa ginagawa niyang raket o sideline ay nakilala niya ang iba't-ibang klase ng babae. Mayroon sa kanilang mga handang magpakatanga at magbulag-bulagan kahit pa harapan silang niloloko ng asawa. May handang magtiis para lang masabing 'buo' pa rin ang kanilang pamilya. May mga babaeng sadyang martyr lang at naniniwalang mababago pa rin nila ang babaero nilang asawa. Minsan ay nagdadalawang-isip na si Samara kung itutuloy pa ba niya ito. Oo nga't kumikita siya at napapatunayan niya sa sarili na tama siya sa mga lalaki, ngunit ano ang nagiging epekto nito? Hindi ba nga't ginagawa niya rin ito para matulungan ang mga babae para makawala pa sa kamay ng mga asawa? Siguro ay dahil hindi niya nagawang mailigtas noon ang kaniyang Ina sa kamay ng kaniyang ama. May parte sa kaniya ang gustong makatul