Kaibigan. Ang ating sandalan kapag busy o hindi natin masandigan ang ating pamilya. Minsan nga ay mas mapagkakatiwalaan at mas maaasahan mo sila sa oras ng pangangailangan.
Buong buhay ni Samara ay wala siyang naging tunay na kaibigan. Noong nag-aaral siya, naging tampulan siya ng tukso nang kumalat ang balita sa mga kaklase niya na siya'y anak ng pokp*k. Nadagdagan pa ito nang ang kapitbahay nilang kaklase niya ay pinagkalat na madalas mag-away ang kaniyang mga magulang dahil sa babae at sugal. Naging dahilan ito upang lumayo sa kaniya ang iba at dahilan upang maging loner siya. Pero hindi naman niya ito dinibdib at imbes ay pinagbuti ang pag-aaral.
Sa MariFritz niya natagpuan at nakilala ang mga bagong kaibigan sa katauhan nila Madam Fritz at ng kaniyang mga kasamahan. Kaya naman nang humiling si Georgia sa kaniya ay hindi niya ito magawang tanggihan.
Natagpuan ni Samara ang sariling isa sa mga nakapila sa baggage counter kung saan bagger si Onse, ang boyfriend ni Georgia. Madalang niya lamang itong makita dahil kadalasan ay hindi na ito pinapapasok pa ni Georgia sa loob ng bar kapag susunduin siya ng nobyo, kaya naman sigurado siyang hindi siya kilala nito. Idagdag pa riyan na kahapon lang ang unang gabi niya sa pagsasayaw.
Mula sa kinatataguan nito ay tinanguan niya si Georgia. Nang siya na ang nakasalang ay inilagay niya ang mga bibilhin na nakalagay sa basket at patay-malisya. Bahagya niyang iniyuyuko ang ulo upang bahagyang lumantad ang kaniyang dibdib na mababanaag sa v-neck niyang suot. Ilang saglit pa ay pasimple niyang sinulyapan si Onse at huling-huli niya kung paano nitong tignan ang malulusog niyang dibdib. Lihim na napailing si Samara ngunit hindi iyon maituturing na senyales na ito ay hindi na loyal sa kaibigan. Hindi naman tanga at inosente si Samara na maraming lalaki ang madaling maakit sa mapuputing babae na may malulusog na dibdib.
Ika nga, men are born polygamous. Ngunit para kay Samara, men are pigs. At handa siyang patunayan ito kay Georgia.
Nang kukuhanin na ni Samara ang plastic ay nagtama ang kanilang mga kamay at kitang-kita niya sa mga mata nito ang paghanga.
"Thank you." tanging sambit niya at tumalikod na ngunit ramdam niya ang tingin nito sa kaniyang likuran.
Bago tuluyang makalabas ng grocery store, nagulat pa si Samara nang pigilan siya ni Onse. Napakurap-kurap siya habang pinagmamasdan kung paano nito kamutin ang ulo.
"Sorry, Kuya. Nakalimutan ko ba iyong resibo?" kunwari'y nagtataka niyang tanong kahit pa sigurado siyang nilagay niya ang resibo sa plastic.
"Hindi naman. Kasi, ayoko lang palagpasin ang pagkakataong ito, Miss. Can I get your number?"
Bingo. Huli ka ngayon. Napangiwi si Samara sa kaniyang isipan ngunit pekeng ngumiti sa lalaking kaharap bago nagbigay ng random number.
"Salamat, Miss...?"
"Whisky." tugon niya at tinanggap ang kamay nito. 'Kaibigan ni Georgia na girlfriend mo.' Gusto sanang idagdag ni Samara ngunit pinigilan niya ang sarili.
Bago umalis ay kinindatan pa siya nito at nang makatalikod na ito ay doon nanginig si Samara bago tuluyang lumabas. Doon ay hinintay niya si Georgia na naluluha na nang lapitan siya.
"B-Baka naman ka-text lang din ang gusto talaga. Siguro humanga lang sa ganda mo, Samara."
Napailing si Samara sa narinig mula sa kaibigan at hindi makapaniwala. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Georgia? Diyan nagsisimula ang panloloko ng isang lalaki. Huwag mong bigyan ng ibang rason ang pagiging cheater ng boyfriend mo. Once na gumawa sila ng hakbang para lokohin ka, iyon na iyon. Masusundan na iyon at mauulit pa." Lumamlam ang kaniyang mga mata nang umiyak ito. "Huwag mong hayaang lokohin ka ng isang lalaki at isipin nilang lagi mo silang mapapatawad sa bawat pagkakamali nila."
Natigil ito sa pag-iyak at sinamaan siya ng tingin. "Hindi mo ako maiintindihan dahil wala ka namang nobyo! Hindi mo maiintindihan ang sakit dahil isinara mo na ang puso mo sa lahat!"
Wala siyang nagawa nang tumakbo na ito palayo.
At isang gabi bago siya umuwi at narinig pa niya ang pagtatalo ng dalawa sa harap ng MariFritz.
"Wala lang 'yun! Normal lang sa aming mga lalaki na manghingi ng number ng mga magagandang babae pero loyal pa rin kami sa mga girlfriend namin, Georgia!"
Napatawa ng pagak si Samara sa narinig at napailing. "Bulls***. Sabihin mo talagang cheater ka, gag*."
"Kaya ba halos tadtarin mo siya ng text at ilang beses na tawagan sa isang araw, ha? Eh mas marami pa nga ang texts mo sa kaniya kaysa sa akin na girlfriend mo!"
Mula kasi kahapon ay hindi na siya nito tinantanan ng texts at tawag na hindi naman niya tinutugon. May malalaswa pa nga itong text na nag-aaya ng video cam. Ul*l niya.
Ngunit habang pinagmamasdan niya kung paanong magsigawan ang mga ito at mag-away, habang naririnig niya ang murahan at sumbatan ng dalawa, natatagpuan ni Samara ang sariling napapahagikgik. May kakaibang pakiramdam sa kalooban niya lalo na nang ipagsigawan ni Georgia na nakikipaghiwalay na ito kay Onse. Pinanuod niya nang may pananabik sa mga mata kung paano nito sampalin si Onse bago sumakay ng jeep. Pinagmasdan niya kung paanong ang matamis na pagsasama noong una ay nauwi sa masaklap na paghihiwalay.
At natagpuan ni Samara ang sariling natatawa mag-isa.
Dahil ganoon ang buhay, Georgia. Walang lalaki ang mapipirmi sa isang putahe. Lahat sila ay baboy at handang ipasok ang mga t*t* nila sa anumang butas na makikita nila. Wala sa bokabularyo nila ang salitang 'loyal'. At sana ay tumatak sa isip mo na, 'Once a cheater, always a cheater'.
Hindi siya nakakaramdam ng awa at simpatiya sa kaibigan. Imbes ay natutuwa si Samara dahil natulungan niya itong mapalaya sa kamay ng isang lalaking uhaw sa p*ke.
At nang sandali ring iyon ay napagtanto ni Samara na gusto niya ang ginawa at gusto niya ang kinalabasan. At hindi iyon ang magiging huling pagkakataon. At hindi si Georgia ang huling babaeng tutulungan niyang makita kung gaano ka-walanghiya ang lahi ni Adan.
Kinabukasan din habang day off niya, dumiretso si Samara sa bayan upang magpa-print ng kaniyang calling card. Ang nakalagay rito ay ang kaniyang stage name at number, kasama ng mga katagang, 'Tiwala ka ba sa loyalty ng boyfriend o asawa mo? Bakit hindi natin subukan?'
Nang makarating sa kanilang apartment na na dalawang palapag, dumiretso siya sa k'warto kung saan kasama niya si Mykee at Jomari. Nakasalubong niya si Georgia ngunit hindi siya pinansin nito at sa halip ay binunggo pa ang kaniyang braso. Hindi na niya ito binigyang pansin at inisip na nasasaktan pa rin ito.
Ngunit nang lumipas ang mga araw at naging malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya ay hindi na nakatiis pa si Samara at hinarap si Georgia.
"May problema ba tayo? Galit ka ba sa akin?" tanong niya sa kaibigan at pagak lang itong napatawa.
"Tinatanong mo pa talaga iyan? Sino kaya ang puno't dulo nito? Sino ang dahilan kaya ako nagkakaganito?"
Natigilan si Samara at binuka ang bibig ngunit muli itong isinara. "Seryoso ka?" Naibulalas niya dahil sa tinuran nito. "Seryoso ka bang ako ang sinisisi mo sa paghihiwalay niyo ng nobyo mong makati gayung ikaw ang nakiusap? Seryoso ka ba na nagagalit ka sa akin gayung wala naman akong ginawa na hindi mo sinabi?" kunot-noo niyang tanong kay Georgia na nagtitimpi. Isa sa mga natutunan niya sa pagt-trabaho sa bar ay ang lumaban at huwag papatalo.
"At nagsisisi ako! Kung hindi kita kinausap, kung hindi kita nilapitan, kung hindi mo nilapitan ang boyfriend ko, sana ay kami pa rin!"
Napaawang ang bibig ni Samara sa narinig at natagpuan ang sariling natatawa. "Ako talaga ang sinisisi mo, Georgia? Ako na 'kaibigan' mo at 'pinagkakatiwalaan' mo? Dahil sa boyfriend mong salawahan? Huwag mong bigyan ng hustisya ang kagaguhan ng nobyo mo at sa akin isisi dahil wala akong kasalanan! Dahil ito ang sinasabi ko sa'yo, dapat nga ay magpasalamat ka pa dahil sinalba kita sa relasyon ninyong puro kalokohan." Nanggigigil niyang turan bago ito nilagpasan at binunggo rin sa balikat.
Hindi siya makapaniwalang imbes na magpasalamat ito ay minasama pa siya nito! Siya pa ang masama! Siya pa ang may kasalanan!
Nagngingitngit siya nang may tumawag sa cellphone niya. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang unknown number. "Hello?"
"Hello, yes. Whiskey?"
Kumabog ang dibdib ni Samara at humigpit ang hawak sa cellphone. Umusbong ang pananabik sa kaniyang dibdib nang banggitin nito ang kaniyang stage name dahil isa lamang ang ibig sabihin nito, nakita nito ang calling card niya na iniwan niya sa bawat cubicle ng isang comfort room sa isang sikat na Mall.
"Oo ako nga ito. Sino sila?" nakagat ni Samara ang labi matapos sumagot.
"Yes, ako si Marisa Yamato at nakita ko ang calling card mo."
Muntik nang mapatili si Samara sa narinig pero pinigilan ang sarili at hinintay itong magsalitang muli.
"Gusto ko kasing subukin ang loyalty ng asawa ko. I'm willing to pay you as long as you prove to me my husband's loyalty. How can I do that?"
Hindi man nakapagtapos ay nakakaintindi naman ng ingles si Samara dahil ito ang paborito niyang subject. "Ipadala mo lang sa akin ang details tungkol sa asawa mo at ako na ang bahala."
"Okay. Okay. Paano ko naman malalaman ang resulta?"
"Video. Ire-record ko ang mga pangyayari at ipapadala ko ito sa iyo."
At ang video na tinutukoy ni Samara ang actual na pang-aakit niya at ang pagbigay ng mga ito. Dahil tiwala si Samara sa kaniyang sariling alindog at tiwala rin siya na pare-pareho lamang ang mga lalaki. Sigurado siyang mapapatunayan niya ang pagiging saliwete ng bawat isa sa mga ito.
Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga bago bumuga ng hangin. "I hope I won't regret this." saad nito at ibinaba na ang tawag.
Makalipas ang ilang minuto ay natanggap na ni Samara ang mga detalye tungkol sa asawa nito. Hindi akalain ni Samara na matapos ang ilang araw ay may kakagat sa kaniyang pain kaya naman ganoon na lang ang pagkasabik niya.
Hindi lamang kikitain ang habol niya sa raket niyang ito, kung hindi para ibuking at ipakita sa mga babae kung ano ang tunay na kulay ng kanilang mga asawa o nobyo. Kung maililigtas niya kahit lima sa limampung babae sa mga lalaking mapanamantala at mapagpanggap ay sapat na sa kaniya.
"Yugi Yamato, isang sikat na singer? Wow." bulalas ni Samara matapos basahin ang pangalan. "Been married for a year, hmm. Cause of doubt; madalang umuwi sa bahay at palaging rason ay busy. Sus, gasgas na dahilan na iyan, ugok."
Binasa niyang sunod ang schedule ng asawa nito sa mga tour. Agad niyang hinanap sa Google kung ano ang mga kanta nito bago ito pinatugtog. Nagsuot siya ng headset at pinakinggan ang mga kanta nito habang binabasa ang mga bagay-bagay tungkol sa lalaki.
If love is war,
Then I'm willing to fight 'til the end
'Til I can no longer breathe,
'Til my body gives up,
'Til you're mine
Because baby it's youuuu,
It's youuu, youuu,
The one I've been waiting for so long
Never thought I'd find youuu
Nang sumunod na araw ay isa si Samara sa mga hindi magkamayaw na fans habang kinakanta ang bawat liriko. Kaisa siya sa mga nagtatatalon at nagtitiliang mga kababaihan. Ang lahat ay baliw na baliw sa malamyos na boses ng lalaki. Lahat puwera siya. Dahil iba ang pakay niya rito.
Kung sa mukha lang ay talaga namang may ibubuga si Yugi Yamato. Idagdag pa ang lahi nitong hapon na nagpadagdag sa hitsura nito. Kung titignan mo ito ay tila ang bait nito sa mga fans dahil bawat kamay ay hinahawakan nito. At tama nga si Samara nang hawiin ng security ng Mall ang mga fans dahil bumaba ang singer gaya ng kadalasan nitong ginagawa. At doon na kumilos si Samara.
Nakipaggitgitan siya sa mga kababaihan, naniko at nanulak hanggang sa makalapit siya. At nang makalapit ito sa kaniyang harapan ay ginamit niya ang buong lakas at sinamantala ang sitwasyon upang magpanggap na siya'y naitulak dahilan para masadlak siya sa harap nito. At kagaya rin ng kaniyang inaasahan ay inalalayan siya nitong tumayo ngunit siniguro ni Samara na magkakadikit ang kanilang mga katawan.
Dibdib sa dibdib, puson sa puson at ari sa ari. Patuloy ito sa pagkanta ngunit nakita niya kung paano siya nitong pinasadahan ng tingin bago mabilis na nahila si Samara pabalik sa lugar ng mga fans. Ilang segundo pa siyang tinitigan ni Yugi at nagkunwari si Samara na halos maiyak na at pilit na inaabot ang kamay nito kagaya ng iba. At hindi siya nabigo dahil maya-maya pa ay hinawakan siya nito sa kamay. Saglit lamang iyon ngunit naramdaman ni Samara ang pagpisil nito sa kaniyang kamay at lihim siyang napangisi.
Nang matapos ang kanta at bumalik iyo sa backstage ay tumalikod na rin si Samara at nawala ang ngiti sa labi. Mabilis niyang pinahid ang kamay sa suot na hapit na pantalon at inayos ang suot na t-shirt na hubog sa kaniyag magandang hugis na katawan.
Naglakad na siya palabas ng Mall ngunit mabagal ang kaniyang bawat paglalakad dahil may hinihintay siya.
"Miss?"
Bingo. Bulong niya sa sarili bago ikinunot ang noo at nilingon ang tumawag sa kaniya.
"Hi, p.a ako ni Yugi at isa ka sa mga napili niya para ma-meet siya in person." May hinugot ito mula sa pantalon at iniabot ito sa kaniya. "Punta ka lang sa Hotel na iyan at maghihintay siya kasama ng ibang fans."
Suminghap si Samara at nagningning ang mga mata. "Talaga po?! Totoo po bang napili niya ako? Sobrang saya ko po!" pinilit niyang pasiglahin ang boses at ngumiti naman ito at tumango.
"Aasahan ka niya mamayang tanghali."
Nang tumalikod ito ay unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Samara at napatingin sa maliit na papel.
'See you later at Bay Hotel, room 301!'