Kabanata 2

2110 Words
Kinukuskos ni Samara ang kaniyang buong katawan mula mukha hanggang sa kaniyang paa. Wala siyang pakialam kahit pa magdugo at magasgas na ang kaniyang balat basta't kahit papaano ay mabura ang bakas ng mga kamay na humawak sa mura niyang katawan. Na para bang may magbabago pa sa mga nangyari. Na para bang mabubura nito ang katotohanang siya'y isa nang maruming babae.   Humahagulgol habang yakap ang sarili ngunit walang nais na makinig, walang nais pakingaan ang kaniyang mga hinain. Ang tanging kakampi lamang niya ay ang kaniyang sarili dahil maging ang mga magulang na dapat ay nag-aalaga sa kaniya ay ginawa siyang p*** para sa pansariling kapakanan ng mga ito.   "Mga hayop sila," puno ng dalamhati at pagdaramdam na bigkas ni Samara sa pagitan ng pag-iyak. "Ang mga lalaking iyon at ang mga magulang ko. Pare-pareho silang mga walanghiya. Wala silang kaluluwa, wala silang konsensya. Pa–Paano nila ito nagawa sa s-sarili nilang anak?"   Marumi, marungis, nakakadiri, at gamit na. Iyan ang tingin ni Samara sa kaniyang sarili sa ilang linggong paulit-ulit na pagbebenta sa kaniya ng kaniyang mga magulang.   At nang subukan niyang tumakas isang araw ay nahuli siya ng kaniyang Ama at bawat parte ng katawan niya ay hindi nakaligtas sa mga bugbog nito. Kasabay ng pagbabantang kapag inulit pa niyang tumakas ay papatayin na siya.   Nang matapos maligo ay pinagmasdan ni Samara ang kaniyang mukha sa salamin. Mga matang namamaga dahil sa kakaiyak, ilong na hindi katangusan at may nunal sa tungki. Mga labing hugis puso at natural na mapupula. Itinaas niya ang kamay at pinahid ang luhang umagos sa kaniyang mga humpak na pisngi. Ang mga matang kulay tsokolate na namana nya sa kaniyang Ina ay walang mababakas na emosyon kung hindi lungkot.   Ang gandang dapat na kinahahangaan ng iba ay pinagpapakasasaan ng mga lalaking mas matanda at may asawa na.   Lumabas si Samara mula sa kanilang masikip at maliit na banyo at ang mga mata ay natutok sa secondhand nilang tv, na kasing laki lamang halos ng mesang kinapapatungan nito. Kasalukuyang ipinapalabas ang isang sikat na Romance Drama kung saan tampok ang mga sikat na artista.   Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Romance, forever, prince charming, ang mga ito ba ay makakamtan pa niya? Siya na hindi na isang birhen na pangarap ng ilan? Siya na pinagpasa-pasahan na?   Hindi siguro.   Dahil wala siyang 'customer' ay sinamantala ni Samara ang pagkakataon upang manuod. Ang kaniyang Inang si Myla ay malamang na nasa harapan nanaman ng mga ka-bisyo nito. Habang ang kaniyang Ama ay malamang na nasa piling ng ibang babae.   Sa puntong ito, hindi na niya magawa pang magkaroon ng pakialam kung nasaan o anuman ang ginagawa ng mga ito. At ang mga sandaling mag-isa siya sa bahay ang tanging nagpapasaya na lamang sa kaniya.   Nang sumapit ang gabi ay inihanda niya ang mesa na parang isang robot matapos na sagutan ang kanilang assignment sa School. Noong una ay gusto na siyang patigilin ng kaniyang Ina sa pag-aaral ngunit nagmakaawa si Samara na tanging ito na lamang ang maipagmamalaki niya sa buhay. Ayaw niyang lumaking kagaya ng kaniyang Ina na isang p***. Ayaw niyang maging tonta at lalong ayaw niyang maging katulad nito balang-araw na ibebenta ang anak dahil sa kawalan ng pera.   Kagaya ng nakagawian ay lasing na dumating ang kaniyang Itay at aagad na sumalampak sa luma at sira nilang sofa. Hindi ito pinansin ni Samara at ipinagpatuloy ang pagkain ng nilutong corned beef. Ilang sandali pa ay dmating nag kaniyang Inay na halatang mainit ang ulo.   "Bwisit! Ilang araw na akong natatalo sa sugal at ilang araw ng nasasayang ang pera ko! Malas talaga, malas!" gigil nitong sinipa ang nadaanang nananahimik na unan bago dumiretso sa maliit nilang kwarto.   Maya-maya pa ay narinig ni Samara ang malakas na sigaw nito na sigurado siyang narinig na hanggang sa kanto. Lumabas itong nakalugay na habang hawak ang bag na walang laman.   "Sino sa inyong dalawa ang kumuha ng pera ko, ha?! Put*****! Ang kapal ng mukha ninyong pagnakawan ako! Sagot! Sino sa inyong mga put****** niyo!" bulyaw nito at ang mga nanlilisik na mga mata ay palipat-lipat sa kanila ng kaniyang Itay.   At kagaya noon hanggang ngayon ay takot pa rin si Samara sa kaniyang mga magulang kaya naman natakot siyang mapagbuntunan.   "Hindi ako, I-Inay." sagot niya sabay iling ng mariin.   Ang nakamamatay nitong mga tingin ay natuon sa natutulog niyang Itay. Walang pasubali nitong ibinato ang hawak na bag sa lalaki dahilan para mapabalikwas ito.   Napahawak ito sa mukha. "Tang*** naman, Myla! Natutulog ako! Gusto mo ba talagang makatikim sa aking, p*** ka, ha?!" bulyaw nito sabay tayo at akma ng suntok sa kaniyang Inay.   "Anong pakialam ko kung natutulog kang, gag* ka? Ikaw ba ang kumuha ng pera sa bag ko, ha? Ikaw ba?!" tanong nito sabay duro sa mukha ng kaniyang Itay.   Kumamot sa ulo ang kaniyang Itay sabay talikod. "Nagkaayaan kasi kaming magkakabarkada at gusto ko lang silang i-libre."   "Barkada? Barkada?! Ang sabihin mong ugok ka, ibinigay mo ang pera ko sa babae mo, ano? Ang akala mo ba ay walang makakakita sa'yo at sa babae mo na papasok ng Motel na taran**** ka?! Magaling kang mambabae pero wala kang pantustos sa kakatihan niyang t*** mo! Ibalik mo ang pera kong, gag* ka. Ibalik mo kung hindi magkakamatayan tayo!"   "Magkamatayan kung magkamatayan! Tutal sawa na ako sa kakatalak mong pokp** ka! At least si Mildred ay pinapaligaya ako!"   Napaatras sa isang tabi si Samara nang biglang kumuha ng kutsilyo ang kaniyang Itay at itinutok ito sa kaniyang Inay.   "T-tama na. T-tama na po." sa takot na madamay at masaktan ay hindi makasigaw si Samara at ang tanging nagawa ay ang takpan ang mga tainga habang nakapikit.   "Sige, gawin mo! Gawin mong duwag ka! Mula noon hanggang ngayon ay ako lang naman ang nagpapalamon sa iyo! Tapos ngayon pati kabit mo ay ako rin ang gusto mong magpalamon? Putang*** niyong dalawa! Mamatay na kayong mga salot kayo! Magsama kayo sa impyerno!"   Kagaya ng madalas na gawin ni Samara mula pagkabata pa lamang kapag nag-aaway ang kaniyang mga magulang, ay tumalikod siya at idinikit ang noo sa pader habang madiin pa rin ang pagkakatakip sa mga tenga.   Maya-maya pa ay natigilan siya nang hindi na makarinig ng ingay at inakalang tapos na ang away. Unti-unti niyang inalis ang mga kamay sa tenga at lumingon sa mga magulang.   Ang mga matang kanina lamang ay puno ng lungkot ay napalitan ng takot kasabay ng panlalaki ng mga ito sa nakita. Ang bibig niya ay unti-unting bumuka at ilang sandali pa ay isang malakas na sigaw ang lumabas.   "I-Inay? Inay!"   Sa kabila ng nararamdamang labis na sama ng loob at galit para sa kaniyang mga magulang ay hindi niya naiwasang mag-alala. Nahihintatakutan niyang nilapitan ang Inang nakahandusay habang naliligo sa sariling dugo. Ngunit agad na nailayo ang mga kamay at hingang kabayong napatingin sa mga kamay na napintahan ng pula.   "H-hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya!" dinig niyang paulit-ulit na sabi ng kaniyang Itay.   Habang nakatingin sa walang malay na Inay, ay paulit-ulit na umuulit sa isip ni Samara ang ilang beses nitong pangmamaltrato at pang-iiwan sa kaniya. Kung paano siya nitong talikuran kahit na ilang beses siyang magmakaawa. At kung paano itong ngumiti sa tuwing binabayaran at habang nagbibilang ng pera.   Marahil ay ito na ang susing magbibigay sa kaniyang kalayaan.   Dahil na rin sa nakasaksi ay ilang sandali matapos ang pangyayari ay may dumating na mga pulis. Nakatulala lamang si Samara noon habang hinuhuli ng mga ito ang kaniyang Itay Raymart na nagmamakaawa at paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang, "Hindi ko sinasadya."   May ilang pulis na may suot na gloves ang sumuri sa katawan ng kaniyang Inay at maya-maya pa ay umiling ang isa. "Wala nang pulso."   Tatlong kataga. Tatlong salita na hudyat na siya ay wala nang Ina. Na ang kaniyang Ama ay isa nang mamamatay-tao. At tatlong salita na nagpapatunay na siya ay malaya na sa piling ng mga ito.   Malaya na siya! Hindi na siya ibebenta ng kaniyang Inay! Hindi na siya bubugbugin pa ng kaniyang Itay at pagbabataang ipapatay. Malaya na siya!   Ngunit iyon lang ang inaakala ni Samara dahil ang kaniyang Tiya Viviana na kumupkop sa kaniya at inakala niyang naiiba ay hindi pala. Ito, ang asawa nito at mga babaeng anak.   "Papa, Bea, Tony, ito ang pinsan ninyong si Samara na anak ng Ate kong si Myla. Wala na siyang tutuluyan kaya naman kinupkop ko siya." Panimula ng kaniyang Tiyahin habang hawak siya sa balikat. "Samara, siya ang asawa ko ang ang Tito Patrick mo at sila naman ang mga anak ko at mga pinsan mo na sina Bea at Tony."   Marahan at mahiyaing ngiti ang pinakawalan ni Samara sa mga taong bago niyang makakasama. Ang Tito Patrick niya ay may pamilyar na emosyon sa mga mata habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa, dahilan para mayakap ni Samara ang dalang bag na naglalaman ng konting mga damit niya. Si Bea at Tony ay hindi man lamang inalis ang tingin sa tv nila.   Nawala ang ngiti sa mga labi ni Samara kasabay ng pag-iisip na mukhang hindi siya welcome maging sa mga kamag-anak niya.   Payak at hindi nalalayo ang buhay ng kaniyang Tiya Viviana sa kanilang buhay noon. Isa itong mananahi habang isang tricycle driver naman ang kaniyang Tiyo Patrick. Habang ang kaniyang Pinsang si Bea ay dalawa ang tanda sa kaniya at kasalukuyang nasa Third Year High School. Si Tony naman ay mas bata sa kaniya ng dalawa at nag-aaral bilang Grade 6.   Para na rin hindi maging pabigat ay nagkukusa na si Samara na maghugas ng mga pinggan at tumulong sa pagluluto. Madalas siyang ismiran ng kaniyang mga pinsan ngunit hindi na lamang niya binibigyang pansin. Dahil totoo naman na siya ay isang dagdag palamunin lamang sa bahay ng mga ito.   Isang hapon habang natutulog si Samara sa sala na tinutulugan niya ay nagising na lamang siya sa pakiramdam na may mga kamay na humahawak sa hita niya.   Napabalikwas siya ng bangon at awtomatikong umatras palayo sa mga kamay.   "Tama na, Inay. Ayoko na, please!" pagmamakaawa niya sa kaniyang Inay ngunit nakaramdam siya ng pag-alog sa kaniyang mga balikat at bumungad sa kaniya ang mukha ng kaniyang Tito Patrick.   "Ssh. Ayos lang iyan, Samara. Wala na ang Inay mo kaya tumahan ka na, hija."   Naiiyak na napayakap siya rito ngunit napakunot noo siya nang maramdaman ang kakaibang paghawak at paghaplos nito. Naitulak ito ni Samara at niyakap ang sariling katawan upang protektahan ang sarili.   "Sige na, Samara. Pagbigyan mo na ang Tito, ha? Isa lang pramis."   Mariing umiling si Samara. "Hindi po! Ayoko po!"   Sa kabila ng pagtutol niya ay nagpumilit at marahas pa rin siya nitong sinubukang molestiyahin ngunit bumukas ang pinto at dumating na ang kaniyang Tiyahin at mga pinsan. Umiiyak siyang tumakbo palapit sa Tiyahin at nagtago sa likod nito.   "T-tulungan niyo po ako!" lulumuha niyang sabi sa Tiyahin sabay kapit sa damit nito. "Sinubukan po niya akong ga–gahasain!"   "Hindi totoo`yan! Maniwala ka sa akin, Ma. Hindi ko magagawa ang binibintang ni Samara. Natutulog lang ako nang magising ako na hinahawakan niya ako. Sinubukan niya akong akitin at landiin!"   Napaawang ang labi ni Samara sa narinig. "H-hindi! Sa akin kayo maniwala, Tiyang."   Humarap sa kaniya ang Tiyahin niya at hindi na naiwasan pa ni Samara ang sampal na dumapo sa kaniyang pisngi.   "Kinupkop kita dahil naawa ako sa'yo tapos ito ang isusukli mo sa akin? Hindi ko inakalang totoo pala ang narinig kong isa kang malanding babae at maraming nabiktima! Lumayas ka sa pamamahay ko. Lumayas ka!"   Walang dalang kahit na ano at gusot-gusot pa ang damit habang basa ng luha ang mukha ay tinulak siya palabas ng inakala niyang kukupkop sa kaniya at magiging pangalawang Ina. Bakas ang galit sa mukha nito habang dinuduro siya. Habang nakasadlak ay tumatak sa isip ni Samara ang nakangising Tiyuhin at nakatawang mga Pinsan.   Saan na siya pupulutin ngayon?   "Ayaw ko nang makita pa iyang pagmumukha mo sa pamilya ko dahil ayaw kong magaya ang sinapit ng mga magulang mo sa amin! Salot ka, salot!"   Tumayo si Samara at mabigat ang loob na nilisan ang lugar kung saan niya inakalang matatagpuan ang pagmamahal ng pamilya. Walang pagbabanta, walang paninisi at walang galit sa kaniyang puso. Ang tanging nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay awa. Awa para sa kaniyang sarili at awa para sa kaniyang Tiyahin dahil sa mali nitong paniniwala. Sana ay hindi nito danasin ang kaniyang dinanas.   Ngunit mayroon sa kaniyang pusong umuusbong na muhi para sa mga kalalakihan. Pare-pareho itong mga ito na ang tingin sa mga babae ay isang butas na akala nila'y basta-basta nilang dapat na pasukin.   Pare-pareho silang mga uhaw sa p***.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD