“Mira, ibili mo nga ako ng sigarilyo sa kanto. Wala na pala ako dito.” Kinilabit ako ni Mama mula sa likod.
Kasalukuyan akong nagwawalis at nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lamang ang aking ginagawa. Napasinghap na lang ako nang bigla niya akong hinablot mula sa likod. Muntik na akong mawalan ng balanse.
“Ano bang problema mong bata ka?! Mula nang dumating ka galing Batangas, hindi na maipinta yang mukha mo. Hindi ka na mautusan. Nagdadabog ka pa!”
Nagdadabog ba ako? Hindi naman, e. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Hinarap ko ito. “Ma, tinanong kita kung bakit pinauwi mo agad ako kahit isang linggo ang usapan natin. Pero hanggang ngayon ay hindi mo ako binibigyan ng matinong sagot. Hindi ko alam kung anong dahilan ng biglaan mong pagpapabalik sa akin dito.” Dalawang linggo na ang lumipas buhat nang umuwi ako mula Batangas. At sa loob ng mga araw na nagdaan, pabigat ng pabigat ang nadarama ko. Buhat nang dumating ako, mas lalong nanlamig si Mama sa akin. Minsan ay nahuhuli ko itong palihim na iniirapan ako. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin.
“Wala ba akong karapatan, Mira? E mas gusto kong nandito ka! At wag mo akong tinitingnan ng ganyan! Gusto mong tusukin ko ng kutsilyo yang mata mong kinaiinisan ko?!” Pinadilatan niya ako.
Kung noon ay tumatayo na ang balahibo ko kapag nakasigaw na ito at natatakot ako kapag ganito na ang anyo ni Mama pero ngayon ay nasa punto na ako parang normal na sa akin ang lahat. Alam ko na naman na kahit anong gawin ko, hindi niya iyon magugustuhan. Hindi niya papansinin lahat ng effort ko para lumambot at ambunan man lang niya ako ng konting pagmamahal. Kung ang sinabi niyang rason ay dahil namimiss niya ako, baka lumuhod pa ako sa kanyang harap at walang humpay na magpapasalamat dahil sa wakas, my mother finally acknowledged me. Pero hindi ganun, e.
Hinablot nito ang walis tambo mula sa aking kamay. “Ibili mo ako ng sigarilyo! Magmatigas ka pa at baka dadapo na ‘tong palad ko sa pisngi mo!”
Nanlaki ang mga mata ko. Sa kabila ng pagiging malamig niya sa akin, hindi pa ako kailanman sinaktan ni Mama. Pero sa nakikita kong anyo niya ngayon, mukhang hindi ito mangingiming saktan ako sa unang pagkakataon. Nanginig ang labi ko at hinaklit ang perang hawak nito. Nanakbo ako palabas ng pintuan. Ayokong makita ni Mama na namumuong luha sa aking mga mata. Nagpahid ako gamit ang dulo ng aking T-shirt. Baka pagtakhan ng mga tao kung bakit ang lungkot ng mukha ko.
“Anak, anong nangyari sa’yo? May nangyari ba?”
Natigilan ako nang makasulubong si Papa sa daan. Tiningala ko ito at agad na lumigid ang panibagong luha. Mas lalong kumunot ang noo ni Papa. Hinila niya ako at pinaloob sa kanyang yakap. Rinig ko ang pagtagis ng kanyang bagang. Hindi ko na kailangan pang sagutin ang kanyang tanong. Iisa lang naman ang rason ng pag-iyak ko at alam ni Papa kung ano, sino iyon.
“Ibibili ko lang ng sigarilyo si Mama, Pa. Bakit ka pala nandito? Akala ko ay sa Sabado pa ang uwi mo?” Pinagaan ko ang boses ko para kahit paano ay maibsan ang pag-aalala nito sa damdamin ko.
Papa Norman cupped my face and dried my tears using his thumb. “Nasa service centre ang sasakyan na gamit ko. Babalikan ko iyon mamayang ala una. Okay ka na ba? Sinaktan ka ba ng Mama mo?”
Umiling ako at binigyan ito ng tipid na ngiti. “Hindi nananakit si Mama, Pa. Nasasaktan lang ako sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko kung anak n’yo ba talaga ako. Ampon n’yo lang ba ako, Pa? Pramis hindi ako magtatampo. At least alam ko ang rason bakit malayo ang loob ni Mama sa akin.” Sinabayan ko iyon ng bahaw na tawa pero ang totoo ay kumikirot ang puso ko.
Papa Norman looked at me with tight expression. “Hindi ka ampon, Mira. Kahit sinong tao diyan ay walang maniniwala na ampon ka. Magkawangis kayo ng Mama mo. Wala ka ngang namana sa akin, e.” He laughed while ruffling my hair. Pagkatapos ay lumambong ang mga mata nitong nakatitig sa akin. “Anak kita at mahal na mahal kita, Mira.”
My throat constricted from concealing my sob to come out. Ayaw kong maging emosyonal dito sa daan. “Mahal din kita, Papa. Sige na po, pumasok ka na sa bahay. Malapit na magtanghalian. Nakapagluto na rin ako. Sabay-sabay na tayong tatlo.”
May dinukot itong pera mula sa bulsa ng kanyang pantalon. “Ito, bumili ka na rin tuloy ng dalawang litrong coke. Yung sukli itabi mo na.”
“Yay!” Napalundag ako. Limang daan kasi iyon. “Daanan ko si Krizette, Pa.” I kissed his cheek and waved at him. My father only nodded at me while grinning.
Nagmadali akong puntahan ang grocery store malapit sa highway. Maraming tindahan malapit sa bahay pero doon ako madalas bumibili dahil mura ang kanilang paninda. Malapit lang din doon ang boarding house ni Krizette.
Nang dumaan ako sa inuupahan niya ay napag-alaman kong wala ito doon. May pasok nga pala sa trabaho ang pinsan kong iyon. Nag-text nga pala ito kanina.
Kapag bored ako sa bahay ay madalas sa kwarto ako ni Krizette tumatambay. Mabait naman ang landlady niya at kilala rin nito ang pamilya ko.
Nang mabili ko na ang isang pakete na sigarilyo ni Mama at dalawang bote ng coke ay umuwi agad ko. Ngunit nasa tapat pa lang ako ng pintuan ay rinig ko na ang pasigaw na boses ni Mama. Binaba ko sa aking gilid ang dalang coke at hinawakan ang doorknob para sana pihitin.
“Dito lang ang anak ko, Norman!”
“Para ano? Lagi mo na lang pinapasama ang loob ng anak mo, Sylvia!”
“Bakit, Norman? Hindi ka ba natatakot na baka malaman ng anak mo na—”
“Ilang beses ko nang sinasabi sa’yo, Sylvia, na wala akong ginagawang masama sa Batangas! Trabaho lang ang sadya ko doon!”
My mother hysterically laughed. “Sabihin mo yan sa ibang tao pero wag sa akin, Norman! Hindi ka ba natatakot kay Arturo?”
Arturo? Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon. Sino si Arturo? Pinagdududahan ba ni Mama si Papa na may ibang babae? Bulag ba ito at hindi makita kung paano siya tignan ni Papa? Every time my father looked at my mother, his eyes were full of longing. Na para bang taon ang nakalipas buhat nang huling masulyapan ni Papa si Mama.
Kating-kati akong pihitin ang seradura at pumasok sa loob para matigil na ang kanilang pagtatalo.
“Bakit naman ako matatakot sa kanya? Malinis ang konsensiya ko. Ikaw lang madumi mag-isip, Sylvia. Isasama ko si Mira pabalik ng Batangas. Doon siya titira sa tiyahin niya at babalik na lamang dito bago magpasukan.”
Suminghap ako at namilog ang mga mata. Babalik akong Batangas? Kailan? Ngayon na ba? Sana ngayon na!
“Hindi maaari! Dito lang si Mira! Dito lang ang anak ko!”
“Ano ba talaga ang problema mo, Sylvia?! Bakit ba ayaw mong pumunta ng Batangas si Mira? Dati-rati naman ay okay lang sa’yo!”
“Noon yun! Noong hindi ka ba bumalik sa buhay niya! Pero ngayon, hindi ako papayag! Ayokong makita nila si Mira! Hindi kita pinigilan sa kahibangan mong magtrabaho ulit sa kanya, Norman, kaya wag na wag mo akong kukwestyuhin kung bakit ayokong manatili sa Batangas ang anak ko!”
“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang masusunod, Sylvia! Sarado na ang puso at isip mo! Kahit anong paliwanag ko ay hindi mo tatanggapin kaya mula ngayon, gagawin ko kung ano ang gusto ko! Isasama ko sa Batangas si Mira, gusto mo man o hindi!”
“Wala kang hiya, Norman! Hindi ka na nahiya sa akin at kay Mira!” Humagulhol si Mama. “Sige, gawin mo ang lahat ng gusto mo! At gagawin ko ang lahat ng gusto ko!”
“Wala na akong pakialam pa, Sylvia! Matagal na akong nagtitiis sa ugali mo. Kahit ilang beses kong ipaliwanag, ipaintindi at ipadama na mahal kita, binaliwala mo iyon! Bahala ka na sa buhay mo. Si Mira na lamang ang iintindihin ko mula ngayon! Si Mira na lamang ang rason bakit humihinga pa ako ngayon!”
“At ang babae mo! Hindi kita pinakasalan para gawin mo lamang panakip-butas, Norman! Kung alam ko lang ay pinigilan ko sana ang sarili kong ibigin ang isang tulad mo! Kaya ako ganito ay dahil sa’yo! Sinira mo ang buhay ko!”
“Hindi yan totoo! Pinakasalan kita dahil mahal kita, Sylvia. Minahal kita. Alam ng Diyos ang katotohanang iyan, tunay kong intensiyon. Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan. Hindi ako nagkulang ng pagpaparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal noon. Pero ngayon, unti-unti nang nawala iyon dahil na rin sa kagagawan mo. Buhat nang ipinagbuntis mo si Mira, unti-unti ka ring nagbago. Naalala mo ang araw na sinuntok-suntok mo ang iyong tiyan at dinugo ka dahil ayaw mo sa batang nasa sinapupunan mo? Tinanong kita noon bakit ayaw mo sa bata na pareho nating binuo. Iyak ang nakukuha kong sagot sa’yo. At noong nanganak ka, ni hindi mo magawang tignan o padedehin man lang ang sanggol kahit gutom na gutom na ito. Ang sabi ng doktor ay may postpartum depression ka at kailangan ka naming intindihin, pero labin-limang taon na ang nakalipas, Sylvia. Wala pa ring nagbago sa pakikitungo mo sa anak mo at sa akin. Hindi ako makakapayag na magpatuloy pa ito. Tapusin na natin ang kahibangang ito.”
Hindi na sumagot si Mama. Ang sunod kong narinig ay ang nagmamadali nitong mga yabag. Siguro ay pumasok ito sa kanilang silid at magkukulong na naman iyon doon.
Tumingala ako at humugot ng hininga. Mabilis akong nagpahid ng luha. Dapat ay hindi mapansin ni Papa na narinig ko ang kanilang sagutan. Hindi ako naniniwala sa bintang ni Mama kay Papa. Sobrang bait ni Papa. At alam kong hinding hindi ito magtataksil kay Mama sa kabila ng ugaling pinapakita ng huli. My father didn’t do anything except loving my mother all his life.
I clicked the doorknob open. “Pa? Nakabili na ako. May porsyento ang bote. Kailangan maubos natin ‘to para maibalik natin agad at nang makuha ko yung ten pesos na binawas.” Dire-diretso ang lakad ko patungong kusina. Bahagya kong sinulyapan si Papa na tahimik na nakaupo sa sofa ng sala. Nakayuko ang ulo nito habang nakatukod ang mga braso sa kanyang tuhod. Ang mga daliri ay nakasalikop.
I bit my lower lip. Looking at him so defeated and helpless made my heart break into pieces. Hindi iilang beses kong nakita ang bigo nitong anyo subalit naaapektuhan pa rin ako.
Lumunok ako at magaan ang mga hakbang na lumapit sa kanya. “Kain na tayo, Pa? Si Mama?” I prayed hard na sana hindi pumiyok ang boses ko.
Nag-angat ng tingin si Papa at ang ekspresyon ng kanyang mukha ay halos ikadurog ng damdamin ko. May nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi pero ang mga mata’y namumula na tila ba kakagaling lang sa iyak o di kaya ay nagpipigil lang di mapaiyak.
He cleared his throat. “Babalik akong Batangas ngayon, Mira. Gusto mong sumama pabalik doon? Naka-usap ko na ang Mama mo at…uhm… ayos lang sa kanya. Pumayag siya.”
I swallowed. He lied. Of course, he would. There’s no way he would tell me they just fought, and my mother was very adamant about her decision not letting me go back to Batangas.
Nagkunwari akong nagulat sa narinig mula sa kanya. “Talaga, Papa? Okay lang talagang sumama ako sa’yo? Ilang araw naman ako doon?”
He smiled. “Bumalik ka na lang dito bago magbukas ang pasukan, Mira.”
“Yay!” I did a victory pose and I looked very silly by doing so, but I didn’t mind because it made my father laugh vigorously. It was probably the best laugh I heard from him for a long time. He stood up and pulled me. He hugged me so tight, and I felt him kissing the top of my head.
“I’m sorry, anak. Sa lahat-lahat.” He murmured.
Umiling ako habang nakabaon ang mukha sa kanyang dibdib. “Ikaw ang the best Papa sa buong mundo. I love you, Papa.”
“Mahal din kita, anak. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi kita pababayaan. Ikaw ang mundo ko, Mira. Ikaw na lamang ang nagbibigay ng lakas sa akin. Patawarin mo si Papa kung marami akong pagkukulang sa’yo. Pero hindi pa naman huli ang lahat, di ba?”
“Papa, wala kang pagkukulang sa akin. Sobrang bait mo kaya at lagi kang nandiyan kapag kailangan kita. Kahit hindi na kita gaanong nakikita dahil sa bago mong trabaho, hindi naman ako nagtatampo kasi alam kong para iyon sa akin at sa kinabukasan ko. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo, Pa. Pangako, mag-aaral talaga akong mabuti kahit may kabobohan akong taglay.” I chuckled and he grinned.
“Okay na sa akin na makapagtapos ka ng pag-aaral, Mira. Aanhin ko naman yang mga parangal at medalya na yan? Hindi ang mga yan ang sus isa tagumpay. Diskarte, tiyaga at sipag lang ang kailangan mo para makamit ang iyong pangarap. Lagi mong tandaaan na andito lang si Papa na aalalay sa’yo sa lahat ng pagkakataon.”
My face was all scrunched up. “Ano ba yan, paiiyakin pa ako.”
His contagious laugh filled my ears. “Kumain na tayo. Tayo na lang munang dalawa. Wag mo nalang disturbuhin ang Mama mo at baka natutulog iyon. Pagkatapos ay igayak mo na rin ang mga gamit na nais mong dalhin sa Batangas. Mahaba-haba ang bakasyon mo na ito kaya siguraduhin mong may sapat kang damit na dala.”
“Wash and wear lang, Papa, keri na.” Biro ko. “At isa pa, marami namang tiangge sa bayan tuwing Linggo. Pwede kaming mamili ni Tiya Lorna ng mga ukay-ukay doon.”
He nodded in agreement. “Sabagay.”
**********
“Papa, ang gara ng sasakyan na’to.” Manghang sambit ko habang iniikot ang tingin sa loob ng kotse. Nasa passenger seat ako nakaupo. Ang di kalakihang maleta ko ay nilagay ni Papa sa trunk.
“Nasa magkano kaya ito?” Pinasadahan ko ng aking daliri ang walang kaabog-abog na dashboard.
“Wag mo na lang itanong anak at tiyak akong malulula ka.” He answered. “Nagpaalam ka ba sa Mama mo?”
Pagkatapos kasi naming mananghalian ni Papa, umalis ito para kuhanin ang sasakyan na nasa service centre. Pinapalitan daw kasi nito ang mga gulong. Makalipas ang isang oras ay sinundo na ako ni Papa dala ang sasakyan.
I leaned against my seat. Tumanaw ako sa bintana. “Kinatok ko ang pintuan ng silid pero hindi niya ako pinagbuksan pa. Sinabi kong aalis na ako. Wag na daw akong bumalik.” I faked a chuckle.
He sighed. “Hayaan mo na ang Mama mo, Mira. Habang nasa Batangas ka, mag-enjoy ka sa bakasyon mo. Mula ngayon anak, mag-focus ka sa sarili mo, sa kung ano ang tunay na magpapaligaya sa’yo.”
Tipid akong ngumiti. Gusto ko sanang isagot sa kanya na ang tunay na magpapaligaya sa akin ay ang maramdaman nang tuluyan ang pagmamahal ni Mama at maging buo kaming tatlo. I envied my classmates and friends who would go out with their families whenever they had time. I couldn’t recall a single moment my parents and I went out to eat or shop in malls. Parang suntok sa buwan. Sa mga sketches at drawings ko lang kayang maging buo kaming tatlo. Ang hirap gawin sa totoong buhay.
Ilang sandali pa ay saka ko lang napansin na hindi pamilyar ang kalsadang tinatahak namin. Kumunot ang noo ko. Malalaking bahay ang nakikita ko sa labas.
“Short-cut ba ito, Pa?” Nasanay ako sa route ng bus kaya hindi ko mapigilang magtanong. Dahil naka-private vehicle kami, malamang ibang route kami dadaan. Baka hindi aabutin ng isang oras ay nasa Batangas na kami.
Umiling si Papa Norman. “Hindi, anak. Nandito tayo ngayon sa The Forbes. Susunduin lang natin ang bunsong anak ng Senyora, pagkatapos ay didiretso na tayo sa Batangas.”
Halos mabali ang leeg ko sa pagbaling ko sa kanyang direksiyon. Tama ba ang narinig ko mula kay Papa? Susunduin ang bunsong anak? Si Romano?
Bumukas ang malaking gate sa harap namin. Tumahip ang dibdib ko. Kahit fully-airconditioned sa loob ng sasakyan, naramdaman ko ang paglatay ng pawis sa mula sa aking batok pababa.
Hinawakan ko ang braso ni Papa para pigilan ito. Sunod-sunod akong lumunok. “Papa…” My voice trembled.
“Anong problema, Mira? Namumutla ka, anak. Okay ka lang? Inaatake ka ng migraine mo? Pumasok muna tayo sa driveway at ihihingi kita ng gamot sa kasambahay.”
Umiling ako. “Papa, si Romano ba ang susunduin natin?”
My father’s eyebrows furrowed. “Nabanggit ko na ba sa’yo si Romano, Mira?”
“Ano kasi, Pa.” Kumagat-labi ako. Lintek, naiihi ako sa nerbiyos. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na nakilala ko na si Romano? Paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan na nangahas akong pasukin ang pag-aari ng bunsong Salvatore? Paano kung mapahamak ang trabaho ni Papa dahil sa ginawa ko? At si Romano, paano na lamang kapag nalaman nitong ibang pangalan ang binigay ko sa kanya?
“Ano, Mira? Okay ka lang? Nanginginig ka. Nagkita ba kayo ni Romano sa Batangas? Ang alam ko’y hindi umaalis sa villa ang batang iyon.”
“Tinulungan niya ako, Pa.” Napapikit ako. Kailangan kong maghabi ng kwento dahil hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang totoong nangyari! Kasi si Papa, gusto niya na detalyado ang paliwanag mo. Alangan naman sabihin ko sa kanya na illegal akong pumasok sa lupain ni Romano at halos hubo’t hubad akong nahuli ng lalake sa ilog? Que horror! Baka atakehin ang Papa ko sa ginawa kong kapangahasan.
“Sa papaanong paraan?” Umusog ang sasakyan. Umusal ako ng panalangin na sana ay hindi agad lumabas sa kanilang nakakalulang mansiyon ang lalake para may pagkakataon pa akong magpaliwanag.
“Naligo kasi kami ni Krizette sa parang tapos may asong kalye na tinangay ang damit kong pamalit. Sinundan ko ang aso na pumasok sa gubat tapos nawala ako. Napagbatid kong nakarating na ako sa lupain ng Alcantara at hustong nandun si Romano kaya tinulungan niya akong makuha ang damit ko mula sa aso. At dahil hindi ko matandaan ang daan pabalik, tinuro niya sa akin ang tamang daan pauwi.” Sunod-sunod akong huminga nang matapos ako sa aking eksplenasyon. I crossed my fingers behind my back.
“Hmmm…ganun ba. Buti hindi asong ulol yun. Kapag mangyari ulit ay wag mo nang habulin pa ang aso, Mirasol. Mamaya may rabies yun at makagat ka. Bakit hindi mo binaggit ito sa akin? Napasalamatan ko sana si Romano sa pagtulong niya sa’yo.” Tinahak ng sasakyan ang may kahabaan na driveway.
“Nakakahiya kasi, Papa. Tsaka nagpasalamat naman din ako. Hindi niya alam na anak mo ako. Tsaka isa pang bagay, Papa….” I took a deep breath. “Nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ko sinabi na Mira ang totoong pangalan ko. Sinabi ko na ako si Maya. E, kasi nga po ayaw kong malaman mo. Baka mapahamak pa ang trabaho mo sa pamilya niya, Pa.”
“Maya? Ano ka, ibon?” He chuckled. “Ikaw na bata ka. Kailan mo pa natutunan magsinungaling, ha.” Tumigil kami sa mismong tapat ng mansiyon.
“Papa, wag mo na lang banggitin sa kanya ang totoong pangalan ko, please. Baka isipin niya hindi sinsero ang pagpapasalamat ko dahil nagsinungaling ako sa totoo kong pangalan. Tsaka alam n’yo naman na paborito ko ang ibong Maya.” Ngumuso ako. Nagpalusot na naman ako. “Maya ang itawag mo sa akin kapag nandiyan siya, Papa. O di kaya ay ‘anak’ na lang para hindi ka minus points sa langit.” I grinned.
Sumusukong umiling ang aking ama. “Ewan ko na lamang sa’yo, Mira este Maya. Puro ka kalokohan.” He side-eyed me and I hollered with laughter. Madali lang talaga kausapin ‘tong Papa ko. Kaya nga da best siya sa buong mundo.
Binaling ko aking tingin sa labas ng bintana at binusog ang aking mga mata sa nakakamanghang tanawin. Ang ganda naman ng garden! May malaking fountain pa sa gitna! Ang gara naman! Ito pala ang hitsura ng The Forbes. Ang alam ko’y puro mga maimpluwensiyang pamilya ang nakatira sa subdibisyon na ito. May swimming pool kaya sila?
Itatanong ko sana kay Papa nang nahagip ng aking mata si Romano na kakalabas lang sa malaking pintuan ng mansiyon. He’s wearing light brown cargo shorts, a white polo shirt and sneakers. His dark glasses were on top of his head. May black backpack din itong suot sa balikat.
Two weeks. Kung tutuusin ay maiksing panahon lang iyon peor bakit tila ang laki ng pinagbago ni Romano? He looked like a man now. Nakayuko ito habang nakatanaw sa cellphone. Sino kaya ka-chat nito? Girlfriend kaya niya? May girlfriend siya? Panigurado.
Saglit kong inalog ang aking ulo. Tanong ko, sagot ko. Baliw ka na, Mira.
Dahil tinted ang salamin ng sasakyan ay batid kong wala itong idea na nandito ako sa loob. I cleared my throat and sat properly. Pasimple kong inipit ang aking takas na buhok sa likod ng aking tainga. Gusto ko sanang magsuklay pa pero wala na akong panahon. At isa pa, baka bigyan pa ito ng ibang kahulugan ni Papa. Alam kong tinitignan ako nito ngayon nang makahulugan pero kahit pa siguro magka-stiff neck ako ay hindi ko ito lilingunin.
I heard the opening of the door from the backseat. I could hear the loud beating of my heart in my ears. Napayuko ako at parang gusto kong mamaluktot na lamang.
“Magandang tanghali, Manong Norman.” He greeted him in a friendly tone pero sapat na iyon para panindigan ako ng balahibo. Ang swabe ng boses ng lalakeng ‘to pero malakas ang kutob kong sintunado ito kapag pinakanta. No man could ever be that perfect, right?
“Magandang tanghali din sa’yo, hijo.” Sagot ni Papa. Siniko ako nito at sumenyas gamit ang kanyang matalim na mga mata. Yeah, it’s only right to make my presence known to him.
Ngumuso ako at nilingon ang likod. Nakayuko pa rin si Romano at busy sa pagdutdot sa kanyang cellphone. Nakaangat pa ang gilid ng labi nito na tila aliw na aliw sa binabasa. Umirap ako sa hangin.
Malakas akong tumikhim na siyang nagpa-angat ng kanyang tingin.
Kumaway ako. “Hi, kuya Romano.” Pang-aasar ko.
Romano’s mouth fell open. Ang cellphone na hawak ay tuluyang nalaglag sa sahig ng sasakyan pero hindi nito iyon pinansin.
“Maya…” He whispered, still in shock. “What…. How…. Why are you here?”
“Hijo, pasensiya na kung isasabay ko ang anak ko sa biyahe natin pa-Batangas. Pagpasensiyahan mo na ‘tong anak ko ha. Medyo may pagkapilya din kasi. Salamat pala sa pagtulong mo sa kanya para makauwi nung nawala siya sa gubat. Naikwento niya sa akin kung paano kayo nagkakilalang dalawa.” Inabot ni Papa ang aking ulo at hinaplos ang aking buhok.
Pinaglipat-lipat ni Romano ang kanyang tingin sa aming mag-ama. “Anak n’yo si Maya? At ano po sabi n’yo? Nawala siya sa gubat?”
Pinandilatan ko si Romano at bahagya akong umiling. Nang makuha nito ang ibig kong sabihin, lumapad ang ngisi nito. Muntik ko nang makalimutang huminga sa pagngisi niyang iyon.
“Maiwan ko muna kayong sandali, Romano, Mir—Maya. Tawag ng kalikasan.” Tumawa si Papa at halos sabay kaming tumango ni Romano. Romano’s eyes remained on me kahit ba nakamata si Papa sa kanya.
Nang umibis si Papa sa sasakyan ay saka pa lang ako tila nakahinga. Kailangan kong balaan ang lalake na wag magkwento kay Papa tungkol sa totoong nangyari sa ilog.
Pinagsalikop ko ang aking palad na tila nagdadasal. Ang lalake ay nakatitig pa rin sa akin. “Romano, please, wag mo sanang banggitin kay Papa kung paano tayo nagkakilala. Sinabi ko na—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lamang inabot ni Romano ang mga palad ko at hinila ako.
“Sit here beside me.” Patuloy niya akong kinabig palapit sa kanya.
“Sandali naman!” Reklamo ko. Nagpatangay na lamang ako dahil kung magmamatigas pa ako ay baka mahati ng tuluyan ang katawan ko.
Naupo ako sa kanyang tabi. “Ang sinasabi ko, Romano—”
I was caught off-guard yet again. Naramdaman ko na lang na nakakulong na pala ako sa kanyang mga bisig. His warmth engulfed me.
“Romano…anong ginagawa—” I felt his hand cupping the back of my neck.
“Alam mo bang dinasal ko sa Diyos na sana sa pagbalik ko sa Batangas, makita kitang muli. Hindi ko akalain na papunta pa lang doon, makikita na kita.” He murmured just above my ear. “I can’t get you out of my head, Maya. It’s been two weeks since I last saw you, but I felt like it’s been years. Nangako akong kapag makita kitang muli, I will be honest with you. Please hurry to grow up, babe.”
“Huh? Ano bang sinasabi mo. Nabaliw ka na ata.” I tried to free myself from his hold, but he tightened his arms around me.
“Let me go, please. Baka abutan tayo ni Papa.” Kabado ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot na mahuli kami ng ama ko na magkayakap o dahil sa mga salitang binibitawan ni Romano sa akin ngayon. I am not hallucinating, am I?
Lumuwag ang yakap nito sa akin. Lumayo ako sa kanya pero ang kanyang isang kamay ay nanatiling nakapatong sa aking balikat.
Romano lifted my chin and cupped it in his hand. Our gazes locked. “I’ll be eighteen in two months. Handa na akong ligawan ka. Ang tanging tanong lang dito ay, handa ka na bang magpaligaw sa akin?”
Kumurap ako. Nababaliw na nga ang lalakeng ‘to.