Ilang minuto na ang lumipas buhat nang umarangkada ang sasakyan ngunit kahit isa sa amin ay walang may gustong magsalita. Hindi ko sinagot si Romano sa tanong niya kanina. Because I didn’t know how to answer him, I pushed him instead. I got out of the car as fast as I could.
Hustong may lumabas na katulong mula sa mansiyon at dali-dali kong nilapitan iyon. I made an excuse if I could have a glass of water. Sinabi kong si Romano ay nasa loob ng sasakyan at hindi ko alam kung ano ang ginagawa pero malamang sa malamang ay sa akin tiyak iyon nakatingin.
Papasok na sana ako sa mansiyon nang siya namang paglabas ni Papa mula sa loob. Magalang akong nagpasalamat sa katulong at sinabi kong may tubig nga pala akong baon, which is true.
I rounded the car at binuksan ang passenger seat. Hindi ako uupo sa backseat na katabi si Romano. Hindi ko pa napapakalma ang aking dibdib at tingin ko’y hindi ito kakalma sa buong durasyon ng biyahe.
“May balak ka bang sumunod sa isla, Romano?” Basag ni Papa sa katahimikan.
“Baka po sa susunod na linggo.” He replied.
“Sa isla ba mag-se-celebrate ng kanyang kaarawan si Alejandro?”
“Tiyak po yun, manong Norman. My brother loves the island so much. Kahit bihira lang umuwi ng Pinas si kuya, he always makes sure na doon siya sa isla magbi-birthday.”
“Naikwento nga sa akin ng Mama mo. Buti at pinagayan ka ni Senyor Arturo na magpaiwan sa Maynila. May naiwan ka bang gawain sa Batangas?”
Nilingon ko si Papa. Binanggit nito ang pangalang ‘Arturo’. Yun ba yung Arturong tinutukoy ni Mama? Ang Arturong iyon ay ama ni Romano? Kilala ba ni Mama ang pamilya Salvatore? Imposible. Baka ibang tao ang tinutukoy nito.
Tinitigan ko si Papa na sa kalsada nakatuon ang atensiyon. Sumikdo ang dibdib ko sa mga agam-agam na pumasok sa aking isipan. Gwapo ang Papa ko. Kahit lumaki ito sa hirap, hindi yon naging kabawasan sa kakisigan nitong taglay. Kahit sa edad nito ngayon, kahit sumisilip na ang iilang puting buhok, matikas pa rin tignan ito. Hindi mataba at hindi rin payat ang Papa ko. Mukha nga lang itong nasa late thirties, e.
Pero ang pagduduhan ito ni Mama na may ibang babae at sa lahat ng babae ay si Senyora Leonora pa talaga, hindi iyon kapani-paniwala. Hindi ba alam ni Mama na magkababata si Papa at si Senyora base na rin sa kwento ni Tiya Leonora?
Hindi papatol si Papa sa kanyang amo at higit sa lahat sa babaeng may asawa na. Gusto kong magalit kay Mama sa pag-iisip ng ganun kay Papa. Clearly, she really didn’t know my father at all. Kumurap ako nang magsalita si Romano.
“Okay lang po yun kay Papa Arturo. Hinahayaan niya ako magdesisyon sa mga gusto ko ever since I could remember.” Sinabayan niya iyon ng bahaw na tawa.
I wanted to turn my head to him. I did not know why but I sensed heaviness in his tone. It was as if he remembered something that was upsetting.
I tilted my head and his eyes instantly locked on mine. His lips were stretched in a smile.
“At isa pa, hindi ako nagsisisi na nagpaiwan ako, manong. As a matter of fact, I’ve never been as happy as I am now, because I finally followed my heart’s desire. Ang saya ko.” Bakas na ng galak ang boses nito pero ang mga mata ay nanatili sa akin. My father was eyeing him from the rearview mirror. Gusto ko mang bawiin ang aking tingin sa kanya ay hindi ko magawa. The way he’s smiling at me right now somehow melted my heart. I got worried for a second thinking that he was feeling hurt somewhere. Hindi naman pala.
“At ano ang nais ng iyong puso, hijo?” Tanong ni Papa.
“Ang umuwi ng Batangas, Manong. Plano ko talagang umuwi ng Batangas kapag natapos ko na ilang summer activities ko sa school.”
“Ano bang meron sa Batangas, hijo? Kung ganda lang din ng kalikasan ay tiyak akong mas maganda ang isla ninyo.”
Romano bit his lower lip and grinned like a crazy lunatic. Pinaningkitan ko ito ng mata. May nakakatawa ba?
“Trust me, Manong. Mas maganda ang natatanaw ko ngayon.” He winked at me.
I slightly gasped and immediately turned my head back to the front. He wasn’t referring to me, was he? I felt the heat crawl into my cheeks.
My father chuckled. “Sabagay. Maganda rin naman ang villa n’yo.”
I almost sigh in relief. Kinabahan ako na baka nakita ni Papa ang pagkindat ni Romano sa akin. Kukutusan ko talaga ang lalakeng ‘to kung may pagkakataon.
“Hijo, kung nagugutom ka ay magsabi ka lang. Pwede naman tayong tumigil muna.”
I amost snorted. Ako, Pa, hindi mo tatanungin?
“Okay lang po Manong Norman. Hindi po ako nagugutom. Pero kung gusto nyong kumain ni Maya ay kakain din ako.” I heard him reply.
“Ayoko. I mean, hindi ako nagugutom, Pa. Isang oras lang naman siguro ang itatakbo natin at makakarating na tayo sa Batangas. At isa pa, tiyak akong may ginagagayak nang merienda si Tiya Lorna.”
“Pero si Lorna ay mamayang gabi pa ang balik sa bahay, Mi—anak.” My father cleared his throat. In my peripheral view, I saw how he contorted his face. I knew that expression of his. He’s not comfortable with the fact that he’s lying to Romano.
Nakonsensiya ako. Sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Papa and I murmured ‘sorry’ to him. He just clicked his tongue as a reply.
Nakalimutan kong nag-ninang nga pala yun sa kasal ng kanyang inaanak sa Taysan at ang sagot nito kanina sa akin ay mamayang gabi pa sila makakauwi ng kanyang mga kagrupo sa Yoga.
“Dala ko naman ang susi, Pa.” Ani ko.
“Pero kahit na. Hindi ako magtatagal sa Lobo dahil kailangan kong tumungo agad sa Lipa. May iniutos ang Senyora sa akin at hinihintay na tiyak ng manager ang dokumentong pinapaabot sa akin.”
“Si Papa parang ewan. Sanay naman kaya akong mag-isa sa bahay. Tsaka nga uuwi ka rin naman agad mula sa Lipa, Pa. Uuwi din si tiya Lorna mamayang gabi.”
My father sighed in resignation. “Wag kang lalabas ng bahay, ha. Alam mo naman ang panahon ngayon. May bagong modus ang mga manloloko at criminal. Kumakatok sila sa gabi at pagbukas mo ng pinto ay magkukunwaring may itatanong. Yun pala ay may balak nang masama. Uso yan ngayon sa Maynila at sa ibang kapalit na probinsiya.”
Tumawa ako. “Papa naman. Malaki na ako. Kaya kong protektahan at alagaan ang sarili ko. Tsaka alam ko kapag ikaw o si Tiya Lorna ang kumakatok. Sa labas pa lang ay sinisigaw n’yo na pangalan ko.”
Tumikhim si Romano. Nagulat ako sa pagtapik niya sa balikat ko. “Pwede ka namang tumambay muna sa villa, Maya. Manong Norman, okay lang po ba kung ayain kong mamasyal si Maya sa may ilog? Sunduin n’yo na lang po siya sa bahay kapag nakabalik na kayo galing Lipa.”
Saglit na natigilan si Papa. He titled his head to look at me. His questioning eyes met mine. He then transferred his gaze to the person at the back. It was just a matter of second before he turned his face to the road.
“Mabait ang anak ko, Romano. Mahinhin at mahiyain na bata. Pero madalas talaga ay topakin. Okay lang ba talaga sa’yo? Baka pagsisihan mo ang inaaalok mong yan.” Tumawa si Papa.
Ako naman ay bumusangot ang mukha. “Papa naman!” Napapadyak ako sa aking paa. Kumalat ang pamumula sa aking pisngi lalo na’t sinabayan ni Romano ang tawa ng aking ama. Ang bu-bully ng mga ‘to!
“Mukhang gusto ng anak n’yong tumambay sa ilog na sakop ng lupain ng Alcantara, Manong. Tandang tanda ko pa kung paano namilog ang kanyang mga mata nang matunghayan iyon. Parang gusto niya agad tumalon, e.” Seryosong kwento nito. Aba at humabi pa talaga ng storya!
Umarko ang kilay ni Papa. “Wari nakarating ka sa bahaging iyon, anak? Akala ko’y hanggang sa gubat ka lang.”
I momentarily glared at Romano before I looked at my father whose eyebrows were smashing together at the moment. “Kasi nga Papa hinabol ko yung aso di ba? Di ko namalayang nakarating ako sa lupain nila. E, nasulyapan ko yung ilog kaya yun…” Ngumuso ako at umayos ulit ng upo. Sorry for lying, Papa. But I’d rather lie than to tell you the real truth. Baka pag malaman mo ang totoo, masaktan mo ako sa unang pagkakataon.
“Aba’y trespassing ka na sa lagay na yun, anak.”
I faked a shock. “OMG! Talaga, Papa? Di ko naman kasi alam.”
“She even lied to me saying she’s from Batangas. Taga-Manila naman pala.” Romano chimed in.
“Ang pangit mong ka-bonding Romano.” I snarled at him, and he only laughed. Inabot nito ang aking ulo at ginulo ang buhok. I slapped his hand right away.
“Let’s bond more together. I’ll prove you wrong.”
“Pangit mong kausap. Ayoko sa’yo.” I contorted my face and crossed my arms over my chest.
My father clicked his tongue, and I knew it was a warning.
“Pagpasensiyahan mo na ‘tong anak ko, Romano. Hindi niya sinasadyang manghimasok sa lupain n’yo. Hindi lang talaga niya alam. Matapat ‘tong anak ko. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Wala siyang intensiyong masama.”
Hearing him say that made me feel so small. The guilt I was feeling was eating me slowly.
“Walang kaso po yun, Manong. I was more than glad she crossed the border.” Makahulugan nitong sambit. “The offer still stands po. She really can stay in the villa habang wala po kayo. She’ll be safe with me. I will protect her. You have my word, Manong.”
Nilingon ko ang lalake at pinagtaasan ng kilay. Seryoso ang kanyang mukha at walang bakas na panunuya sa kanyang boses.
“Sure ka na diyan?” Panunuya ko pa.
Romano, in my utter shock, touched my left ear. I thought he was going to tug it, but he just caressed with tenderness using his thumb and forefinger. Buti na lang wala akong kiliti sa bahaging iyon ng katawan. Gayunpaman, gumapang ang kilabot sa aking buong katawan. Walang kalakas-lakas na tinampal ang kanyang kamay.
“Pagdating sa’yo, sure na sure.” He answered with conviction. Irap ang ginanti ko sa kanya.
Napagkasunduan naming tatlo na doon na nga lang ako sa villa nila pansamantala. Sabagay, ilang oras lang naman ang ilalagi ko doon dahil kung hindi makakauwi agad si Papa, andiyan naman ang tiya Lorna na makakasama ko mamayang gabi. At isa pa, wala naman daw ang mga magulang nito kaya tingin ko’y hindi ako maaasiwa doon.
Binuksan ni Papa ang built-in stereo ng sasakyan. Agad na bumungad ang isang lumang awitin. Nagkatinginan kami ni Papa na may ngiti sa mga labi.
“Ang timing ng pagkakabukas mo, Pa.”
“Kaya nga, e.”
Pumailanlang ang awitin ni Frank Sinatra na ang pamagat ay ‘Moon River’. Kapag nagpi-play ang kantang yan kahit saan, hindi maaaring hindi sabayan ni Papa iyon sa pagkanta. At kahit pa siguro oras-oras kong maririnig ang kantang ‘to ay hindi ako magsasawa lalo na kung si Papa mismo ang kakanta.
My father was gifted with golden voice. He’s a very good and passionate singer. Sabi pa nga ni Tiya Lorna, kung hindi lang talaga mahiyain si Papa ay isa na siguro itong sikat na crooner sa buong Pilipinas. Marami-rami din kasi ang gusto siyang pasalihin sa mga patimpalak sa telebisyon pero si Papa mismo ang umaayaw. Palibhasa ay hindi ito ambisyoso at materialistic na tao at kontento lamang sa kung ano ang meron ito.
Romano clapped his hands once the song ended. “You deserve a standing ovation, Manong. Ang swabe ng boses n’yo!” Manghang sambit nito.
I rolled back my shoulders to straighten my back. I tipped my chin up with a proud smirk on my lips. “Papa ko yan.”
“Naku. Wala na ngang praktis, hijo.”
“You have a gift po. Ikaw Maya? Marunong ka rin bang kumanta?”
Tumawa si Papa sa tanong ni Romano. “Sa kasamaang-palad, namana niya ang pagkasintunado ng kanyang ina, hijo.”
“Okay lang sintunado, maganda naman.” I said jokingly while flipping my hair.
Both men laughed at my defensive tone. “Aba’y siyang tunay.” Si Papa.
“You’re perfect just the way you are, Maya.” Ani naman ng lalake sa aking likod. Seryoso, hindi ba niya nakuhang nagbibiro lang ako? Bakit napaka-seryoso lagi ng mga sagot nito?
“Paborito n’yo ang awitin na yan, Manong? Paborito rin kasi yan ni Mama.” Halos sabay namin siyang sinulyapan ngunit hindi nakaligtas sa akin ang paglawak ng ngiti ni Papa sa narinig.
“Wari ba? Siguro dahil sikat na sikat ang kantang ito noong kapanahunan namin.” He said. “Nabanggit ng Mama mo na mahusay ka rin daw kumanta, Romano? Pwede ba naming pakinggan ang iyong boses?”
“Hay naku, Papa. Wag n’yo nang pilitin yan. Kita mo ang mga ulap?” Turo ko sa bintana. “Makulimlim pa lang pero kapag pinagbigyan ka niyan, tiyak akong agad-agad bubuhos ang ulan.”
“Ikaw na bata ka talaga.” Mahinang kastigo ni Papa.
Winasiwas ni Romano ang mga kamay sa ere at nahihiyang ngumiti kay Papa. “My mother tends to exaggerate sometimes. I could probably hit a note or two but I’m really not as good as you, Manong. Ang galing n’yo. Gustong gusto ko ang timbre ng inyong boses.”
“Salamat sa papuri, hijo.” Nahihiyang ngumiti si Papa sa lalake. “Sana isa sa mga araw na ito ay marinig kitang umawit.”
“Nahihiya po ako. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob, Manong.” Halakhak ng lalake. “Sana marinig ko rin si Maya na kumanta.”
Mas lalong lumakas ang tawa ni Papa. “Hijo, winawarningan na kita, dudugo panigurado ang tainga mo.”
“Grabe ka sa akin, Pa.” Ngumungusong sambit ko. Umirap ako at binaling ang tingin sa bintana. Hindi na ako sasabat sa usapan nila. Magkukunwari na lang akong bumabiyahe akong mag-isa. Nakakasama ng loob ang halakhakan ng dalawa. Kasalanan ko kung sintunado ako? Bakit, ako lang ba ang nag-iisang sintunado sa buong mundo? I’m tone deaf and I’m proud of it, duh!
**********
Tumingala ako at niligid ang tingin sa buong kabahayan. Mas maliit ang bahay na ito kumpara doon sa mansiyon nila sa The Forbes pero halos magkasing ganda ang dalawa. Pero kung ako ang papipiliin ay mas nanaisin kong tumira dito dahil sa magandang tanawing nakapaligid sa bahay. I’m a nature lover at madalas ay ang kalikasan ang subject ko whenever I feel like sketching.
Ang alam ko’y pag-aari ng Alcantara ang halos kalahati ng Lobo, Batangas. Ang lahat ng mga tanim, palayan, kabundukan at kagubatan na nadaanan namin ay sakop pa nila. Hindi ko akalain na ganito karangya at kayaman ang pamilya Alcantara. Pero ayon na rin sa rinig ko mula kay Tiya, kung mayaman ang Alcantara, mas doble ang yaman ng Salvatore.
“Pagkatapos nating mag-merienda ay tutungo na tayo sa likod.” Pukaw ni Romano sa diwa ko.
“Likod?”
“Nasa likod ang cottage ko.” Umupo ito sa sofa at tinapik ang espasyo sa tabi nito. “Sit here, Maya. Tiyak akong nangawit ka sa biyahe.”
“Sus. Para mahigit isang oras lang na biyahe nangawit ka na? Tsaka sanay ako. Mas matagal pa nga ang inuupo ko kapag sakay ako ng bus, e. At isa pa, mas gusto kong tumayo.”
“Ang leeg mo ang tinutukoy ko. Panay kasi ang tingala at ikot mo. Ako ang nangangawit sa’yo. Kung intersado kang ikutin ang buong kabahayan, e-ha-house tour kita. Pero sa ngayon, mag merienda na muna tayo para mapuntahan na natin ang likod. Masarap ang maligo ngayon sa ilog. Hindi mainit ang panahon kaya tiyak akong mas malamig ang tubig.”
“Sinong may sabi sa’yong maliligo ako sa ilog?”
Kumunot nag noo nitong nakatingala sa akin. Pagkatapos ay ininguso nito ang maleta na nakatayo sa tabi ng upuan. “Sa laki ng maleta mo, hindi ako maniniwalang wala kang baon na damit.”
Umupo ako sa single chair na katapat ng sofa kung saan ito nakaupo. Inabot ko ang platitong may malaking hiwa ng chocolate cake mula sa center table. “May baon akong damit pero hindi ako interesadong maligo.” Sinuswerte siya! Hinding-hindi ako maliligo sa ilog na kasama siya!
“Say those words again once we’re there.” There was a playful smirk on his lips.
“Talaga.”
“Hmm…we’ll see. Pero kung ayaw mo talagang maligo, I have Plan B.” His eyebrows moved up and down.
Binaba ko ang platito. Tumayo ako at namewang sa kanyang harapan. “Oh, so the man has something up his sleeve, I see. Humor me, genius.”
“How about a picnic at the top of the hill?”
I snorted. “Sus. Nagawa na natin yun. Akala ko naman kung ano—Oh, yes! Sige, sige!” Maalala kong dala ko pala ang aking sketchbook at gustong gusto kong iguhit ang tanawin mula sa tuktok ng burol nay un. Agad kong kinuha ang aking backpack na nasa ibabaw ng aking luggage. Kinuha ko doon ang aking sketchbook at pencil case.
Lumapit si Romano na may pagtataka. “Ano yan? Sketchbook? Oh, you like to draw?”
“Just a hobby of mine. Tara na!” I pulled his shirt.
“Babe, stop making me fall deeper in love with you.”
“Ewan ko sa’yo! Tara na kasi!” Hinila ko ulit ito at pilit binaliwala ang binitawan nitong salita. He’s playing with me. I’m so sure of it.
He simply laughed at my excitement. Tinanggal nito ang aking kamay sa pagkakapit sa kanyang T-shirt. Ginagap niya iyon at pinaloob sa kanyang palad. Pinagsalikop nito ang aming mga daliri.
I tugged my hand, but he just smirked and squeezed it a little bit tighter. I rolled my eyes at him with resignation.
Dumaan kami sa kanyang cottage at kinuha ang picnic blanket. Dalawang bote ng tubig ang aking hawak. Siya naman ay dala-dala ang gitara sa kanan at ang blanket sa kabila.
“Bakit kailangan mo yang dalhin, songerist ka ba?” I chuckled, teasing him.
“Songerist? I never heard of that word before.”
Tumawa ako. “Narinig ko lang sa mga kaibigan kong mahilig mag videoke at feeling songerist daw sila.”
He gave me a weird look and just shrugged his shoulders afterwards. I checked the time in my phone. Mag aalas-kwatro na ng hapon. Nasa Lipa na tiyak si Papa sa mga oras na ito. I messaged Tiya Lorna na nandito na ako sa Lobo but she wasn’t replying yet.
“This place is hidden, Maya. Ikaw at ako lang ang nakakaalam sa lugar na ito. Please don’t mention this spot to anyone. Kahit sa Papa mo.” Nilatag ni Romano ang picnic blanket sa tabi ng nag-iisang puno sa burol.
“Hindi ako chismosa.”
“I never said you’re a chismosa. Stop putting words into my mouth, baby.” He chuckled.
“Baby mo mukha mo.” Bumusangot ako. Sumulyap ako sa puno nang may maalala. “Binura mo ba ang carving na ginawa ko?” I stood up and came closer to the tree. “Dugo’t pawis ang pinuhunan ko para lang mai-carve yun tapos buburahin mo lang pala. Sana’y hindi ka na lang nagsabi—”
I stopped talking. My carving was still there. It looked the same two weeks ago. Pero hindi iyon ang dahilan kaya natigilan ako. He did a carving below mine.
The air was caught behind my throat when I read his carving on the tree.
My first crush,
thank you Maya! —Romano
First crush? Sino daw? Ako?
I felt his presence behind me. I could feel his hard chest against my back. He stretched his arm on my side and using his thumb, he traced his carving.
“Welcome back to our dating spot, my crush.” He whispered hoarsely.
I stood frozen and gulped down. I faked a laugh and moved away from the tree. “Puro ka kalokohan, Romano. First crush mo ako? Sinong niloloko mo? Itong hitsura kong ‘to, magkakagusto ka sa mukha kong ‘to?” My heart was thumping crazily against my ribcage. I did not even know why I was so nervous, and everything seemed more awkward than it already was.
Umupo ako sa blanket at hindi ito pinansin. I focused my attention to my sketchbook. Pero hindi ko alam kung makakaguhit ba ako sa lagay na’to gayong pati kamay ko’y nanginginig sa tensiyon.
In my peripheral view, I saw him sit next to me, although may sapat na espasyo sa pagitan namin. Hawak-hawak na nito ang gitara at mukhang tutugtog na ito.
Nagkibit-balikat ako at hinanda ang sarili. Pero alam ko naman na kahit sintunado pa ito ay hindi iyon magiging kabawasan sa kanyang taglay na karisma at kakisigan.
He started strumming the guitar and when he hit the first key, it made my head turn to his direction.
Moon river, wider than a mile
I'm crossing you in style some day
Oh, dream maker, you heart breaker
Wherever you're going, I'm going your way
He glanced at me with a content smile on his face. Umihip ang hanging panghapon at kasabay niyon ang pagsayaw ng kanyang buhok. He looked extremely attractive just sitting there comfortably while cradling the guitar.
Can he stop being so damn perfect? This is not good anymore.
Two drifters, off to see the world
There's such a lot of world to see
We're after the same rainbow's end, waiting, round the bend
My Huckleberry Friend, Moon River, and me
Moon river, wider than a mile
I'm crossing you in style some day
Oh, dream maker, you heart breaker
Wherever you're going, I'm going your way
Two drifters, off to see the world
There's such a lot of world to see
We're after that same rainbow's end, waiting, round the bend
My Huckleberry Friend, Moon River, and me
My mouth hanged open. I was totally floored by his talent. Hindi ko na napansin na nabitawan ko na pala ang sketchbook at ang lapis na hawak ko na gumulong na kung saan. I couldn’t take my eyes off him.
Is it the right time to admit that he’s my first crush, too?