THREE: DATE

4899 Words
“Papa, ang usapan ay isang linggo!” Pabagsak na binitawan ko ang kutsara at gumawa iyon ng ingay. Agad na lumigid ang luha sa aking mga mata. Tinapunan ako ng masamang tingin ni Tiya Lorna. Hindi nito nagustuhan ang aking inasal. Gusto kong pagsisihan ang ginawi ko sa harap ng grasya pero mabigat ang kalooban ko.  Hindi ako handa sa sinabing iyon ni Papa. Papa Norman side-eyed me. Mabait ang Papa ko. Kahit madalas ay lumalabas ang sungay ko, nasasagot si Mama ng pabalang, hindi pa ako kailanman pinagalitan ni Papa. Ang lagi nitong ginagawa ay kinakausap ako sa mahinahon na paraan. Hindi ko matandaan na pinagtaasan ako nito ng boses. Kumagat-labi ako at humikbi. Kung nandito lang si Krizette ay tiyak akong kanina pa iyon nagtatalak. Kaso, ang pinsan ko ay lumuwas na pabalik ng Maynila kaninang umaga dahil sa kulang daw ng staff sa store na pinapasukan nito. Kung alam ko lang ay sana sumabay na lang ako sa kanya. “Kuya, tatlong araw pa lang ang pamangkin ko dito. Bakit naman biglaan agad ang kanyang pagluwas sa Maynila?” Hindi na pagilan ni tiya ang magtanong. Inusog nito sa direksiyon ko ang bandihado na may lamang adobong manok. She inclined towards to me. “Kumain ka pa.” She whispered. Si Papa naman ay bumuntong-hininga. Binaba nito ang hawak na kubyertos at humarap sa akin. Inabot nito ang aking kaliwang palad at pinaloob sa kanya. “Nagbago isip ng Mama mo anak, e. Kailangan ka daw niya dun. Nalulungkot siguro ang Mama mo dahil siya lang mag-isa sa bahay.” Halos gusto kong tumawa sa sinabi ng aking ama. Alam naming pareho na malayo iyon sa katotohanan. Kailan pa nalungkot si Mama? Kapag nasa bahay nga kami pareho ni Papa ay siya nga iyong panay alis ng bahay at madaling-araw na kung umuuwi? Si Mama ang klase ng taong hindi mo mapapapirmi sa bahay ng buong araw. Alam ko kung bakit sinabi iyon ni Papa. Ayaw lang nito na mas mapasama si Mama sa mata ni Tiya Lorna. Pero kahit hindi namin sabihin, alam ni tiya na hindi masaya ang pamilya namin. Alam ni tiya na may problema sa kanilang mag-asawa. “Kailangan niya si Mira? Dahil ba wala siyang mautusan sa mga gawaing bahay?” Si tiya na umismid kay Papa. “Dito lang si Mira. Luluwas siya sa Sabado katulad ng napag-usapan.” “Lorna.” Matigas na tawag ni Papa sa kanyang pangalan. “Luluwas si Mira bukas. Mahaba pa naman ang bakasyon. Pwede ka pang bumalik dito sa Batangas, anak. Hayaan mo at kakausapin ko ang iyong ina.” Nagpahid ako ng mga luha gamit ang likod ng aking palad. Pagkatapos ay pinagdiskitahan ko ang laylayan ng aking T-shirt at kinusot-kusot iyon. I was angry but I couldn’t show it to them. “Mira.”  Pagsusumamo ni Papa. Kahit labag man sa loob ko ay inangat ko ang aking tingin sa kanya at tumango. Inabot ni Papa ang likod ng aking ulo at banayad na hinaplos iyon. “Mahal mo naman si Mama mo di ba? Unawain na lamang natin siya. Hindi man sabihin ng Mama mo, alam kong mahal niya tayo at kailangan niya tayo.” Si Tiya Lorna ay napapailing na lamang. Ano pa ba ang magagawa ko? Kahit ano pa ang sabihin ni Mama ay sinusunod lagi ni Papa. Parang ginawa na niyang panata sa buhay ang pagsilbihan si Mama sa abot ng kanyang makakaya. Pero tama din naman si Papa. Kahit malamig ang pakikitungo ng aking ina sa akin, mahal ko pa rin ito. Ipinaglagay ako ng kanin ni Tiya sa aking plato. Umiling ako pero pinanliitan lamang ako nito ng mga mata. Wala na sana akong balak pang kumain. Nakakawalang-gana naman kasi ang biglaang anunsiyo na iyon ni Papa. Tumayo si Papa kahit may laman pa ang kanyang plato. Tinignan nito ang kanyang relong pambisig. “Kailangan ko nang bumalik sa Villa Alcantara. Tutungo kami sa Laguna ni Leona.” Hindi nakaligtas sa akin ang pagtawag ni Papa na ‘Leona’ kay Senyora Leonora. Hindi iilang beses kong narinig na namutawi ang pangalang iyon sa kanyang bibig.  Gusto ko mang itanong ay hindi na lamang. Minsan ay narinig kong ‘Leona’ din ang tawag ni tiya sa senyora. Siguro ay palayaw iyon ng senyora noong kabataan pa nila. “Anong gagawin nyo dun, kuya?” Tita Lorna asked, looking up to her brother while sipping her water. “May dadaluhan ata siyang kasal. Wag mo nang hintayin na makabalik agad ako, Mira. Tiyak akong gabi o di kaya ay bukas ng umaga ang balik namin.” Tumango ako na hindi ito tinapunan ng tingin. He sighed and came closer to my side. He crouched down and dropped a kiss on my forehead. And just like that, unti-unting nawala ang tampo ko sa kanya. “Hindi ka ba makakaluwas sa Maynila bukas, Pa? Magko-commute lang ba ako?” Sandali itong nag-isip. “Hindi ko sigurado, anak. Kapag nakauwi kami ng maaga ay baka makaluwas ako ng Maynila bukas. Isasabay kita.” He grinned. Tipid akong ngumiti kay Papa. His soft eyes gazing at me were slowly melting my resolve. I could never stay mad at my father for long because I cared for him a lot. **********   Siguro ay sampung minuto ko nang tinitigan ang T-shirt na maayos na nakayupi sa ibabaw ng aking kama. Nang makauwi kami ni Krizette sa bahay pagkatapos ng ginawa naming kabulastugan sa ilog Alcantara, agad kong pinasuyo sa pinsan kong labhan ang damit. Alam ko kasi na hindi na magtatanong pa si tiya Lorna kapag mapansin man nito ang T-shirt. Iisipin nitong pag-aari iyon ng boyfriend ni Krizette. Nang matuyo ang damit ay maingat ko pang pinlantsa iyon at tiniyak na walang gusot na makakalusot sa aking paningin. Nang malaman ko kagabi na luluwas si Krizette kinabukasan pabalik ng Maynila ay sandaling nagdiwang ang aking kalooban. At least, hindi ko na kailangan pang maghabi ng kwento kung bakit kailangan kong bumalik sa lupain ng Alcantara. Ang problema ko na lamang ngayon ay anong excuse ay sasabihin ko kay tiya Lorna para payagan niya akong makalabas. Malapit nang mag-alas kwatro at tiyak akong nag-aabang na tiyak si Romano doon sa bakod. Napapitlag ako sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng aking silid. “Mira, natutulog ka ba?” Boses iyon ni Tiya Lorna. “Hindi po, tiya!” Agad kong kinuha ang aking unan at pinatong doon sa T-shirt ni Romano. Mabilis kong tinakbo ang study table at naupo doon. Kinuha ko ang lapis at kunwari ay nagguguhit ako sa aking sketchbook. “Anong ginagawa mo?” I picked up the book and showed it to her. “Nagguguhit ako, tiya.” Sagot ko. “Ano yan? Cartoons?” “Anime character, tiya.” Tawa ko. “Hindi mo alam siguro mga ‘to. Ginuguhit ko si Tamahome ng Fushigi Yugi.” Kahapon ko lang inumpisahan at malapit ko nang matapos si Tamahome. Baka bukas ay pwede ko nang kulayan. Isusunod ko si Hotohori kapag ganado akong magdrawing. She rolled her eyes as she waved her hand in the air. “Sigurado ka na bang luluwas ka bukas? Pwede ko namang tawagan ang mama mo para kausapin.” “Wag na po tiya. Alam mo naman yun si Mama.” Tiyak akong pagsisimulan ng gulo kung sakaling magka-usap ang dalawa. Mainitin ang ulo si Mama samantalang si tiya ay mahaba ang pasensiya pero palaban ito at mas lalo lang lalala ang sitwasyon. Kami ni Papa Norman ang maiipit. “Gusto mong sumama sa akin at sumali sa community service ng barangay? Baka kako naiinip ka dito. Mamimigay kami ng ilang grocery package sa mga bahay na malayo sa kabihasnan.” “Ngayon na po ba?” “Oo. Sa Barangay Hall magkikita-kita ang mga volunteer.” “Pero baka gabihin tayo, tiya.” Gusto kong sumama pero ayokong abutan kami ng dilim sa daan. “Tiyak iyan, Mira. Dapat kasi ay kaninang umaga pero kanina lang tanghali dumating ang supply kaya nag-pack pa muna ang mga kagawad natin at ilang volunteers. Hindi ako nakatulong dahil na rin sa panahi ko. Kung ayaw mong sumama ay ayos lang iyon sa akin. Pero okay lang ba sa’yo na mag-isa ka muna dito? Ang sabi ni kapitan ay makakabalik kami bago mag alas otso ng gabi. Hindi na namin susubukin pang tumawid sa mas malalayong bukirin dahil gahol na rin sa oras. Babalikan na lang namin bukas ang mga nasa mas malayo pa.” “Dito nalang po ako, tiya.” Pagkatapos ko iabot kay Romano ang T-shirt niya ay uuwi agad ako dito. Wala akong balak magtagal doon sa teritoryo ng lalakeng yun. “Sige, ikaw ang bahala. May tira pa namang ulam sa ref. Initin mo na lang ang adobo at wag mo na akong idamay pa sa saing mo. Sa bahay ni kapitan kami didiretso at may konting salo-salo daw doon. Ang papa mo naman ay wag mo nang asahang makakabalik agad. Tiyak akong doon na sa Laguna yun magpapaumaga.” Tumango ako. “Sige po, tiya.” Kung aalis ang tiya ay mas madali na lamang sa akin ang makalabas at puntahan si Romano. Mayamaya lang ay nagpaalam na si tiya Lorna. Napatingin ako sa wall clock. Alas kwatro y media. Kailangan kong magmadali kung ayaw kong abutan ng dilim sa gitna ng masukal na daan patungo sa lupain ng Alcantara. Nilagay ko muna sa magandang paper bag ang T-shirt ng lalakeng yun at pagkatapos ay kinuha ko ang sling bag at sinukbit sa aking balikat. Pagkatapos kong tiyakin na nakasara ang mga bintana at naka-lock na rin ang pintuan sa likod, tuluyan akong lumbas ng bahay. I made sure na na-lock kong maigi ang front door ng bahay. Madalas ay maingay ang kalsada at puno ng mga batang naglalaro ng patentero at tagu-taguan kapag ganitong oras. Pero dahil siguro busy ang barangay sa kanilang misyon ay tahimik ang kalsada at iilang tao lamang ang namataan ko. Tinalunton ko ang daan patungo sa parang at nang sa tingin ko’y walang nakatingin sa akin, lumiko ako at pumasok sa makitid na daaanan patungong gubat. May dala akong flashlight sa aking bag kung sakaling abutan ako ng dilim. Pinagdarasal ko na lamang na sana ay wala akong makasalubong na ahas o di kaya ay ibang mailap na mga hayop. Dahil hapon na ay malakas na ang ihip ng hangin. Mabuti na lamang talaga at naisipan kong magsuot ng sweater dahil kung hindi, tiyak akong nangilkig na ako sa lamig. Binilisan ko ang aking lakad hanggang sa makarating ako sa partikular n bakod na iyon. Umakyat ako sa bato saka ako tumalon sa kabila. Hindi naman kataasan kaya sisiw lamang sa akin. Sa paglabas naman ay madali lang din. Ni-check ko ang loob ng paper bag para suriin kong nawala ba sa ayos ang damit ng lalake. I smiled when it was still intact and neatly folded. I was expecting him to meet me at the border pero hindi ko mamataan ang lalake kahit nakapasok na ako sa teritoryo niya. Nasaan kaya ito? Nasa loob kaya ng cottage? Dumiretso ako patungo sa cute na cottage nito. Pinapalibutan iyon ng Bermuda grass at may mga magandang halaman na nakahilera sa gilid.  Napangisi ako. Plantito siguro si Romano. Mukhang mahilig siya sa mga halaman. His cottage was made from wood and timber. Nipa lang din ang nagsisilbing bubong ng kanyang cottage. Ang simple ng mga materials at design. Ang mga bintana ay gawa naman sa capiz na katulad ng sa bahay ni tiya Lorna. Pansin ko agad na sarado ang mga iyon. Tumapat ako sa pintuan at kumatok. Sana lang ay walang makakita sa aking ibang tao at baka ano pa ang isipin. Baka akala nila ay may balak akong magnakaw sa pag-aari ng bunsong anak ni Senyora. Nakailang katok na ako ay walang nagbubukas ng pinto. I gnawed my lips. Mukhang wala ang lalakeng yun, a. Akala ko pa naman ay aabangan niya ako, di naman pala. Sa hindi mawaring dahilan ay bumigat ang pakiramdam ko. “Hmmp. Iwan na nga lang kita dito.” Kausap ko ang paper bag. Sinabit ko iyon sa doorknob. Dahan-dahan akon umatras at kumaway pa ako sa paper bag bilang pamamaalam. “Sandali!” Napabaling ako sa tinig mula sa malayo. Namataan ko si Romano na tumatakbo papalapit dito. He was gasping for air when he finally came near me. Nakatukod ang mga kamay nito sa kanyang tuhod at sunod-sunod na sumagap ng hangin. Tagaktak ng pawis ang kanyang mukha at basa rin ng pawis ang dress shirt nito. Pinilig ko ang aking ulo dahil sa pagtataka. Bakit parang galing sa isang party ang lalake? He looked so formal. Naka black leather shoes din ito. Yung ganitong pormahan niya ay nakikita ko lang sa mga artista sa TV. “Give me a minute to catch my breath.” He said while catching his breath. “Sige lang. Breathe in, breathe out. Libre ang hangin. Wala ka naman sigurong sakit sa puso? Don’t faint in front of me.” Ngumuso ako. He smirked and rolled his eyes at me. Umirap ako at pinihit ang katawan paharap sa ilog. My heart skipped a beat. Kahit nakairap ito at puno ng pawis ang mukha at katawan ay ang gwapo niya pa rin. Nasamyo ko rin ang kanyang pabango na tiyak akong mamahalin. Nakakaasar ang ganitong klase ng tao. Wala akong makitang pangit sa panlabas niyang anyo. Nagmartsa ako palapit sa pinto at kinuha ang paper bag. I faced him. “Quits na tayo ha. Binalik ko na ang T-shirt mo. Malinis na yan. Nilabhan at pinlantsa ko pa.” Inabot ko iyon sa kanya. He sighed and stood straightly. Kinuha niya sa kamay ko ang paper bag at sandaling sinilip ang loob. “Okay.” “Thank you ulit. Mauuna na ako.” Ani ko at tumalikod sa kanya pero mabilis nitong hinigit ang aking palapulsuhan kaya napatigil ako sa paglalakad. Kunot-noong bumaling ako sa kanya. Agad na nagtama ang aming tingin. “Stay.” He said in a low voice. “Stay for a while.” “Hindi maaari. Kailangan ko nang umuwi at ayaw kong abutan ng dilim sa gubat.” “Ihahatid kita hanggang doon sa bukana ng parang.” “Bakit? Ano pa ba ang gagawin ko dito?” “I prepared something. Pwede mo ba akong mahintay? Maliligo lang ako at magpapalit ng damit. Mabilis na mabilis lang talaga. Umupo ka muna dito sa lounge chair.” Mabilis na bigkas nito. Hindi ko mawari kung kabado ba ito at natataranta. Ang tanong, anong dahilan? Bakit? Hindi ako sumagot kaya nagsalita ulit ito. “Mas mainam pa siguro kung sa loob mo na ako hintayin. Baka may makakita sa’yo dito sa labas.” Hindi na ako nito hinintay pang makasagot. Basta niya lang akong hinila patungong pinto. Pinihit niya lang iyon at bumukas agad. I pulled my arm, but his grip was tight. “Maya, wala akong masamang intensiyon, okay? Kung ano man yang nasa isip mo, burahin mo.” “Wala akong iniisip na masama. Iniisip ko lang kung saan ka magsha-shower? Sa malaking bahay ba?” Palusot ko. He chuckled and then pointed a certain door at the far left. “That’s my cute bathroom right there. Pwede akong mag-shower diyan.” Inirapan ko lamang ito at mas piniling pagmasdan ang interior ng cottage. May isang sofa lamang akong nakikita sa munting sala nito. May nakasandal na gitara sa tabi. Isang stand fan naman sa sulok. Isang may kalakihang divider na may TV sa gitna at dalawang speakers sa magkabilaan. May mga malalaking figurines na nakadisplay sa taas. Sa likod ng divider naman ay ang nagsisilbing tulugan ng lalake. May kama doon na nakadikit sa gilid ng bintana. Sa kaliwang side ng cottage ay nakapwesto ang dining table na good for two lang. Then ang sink at kitchen counter. Sa likod ng kitchen ay ang bathroom nito. Nilingon ko ang lalake para sana magtanong pero napako ang tingin ko sa mga kamay nitong unti-unting tinatanggal ang mga butones ng kanyang polo. Kumurap ako at binawi ang tingin. “Do you like what you’re seeing?” Naestatwa ako sa tanong niya. “Ang alin?” He raised his head, brows furrowed. “The cottage. Nagugustuhan mo ba ang ayos ng bahay?” Pinilig ko ang aking ulo. Akala ko ang tinatanong niya ay kung nagugustuhan ko ba ang presensiya niya. Jusko, Mira. Ano bang nangyayari sa’yo? “Maganda.” Kaswal na pagkakasagot ko at piniling umupo sa kanyang sofa. “Hmm…” Nawala ito sa paningin ko dahil tumayo ito sa likod ng divider. I heard him opening a drawer. Kung saang drawer iyon ay hindi ko mapagtanto. Mayamaya lang ay sumilip ito. His chest was totally bare. May nakasakbit nang tuwalya sa kanyang balikat. “Mabilis lang ako. Wag kang umalis, Maya.” I gave him a deadpan expression. Don’t blush! Don’t blush! “Pareho naman siguro tayo ng pagkakaintindi ng ‘mabilis’ noh? Oorasan kita. Ten minutes.” Striktang sabi ko.  Umarko ang kilay nito ngunit kumagat-labi lang din. “Mukhang magiging ‘under’ ako sa’yo.” Bulong nito. “Ano?”  “Wala.” Tugon nito at agad na tumalikod. At aba, wala pang sampung minuto ay lumabas na ito sa bathroom at nakabihis na ng pambahay. Simpleng white shirt at summer shorts lang ang kanyang suot. Tumayo ako at nilingon ang labas. “Malapit nang dumilim, Romano. Kailangan ko nang umuwi at baka hinahanap na ako sa amin.” “Maaga pa. Alas singko pa lang.” Kinuskos nito ang buhok gamit ang tuwalyang hawak. Pagkatapos ay sinampay niya iyon sa upuan. May kinuha itong mga food box sa loob ng kanyang mini refrigerator at pinasok sa basket na nakapatong sa kitchen counter. Sa gulat ko ay inabot nito ang aking palad at hinila ako palabas sa kanyang munting bahay. Para akong nakuryente sa simpleng dampi ng kanyang balat sa akin. “Saan tayo?” “Dun.” “Saang dun.” “Basta.” Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay. Kumagat-labi na lamang ako at nagkunwaring normal lang ang t***k ng aking puso. We walked towards the riverbank. Akala ko ay doon na pero binaybay pa namin iyon hanggang sa pansin ko ang parteng medyo elevated na yung lupa. Alam kong napalayo na kami mula sa cottage nito. Para kaming umaakyat sa isang burol. Tumigil kami nang makarating sa tuktok ng burol na may tanging isang puno lamang ang naroon. “This is my favorite spot.” Wika nito kasabay ng pagbitaw ng aking kamay. “Mas maliwanag sa parteng ito at nag-iisa lang din ang puno dito.” Pagkatapos ay yumuko ito at tinanaw ang baba. “Look. The river looks perfect from up here.” Out of curiosity ay tumabi ako sa kanya. Akma na akong yuyuko but Romano held my waist, sa gulat ko. “Just to be sure you’re not going to fall.” He calmly explained. He was right. Medyo takot pa naman ako sa heights. Wala sa loob na humawak din ako sa kanyang likod at yumuko.  Namangha din ako. Siyang tunay naman talaga. Parang nasa cliff kami pero hindi naman siya ganun kataas na mahihintulad sa isang cliff talaga. Niligid ko ang aking paningin. Agad akong nasilaw nang tumama sa akin ang sinag ng araw. “Let’s wait for the sunset.” “Huh? Tanaw mula rito?” He nodded. May kinuha itong blanket sa loob ng basket at nilatag sa tabi ng nag-iisang puno. Pagkatapos ay nilabas nito ang mga food box. Nakatingin lang ako sa kanya. Pinaghandaan niya ito? Ito ba yung Romanong nakilala ko kahapon? Parang ibang tao ata ang kaharap ko. He sat on the blanket and leaned against the tree. He then looked up to me, tapping the space opposite to his. “Sit here, Maya.” “Sino ka? Kakambal ka ba ni Romano?” I playfully asked. He snorted. “Umupo ka na. Dami pang tanong. I made some sandwiches this morning. Naisip kong i-share sa’yo.” “Ang sweet. Salamat at naisipan mong i-share. Close na tayo niyan?” I teased. “I’m not even starting yet, baby.” He teased back, grinning mischievously. Hmmp. Ako lang ang pwedeng mang-asar at manukso sa aming dalawa!  “Saan ka pala galing kanina?” “I attended a family event.” He casually said. Family event? Hindi naman siguro ang kasal sa Laguna ang tinutukoy niya? No, hindi siguro. Dahil ang alam ko, mamayang gabi pa iyon at sa mamahaling hotel iyon gaganapin. “Okay lang sa’yo kung malamig ang sandwich? I forgot to reheat them.” “Okay lang.” “s**t. I forgot our drinks.” He hastily stood up. “Kukunin ko lang. Stay here, okay? Don’t leave yet.” “Wala akong sinasabi na aalis ako, Romano. At kahit umalis ako ay tiyak akong mawawala ako. Di ko alam ang daan pabalik. Tsaka sayang naman ‘tong pagkain kung di ko kakainin.” “Hindi pagkain ang masasayang, kundi ang effort ko sa paghanda niyan.” Tumawa ako. “Effort na tawag mo dito? Tsaka sinong nag-utos sa’yo na mag-effort ka ng ganito? Definitely not me.” “Ako. Ginusto ko. This is our first date, Maya. And I want this to be memorable.” Supladong sambit nito. Nanlaki ang mga mata ko. Hala siya. Ang straightforward naman ng lalakeng ‘to. “First date?” He rolled his eyes. “The word ‘date’ does not only mean romantic engagement. We can always date as friends, can’t we?” Nagtakip ako ng aking bibig dahil gusto kong bumunghalit ng tawa. “Tara, Baguio tayo. As a friend.” “Huh?” I giggled. “Wala. Okay, fine. First date natin ‘to as friends. Di ako na-inform na friend na pala status ko sa’yo. Kahapon, I was Miss Trespasser. Today, I’m your new friend and we’re dating. Ang saya! Ang bilis ng glow-up ko.” Bumungisngis ako. “Sige na, kunin mo na yung inumin natin, friend. Bumalik ka kaagad ha.” “Babalikan talaga kita.” Seryosong sagot nito. I looked away. I had no words to reply on that. Puno ng determinasyon kasi ang ekspresyon ng mukha nito. Ang sunod kong narinig ay ang mga yabag niyang papalayo. Nang mapag-isa ay nilabas ko lahat ang nasa loob ng basket na iyon. Inayos ko ang mga food box, tissue, dalawang pirasong mansanas, isang maliit na kutsilyo at plastic cutleries na hindi ko alam para saan. Nang maayos ang lahat ay saka ako nakaramdam ng kaba at takot. Mga kuliglig at huni ng ibon lamang ang maririnig. I hugged my knees to my chest at tumanaw sa malayo. Hindi ako palakaibigan na tao. Hindi rin ako mabilis na nagtitiwala. But there was something special about him na kahit kumakalabog ang dibdib ko tuwing nasa malapit ito ay alam kung ligtas ako sa kanya. Friends. Napangiti ako. Why not. For the record, he’s my first boy friend and apparently, he’s also my first date. Nakakatuwa lang. Mayamaya lang ay rinig ko na agad ang mga  nagmamadali nitong yabag. Tumakbo tiyak ito kaya mabalis lang nakabalik. “I’m back.” Hingal na sabi nito. “Thank God.” I replied, looking at him over my shoulder. Nilapag niya ang aming inumin sa tabi. “Let’s eat.” Tumango ako. Tinaggap ko ang inabot niyang food box. “That’s chicken sandwich.” “Salamat dito. Hapunan ko na ito.” “Ako rin.” “Sana hindi tayo makita ng mga tauhan mo noh.” “They won’t. I told them not to come here.” “Talaga? Hindi sila nagtataka?” “Bakit naman sila magtataka? Nakakapagtaka bang sabihin na ayaw kong nadidistorbo ako?” May pagkasuplado nga talaga ang lalakeng ‘to. “Sa cottage ka ba nagpapalipas ng gabi?” I took a bite from the sandwich. Gusto kong mapapikit sa sarap! Tamang-tama lang ang pagkakatimpla niya. Hindi maalat at hindi rin ganun kadami ang nilagay niyang red onions. Si Krizette kasi kapag gumagawa ng chicken sandwich spread, halos isang kilong red onions ang nilalagay at sandamukal na paminta. Parang ayaw magpakain. “Madalas sa cottage. Kapag maulan, dun ako sa main house. Lumalambot kasi ang lupa at tumataas ang tubig sa ilog. Pero bihira lang naman yun daihil tuwing bakasyon lang ako nandito at madalas, hindi umuulan kapag nandito ako.” Romano was staring at my mouth. Naasiwa ako. Baka may mayonnaise sa bibig ko. Kumuha ako ng tissue at nagpahid sa gilid ng aking labi. Nanatili pa rin doon ang titig ng lalake. Pinagtaasan ko ito ng kilay. “What?” “You like it?” I nodded. “Masarap.” He grinned. “I’m glad.” Ilang sandali kaming tumahimik at pinagpatuloy lamang ang pagkain. I grabbed a can of coke, but Romano was too fast to snatch it from my hold. He opened it with grace and handed it back to me. “Salamat.” Simpleng tango lang ang sinagot nito at binaling sa ibang direksiyon ang tingin. Bakit tila nahihiya ito? Ang hirap basahin ng ugali ng lalake. Sometimes he’s kind, then suddenly he’d become cold. He’s acting like a gentleman then he’d be back to his noncommittal self once again. Ang gulo. He was fast to finish his sandwich at ang mansanas naman ang pinagdiskitahan nito. He removed the peel and cut it into four pieces. Nilagay niya iyon sa tissue at nilapit sa akin. Ang isang mansanas naman na para sa kanya ay diretso niyang kinagat. Sumandig ulit ito sa puno. “How did you know that I like my apple without peel?” “I just guessed. Besides, the best way to eat apples before eating is by removing its peel. For me, I enjoy my apple this way.” Nagkibit-balikat ako bilang tugon. I prayed he didn’t notice me blushing. Hindi ba siya aware kung gaano ka-sweet ang gesture niyang iyon? Sa tanang buhay ko, siya pa lang ang kauna-unahang tao na ipinagbalat ako ng prutas. Mababaw man siguro sa iba pero big deal iyon sa akin. He’s a stranger but he somehow showed he cared for me. Tapos na kaming kumain. Nailigpit na rin namin ang ibang gamit at pinasok sa basket. Kanina pa lumubog ang araw at unti-unti nang dumilim ang paligid. Pero imbes na matakot, mas gusto ko pang magtagal dito at maka-usap ang lalake. Ngunit mabigat man sa kalooban ko, kailangan ko na talagang umuwi. Baka nga hindi na kami magkikita pa ni Romano. Luluwas na ako sa Maynila bukas at baka sa pagbalik ko ay wala na ito dito. “Kailangan ko nang magpaalam sa’yo, Romano.” Wika ko sabay tayo. Pinagpag ko ang dumi at damo na dumikit sa aking damit. “Madilim na at tiyak akong hinahanap na ako sa amin.” He stood up as well. He casually inserted his hands into the front pockets of his summer shorts. “Ihahatid kita.” “Salamat.” “Maya.” I looked up to him. “Hmm?” “Thank you.” “Para saan?” “For being my first date.” “Ano ka ba para yun lang. Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo. Sa treat mo at sa hindi mo pagsumbong sa ginawa ko kahapon.” Yumuko ito at may kinuhang kung ano sa loob ng basket. When I realized he picked up a knife, I got panicked a little. Anong gagawin niya sa kutsilyo? Inabot niya iyon sa akin. Puno ng pagtatakang tinignan ko ang lalake. “Aanhin ko yan?” “Carve something into the tree to commemorate this date.” Tumawa ako. “May ganun?” “Do it. May palagay akong hindi na tayo magkikita pa. I’ll be leaving tomorrow.” My heart sank. Me, too. “Sige na nga.” I took the knife from him at lumapit ako sa puno. Bumulong ako at humingi ng pasensiya sa puno. I started carving into the layer of the tree. I grinned when I finally finished. Romano, my first date! Thank u-Maya “Your turn.” Nilingon ko ito. His gaze planted on my carving. Hinaplos niya iyon na may ngiti sa mga labi. Kinuha nito ang kutsilyo at binalik sa loob ng basket. “Pag-iisipan ko muna kung ano ang isusulat ko.” “Ang daya.” Maktol ko. Tumawa ito sa aking ginawi. Hinarap niya ako at kahit medyo madilim na ang paligid, ramdam ko ang kanyang paninitig sa akin. My heart hammered against my chest. There was something in the way he looked at me. “I’m your first date, huh.” He chuckled once again. I frowned. “Anong nakakatawa?” His expression became serious as our gazes locked. “I find it amusing that my heart is beating crazily fast when I look at you. You may not be the first girl I dated, but I’m sure as hell you’re the first one who make me feel like this. And just to let you know, I will choose our date over fancy ones in a heartbeat.” I was rendered speechless. Romano gently grabbed my hand as we quietly left our dating spot. When it was time to say goodbye, I thought I had left my heart with him. Magkikita pa kaya kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD