Kabanata 3

2174 Words
Tulala, wala sa sariling isip, kinakaladkad ang mga paa habang ang mga mata ay malikot na patingin-tingin sa paligid niya. Tila ba isa siyang zombie na naglalakad at hindi malaman ang gagawin. Daan-daang bagay ang umiikot sa kaniyang isip sa mga oras na iyon. Saan na siya titira? Paano na ang pag-aaral niya? Paano na siya ngayon? Higit sa lahat ay dinaramdam pa rin ni Samara ang sama ng loob dahil na rin sa ginawang pagtatakwil sa kaniya ng tiyahin. Akala niya ay naiiba ito, isa rin pala itong babaeng bulag sa pagmamahal at hindi makita ang kasamaang taglay ng napangasawa. Napabuntong-hininga si Samara habang sinisipa ang bato pagkuwa'y naupo sa may parke nang mapagod. Pinagmasdan niya ang kaniyang mga palad na walang nadala kahit na kaniyang mga damit man lamang. Paniguradong muli lamang siyang itatakwil ng kaniyang tiyahin kapag bumalik siya roon. Napasimangot siya sabay halukipkip. "Magsama sila. Isang manyak at isang martyr." Mabuti na rin siguro iyon dahil hindi na siya magagawan pa ng kahalayan ng kaniyang tiyuhing manyakis. Inilibot ni Samara ang kaniyang mga mata sa paligid at nakita ang mga pamilyang naroon para mag-picnic. Mayroong mga batang nagtatakbuhan, mayroong nagpapalipad ng lobo na binili ng kanilang mga magulang, mayroong mga bumibili ng ice cream at cotton candy. May ngiti sa bawat labi nila, mga ngiting hindi man lamang niya nakita noon sa kaniyang mga magulang pwera na lamang kung nanalo ang mga ito sa pustahan at sugal. Ngiting ipinagkait sa kaniya sa murang edad pa lamang. Umusbong ang inggit sa kaniyang puso dahil sa nasasaksihan. Hindi niya naranasan ang mga ganoong bagay. Hindi niya naranasang mamasyal kasama ang mga magulang, nang unang beses na maramdaman niya ang init ng palad ng kaniyang Ina ay nang dalhin siya nito sa kapitbahay upang ipakita ang murang katawan sa mga banyaga. Ang pagkakataon na naramdaman niya ang palad ng kaniyang Ama ay nang dumapo ito sa kaniyang katawan upang siya'y saktan. Kawawa. Kaawa-awa. Natatawang sabi ni Samara sa kaniyang sarili. Ilan kaya sa mga lalaking nasa paligid niya ang mga hayok sa katawan ng babae? Ilan kaya sa mga ito ang handang lokohin ang asawa at ipagpalit ang pamilya para sa isang babae? Hula niya ay marami. Napahawak si Samara sa kaniyang tiyan nang ito ay kumalam at napakagat sa labi. Ni kusing ay wala man lamang siya para pangkain. Nang dumilim ay muli siyang nagsimulang maglakad. Nang madaan siya sa isang madilim na bahagi at sa ilalim ng tuloy ay nahagip ng kaniyang mga mata ang mga babaeng nakatayo. Ang iba sa kanila ay naninigarilyo. Hindi naman inosente at tanga si Samara upang malaman na ang mga ito ay katulad ng kaniyang Ina. Mga babaeng nagbibigay ng ligaya sa mga lalaking nangangati kapalit ng barya. Napakagat labi si Samara at napatingin sa kaniyang suot at napahawak sa tiyan na kumakalam. Ano pa ba ang iaarte niya? Nagawa na niya ito noon. Natagpuan ni Samara ang sariling naglalakad palapit sa isang madilim na bahagi at tumabi sa mga naghihintay ng customer. Napalunok siya ng laway habang kagat-kagat ang labi. "Hoy." Napapiksi si Samara at nanlalaki ang mga matang napatingin sa tumawag sa kaniya. Lumingon siya sa kaliwa para makita ang isang babaeng naninigarilyo pa. Lumapit ito sa kaniya habang ngumunguyang parang kambing. Nang malapit na ito sa kaniya ay napaubo si Samara nang bugahan siya nito sa mukha. "Sino ang may sabi sa'yong basta ka na lang p'wedeng tumayo dito sa teritoryo namin? Baka hindi mo kaya ang labanan dito, bata. Kung ako sa'yo, mamulot ka na lang ng mga basura sa paligid." Ang mataray nitong sabi sa kaniya kaya bahagya siyang napaatras. "Tsupi!" Walang nagawa si Samara kung hindi tumakbo paalis dahil maging ang ibang babae ay masama na ang tingin sa kaniya. Palingon-lingon siya upang siguruhin na hindi siya sinusundan ng mga ito. Hindi na niya namalayan na nakarating na pala siya sa kalsda at muntik masagasaan ngunit mabuti na lamang at nakapag-preno ang sasakyan. Napasalampak na lamang si Samara sa sahig habang nakahawak sa dibdib kung saan naroon ang pusong sing-bilis ng takbo ng kabayo ang t***k. "Hoy! Kung sawa ka na sa buhay ay huwag kang mandamay ng iba!" galit na sigaw sa kaniya ng driver nito. Hindi na nagawa pang sumagot ni Samara at binitbit ang sarili palayo sa gitna ng kalsada papunta sa maduming sidewalk. Doon ay niyakap niya ang mga tuhod at pumalahaw ng iyak. Nakaligtas siya ngunit bakit pa? Para saan pa nga ba ang buhay kung tinalikuran na siya ng lahat? Bakit pa siya iniligtas ng Panginoon kung mula nang ipanganak siya ay kinalimutan na siya nito? Nang mahimasmasan ay nag-angat siya ng mukha at sumalubong sa kaniya ang isang makulay at maliwanag na bar. "MariFritz?" basa niya sa nakasulat na pangalan nito. Kurap-kurap niyang pinanuod ang mga taong pumapasok sa loob. Mayroong dalawang babae na seksing-seksi ang suot na nang-e-engganyo ng mga dumaraang lalaki. Mula sa kaniyang kinauupuan ay nakita niya ang nakapaskil sa pinto na naghahanap ang mga ito ng Stripper. Stripper? Ano iyon? Dancer ba iyon? Pinahid ni Samara ang luha at pilit na inayos ang sarili bago maingat na tumawid palapit sa naturang Club. "Ay, hindi kami tumatanggap ng solicit, bata. Sorry." bungad sa kaniya ng babae paglapit niya. "Ah, gusto ko po sanang mag-apply bilang stripper." sabi niya rito sabay turo sa nakapaskil na papel. Nagkatinginan ang mga ito bago nagtawanan. Sa pagkakataong ito ay ang isa pang babae ang nagsalita. "Ilang taon ka na ba, bata? Naku, gusto mo bang ipasara ng mga pulis ang bar namin kapag tinanggap ka namin?" "D-Disi-otso po." pagsisinungaling ni Samara dahil desperada na siya. Ayaw niyang matulog sa kalsada kung saan maari na naman siyang salbahihin ng kung sino. Nakita niyang napailing ang nagtanong ng edad niya. "Alam namin kung gaano kahirap ang buhay pero may mga binubuhay din naman kami, Ine. Pasensya ka na. Sige, alis na." marahang pagtataboy nito sa kaniya habang ang kasama nito ay lumapit sa isang lalaking dumaan at nangunyapit. Natagpuan ni Samara ang sariling lumuluhod. "Wala na po akong mapupuntahan. Nakahanda akong gawin lahat! M-Magpapanggap po akong disi-otso!" pagmamakaawa niya sa babae habang hawak ang kamay nito at nagsusumamo. Nakita niyang bumalatay ang awa sa mukha nito, at bago pa ito makapagsalita ay nakita niyang lumabas ang isang nakatatandang bading na puno ng kolorete sa mukha. "Ano'ng meron? Sino ang batang iyan, Mojito?" bungad na tanong nito. "Gustong mamasukan bilang stripper, Madam Fritz." Madam Fritz? MariFritz? Kung ganoon ay ito ang may-ari? Agad na binitwan ni Samara ang kamay ni Mojito at sunod na kinuha ang kamay ni Madam Fritz. "Nakahanda po akong gawin lahat. Handa rin po akong ibenta ang katawan ko kung kailangan katulad ng pinapagawa ni Inay noon. `Y-Yung Nanay ko po ay tinuruan akong gumiling at mang-akit. Pakiusap po huwag niyo akong itaboy." nangmamakaawa niyang sabi habang mahigpit ang pagkakahawak sa mga kamay nito. Humithit muna ito ng sigarilyo bago ito itinapon at umuklo sa harap niya. "Ine, hindi madali ang buhay sa Bar. Dito? Unahan, labanan, pagahaman ang laban. Kailangang matibay ang sikmura mo." bahagya itong ngumiti matapos sabihin iyon at inalalayan siyang tumayo. "Bata ka pa. Mayroon ka pang pagkakataong baguhin ang buhay mo. Sila? Kung bibigyan sila ng pagkakataon ay hindi nila pipiliing sumabak sa ganitong buhay ngunit ngayon ay lugmok na sila." sabi nito na itinuturo ang dalawang babae maging ang iba pa sa loob ng bar nito. "P-Paano po?" naiiyak na tanong ni Samara. "Gayung tinalikuran na ako ng lahat." Sandali siyang pinagmasdan nito bago napabuntong-hininga. "Hindi ako tumatanggap ng batang stripper." Nalaglag ang mga balikat ni Samara at napayuko. Wala na. Mukhang wala siyang ibang pagpi--- "Pero maaari kang mamasukan bilang helper. Dahil underage ka pa ay hindi ka p'wedeng maging waitress, stripper o dancer sa bar ko." Pagputol nito sa anumang isipin niya. "Kapag magsasara na ang bar ay ikaw ang maglilinis ng mga mesa at magliligpit. Ikaw rin ang magwawalis at maglalampasok bago kami magbukas. Hindi malaki ang sweldo pero magiging libre na ang pagkain mo. Kung gusto mo ay mayroon din kaming sleeping quarters." Natameme si Samara at hindi kaagad na nakasagot. Nakatitig lang siya sa nakatatandang Drag Queen ngunit maya-maya pa ay napayakap siya rito. "Salamat po. Maraming salamat! Hulog kayo ng langit." "I know, right?" Natatawang turan nito sabay layo. "Welcome sa pamilyang mahaharot!" masayang pagbati sa kaniya ni Mojito at napangiti si Samara. KINABUKASAN din ay nagsimula na sa kaniyang unang trabahong maituturing si Samara. Para ipakita kay Madam Fritz na hindi ito magsisisi ay sinipagan ni Samara ang paglilinis. Dalawang oras bago magbukas ang bar ay naglinis siya. Winalis at nilampaso niya ang hindi kalakihang bar at pinunasan ang bawat mesa. Siniguro niyang mawalang makikitang kalat sa paligid. Nang matapos ay pinunasan niya ang pawis at wala sa sariling pinanuod ang mga dancer na nagsasayaw sa harap. Maya-maya ay napansin niya ang isang babae na seksi ang bawat paglakad hanggang sa makalapit ito sa isang pole na basa gilid at kumapit doon. Mangha niyang pinanuod kung paano itong kumapit sa pole na parang koala bago iginiling-giling ang katawan. Bawat paggalaw ng mga kamay at paa nito ay pinagmamasdan ni Samara. Tumatatak sa kaniyang isip ang bawat kilos nito. Maya-maya pa ay muli itong bumaba at nanlaki ang mga mata niya nang unti-unti nitong hubarin ang suot na t-shirt. "Iyan ang tinatawag na stripper. Ang pangalan niya ay si Jomari o mas kilala bilang si Vodka." sabi sa kaniya ni Madam Fritz na tumabi sa kaniya. "Katulad mo ay nag-umpisa siya rito sa edad na disi-nuwebe at mag-i-isang taon na siya rito. Isa siya sa mga paborito ng mga lalaki." Maganda at maputi si Vodka. Manipis ang mga kilay nito, hindi katangusan ang ilong at ang labi ay namumula sa lip tint. Tila nang-aakit ang mga mata nito habang iginigiling ang katawan. "Isa ang mga strippers ko sa may mga malalaking kinikita. Ang iba sa kanila ay nakakatanggap ng tips at pumapayag na magpa-table." "Table?" taka niyang tanong kay Madam Fritz. "Uupo ka sa table ng customer at aaliwin mo sila. Pero hindi katulad ng iba, hindi ako pumapayag na dito nila sa bar gawin ang mga gusto nila. Bahala na sila kung gusto nilang sumama sa customer sa labas ng bar ko. Sa kondisyon na dapat ay magbigay sila ng impormasyon upang pangalagaan ang mga alaga ko." turan nito at nakita ni Samara ang mabining ngiti sa labi nito na kulay rosas. Tunay palang may mabuting puso ang kaniyang boss. Hindi lamang siya nito pinagbigyan na mag-trabaho sa bar nito kung hindi inaalagaan rin nito ang mga empleyado nito. "Pero... hindi po ba ilegal ang mga ganito?" "Ilegal kung walang papel at kung underage ang mga empleyado. Ilang taon na itong bar ko. Wala kaming nilalabag na batas at ilang pulis na rin ang suki namin dito. Isa pa, hindi ko ibenenta ang mga alaga ko. Nasa kanila na kung sasama sila sa customer." sagot nito sa kaniya bago ito pumalapak. "Girls, halikayo rito at ipapakilala ko sa inyo ang bagong addition sa ating pamilya." Tumigil sa pagsayaw ang mga nasa stage at lumapit sa kanila. "Lahat kami rito ay may alyas pero sasabihin ko na rin sa iyo ang mga pangalan nila. Nakilala mo na si Mojito o si Maita. Siya naman si Leilani o mas kilala rito bilang si Margarita." pagpapakilala ni Madam Fritz sa isa sa dalawang babae noong nakaraang gabi. Kumaway ito sa kaniya at sinuklian naman ito ni Samara. Sunod na itinuro nito ay si Vodka na nakilala na niya. Masungit si Vodka at tanging tango lamamg ang ginawa sa kaniya kaya bahagyang nailang si Samara. "Ang pinakamaganda kong alaga ay itong si Soju pero siya rin ang pinakamatanda. Malapit ka na bang mawala sa kalendaryo, Mykee?" pagbibirong tanong ni Madam Fritz na inirapan lang ni Soju. "Grabe. Tatlong taon pa naman, Madam." natatawang sagot nito at nagtawanan naman ang iba. "And last but not the least ay si Brandy o ang pambansang kabit na si Georgia." Natatawang pakilala ni Madam Fritz sa huling babae. "Pambansang kabit talaga?" nakasimangot na tanong ni Georgia. "Hi, newbie!" bati nito sa kaniya at binati rin ito ni Samara. "Girls, siya ang bagong alaga natin dito. Sige, ipakilala mo ang sarili mo." Napalunok si Samara habang tinitignan ang mga babaeng makaka-trabaho at higit na mas matatanda sa kaniya. "Ako si Samara Joson. Ah, isa na akong ulilang lubos." natagpuan ni Samara ang sariling nagsisinungaling dahil para sa kaniya, wala na siyang mga magulang. Wala na rin siyang Ama na mula naman noon ay hindi niya naramdaman ang presensya bilang isang Ama. "Sa isang buwan ay magiging sixteen na ako." Pumalakpak ang iba puwera kay Soju na nakahalukipkip lang. Natagpuan ni Samara ang sariling napapangiti. Hindi niya akalain na tatanggapin siya ng mga ito. "So, Samara, ano ang magiging alyas mo?" baling sa kaniya ni Madam Fritz at sandaling nag-isip si Samara dahil wala naman siyang alam na pangalan ng mga inumin. Maya-maya pa ay naalala niya ang isang uri ng alak na narinig niya sa mga telenovela. "Whiskey."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD