Kabanata 4

2121 Words
* Nagsimula si Samara sa gabi-gabing panunuod sa mga dancers ng MariFritz. Mga magaganda at seksing dancers na talaga namang kinahuhumalingan ng mga miron. Gabi-gabi niyang pinagmamasdan sa gilid kung paanong maulol ang mga lalaki sa mga babaeng gumigiling. At gabi-gabi niyang nasasaksihan ang iba sa mga ito na sumasama sa customers. Lahat puwera kay Georgia na narinig niyang kailanman ay hindi pumapayag na magpa-table o sumama sa customers. Ang paglilinis ang naging hanap-buhay ni Samara at kumikita lamang siya ng tatlong libo buwan-buwan pero ayos na rin iyon para sa kaniya kaysa wala. Ang mahalaga naman ay mayroon siyang natutulugan at may nakakain sa araw-araw. Nang siya'y tumuntong sa edad na disi-siyete, doon na sinimulan ni Samara na sanayin ang sarili sa pagsasayaw. Mula sa araw-araw niyang nakikitang routine ng mga kasamahan na ang iba ay naging kaibigan na, ginaya niya ang bawat galaw ng mga paa, kamay at balakang ng mga ito. Nakabisado na rin niya kung ano ang lalong nagpapataas ng libido ng mga kalalakihan. Sa mga nakalipas na taon ay natutunan ni Samara na lalong mamuhi at mandiri sa mga lalaking hayagang nagpapakita ng pagnanasa sa mga babae. Ang iba sa mga ito ay may ginto pang singsing sa mga daliri habang iniyayakap ang kamay sa ibang babae. Nakakadiri, nakakarimarim at nakakamuhi. Gusto niyang matutong mang-akit din ng mga kalalakihan at iwanan ang mga itong nauulol. Gusto niyang magnasa ang mga ito sa katawan niyang sinusumpa niyang hindi na magagalaw ng sinuman. Isinusumpa niya sa kaniyang sarili na wala nang lalaki pa ang makakaangkin sa kaniyang mga labi at katawan. Habang wala pang ibang tao at bago maglinis ay sinamantala ni Samara ang pagkakataon at pnagpatugtog upang magsanay.  I feel so unsure As I take your hand and lead you to the dance floor As the music dies, something in your eyes Calls to mind a silver screen And all its sad good-byes I'm never gonna dance again Guilty feet have got no rhythm Though it's easy to pretend I know you're not a fool Ang kaniyang mga balakang at baywang ay nagsimulang gumalaw sa saliw ng kanta habang nakapikit. Iginagalaw niya ang katawan base sa mga natatandaan niyang galaw. Matapos ang ilang minuto ay muli niyang idinilat ang mga mata at natuon ang paningin sa pole. Siniguro niyang mahuhumaling ang sinumang makakita sa kaniya nang maglakad siya palapit dito. Nang makalapit sa pole, hinawakan niya ito gamit ang kanang kamay bago bahagyang tumuwad at pinaraan ang kaliwang kamay mula sa kaniyang binti bago sinimulang gumiling. Should've known better than to cheat a friend And waste the chance that I'd been given So I'm never gonna dance again The way I danced with you Time can never mend The careless whispers of a good friend To the heart and mind Ignorance is kind There's no comfort in the truth Pain is all you'll find Sinimulang akyatin ni Samara ang pole at ginaya ang pinagsama-samang routine ng mga strippers sa MariFritz. Ang mahabang buhok niyang nakalugay ay malayang sumasabay sa bawat galaw ng kaniyang ulo. Tinapos ni Samara ang sayaw sa pole sa pamamagitan ng pag-ipit ng kaniyang dalawang hita. Napatigil lamang siya nang may pumalakpak at nanlaki ang mga mata bago mabilis na kumapit sa pole at bumaba. Tumambad sa kaniya si Vodka na nakasukbit pa ang bag sa balikat. Binaba nito ang bag sa stage bago inangat ang sarili paakyat. "Hindi na masama." kumento nito at naramdaman ni Samara ang sinseridad sa salita nito. "Salamat." Lumayo na si Samara sa pole at bumaba sa stage para simulang maglinis nang magsalitang muli si Vodka o si Jomari. "Seryoso ako. P'wede ka nang sumabak sa pagiging dancer o stripper kapag nasa edad ka na. Ilang buwan na lang din naman, hindi ba?" Pinindot nito ang speaker dahilan upang timigil ang kanta at hinarap siya habang nakapamaywang. Ang totoo niyan ay tanging siya na lamang ang hindi kasundo ni Samara. Sa nakaraang taon niya rito ay naging kaibigan na niya ang lahat maging ang bouncer na si Kuya Tolits puwera kay Vodka na masungit. Marahang tumango si Samara. Naupo si Vodka sa stage at inilaylay ang mga paa. "Gusto mo bang maging dancer o stripper? Maliit ang sahod ng dancer. Kaunti lang ang inilaki sa sahod mo. Pero s'yempre, kapag naging stripper ka, ihanda mo na ang sarili mo para ipakita ang katawan mo." Ipinilig ni Samara ang ulo at hindi malaman ang isasagot kay Vodka. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakausap niya si Vodka. Kadalasan ay hindi naman siya pinapansin nito. "Hindi naman ako masungit. Sadyang ayaw ko lang ng kausap kadalasan. Hindi ako galit sa'yo o kanino man, marahil ay nakita ko sa'yo ang sarili ko noong unang sabak ko rito." Dugtong nito nang hindi sumagot si Samara, marahil ay nabasa nito kung ano ang nasa isip niya. May kinuha ito sa bag at nagsindi ng sigarilyo at humithit bago muling nagsalita. "P*ta kung may pagkakataon hindi ko pipiliin ang magsayaw at maghubad na halos dito. Narinig ko ang kuwento mo. Ulila ka na pala? Ako naman ay pinalayas ng mga magulang ko. Maaga kasi akong nabuntis kaya pinalayas ako ng mga magulang ko. Hindi niya matanggap na may anak silang maagang bumukaka." Kuwento nito sabay tawa. Natagpuan ni Samara ang sariling nauupo sa isang upuan katapat ng stage. Nakaramdam siya ng simpatiya para kay Vodka kahit hindi sila close. At natagpuan ni Samara ang sariling isinisiwalat ang sariling kuwento. "Sa edad na sampu ay isinabak ako ng Nanay ko sa child pornography at nang... at nang tumanda na ako at hindi na bumenta ay sapilitan niya akong ibinenta sa mga lalaki." Sa pagkakataong ito ay hindi na naiiyak pa si Samara dahil unti-unti nang tumigas ang kaniyang puso sa alaala ng kahapon. Itinuturing na lamang niya itong masamang alaala. Ilang segundo itong tahimik bago bumuntong-hininga at pagak na tumawa. "Tang***, `no? Wala, eh. Ganiyan talaga ang buhay nating mahihirap. Ang iba sa mga magulang ay ginawa nang negosyo ang mga anak. Ako? P*** natuto na ako. Sapat na ang nagkaanak ako sa isang gagong lalaki na tinakbuhan ako matapos akong kana** na parang p*ta." "Stripper." Natagpuan ni Samara ang sariling sinasagot ang tanong nito kanina. "Gusto kong maging stripper." "Good decision." nakangisi nitong sabi bago humithit at pinatay ang sigarilyo sa stage. "May sikreto akong ibibigay sa iyo." Muli itong naghalungkat sa bag bago ipinakita sa kaniya ang isang banig ng gamut. Nakangisi itong bumaba sa stage bago ito iniabot sa kaniya. "Ang tawag ko riyan ay magic pill. Madalas akong sumama sa mga customers sa mga Motel pero bago pa may mangyari sa amin ay sinisiguro kong nakainom muna sila, at ilalagay ko iyang sleeping pill sa inumin nila para makatulog sila bago may mangyari. Tapos kinabukasan, aakalain nilang nakatira sila at hayun, instant pera." Pinagmasdan ni Samara ang naturang gamut at kinabisado ang pangalan nito. "Nakita kong desidido ka at bilang nakatatanda, gusto lang kitang gabayan. Huwag mong gawin ang mga bagay na pinagsisisihan namin." Tinalikuran na siya nito at sakto namang dumating na ang iba. Nakuyom ni Samara ang kamay na may hawak na gamut habang nakasunod ng tingin kay Vodka.  "MAGANDANG GABI sa nagwa-gwapuhan at nagkikisigan naming mga mahal na customers! Sa mga suki na, sa mga bago at sa mga nagbabalik, welcome sa MariFritz kung saan ligaya at talento ang inyong makakamit!" Rinig na rinig ni Samara ang nakabibinging hiyawan mula sa mga kalalakihan mula sa kaniyang puwesto. "Ngayong gabi ay ipapakilala ko sa inyo ang pinakabago at pinakasariwang alak. Sinisiguro ko sa inyong lahat na kayo ay mababaliw at mahahalina sa kaniyang inosenteng mukha!" Napabuga ng hangin si Samara o ngayon ay makikilala na sa kaniyang stage name. Tama, matapos ang matagal na paghihintay ay tumuntong na rin sa tamang edad si Samara at pinayagan na siya ni Madam Fritz na maging isang stripper. Kinakabahan? Medyo. Excited? Sobra. Sabik na si Samara na ipakita ang kaniyang talento sa pagsasayaw at sabik na siyang makita kung paanong mahumaling ang mga lalaki sa kaniya para lamang mabaliw dahil hindi siya papayag na makuha nino man. "Mga daks at juts, let us all welcome.... Whiskey!" Kasabay nang pagsigaw nito sa kaniyang pangalan ay ang pagbukas ng kurtinang pinagtataguan niya. Nagsimulang tumugtog ang napili niyang kanta kasabay ng paglalakad niya palabas sa stage. Hindi na magkamayaw ang mga kalalakihan na nakatutok ang atensyon sa kaniya. Kasalukuyang nakasuot ng costume ni Super Girl si Samara.  You are my whiskey I'll make you mine I can just taste it All of these shot boys think I'm divine But I don't want to waste it They're like a second but you're like a day Yeah I used to hit it then go on my way Boy I get so tipsy with you on my mind I like the whisky with my nursery rhyme Ginawang enerhiya ni Samara ang bawat hiyaw ng mga kalalakihan para lalong tumaas ang kaniyang enerhiya. Mas ginalingan niya ang bawat paggalaw at mas pinitik niya ang bawat paglakad. Sinisiguro niyang bawat kilos niya ay pagmamasdan ng mga ito. Siniguro niyang bawat paggiling niya ay maglalaway ang mga ito. Nang simulan niya ang kaniyang unang routine sa pole ay lalong naulol ang mga ito.  Throw it back Sip it slow You're on the top shelf And I'm looking up Perfectly crafted Bartender tell me What's in that cup Yeah I got to have it Napapangisi si Samara sa bawat libong itinatapon sa stage at sinimulang tanggalin ang kaniyang maskara at kapa dahilan upang dumagundong ang sigaw ng mga ito. Nang may lumapit na lalaki at ito mismo ang nag-ipit ng isang libo sa kaniyang baywang ay pinadaan niya ang daliri mula sa pisngi nito hanggang sa dibdib bago ito iniwan nang akmang hahawakan din siya. Kagaya ng practice niya, pabigla niyang sinira ang kaniyang damit at bumulaga ang malusog niyang dibdib. Kitang-kita niya kung paanong magnasa ang mga kalalakihan sa nakita at kumalat ang kilabot na dulot ng pandidiri sa kaniyang katawan. Tuluyan niyang hinubad ang damit at itinira ang kaniyang maiksing palda na halos wala na rin namang itinago. Sa kanilang club, hanggang sa underwear lamang maaaring maghubad ang mga strippers at ang magpupumilit na paghubarin sila ay mapapalabas. Pinaparating lamang nito na kung gusto mong makita ang kanilang katawan, ihanda mo na ang iyong wallet. Marahil mababa ang tingin ng iba sa kanilang trabaho. Marahil ay minamaliit ng mga kababaihan ang kanilang ginagawa, ngunit katulad niya na walang pinag-aralan at pinagkaitan ng tadhana, may pagpipilian ba sila? Ito ang kanilang kinagisnan. Ganitong kabuhayan ang iminulat sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Ngunit ipinapangako ni Samara sa sarili na kapag nakaipon na siya ay aalis siya sa ganitong trabaho. "Ang hot mo, Whiskey!" "Tang*** akin ka na lang!" "I love you!" Ilan lamang iyan sa mga salitang narinig ni Samara kasabay ng kabi-kabilang sipol. I know you won't burn when I drink my glass I know how to drink it I learn pretty fast So take me to bed, babe, and I'll close my eyes Yeah I like the whisky with my lullaby Throw it back Sip it slow Throw it back Sip it slow Nang huhubarin na niya ang palda ay doon huminto ang musika at muling dumilim ang stage. Mabilis na pinulot ni Samara ang mga tips at pinagsusuksok ang mga ito sa kaniyang baywang bago bumalik sa backstage. Ito kasi ang turo sa kaniya ni Madam Fritz upang bumalik ang iba. Ang takawin muna ang mga ito at patikimin muna bago niya ipakita ang buong-buo niya. Binati siya ng kaniyang mga kaibigan maging ni Vodka at mabilis naman siyang nagbihis at pagkatapos ay binilang ang kinita. "Limang libo." bilang niya sa kaniyang kinita at napangiti. Unang gabi pa lamang ay malaki na ang kinita niya sa tips. Bukod pa ito sa sasahurin niya bilang stripper. Nang pabalik na siya sa backstage ay naulinagan niya ang dalawang babaeng nag-uusap. "Pakiramdam ko talaga ay niloloko ako ni  Onse, Mykee. Ilang gabi na niya akong hindi sinusundo pero kapag tinatanong ko naman siya ay tumatanggi siya." "Ano ka ba, Georgia? Dalawang taon na kaya kayo. Saksi ako kung gaano ka-loyal sa'yo si Onse. Praning ka lang." Tahimik siyang lumapit sa kaniyang gamit at hindi pinansin ang mga ito bago inilagay sa pitaka ang naging kita. Isusukbit na sana niya ang bag nang tawagin siya ni Georgia. Hinarap niya ito at nakita ang pagkabahala sa mukha nito. "Samara, p'wede ba akong humingi ng pabor sa iyo?" Dahil naging malapit na rin naman siya kay Georgia at sa iba pa ay hindi siya nag-atubiling tumango. "Ano ba iyon? Ano ang maitutulong ko?" "Gusto kong subukin kung talagang loyal sa akin ang boyfriend ko, at dahil pinagkakatiwalaan kita, gusto kong ikaw ang umakit sa kaniya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD